You are on page 1of 4

B.

PAGTUKLAS

Ang Replektibong Sanaysay at ang Lakbay Sanaysay

Ang sanaysay ay anyo ng pagsasalaysay na mas maikli kompara sa


ibang anyo nito tuiad ng maikling kuwento at nobela. Isang likas na katangiang
ikinatatampok ng sanaysay ay ang tahas na paglalaman nito ng pananaw,
pagsusuri, at opinyon ng manunulat sa isang pangyayari o isyu na nakapukaw
ng kanyang interes o damdamin (Baello, Garcia, Valmonte 1997). Hindi naman
ito nangangahulugang ang ibang uri ng pagsasalaysay ay malaya mula sa
opinyon o pagsusuri ng manunulat. Sadya lamang na sa estruktura, anyo, at ikli
ng katawan ng isang tipikal na sanaysay ay mapapansin kaagad ang
itinatampok na mga punto ng opinyon at argumento, lawak ng pananaw, at
metikulosong pagsusuri ng manunulat.

Ang Replektibong Sanaysay

Ang replektibong sanaysay ay pumapaksa sa mga pangkaraniwang isyu,


pangyayari, o karanasan na hindi na nangangailangan pa ng mahabang pag-
aaral. May kalayaan ang pagtalakay sa mga puntong nilalaman nito na
karaniwan ay mula sa karanasan ng manunulat o pangyayaring kanyang
nasaksihan (Baello, Garcia, Valmonte 1997). Kaiba sa pagsulat ng talambuhay
na tumatalakay sa buhay ng isang tao, ang pagsulat ng replektibong sanaysay
ay naglalayong bigyang-katwiran, ipaliwanag, o suriin ang partikular na
salaysay at palutangin ang halaga nito o ang maidudulot nito, depende sa
layon ng manunulat, sa buhay ng tao, at sa lipunan (Arrogante, Golla, Honor-
Ballena 2010). Sa puntong ito, maaari nang sabihin na ang tahas na katangian
ng karaniwang sanaysay ay tinataglay rin ng replektibong uri nito dahil ang
pagsasalaysay ng subhetibong paksa ay dumadaan sa masusing pagsusuri
upang makita ang kahulugan at kahalagahan sa obhetibong pamamaraan.

Taliwas sa sinasabi ng karamihan, hindi madali ang pagsulat ng


replektibong sanaysay o ang mismong replektibong pagsulat. Bilang manunulat
at indibidwal, may mga pagkakataong nais mo na lamang itago sa iyong
kalooban ang ilang mga personal na salaysay at hindi na paabutin ang mga
ito sa iyong panulat (University of Reading). Sa mga ganitong pagkakataon,
kinakailangan ang tibay ng kalooban, maging matalino sa pagpili ng mga
salita, at piliing maging obhetibo sa pagsasalaysay. Sa kabila ng lahat, ang
mga manunulat naman ay narito upang tumulong sa pagpapahusay at
pagpapabuti ng sangkatauhan.

Property and exclusive use of SAINT LOUIS COLLEGE BASIC EDUCATION SCHOOLS. Reproducing, storing, distributing, photocopying,
recording, posting and/or uploading of any part of this document and of any form and any means without the prior official written permission of
SLC-SFLU, is strictly PROHIBITED and is subjected to any forms of consequences.
Mga Bahagi ng Replektibong Sanaysay

1. Panimula

Ang panimula ay sinisimulan sa pagpapakilala o pagpapaliwanag


ng paksa o gawain. Maaaring ipahayag nang tuwiran o di tuwiran ang
pangunahing paksa. Ang mahalaga ay mabigyang-panimula ang
mahalagang bahagi ng buhay na pupukaw sa interes ng mambabasa.

2. Katawan

Katulad ng maikling kuwento, sa bahaging ito ay binibigyang-


halaga ang maigting na damdamin sa pangyayari. Ang katawan ng
replektibong sanaysay ay naglalaman ng malaking bahagi ng salaysay,
obserbasyon, realisasyon, at natutuhan. Ipinaliliwanag din dito kung
anong mga bagay ang nais ng mga manunulat na baguhin sa
karanasan, kapaligiran, o sistema.

3. Kongklusyon

Sa pagtatapos ng isang replektibong sanaysay, dapat mag-iwan


ng isang kakintalan sa mambabasa. Dito na mailalabas ng manunulat
ang punto at kahalagahan ng isinasalaysay niyang pangyayari o isyu at
mga pananaw niya rito.. Dito na rin niya masasabi kung ano ang ambag
ng kanyang naisulat sa pagpapabuti ng katauhan at kaalaman para sa
lahat.

Ang Lakbay Sanaysay

Ayon sa kasabihan, ang paglalakbay ay tulad ng pagbabasa ng aklat.


Kapag hindi ka naglakbay ay nasa iisang pahina ka lamang ng iyong aklat at
hindi umuusad. Kaya naman isa sa magandang gawin ay ang pagtuklas sa
mga lugar na magbibigay ng kapayapaan sa damdamin. At kapag natuklasan
ang lugar ay isa sa magandang paraan upang manatili ang ala-ala, maliban
sa pagkuha ng litrato ay ang isulat ang mga naranasan at mga damdaming
naidulot ng lugar na napuntahan. At ang tawag sa paraang iyon ay ang
lakbay-sanaysay.

Nagtataglay ng mga pahayag tungkol sa karanasan sa paglalakbay ang


lakbay-sanaysay. Isinusulat ito upang ilahad sa mambabasa ang mga nakita at
natuklasan sa paglalakbay gamit ang pandama: paningin, pakiramdam,
panlasa, pang-amoy, at pandinig.

Property and exclusive use of SAINT LOUIS COLLEGE BASIC EDUCATION SCHOOLS. Reproducing, storing, distributing, photocopying,
recording, posting and/or uploading of any part of this document and of any form and any means without the prior official written permission of
SLC-SFLU, is strictly PROHIBITED and is subjected to any forms of consequences.
Kadalasang pumapaksa sa magagandang tanawin, tagpo, at iba pang
mga karanasan sa paglalakbay ang lakbay-sanaysay. Gayundin, maaari din
itong magbigay ng impormasyon ukol sa mga karanasang di kanais-nais o hindi
nagustuhan ng manunulat sa kanyang paglalakbay.

Tungkol nga ba kanino o saan ang lakbay-sanaysay?

Ayon kay Patti Marxsen, sa kanyang artikulong “The art of the travel
essay,” ang isang mapanghikayat na lakbay-sanaysay ay dapat
makapagdulot hindi lamang ng mga impormasyon kundi ng matinding
pagnanais na maglakbay. Maituturing na matagumpay ang isang lakbay-
sanaysay kung ito’y nakapag-iiwan sa mambabasa ng sariwa at malinaw na
alaala ng isang lugar bagama’t hindi pa nila ito napupuntahan.

Ang lakbay-sanaysay ay maaaring pumaksa sa tao o mamamayan ng


lugar. Binibigyang-pansin dito ang gawi, katangian, ugali, o tradisyon ng mga
mamamayan sa isang partikular na komunidad.

Maaari ding maging paksa ng lakbay-sanaysay ang kasaysayan ng lugar


at kakaibang mga makikita rito. Binibigyang-halaga rito ang uri ng arkitektura,
eskultura, kasaysayan, anyo, at iba pa. Sa pagsulat, maaaring gamitin ang
pagtatangi at paghahambing sa mga lugar upang malinang ang wastong
pagtitimbang-timbang ng mga ideya, mula sa maganda o hindi kanais-nais,
kapaki-pakinabang o walang kabuluhan, katanggap-tanggap o hindi
katanggap-tanggap, at kapuri-puri o hindi kapuri-puri.

Higit sa lahat, ito ay tungkol din sa sarili sapagkat ang karanasan ng tao
ang nagbibigay-kulay sa pagsulat ng lakbay-sanaysay. Binibigyang-halaga ang
pagkilos sa lugar na narating, natuklasan sa sarili, at pagbabagong
pangkatauhan na nagawa ng nasabing lugar sa taong nagsasalaysay na
maaari din maranasan ng mga makababasa. Ito’y tila pagsulat ng isang
magandang pangako ng lugar para sa mambabasa.

Narito ang ilang mungkahi sa pagsulat ng lakbay-sanaysay na maaari mong


maging gabay.

1. Bago magtungo sa lugar na balak mong puntahan ay dapat magsa!iksik


o magbasa tungkol sa kasaysayan nito. Pag-aralan ang kanilang kultura,
tradisyon, at relihiyon. Bigyang-pansin din ang sistemang politikal at
ekonomikal ng lugar. Pag-aralan din ang Iengguwahe na ginagamit sa
lugar na iyon.

Property and exclusive use of SAINT LOUIS COLLEGE BASIC EDUCATION SCHOOLS. Reproducing, storing, distributing, photocopying,
recording, posting and/or uploading of any part of this document and of any form and any means without the prior official written permission of
SLC-SFLU, is strictly PROHIBITED and is subjected to any forms of consequences.
2. Buksan ang isip at damdamin sa paglalakbay, lawakan ang naaabot ng
paningin, talasan ang isip, palakasin ang internal at external na pandama
at pang-amoy, sensitibong lasahan ang pagkain.

3. Magdala ng talaan at ilista ang mahahalagang datos na dapat isulat.

4. Kung susulat na ng lakbay-sanaysay, huwag gumamit ng mga kathang-


isip na ideya. Isulat ang katotohanan sapagkat higit na madali itong
bigyang-paliwanag gamit ang mga malikhaing elemento.

5. Gamitin ang unang panauhang punto de bista at isaalang-alang ang


organisasyon ng sanaysay sa pagsulat. Magkaroon ng kritikal na
pananaw sa pagsulat sa pamamagitan ng malinaw at malalim na pag-
unawa sa mga ideyang isusulat.

6. Tiyakin na mapupukaw ang kawilihan ng mambabasa sa susulating


lakbay-sanysay.

Property and exclusive use of SAINT LOUIS COLLEGE BASIC EDUCATION SCHOOLS. Reproducing, storing, distributing, photocopying,
recording, posting and/or uploading of any part of this document and of any form and any means without the prior official written permission of
SLC-SFLU, is strictly PROHIBITED and is subjected to any forms of consequences.

You might also like