You are on page 1of 10

LAKBAY

SANAYSAY
ARALIN 5
LAYUNIN
PAGKATAPOS NG TALAKAYAN INAASAHAN NA ANG MGA MAG-AARAL AY:
•Natutukoy ang kahulugan ng lakbay sanaysay.
•Naibabahagi ang mga mungkahi sa pagsulat ng lakbay sanaysay.
•Nakakasulat ng lakbay sanaysay batay sa sariling karanasan sa pamaraan ng pagsulat
nito.
Pagsasanay
May mga lugar ka na bang napuntahan na noon pa man ay hinangad mo nang marating? Magbigay ng isang natatanging lugar na iyo nang
narating. Ipaliwanag kung ano ang iyong natuklasan sa lugar na ito at paano ito nakaapekto sa iyong sarili?

1. Pangalan ng Lugar: ________________________________________________________________________________


2. Ano-ano ang iyong natuklasan?
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________
__________________________________________
3. Paano ito nakaapekto sa iyong sarili?
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________
__________________________________________
4. Ano-ano ang nakukuha mong aral sa panahon ng iyong paglalakbay
ANO NGA BA ANG LAKBAY SANAYSAY?
Ayon kay Seneca, “ Ang paglalakbay at pagbabago ng kapaligiran ay nagbibigay ng bagong sigla sa isip”.
It’s more fun in the Philippines.
Ito ang islogang isinusulong ng ating bansa, sa pangunguna ng Kagawaran ng Turismo, bilang
pagmamalaki sa ating turismo.
Ano nga ba ang maipagmamalaki ng bansang Pilipinas sa larangan ng turismo?
Kung karanasan sa kagandahan ng magagandang tanawin ang paksa sa lakbay-sanaysay, tiyak na patok na
patok ang binanggit na pahayag. Tunay na mayaman sa kasaysayan at karanasan ang ating bansa hindi
lamang sa taglay na likas na kagandahan kaya dito pa lamang ay marami ka nang maisusulat na paksa para
sa sulatin na lakbay-sanaysay.
LAKBAY SANAYSAY
Nagtataglay ng mga pahayag tungkol sa karanasan sa paglalakbay ang lakbay-
sanaysay. Isinusulat ito upang ilahad sa mambabasa ang mga nakita at
natuklasan sa paglalakbay gamit ang pandama: paningin, pakiramdam, panlasa,
pang-amoy, at pandinig.
Kadalasang pumapaksa sa magagandang tanawin, tagpo, at iba pang mga
karanasan sa paglalakbay ang lakbay-sanaysay.
Gayundin, maaari din itong magbigay ng impormasyon ukol sa mga karanasang
di kanais-nais o hindi nagustuhan ng manunulat sa kanyang paglalakbay.
Tungkol nga ba kanino o saan ang lakbay-sanaysay?

Ayon kay Patti Marxsen, sa kanyang artikulong “The art of the travel essay,” ang isang mapanghikayat na
lakbay-sanaysay ay dapat makapagdulot hindi lamang ng mga impormasyon kundi ng matinding pagnanais
na maglakbay.
Maituturing na matagumpay ang isang lakbay-sanaysay kung ito’y nakapag-iiwan sa mambabasa ng sariwa
at malinaw na alaala ng isang lugar bagama’t hindi pa nila ito napupunta
LAKBAY SANAYSAY
• Binibigyang-pansin dito ang gawi, katangian, ugali, o tradisyon ng mga mamamayan sa isang partikular na
komunidad.
• Maaari ding maging paksa ng lakbay-sanaysay ang kasaysayan ng lugar at kakaibang mga makikita rito.
Binibigyang-halaga rito ang uri ng arkitektura, eskultura, kasaysayan, anyo, at iba pa.
• Sa pagsulat, maaaring gamitin ang pagtatangi at paghahambing sa mga lugar upang malinang ang wastong
pagtitimbang-timbang ng mga ideya, mula sa maganda o hindi kanais-nais, kapaki-pakinabang o walang
kabuluhan, katanggap-tanggap o hindi katanggap-tanggap, at kapuri-puri o hindi kapuri-puri.
• Higit sa lahat, ito ay tungkol din sa sarili sapagkat ang karanasan ng tao ang nagbibigay-kulay sa pagsulat
ng lakbay-sanaysay.
• Binibigyang-halaga ang pagkilos sa lugar na narating, natuklasan sa sarili, at pagbabagong pangkatauhan
na nagawa ng nasabing lugar sa taong nagsasalaysay na maaari din maranasan ng mga makababasa.
• Ito’y tila pagsulat ng isang magandang pangako ng lugar para sa mambabasa.
Mga Mungkahing Gabay sa Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay
Narito ang ilang mungkahi sa pagsulat ng lakbay-sanaysay na maaari mong maging
gabay.

1.Bago magtungo sa lugar na balak mong puntahan ay dapat magsa!iksik o magbasa tungkol sa kasaysayan
nito. Pag-aralan ang kanilang kultura, tradisyon, at relihiyon. Bigyang-pansin din ang sistemang politikal at
ekonomikal ng lugar. Pag-aralan din ang Iengguwahe na ginagamit sa lugar na iyon.
2.Buksan ang isip at damdamin sa paglalakbay, lawakan ang naaabot ng paningin, talasan ang isip, palakasin
ang internal at external na pandama at pang-amoy, sensitibong lasahan ang pagkain.
3.Magdala ng talaan at ilista ang mahahalagang datos na dapat isulat.
4. Kung susulat na ng lakbay-sanaysay, huwag gumamit ng mga kathang-isip na ideya. Isulat ang
katotohanan sapagkat higit na madali itong bigyang-paliwanag gamit ang mga malikhaing elemento.
5.Gamitin ang unang panauhang punto de bista at isaalang-alang ang organisasyon ng sanaysay sa pagsulat.
Magkaroon ng kritikal na pananaw sa pagsulat sa pamamagitan ng malinaw at malalim na pag-unawa sa
mga ideyang isusulat.
6.Tiyakin na mapupukaw ang kawilihan ng mambabasa sa susulating lakbay-sanysay.
Pagsasanay
Sumulat ng isang refleksyon papel patungkol sa inyong karansan sa iyong paglalakbay. Isulat ito sa
buong papel.

Sa pagsulat sundin ang mga gabay


• Pangalan ng lugar
• Kwento at karanasan sa lugar
• Natutunan
• Refleksyon sa sarili
• Aplikasyon sa sarili
Takdang aralin
Gawain 4

Sumulat ng isang sanaysay basi sa inyong mga karanasan sa panahon ng iyong paglalakbay na may
kasamang mga larawan. Isulat parin ito sa inyong drawingbook.

You might also like