You are on page 1of 12

LAKBAY-SANAYSAY

SIMULAIN PARA SA IYO:


• Isalaysay at ilarawan ang naranasan mo sa paglalakbay sa isang lugar.
Ang sanaysay ay isang sulatin na naglalahad ng
mga impormasyon o saloobin ng isang
manunulat.
May dalawang uri nito:
PORMAL DI PORMAL
Mapitagan ang Subhektibong
nilalaman at pagsusulat ng
obhektibong
paglalahad ng mga saloobin o opinyon na
impormasyon na may
hindi nasasangkot pakikipagkaibigan ang
ang damdamin ng tono ng nilalaman
isang manunulat. kung babasahin.
LAKBAY-SANAYSAY
Ang lakbay-sanaysay ay hindi
nalalayo sa tradisyonal na sanaysay.
Mula nga sa katawagan nito na lakbay-
sanaysay ay ang tanging
pinanggagalingan ng mga ideya nito ay
mula sa pinuntahang lugar.
Ayon kay Dinty W. Moore,
ang lakbay-sanaysay ay madali
lamang dahil ang paglalakbay ay
may natural na kuwentong pakurba.
Kapakinabangang Dulot ng Lakbay-
Sanaysay
• Makikilala ang lugar na itinampok sa lakbay-
sanaysay.
• Magkakaroon ng maraming kaalaman ang
mambabasa at ang manunulat ukol sa lugar na
inilalarawa o inilalahad ng sanaysay.
• Napahahalagahan at mapapahalagahan ng mga tao
ang lugar o kulturang mayroon na itinalakay nang sa
gayon ay mapangalagaan ito.
Kapakinabangang Dulot ng Lakbay-
Sanaysay
• Ang lakbay-sanaysay ay magbubukas ng
kaalaman sa mga taong mahilig maglakbay at
magbibigay ito ng daan upang magbukas sa mga
turismo na magdudulot ng magagandang
oportunidad sa parehong naninirahan sa lugar at sa
mga dayuhan.

Kapakinabangang Dulot ng Lakbay-
Sanaysay
• Maaaring maging reperensya ang lakbay-sanaysay
para sa mga taong mahilig maglakbay.

• Nagdadala ng damdaming pagpapahalaga at respeto


sa kalikasang bigay ng Maykapal at mga kulturang o
anumang makikita sa ibang lugar
Mga Hakabangin at Dapat Isaalang-alang sa
Pagsusulat ng Lakbay-sanaysay
•Alamin ang lugar na nais tampukin sa isusulat
na lakbay-sanaysay at magkaroon ng maraming
pananaliksik upang maging gabay sa pagpunta
sa naturang lugar.
•Tandaan na magkaiba ang naglalakbay na
manunulat at ang turista.
Mga Hakabangin at Dapat Isaalang-alang sa
Pagsusulat ng Lakbay-sanaysay
• Upang magkaroon pa ng napakaraming datos ay
pumunta sa napiling lugar.
• Itala ang anumang mahahalagang impormasyon
at mga detalyeng natuklasan at naranasan sa
lugar na pinaglakbayan.
• Maging interesado at panatilihin ang pananabik
sa pagsulat sapagkat maging episyente ang
sulatin.
Mga Hakabangin at Dapat Isaalang-alang sa
Pagsusulat ng Lakbay-sanaysay
•Kung uumpisahan na ang pagsusulat ng lakbay-
sanaysay, gamitin ang bahagi ng teksto na may
una, gitna at wakas.

•Pakaiwasan ang mabababaw na obserbasyon.


Mga Hakabangin at Dapat Isaalang-alang sa
Pagsusulat ng Lakbay-sanaysay
•Isulat ang naramdaman ukol sa naranasan
ngunit iwasan din ang sobrang pangingibabaw
ng damdamin
• Gumamit ng unang panauhang punto de vista
at gawing palakaibigan ang tono ng
pagkakasulat upang magkaroon ng kawilihan
ang mga mambabasa.

You might also like