◦ Mapahalagahan ang gampanin at layunin ng mga lakbay-sanaysay ◦ Makabuo ng isang wasto at orihinal na lakbay- sanaysay na kakikitaan ng angkop na kasangkapan nito Ano ang Lakbay Sanaysay?
Ang lakbay-sanaysay ay hindi nalalayo sa
tradisyunal na sanaysay. Mula nga sa katawagan nito na lakbay-sanaysay, ang tanging pinanggagalingan ng mga ideya nito ay mula sa pinuntahang lugar. Ano ang Lakbay Sanaysay? ◦ Ayon kay Dinty W. Moore, ang lakbay-sanaysay ay madali lamang dahil ang paglalakbay ay may natural na kwentong pakurba. ◦ Ayon rin sakanya ang lakbay-sanaysay ay napakahirap din , sapagkat bilang manunulat kailangang maiintidihang lubos ng isang manunulat ang mga paksa at mga damdamin ukol sa sinulat nang hindi lang ng ilang araw ◦ Kailangang maunawaan din ang pamilyang nag mamahalan o ang mga taong may hindi pag kakaintindihan. Kailangang isulat ang ispirituwal na paglalakbay pagkatapos ang paghahanap at paggalugad. ◦ Ang lakbay-sanaysay ay hindi parang diary Mahalagang Ideya
Ang lakbay-sanaysay ay isang sulating hindi lamang
nag lalarawan sa pinuntahang lugar kundi nagbibigay ng malalim na pagkaunawaan tungkol dito o sa sarili Tungkol Saan o Kanino ang Lakbay- Sanaysay? ◦ Ang lakbay-sanaysay ay tungkol sa lugar- ang tuon dito ay ang lugar na pinuntahan. ◦ Ang lakbay-sanaysay ay tungkol sa ibang tao- kung ano ang mga kaugalian at kasanayan ng mga taong naninirahan dito. ◦ Ang lakbay –sanaysay ay tungkol sa sarili- ito ay tumutukoy sa kung paano ka kumilos sa lugar na iyong pinuntahan. Mahalagang Ideya
Minsan, kinakailangang lumayo sa
lupang pinagmulan upang ipaalala sa sarili ang mga dahilan kung bakit ito mahal. Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay ◦ Magsaliksik tungkol sa lugar na pupuntahan. ◦ Magbasa tungkol sa kasaysayan at kultura nito ◦ Huwag magkulong at magpabulok sa hotel ◦ Siguraduhing wasto ang facts at huwag magimbento ◦ Tiyaking hindi magiging diary ang lakbay sanaysay ◦ Huwag limitahan sa paglalarawan ng impormasyon ◦ Huwag simulant ang sanaysay halimbawa sa pagsakay sa bus o eroplano ◦ Sikaping bumuo ng orihinal na paglalarawan Mahalagang Ideya
Sa pagsulat ng lakbay-sanaysay kailangang sagutin ng manunulat ang mga sumusunod: Ano? Sino? Kailan? Saan? Bakit? Panno? Mahalagang Pagkatuto
◦ Ang isang mahusay na lakbay-sanaysay ay hindi lamang
naglalarawan sa nakikita, nalalasahan, naririnig at nararamdaman. Ito rin ay sumusuri sa pagkatao ng manunulat; paano naimpluwensiyahan ng kaniyang paglalakbay ang kaniyang pananaw tungkol sa mundo at sa kaniyang sarili. Ang paglalakbay at ang pagsulat ng lakbay-sanaysay, ay pagtuklas at pagkilala hindi lamang sa lugar na pinuntahan at mga taong nakasalamuha, kundi pagtuklas at pagkilala sa sarili. Sanggunian: ◦ https://www.slideshare.net/JolinaBarlam/lakbay-sanaysay-190360927 ◦ https://www.scribd.com/presentation/428103282/Pagsulat-Ng-Lakbay-Sanaysay ◦ https://prezi.com/p/cusfwawer8y8/lakbay-sanaysay/