You are on page 1of 33

Mahilig ka bang maglakbay o

mamasyal sa iba’t ibang lugar?


Ano-ano sa mga lugar na
napuntahan mo ang iyong labis
na naibigan?
Likas sa mga Pilipino o sa bawat tao
ang pumunta sa iba’t ibang lugar
upang maglibang o magliwaliw.

Maraming bagay ang natututuhan sa


paglalakbay. Mga karanasang di
mababayaran.
Ibahagi ang iyong karanasan sa paglalakbay o
pamamasyal sa pamamagitan ng pagpuno sa graphic
organizer sa ibaba.

Lugar/ Mga Lugar Petsa ng


Kung Saan paglalakbay at
Nakapaglakbay mga kasama

Mahalagang
Impormasyon o
kaalamang nakuha
mula sa paglalakbay
Ang lakbay-sanaysay ay tinatawag ding
travel essay o travelogue.

Ito ay isang uri ng lathalaing ang


pangunahing layunin ay maitala ang mga
naging karanasan sa paglalakbay.
Lakbay-Sanaysay
Ayon kay Nonon Carandang, ito ay tinawag
niyang sanaylakbay kung saan ang
terminolohiyang ito, ayon sa kanya, ay
binubuo ng tatlong konsepto:
sanaysay, sanay at lakbay.
Naniniwala siyang ang sanaysay ang
pinakaepektibong pormat ng sulatin
upang maitala ang mga naranasan sa
paglalakbay. Aniya, nanghihinayang siya
sa mga nakalipas niyang paglalakbay sa
iba’t ibang lugar sa Europa at sa marami
pang bansa sa mundo dahil nakaligtaan
niya o sadyang nabalewala niya ang
pagtatala.
Mga Dahilan ng
Pagsulat ng
Lakbay-Sanaysay
Ayon kay Dr. Lilia Antonio, et al. sa
kanilang aklat na Malikhaing Sanaysay
(2013), may apat na pangunahing dahilan
ng pagsusulat ng lakbay-sanaysay.
1. Upang itaguyod ang isang lugar at kumita
sa pagsusulat.

Isang halimbawa nito ay paggawa ng travel


blog kung saan ito ay maituturing na isang
libangan at gayundin naman ay maaaring
pagkakakitaan.
2. Layunin din nitong makalikha ng patnubay
para sa mga posibleng manlalakbay.

Marami ang nakikinabang sa travelogue lalo na sa


mga taong nais magkaroon ng paunang kaalaman sa
lugar na kanilang bibisitahin bago nila ito puntahan.
Sabi nga ni Rizal sa kanyang nobelang Noli Me
Tangere, kung nais mong higit na makilala ang
katangian at kultura ng bansang iyong pupuntahan,
mahalagang alamin mo muna ang taglay nitong
kasaysayan.
3. Sa lakbay-sanaysay, maaari ding itala ang
pansariling kasaysayan sa paglalakbay tulad ng
espirituwalidad, pagpapahilom, o kaya’t pagtuklas sa
sarili.

Kadalasang naisasagawa ito sa pamamagitan ng


paggamit ng daily journal o diary. Ginagawa ito
upang maitala ang mga bagong bagay na kanyang
nakita, narinig, naranasan, at iba pa sa kanyang
ginawang paglalakbay. Madalas itinatala rin sa
journal ang mga realisasyon o mga natutuhan sa
proseso ng paglalakbay.
4. Upang maidokumento ang kasaysayan, kultura at
heograpiya ng lugar sa malikhaing pamamaraan.

Tipikal na halimbawa nito ang ginawa ni Antonio


Pigafetta na isang Venetian iskolar na tumungo sa
Pilipinas kasama ni Ferdinand Magellan. Siya ang
nagtala ng mahahalagang datos na kanilang nakita sa
Pilipinas na may kinalaman sa mga halaman, hayop,
klima, heograpiya at kultura ng mga sinaunang
Pilipino bilang bahagi ng kanilang ulat sa hari at
reyna ng Espanya sa kanilang pagbabalik sa kanilang
bansa.
4. Upang maidokumento ang kasaysayan, kultura at
heograpiya ng lugar sa malikhaing pamamaraan.

Gayundin ang pagtatalang ginawa ni Marco Polo, isa


namang mangangalakal na Venetian na sumulat ng
librong pinamagatang “The Travels of Marco” bunga
ng kanyang pagtungo sa Asya at resulta na rin ng
kanyang paninirahan sa Tsina sa loob ng labimpitong
taon.
Anuman ang dahilan ng paglalakbay, ang
lakbay-sanaysay ay kadalasang naglalaman
ng mga tala ng karanasan ng awtor o sumulat
sa paglalakbay. Ang pagtatalang ito ay isang
paraan ng manunulat na maibahagi ang
karanasan at kasiyahan sa paglalakbay.
Mga Dapat
Tandaan sa
Pagsulat ng
Lakbay-Sanaysay
1. Magkaroon ng kaisipang manlalakbay sa halip na
isang turista.

Upang makagawa ng isang masining at


makabuluhang lakbay-sanaysay, dapat na isaisip ng
taong naglalakbay na siya ay tutungo sa isang lugar
hindi bilang isang turista kundi isang manlalakbay.
Mahalagang malinaw sa kanyang isip ang kanyang
pakay o layunin. Kadalasan, ang isang turista ay
nagpupunta sa isang lugar upang maglibang,
magliwaliw, at makita ang magagandang tanawin,
mga gusali at iba’t ibang lugar.
Karaniwang may nakatakda nang itinerary o talaan ng
magagandang lugar na pupuntahan gaya halimbawa ng
pamamasyal sa Bohol tiyak na hindi mawawala sa
listahan ang Chocolate Hills, Ilog ng Loboc, simbahan ng
Baclayon, Isla ng Panglao, Man-made Forest sa Bilar,
Hinagdanan Cave at iba pa.
Samantala, para sa isang manlalakbay ay pangalawa na
lamang ang mga bagay na ito. Kasabay ng kanyang
paglalakbay sa iba’t ibang lugar ay sinisikap niyang
maunawaan ang kultura, kasaysayan, heograpiya,
hanapbuhay, pagkain, at maging uri ng pang-araw-araw
na pamumuhay ng mga tao.
2. Sumulat sa unang panauhang punto
de-bista.

Ginagamit sa pagsulat ng lakbay-sanaysay ang


unang panauhang punto de-bista. Ang karamihan sa
nilalaman ng sanaysay ay mula sa mga nakita,
narinig, naunawaan, at naranasan ng manunulat.
Kadalasang napakapersonal ng tinig ng lakbay-
sanaysay.
Ayon kay Antonio (2013), ang susi sa mainam na
pagsulat nito ay ang erudisyon o ang pagtataglay ng
sapat na kaalaman at pagkatuto sa isang paglalakbay.
Tumutukoy rin ito sa pagkilala at pagpapakilala sa
sarili at sa pagmumuni sa mga naranasan sa proseso
ng paglalakbay.
Bukod sa matamang obserbasyon hinggil sa paligid
o mga pangyayari, mahalagang maranasan din ng
manlalakbay ang mga bagay-bagay upang lubos na
maunawaan at mabigyang-kahulugan ang mga
pangyayari. Sikaping maisali ang sarili sa mga
gawain bilang bahagi na rin ng imersiyon sa mga
pangyayari.
Makipamuhay kagaya ng mga taong naninirahan sa
lugar na iyong pinuntahan, kumain ng mga
natatanging pagkain sa lugar, makisalamuha sa mga
tao, at higit sa lahat ay maging adbenturero. Subukin
ang iba’t ibang karanasan at mga hamon tulad ng
pag-akyat sa bundok, paglangoy sa dagat, surfing,
pagpasok sa mga yungib, pagsakay sa mga
kakaibang sasakyan o rides, at pagkain ng mga
kakaiba o katutubong pagkain sa lugar.
3.Tukuyin ang pokus ng susulating lakbay-
sanaysay

Mahalaga ring matukoy kung ano ang magiging


pokus ng susulating lakbay-sanaysay batay sa human
interest. Tandaang iba-iba ang kinahihiligan o
kinawiwilihang paksa na maaring itampok sa
paglalakbay at maging sa pagsulat ng lakbay-
sanaysay. Ito ay maaring ibatay kung ano ang
dahilan o layunin ng paglalakbay.
4. Magtala ng mahahalagang detalye at kumuha ng mga
larawan para sa dokumentasyon habang naglalakbay

Mahalagang maitala ang pangalan ng mahahalagang


lugar,kalye,restoran,gusali at iba pa. Ang wastong detalyeng
may kinalaman sa mahahalagang lugar na nakita, nabisita o
napuntahan ang magbibigay ng kredibilidad sa sanaysay.
Makatutulong din nang malaki kung makukuhanan ng litrato
o larawan ang mga lugar, tao o pangyayari.

Mahalagang maglagay ng impormasyon para sa mga


mambabasa. Maaaring ilagay ang eksaktong lokasyon kung
saan ito matatagpuan, maikling deskripsyon nito o maikling
kasaysayan nito.
5. Ilahad ang mga realisasyon o mga natutuhan sa
ginawang paglalakbay

Bukod sa paglalahad ng mga karanasan at mga nakita sa


paglalakbay, mahalaga ring maisama sa nilalaman ng
sanaysay ang mga bagay na natutuhan habang isinasagawa
ang paglalakbay. Ito ang magsisilbing pinakapuso ng
sanaysay kung saan dito ibabahagi sa mga mambabasa ang
mga gintong aral na nakuha bunga ng ginawang paglalakbay.
Maaring isaad kung pano nabago ang buhay o pananaw ng
may akda, kung paano umunlad ang kanyang pagkatao mula
sa kanyang naging karanasan at mga karagdagang kaalamang
natuklasan mula sa ginawang paglalakbay.
6. Gamitin ang kasanayan sa pagsulat ng sanaysay.

Dahil ang iyong gagawin ay isang lakbay-sanaysay,


mahalagang taglayin ng may akda ang sapat na kasanayan sa
paggamit ng wika. Sikaping ang susulating sanaysay ay
maging malinaw, organisado, lohikal, at malaman. Gumamit
ng akmang salita batay sa himig ng lakbay-sanaysay na iyong
bubuoin. Maari ding gumamit ng mga tayutay, idyoma o
matalinghagang salita upang higit na maging masining ang
pagkakasulat nito. Tiyaking makakakuha ng atensisyon ng
mambabasa ang iyong susulating akda.
Basahin at suriin ang halimbawa ng isang
mahusay na lakbay-sanaysay na ginawa nina
Gng.Teresita at G. Ariel Marasigan batay sa
balangkas:

-Uri ng Kaisipan ng sumulat


-Panauhang ginamit sa pagsulat
-Pokus ng lakbay-sanaysay
-Mga realisasyon o mga natutuhan sa
ginawang paglalakbay
-Teknikal na pagkakasulat ng sanaysay
(kaisahan, kalinawan, kawastuhan)
Pictorial
Essay
Ang pictorial essay ay isang sulatin kung saan
higit na nakararami ang larawan kaysa sa
salita o panulat. May pagkakataong
nakaugnay ito sa isang lakbay-sanaysay lalo
na’t karamihan ng lakbay-sanaysay ay may
kasamang larawan. Sa pagsulat ng pictorial
essay dapat lamang tandaan ang sumusunod:
Ang paglalagay ng larawan ay dapat na
isinaayos o pinag-isipang mabuti
sapagkat ito ang magpapakita ng
kabuoan ng kuwento o kaisipang nais
ipahayag.
Ang mga nakatalang sulat o katitikan sa bawat
larawan ay suporta lamang sa mga larawan
kaya’t hindi ito kinakailangang napakahaba o
napakaikli. Kailangang makatutulong sa pag-
unawa at makapukaw sa interes ng
magbabasa o titingin ang mga katitikang
isusulat dito.
May isang paksang nais bigyang-diin sa
mga larawan kaya’t hindi maaaring
maglagay ng mga larawang may ibang
kaisipan o lihis sa paksang nais bigyang-
diin. Kailangang maipakita sa kabuoan
ang layunin ng pagsulat o paggawa ng
pictorial essay
Isipin ang mga manonood o titingin ng
iyong photo essay kung ito ba ay mga
bata, kabataan, propesyonal, o masa
upang maibatay sa kanilang kaisipan at
interes ang mga larawang ilalagay
gayundin ang mga salitang gagamitin sa
pagsulat ng mga caption

You might also like