You are on page 1of 8

GAWAING PAGKATUTO SA FILIPINO SA PILING LARANG: Akademik

SENIOR HIGH SCHOOL (SMILE 9)

Pangalan: _________________________ Baitang/Pangkat: ________

Guro: _____________________________ Petsa:__________________

I. PANIMULANG KONSEPTO:

LAKBAY TAYO

Ang LAKBAY-SANAYSAY o mas kilala sa tawag na “travel essay” o


“travelogue” ay maaaring pumaksa sa tao o mamamayan ng lugar. Binibigyang
pansin dito ang gawi, katangian, ugali o tradisyon ng mga mamamayan sa isang
partikular na komunidad. Ang mga lakbay- sanaysay ay mga uri ng sulatin kung
saan ang may akda ay nagbibigay ng paglalarawan ng kaniyang mga naranasan,
gabay o damdamin sa paglalakbay.

Upang lubos na mahikayat ang mga manlalakbay sa lugar na kanilang


pupuntahan ay kailangan nilang matiyak muna ang isang lugar kung sulit ba ang
pagod at gastos nila dito.

Narito ang mga elemento sa programang napanood na pampaglalakbay

1. Budget (pera)- ang paglalakbay ay nagiging magastos kung kaya’t


kinakailangan paglaanan ng sapat na budget.

2. Lugar na pasyalan- kung ito ba ay nature-focused trip, beach, malamig


na lugar or adventure trip. Tingnan kung ang mga local destinations na hindi mo
pa napupuntahan. Maaaring tumingin sa mga websites ng lugar na gustong
marating.

3. Tamang Oras at Panahon- kapag “peak season”, karamihan sa mga


hotels at flights ay may kamahalaan kung kaya’t mahalaga na magdesisyon kung
anong panahon ikaw ay maglalakbay. Higit sa lahat kung ito ba ay adventure at
fun- mahalaga na sa bawat lugar na pupuntahan na ikaw ay nasiyahan sa
adventure na dulot nito.

4. Pagkain- Hindi rin dapat mawawala ang mga masasarap na pagkain


upang ipakita ang produkto na gawa sa kanilang lugar.

1
RO_FPL:Akademik_SMILE 9
5. Aktibidad- kung saan ito ay nagbibigay-ganda sa mga lugar na
pasyalan.

Ang TRAVELOGUE - ay maaring isang sulatin na maaring nasa libro kung


saan nilalaman ang mga karanasan ng isang tao sa paglalakbay sa iba't-ibang lugar.
Maari din itong video kung saan nakapaloob ang mga eksena o kuha ng
paglalakbay ng isang tao.

Ang halimbawa ng mga travelogue ay makikita sa mga "Vlogs" sa youtube.


Sila ay mga travelers na nagdodokumento ng mga pangyayari at karanasan sa
kanilang "get away adventure."

Ang paglalakbay sa iba’t ibang lugar ang nagiging libangan ng mga Pilipino
upang makapagmuni-muni at makapagrelaks sa trabaho sa haba ng panahong
ginugol dito. Ang paglalakbay ay laging kinapapalooban ng mayayamang karanasan.
Ito ay kadalasang pumupuno ng masasayang pangyayari, pagkamangha o
paghanga sa isang lugar na unang napuntahan ang mga alaalang magiging bahagi
ng buhay ng tao. Ang mga lugar na sa aklat mo lang makikita o mapapanood sa
telebisyon ay nagiging totoo at buhay na buhay sa iyong paningin kapag ito ay iyong
narating. Ngunit ang alaalang ito ay agad ding naglalaho kasabay ng pagpanaw ng
karanasang ito.

Ito rin ay isang maikling bahagi ng pagsulat, kung saan ito ay mula sa
personal na paninigin ng awtor at nagpapakita, pinag-uusapan at pinag-aaralan
ang isang paksa. Upang lubos na mahikayat ang mga manlalakbay sa lugar na
kanilang pupuntahan ay kailangan nilang matiyak muna ang isang lugar kung sulit
ba ang pagod at gastos nila dito.

.
MGA MUNGKAHI SA PAGSULAT NG LAKBAY-SANAYSAY
NA MAAARI MAGING GABAY:

1. Bago magtungo sa lugar na iyong pupuntahan ay magkaroon muna ng sapat na


pagsaliksik o magbasa tungkol sa kasaysayan nito .

2. Buksan ang isip at damdamin sa paglalakbay, lawakan ang naaabot ng paningin,


talasan ang isip at palakasin ang pandama at pang-amoy, sensitibong lasahan
ang pagkain.

3. Kailangan itala ang mga mahahalagang datos na dapat isulat.

4. Isulat ang mga katotohanan at huwag maggamit ng kathang-isip sapagkat higit na


madali itong bigyang paliwanag gamit ang mga malikhiang elemento.

2
RO_FPL:Akademik_SMILE 9
5. Gumamit ng unang panauhan at magkaroon ng kritikal na pananaw sa pagsulat
sa pamamagitan ng malinaw at malalim na pang-unawa, at higit sa lahat
6. Tiyakin na mapupukaw ang kawilihan ng mambabasa sa susulating lakbay-
sanaysay.

Bigyang pansin ang isang halimbawa ng travelogue.

LAKBAY BUDLAAN
Ni: Rose May Gumera

Ang magandang lugar na ito ay sa Budlaan falls


na makikita mo sa Balamban, Cebu City. Ito ay isa sa
pinakasikat na falls dito sa aming lungsod. Makikita
ninyo ang mga kakaibang klase na hugis ng falls
katulad na animo’y hugis puso, yung bilog at yung
pinakamaganda na nasa last part ay y’un ang
pinakaaabangan namin - na tinawag na “Cave falls.”

Kasalukuyang ikatlong beses na naming


pagpunta dito dahil sa ganda ng simoy ng hangin.
Matiwasay ang lugar. Sa tuwing kami’y napupunta
dito ay hindi maiwasang mag-foodtrip ng pamilya ko.

Paborito namin ang lugar. Palagi kaming


naliligo dito dahil masarap at malamig ang
tubig, gayundin ang hangin na malalanghap
mo na iisipin mong para kang nasa langit.

Ang paglakbay namin dito ay hindi


nakakasawa, kahit ulit-ulitin. Pupuntahan at
babalikan ito ng sinumang nakarating na dahil
sa maganda, malinis at maaliwalas ang paligid.

Kung pagtakas sa magulong lungsod ang hanap mo at


nais mong makipaglaro sa kalikasan, ito ang lugar na para sa
iyo.Hinding hindi mo pagsisihan na naparito ka at hindi
masasayang ang pera mo dahil worth it ito talaga.

Tara, mag-let’s go na kayo ng tropa mo, pamilya mo o


mahal sa buhay. Adventure is real!!! G na!!!

3
RO_FPL:Akademik_SMILE 9
II. KASANAYANG PAMPAGKATUTO

 Natitiyak ko ang mga elemento ng pinanood na programang


pampaglalakbay.

III. MGA GAWAIN SA PAGKATUTO

Gawain 1: Biyahe Tayo!

Panuto: Panoorin ang kabuoang Programang Pampaglalakbay o Travel Show ni


Drew Arellano (https://www.youtube.com/watch?v=tDPM91TqoHg)/ Basahin ang
artikulong nagsasalsaysay sa “Biyahe ng Drew.”

Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa ibaba.

BAHAGI NG PROGRAMANG “BIYAHE NI DREW”


UNVEILS THE SECRETS OF CORON

Nakapunta na ba kayo sa World’s Best Island? Puwes, hindi n’yo na


kailangang lumayo pa dahil ito ay matatagpuan lang sa Pilipinas. Ngayong
Biyernes, let Drew Arellano be your guide as he tours his way around Coron,
Palawan!
Humigi’t kumulang isang oras ang flight mula Maynila hanggang Busuanga,
ang gateway to Coron. Mula rito, bibiyahe ka ng 45 minutes by land para marating
ang Coron town proper.
Una sa itinerary ni Drew ang island-hopping, siyempre. Sasamantalahin
niya ang magandang panahon at murang tour package para malibot ang ilan sa
pinakamagagandang isla sa paligid ng Coron—mula sa ilang prisitine lagoons
hanggang sa mga mala-birheng isla tulad ng Calachuchi Beach. Kasama rin sa
itinerary ang wreck diving at pagre-relaks sa Sangat Hotspring after a full day’s
work.
Mga Tagbanua ang sinasabing unang nanirahan sa Palawan. Bibisitahin ni
Drew ang Barangay Lajala kung saan niya makaka-bonding ang ilang Tagbanua
na hanggang ngayon ay nagpapatuloy ng kanilang tradisyon at kultura. Makikisali
rin siya sa paghahanap ng mga ito ng pagkain, tulad ng sikad-sikad na isang local
delicacy.
Siyempre,hindi makukumpleto ang biyaheng Palawan nang hindi
nakakalublob sa sikat na Kayangan Lake na bahagi ng ancestral domain ng mga
Tagbanua. At may isang sikretong lugar pa na ngayon lang ipakikita ng tribo sa
mga tagalabas!

4
RO_FPL:Akademik_SMILE 9
TANONG SA PAG-UNAWA PALIWANAG

Ano-anong lugar ang


pinuntahan ni Drew sa Coron?
Ano ang kaniyang ginawa sa
Sangat Hotspring?
Paano ikinuwento ni Drew ang
kanyang karanasan sa kanyang
pagpunta sa Coron?

Isa-isahin ito.
Sino ang sinasabing unang
nanirahan sa Palawan?

Paano ipinakilala ang mga


mamamayan ng Coron sa
napanood na travelogue?

Gawain 2 Travel Mo! Say Mo!


Panuto: Isa sa mga programang pampaglalakbay ang “Byahe ni Drew.”Isulat ang
mga nagustuhan mong tagpo sa travelogue gamit ang mga elementong bumubuo sa
Programang Pampaglalakbay. At ipaliwanag kung bakit ito ang iyong napili.

Elemento Mga nagustuhan at Pagpapaliwanag


1. Destinasyon/Lugar

2. Pagkain

3. Aktibidad

4. Budget/Gastos

5. Oras at Panahon

5
RO_FPL:Akademik_SMILE 9
Gawain 3 - Watch and Share!

Panuto: Pumili ng isang programang pampaglalakbay na iyong napanood. Isulat ang


napanood sa istilong Lakbay-Sanaysay o Travelogue na isinasaalang-alang ang
mga elementong bumubuo sa Programang Pampaglalakbay.

LAKBAY SANAYSAY
__________________________________________________

___________________________________________________

___________________________________________________

___________________________________________________

___________________________________________________

___________________________________________________

__________________________________________________

V. RUBRIC SA PAGPUPUNTOS

Rubrik sa pagpupuntos para sa Gawain 2.

Organisasyon ng ideya 5 puntos


Wastong estruktura ng wika 5 puntos
Linaw ng paliwanag 5 puntos
Kabuoang puntos 15 puntos

5- MAHUSAY 3- KATAMTAMAN 1- DI- MAHUSAY

6
RO_FPL:Akademik_SMILE 9
Rubrik sa pagpupuntos para sa Gawain 3.

Pamantayan Puntos
Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa 5
pagsulat Lakbay-Sanaysay.

Nakasusulat ng organisado , malikhain at kahika- 5


hikayat na Lakbay-Sanaysay.

Nakasusulat ng Lakbay-Sanaysay batay sa maingat 5


,wasto , at angkop na paggamit ng wika .

Makatotohanan ang nabuong Lakbay-Sanaysay. 5


Kabuoan 20

VI. REPLEKSIYON

Panuto: Gamit ang learners Response Journal sa ibaba, buoin ang di-tapos na
pahayag upang magsilbing pansariling pagninilay.

Sa araw na ito, natutuhan ko ang tungkol sa___________________


______________________________________________________

Naniniwala ako na _______________________________________


______________________________________________________.

Magagamit ko ang kaalamang ito sa _________________________


_________________________________________________________________.

VII. SANGGUNIAN

 2020 SLM FPL: Akademik: DepEd RO V


 https://znnhs.zdnorte.net/wpcontent/uploads/2021/01/Q2_M6_V4_PAGSULA
T-NG-LAKBAY-SANAYSAY-.pdf
 Ailene,Baisa-Julian et.al Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling
Larangan(Akademik )Phoenix Publishing 2016 3
 Filipino sa Piling Larang (Akademik) Modyul 8
 https://elemento sa programang pampaglalakbay

7
RO_FPL:Akademik_SMILE 9
VIII. SUSI SA PAGWAWASTO

Gawain 1
1. Busuanga Coron, Kalachuchi Beach, Kayangan Lake
2. Wreck diving
3. Ipinakilala muna niya ang lokasyon ng lugar, ang mga
mamamayan at tradisyon rito, iniugnay rin niya sa kasaysayan
ang bawat lugar na mapupuntahan niya.
4. Tagbanwa
5. Ipinakilala niya ang mga Tagbanwa bilang isang legal na
nagmamay-ari at namamalakad sa buong isla ng Coron.

Gawain 2 at 3

Gagamit ng Rubric sa itaas

Isinakontekstwalisado ni:

APRIL ANN V. APONDAR


Guro, Cabarian NHS

Tiniyak ang kalidad:

LEOPOLDO C. BRIZUELA JR
Pandibisyong Superbisor sa Filipino

8
RO_FPL:Akademik_SMILE 9

You might also like