You are on page 1of 25

Pagsulat sa Filipino sa

Piling Larang-Akademiko
Ikalawang Markahan – Modyul 3:
Pictorial Essay
Pambungad sa Pilosopiya ng Tao – Ikalabing-isang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Pictorial Essay
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

SENIOR HS MODULE DEVELOPMENT TEAM

Author : Angelica V. Tabungar


Co-Author - Content Editor : Benjun S. Marticio
Co-Author - Language Reviewer : Benjun S. Marticio
Co-Author - Illustrator : Angelica V. Tabungar
Co-Author - Layout Artist : Angelica V. Tabungar

Team Leaders:
School Head : Odielon O. Gamboa
LRMDS Coordinator : Jaycee B. Barcelona

DIVISION MANAGEMENT TEAM:


Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
OIC- Asst. Schools Division Superintendent : William Roderick R. Fallorin, CESE
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD
Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE
Education Program Supervisor, AP/ADM : Romeo M. Layug
Education Program Supervisor, Learning Area : Mila D. Calma
Project Development Officer II, LRMDS : Joan T. Briz
Division Librarian II, LRMDS : Rosita P. Serrano

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Schools Division of Bataan


Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
E-mail Address: bataan@deped.gov.ph
Pagsulat sa Filipino sa
Piling Larang -Akademiko
Ikalawang Markahan – Modyul 3:
Pictorial Essay
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Pagsulat sa Filipino sa Piling


Larang- Akademik at Ikalabing-isang Baitang ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul para sa araling Pictorial Essay!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay


at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag- aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo
na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga
gawaing nakapaloob sa modyul.

1
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang- Akademik


at Ikalabing-isang Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa
Pictorial Essay.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.


Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang
mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong
tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong


maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang


kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa


iyo sa maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang
sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay


sa aralin. Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong konsepto at
mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang- unawa at mga kasanayan sa paksa.
Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang
susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o talata upang maproseso
kung anong natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa


iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan
sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat


ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang
kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong
Gawain
gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.
Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng
Pagwawasto mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan


Sanggunian sa paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong
kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo.
Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka


ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-
unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Alamin

Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang magkaroon ng lubos


na pag-unawa ang mga mag-aaral sa kahalagahan ng pagsulat isang
pictorial essay o larawang-sanaysay.

Matapos ang modyul na ito, inaasahang matutuhan mo ang:


1. Nabibigyang kahulugan ang mga terminong akademiko na may
kaugnayan sa piniling sulatin (CS_FA11/12PT-0m-o-190)
a. Nakikilala ang kahulugan ng sanaysay ng larawan o photo essay.
b. Nakasusulat ng isang sanaysay ng larawan o photo essay.
c. Nakapagpapahayag ng sariling saloobin sa pagsulat ng larawang-
sanaysay o photo essay.

1
Subukin

Panuto: Suriin at unawain ang larawan na makikita sa ibaba. Pagkatapos ay


sagutin ng sumusunod na katanungan.

1. Anong imahe ang pinakikita ng larawan?

2. Sumasalamin ba ang kulturang Pilipino sa larawan? Suportahan ang


iyong sagot.

3. Mayroon ka bang karanasan na maaaring iugnay sa larawan? Isalaysay


ito.

4. Ano ang mensaheng nais ipabatid sa iyo ng larawan? Gaano ito


kahalaga sa iyong sarili?

5. Makasusulat ka ba ng isang sanaysay buhat sa larawang ito? Paano mo


ito gagawin?
Aralin
Pictorial Essay
1
Patuloy ang pagbabago sa ating panahon, maituturing makabagong
paraan ng pagsulat ang paggamit ng larawan bilang paksa ng isang sulatin.
Mas napadadali ang paggawa ng isang komposisyon kung mayroong ideya
buhat sa isang larawan. Ito ay nakilala sa tawag na sanaysay ng larawan o
photo essay.

Ito ay isang uri ng pagsulat na ginagamitan ng mga larawan na may


kaugnayan sa bawat isa. Umiikot sa isang tema o paksain na
kinapapalooban ng opinyon o saloobin ng isang manunulat. Maaari
itong personal na paniniwala sa isang partikular na isyu, usapin o paksa na
mayroong repleksyon ng kultura, paniniwala, tradisyon, pulitika at iba pang
mga tema ng sulatin. Maaari itong maging simple o malikhaing pagsulat.

Ayon kay Amit Kalantri, isang nobelistang Indian, “A photograph


shouldn’t be just a picture, it should be a philosophy,” May katotohanan
nga naman, ang litrato ay isang larawan sa pisikal na anyo. Subalit, ito ay
may katumbas na sanlibong salita na maaaring magpahayag ng mga
natatagong kaisipan. Kaya naman, kahanga-hanga ang mahuhusay
kumuha ng mga larawan dahil higit nila itong nabibigyang-buhay.
Balikan

Balikan natin ang isa sa mga kwentong pambata na iyong kinalakihan,


“Si Matsing at si Pagong”. Gamit ang mga larawan ay isalaysay mong muli
ang pangyayari mula rito.

https://www.storyboardthat.com/sv/storyboards/matthewvinuya/si-pagong-at-si-matsing2

Maikling Sanaysay:

Mga Tala para sa Guro


Ang modyul na ito ay naghahanda sa mga mag-aaral upang
makalikha at mailarawan ang mga hugis ng katawan ayon sa
kung paano ito ginagawa o inilalahad sa isang larawan.
Tuklasin

Gamit ang transformer organizer, lapatan ng limang salita na maaaring


may kaugnayan sa larawan na iyong makikita sa ibaba. Isulat ang
inyong sagot sa isang malinis na papel. Pagkatapos, bumuo ka ng isang
maikling sanaysay sa apat na larawan gamit ang mga salitang iyong
ibinigay.

A. B.

C. D.

Maikling sanaysay:
_ _
_ _
_ _
_ _
_ _
_ _
_ _
Suriin

Sa bahaging ito ay atin nang tatalakayin ang mga impormasiyong


nakapaloob ukol sa pagsulat ng isang sanaysay na larawan o pictorial essay.
Ang kahulugan, mga hakbang na dapat isaalang-alang sa isang mabisang
pangangatuwiran, katangian at mga bahagi sa pagsulat ng isang
pictorial essay o sanaysay na larawan

Alam mo ba …?

Ang larawang-sanaysay na tinatawag sa Ingles na pictorial essay


o kaya ay photo essay na para sa iba ay mga tinipong larawan na
isinaayos nang may wastong pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari upang maglahad ng isang konsepto.

Ang larawang-sanaysay ay gaya rin ng iba pang uri ng sanaysay na


gumagamit ng mga pamamaraan sa pagsasalaysay. Sa pagsasalaysay,
maaaring gamitin mismo ang mga binuong larawan o dili kaya’y mga
larawang may maiikling teksto o caption. Malaki ang naitutulong ng
larawang may teksto sapagkat nakatutulong ang mga ito sa mga
ideya kaisipang ipinakikita ng larawan.

Ang mahalagang katangian ng larawang-sanaysay ay ang mismong


paggamit ng larawan sa pagsasalaysay. Layunin nitong magbigay ng
kasiyahan o aliw sa taong gumagawa ng salaysay, magbigay
ng mahalagang impormasyon, at malinang ang pagiging malikhain.

Makapagsasalaysay dito sa pamamagitan ng mga larawang may


kronolohikal na ayos. Ibig sabihin, isinasalaysay ang mga pangyayari ayon
sa wastong pagkakasunod-sunod ng larawan. Kung
pangkalahatang kaisipan lamang ng pangyayari ay maaari nang
gamitin ang isang larawang may natatanging dating. Ibig sabihin, sa
isang kuhang larawan ay naroon na ang lahat-lahat ng mga ideya.

Gayumpaman, nakasalalay pa rin sa husay at pagiging maiikhain


ng isang tao ang paggamit ng mga larawan sa paggawa ng sanaysay
dahil nakabatay rito kung paano pag-uugnay-ugnayin ang mga larawan
ayon
sa kanyang mga naiisip na ideya. Ang mahalaga, kailangang malinaw
ang mensahe ng gagawing larawang-sanaysay.

Mga hakbang sa pagsulat ng Sanaysay ng Larawan o Photo essay


1. Pumili ng paksa ayon sa iyong interes.
2. Magsagawa ng pananaliksik sa iyong paksang gagawin.
3. Isaalang-alang ang kawilihan at uri ng iyong mambabasa.
4. Tandaan na ang isang istoryang nakatuon sa mga pagpapahalaga o
emosyon ay madaling nakapupukaw sa damdamin ng mambabasa.
5. Kung nahihirapan ka sa pagsusunod-sunod ng pangyayari gamit ang
larawan, mabuting sumulat ka muna ng kuwento at ibatay rito ang
mga larawan.
6. Planuhing mabuti ang gagawing sanaysay gamit ang mga Iarawan.
Tandaan na higit na dapat mangibabaw ang larawan kaysa sa
mga salita.
7. Palaging tandaan na ang larawang-sanaysay ay nagpapahayag ng
kronolohikal na salaysay, isang ideya, at isang panig ng isyu.
8. Siguraduhin ang kaisahan ng mga larawan ayon sa
framing, komposisyon, kulay, at pag-iilaw. Kung minsan, mas
matingkad ang kulay at matindi ang contrast ng ilang larawan
kompara sa iba dahil sa pagbabago ng damdamin na isinasaad nito.
9. Maglapat ng isang hamon o kongklusyon sa hulihang bahagi ng iyong
sanaysay.

Nawa ay lubos mong naunawaan ang aralin sa modyul na ito.


Kung hindi naman ay maari mo pa rin basahin sa ikalawang pagkakataon
upang masagutan ang mga susunod na gawain na nakaploob dito.

Kung may pagkakataon naman na mayroon kang data sa iyong


cellphone ay maaari mo itong panuorin sa
https://www.youtube.com/watch?v=-gOqRwOJ-tU&t=25s
Pagyamanin

Unang Pagbasa

Basahin at unawain ang isang halimbawa ng larawang pasalaysay at


sagutin ang gawain sa ibabang bahagi.

ANG PAMILYANG PILIPINO


Noon at ngayon

http://criselasor.blogspot.com/

Malayo na ang narating ng tao sa lahat ng larangan at aspekto. Ang


teknolohiya, siyensiya, moda, pelikula, medisina at iba pa ay malayong-
malayo na kumpara sa ngayon. Ganundin ang pananampalataya,
kaugalian, paniniwala, kasabihan at iba pang lumang nakagawian nang
mga tao ay iba na rin sa kasalukuyan. Kung hindi man ito tuluyang nabago
ng modernong panahon karamihan naman ay lubusang nag-iba
siguro’y nakatakda talaga ito dahil ang tao noon at ngayon ay
malaki ang pagkakaiba.

Anne Curtis Paolo Ballesteros

8
Ano-ano ito?
Halika, liripin natin ang ilang pagkakaiba at pagbabago ng noon at
ngayon. Mula sa may kababawan hanggang sa may kalaliman.
Noon. Hindi lahat ng babae ay maganda.
Ngayon. Hindi lahat ng maganda ay babae.
Noon. Ang “virginity” sa kababaihan ay isang malaking isyu.
Ngayon. Pangkaraniwan na lamang sa magkasintahan ang premarital sex.
Noon. Karamihan sa kababaihan ay tipong “Maria Clara”.
Ngayon. Karamihan sa kababaihan ay liberated na.
Noon. Ang tattoo sa katawan ay iniuugnay lamang sa mga preso at
ex- convict.
Ngayon. Ang tattoo kahit anong itsura ay itinuturing na form of art.
Noon. Mahigpit na ipinagbabawal ang mga naka-shorts at nakatsinelas sa
mga establisimiyento.
Ngayon. Cool nang maituturing kung ikaw’y naka-shorts ng ubod ng igsi at
nakatsinelas lamang kahit saan ka man magtungo.
Noon. (Halos)Libre ang inuming tubig at ligtas kahit galing sa gripo.
Ngayon. Debote na ang tubig at mineral ang tawag kahit hindi naman.
Noon. Ang pagmamano, pag-gamit ng po at opo ay pangkaraniwan
lang
sa kabataan.

Ngayon. Ang pagmamano, pagsasabi ng po at opo ay bihira na lang at


tila ‘di komportable ang kabataan sa pag-gamit nito.
Noon. Kuntento at nakangiti na ang masang Pinoy sa matamis na
kamote at kapeng barako.
Ngayon. French Fries at kape sa Starbucks ang paborito nang naghihirap
daw na Pinoy.
Noon. Ang singko, mamera lalo’t ang piso ay malaki ang halaga at
marami
ang mabibili.
Ngayon. Halos wala ng halaga ang sampung pisong nasa bulsa mo.

9
Noon. Malaki ang respeto ng mga anak sa kanilang mga magulang na
isang sutsot pa lang ay agad na tumatalima ang anak.
Ngayon. Halos wala ng galang ang mga anak sa magulang. Kahit lawit na
ang dila ng magulang sa kakasaway ay hindi pa rin sumusunod ang anak.
Noon. Halos isang tao lang ang kinasusulakman at kinaiinisan ng mga
Pinoy sa pulitika.
Ngayon. Halos lahat ng pulitiko ay kinaiiritahan at kinaiinisan ng mga
Pinoy. Noon. Malaki ang pag-galang ng mga tao sa mga Pulis at Militar.
Ngayon. Itinuturing na ng maraming Pinoy na notoryus ang Pulis at militar
at tipong ‘di ka ligtas sa kanila dahil sa iba’t-ibang kontrobersiyang kanilang
kinasasangkutan.
Noon. Isang sagrado at pinahahalagahan nang husto ang privacy ng
mga tao.
Ngayon. Halos lahat na ng mga tao ay isinisigaw at isinahihimpapawid pa
ang bawat kilos, galaw at lugar na pupuntahan sa pamamagitan ng
facebook, twitter, blog at online journal.
Noon. Itinuturing na luho ang pagkain ng mansanas at iba pang angkat
na prutas dahil sa kamahalan ng halaga nito.
Ngayon. Bagamat hindi na luho at mahal ang halaga ng mansanas
marami pa rin naman ang hindi makakain nito dahil sa kawalan ng pera.
Noon. Library, Recto at hard to find encyclopaedia ang sources ng
research at term papers.

10
Ngayon. Google, Wikipedia at iba pang search engine sa Internet
ang katapat ng anumang impormasyon kailangan mong malaman.
Noon. Napakamahal at aabuting ng mahabang panahon bago ka
magka-telepono. Simbolo rin ito noon ng karangyaan.
Ngayon. Minuto lang ang iyong kailangan para ikaw’y magkatelepono at
ito ay sa murang halaga.
Noon. Proud ang bawat Pilipino sa likas at taglay na kulay kayumanggi.
Ngayon. Marami sa mga Pilipino ay nais pumuti kaya malakas ang benta
ng Glutathione kahit ito’y mahal.
Noon. Napakahalaga ng buhay at isusugal at isasakripisyon ng ina ang
mismong sarili niyang buhay para lamang sa anak.
Ngayon. Walang pakundangan at walang respeto sa buhay ang
marami sanang ina dahil ayon sa pag-aaral higit sa kalahating milyong
sanggol ang intensyonal na pinalalaglag taon-taon.
Noon. Ang anumang uri ng panlalait sa kapwa ay itinuturing na
masamang
gawain.
Ngayon. Ang panlalait ay isa na lang pangkaraniwang ugali ng marami
at marami-rami na rin na pinagkakakitaan ang gawaing ito.
Noon. Hinahangaan tayo ng bansang South Korea dahil sa ganda ng
ating ekonomiya.
Ngayon. Pilipinas na ang humahanga sa bansang South Korea sa ganda
ng kanilang ekonomiya.
Noon. Muntik ng maging mayaman ang bansang Pilipinas.
Ngayon. Ang Pilipinas ay kabilang na sa pinakamahihirap na bansa sa
mundo.

Hindi na nga maikakaila na napakalaki na nang pagbabago’t


pagkakaiba ng noon at ngayon. At sa darating pang mga panahon ay
marami pa ang magaganap na pagbabago. Kung kailangan nating
sumabay sa pagbabago at agos ng panahon ay hindi ko alam
dahil maraming pagbabago ang hindi angkop sa nais nating mangyari
datapwat tutol man tayo dito ay wala tayong magawa. Madalas kung
ano pa ang ayaw mong magbago ‘yun pa ang may malaking
pagbabago. Sabi nga eh,

11
walang permanenteng bagay dito sa mundo kundi ang pagbabago
(bukod siyempre sa buwis).

Pag-unawa sa Binasa

Sagutin ang sumusunod na mga katanungan.


1. Ano ang kahulugan ng sanaysay ng larawan o photo essay?

2. Ano ang kahalagahan ng paggamit ng larawan sa pagsulat ng


sanaysay?

3. Ano-ano ang hakbang sa pagsulat ng sanaysay na larawan o photo


essay?

4. Nakatutulong ba sa pagpapatalas ng imahinasyon ang pagsulat ng


sanaysay ng larawan o photo essay? Suportahan ang iyong sagot.

5. Sa papaanong paraan mo magagamit ang pagsulat ng photo essay sa


iyong napiling larangan? Magbigay ng halimbawa.

Ang sagot mo sa naunang gawain ay makatutulong upang


mapaunlad natin ang iyong kaalaman sa ating aralin sa modyul na ito.
Iminumungkahi ko na sa pagtatapos ng pagtalakay sa aralin ay balikan
mong muli ang iyong sagot nang sa gayon ay maiwasto natin kung
mayroon ka mang maling konsepto tungkol sa mga paksang tatalakayin.
Magpatuloy ka lamang.

12
Isaisip

Sagutin ang sumusunod ng mga tanong.

1. Ano ang pagkakaiba ng larawang-sanaysay sa isang tradisyonal na


sanaysay?

2. Bakit mahalagang sangkap ang mga larawan sa paggawa ng pictorial


essay?

3. Ano-ano ang layunin ng pictorial essay?

4. Paano makatutulong ang pictorial essay na malinang ang pagiging


malikhain ng mag-aaral na tulad mo?

5. Bakit mahalagang ang paksa ng iyong pictorial essay ay nakabatay sa


iyong interes?
Isagawa

Kumuha o humanap ng mga larawan na may kaugnayan sa iyong


larang/strand. Gawin itong batayan sa pagbuo ng iyong sariling sanaysay
ng larawan o photo essay.

Unang larawan Ikalawang larawan

Ikatlong larawan Ikaapat na larawan

Sanaysay:
Tayahin

Panuto: Lagyan ng tsek (✔) kung tama ang isinasaad ng pahayag, ekis
(X) naman kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.

1. Ang larawang-sanaysay ay isang uri ng sanaysay na gumagamit ng


pamamaraang pagsasalaysay.
2. Ito ay maaaring gamitan ng isang buong larawan na mayroong
maikling teksto o caption.
3. Layunin ng larawang-sanaysay na manghikayat ng mambabasa.
4. Isang mahalagang katangian nito ay ang paggamit ng larawan.
5. Ito ay pagsasalaysay ng mga larawan na may wastong
pagkakasunod- sunod.
6. Kailangang malinaw ang mensahe ng gagawing larawang-sanaysay.

Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga hakbang sa pagsulat ng isang larawang-


sanaysay gamit ang mga bilang 1-9. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.

1. Pumili ng paksa ayon sa iyong interes.


2. Magsagawa ng pananaliksik sa iyong paksang gagawin.
3. Palaging tandaan na ang larawang-sanaysay ay nagpapahayag ng
kronolohikal na salaysay, isang ideya, at isang panig ng isyu.
4. Siguraduhin ang kaisahan ng mga larawan ayon sa framing,
komposisyon, kulay, at pag-iilaw.
5. Isaalang-alang ang kawilihan at uri ng iyong mambabasa.
6. Tandaan na ang isang istoryang nakatuon sa mga pagpapahalaga o
emosyon ay madaling nakapupukaw sa damdamin ng mambabasa.
7. Kung nahihirapan ka sa pagsusunod-sunod ng pangyayari gamit ang
larawan, mabuting sumulat ka muna ng kuwento at ibatay rito ang
mga larawan.
8. Planuhing mabuti ang gagawing sanaysay gamit ang mga Iarawan.
Tandaan na higit na dapat mangibabaw ang larawan kaysa sa
mga salita.
9. Maglapat ng isang hamon o kongklusyon sa hulihang bahagi ng iyong
sanaysay.
Susi sa Pagwawasto

Paalala: Maging maingat sa pagwawasto ng mga kasagutan ng mga mag-


aaral sapagkat may iba’t iba silang opinyon o pananaw batay sa paksa.
Sanggunian

DepEd (2016). Filipino sa Piling Larang- Akademik. Patnubay ng Guro. Unang


Limbag.

Julian, Aileen B. et al., Pinagyamang Pluma : Filipino sa Piling Larangan


(Akademik. Quezon City: Phoenix Publising House, Inc..
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

Email Address: bataan@deped.gov.ph

You might also like