You are on page 1of 26

Filipino sa Piling Larang

Akademik Ikalawang
Markahan – Modyul 7: Pagbuo ng
Sulating may Batayang
Pananaliksik
Filipino sa Piling Larang – Ikalabing-isa / Ikalabing-dalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 7: Pagbuo ng Sulating May Batayang Pananaliksik
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

SENIOR HS MODULE DEVELOPMENT TEAM

Author : Jhoanne S. Hernandez


Co-Author - Content Editor : Benjun S. Marticio
Co-Author - Language Reviewer : Benjun S. Marticio
Co-Author - Illustrator : Jhoanne S. Hernandez
Co-Author - Layout Artist : Jhoanne S. Hernandez

Team Leaders:
School Head : Odielon O. Gamboa
LRMDS Coordinator : Jaycee B. Barcelona

DIVISION MANAGEMENT TEAM:


Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
OIC- Asst. Schools Division Superintendent : William Roderick R. Fallorin, CESE
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD
Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE
Education Program Supervisor, AP/ADM : Romeo M. Layug
Education Program Supervisor, Learning Area : Mila D. Calma
Project Development Officer II, LRMDS : Joan T. Briz
Division Librarian II, LRMDS : Rosita P. Serrano

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Schools Division of Bataan


Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
E-mail Address: bataan@deped.gov.ph
Filipino sa Piling Larang-
Akademik Ikalawang
Markahan – Modyul 7: Pagbuo ng
Sulating may Batayang
Pananaliksik
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino sa Piling Larang - Ikalabing-


isa / Ikalabindalawang Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa
araling Pagbuo ng Sulating may Batayang Pananaliksik!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka,
ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-
aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang
kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang
makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman


ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan
ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa modyul.

1
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino sa Piling Larang sa Ikalabing-isa o


Ikalabin- dalawang Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa
Pagbuo ng
Sulating may Batayang Pananaliksik.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at


layunin. Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto,
lumikha, at magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay
sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang
matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-
akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong


pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala
ka sa loob ng silid- aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga
makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na


ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa


iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento,
awitin,
tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa


aralin. Layunin nitong matulungan kang
maunawaan
ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari
mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan
ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso
kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa
iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan
sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang


antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong
kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.
Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat
Pagwawasto ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:


Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa
sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Alamin

Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang tulungan kang


makasulat at makabuo ng sulating akademiko.

Matapos ang modyul na ito, inaasahang matutuhan mo ang:


1. Nakabubuo ng sulating may batayang pananaliksik ayon sa
pangangailangan
(CS_FA11/12PU-Op-r95)
a. Natutukoy ang mga nsulating may batayang pananaliksik ayon sa
pangangailangan;
b. Naisa-alang-alang ang mga gawain sa pananaliksik; at
c. Nakakasulat ng sulating may batayang pananaliksik ayon sa
pangangailangan.

4
Subukin

Tukuyin ang mga sulating ito ay kinakailangan sa pang-araw-araw


na gawain, pang-kalakal o bisnes, pang-akademiko o iba gawain ng
pang- institusyong pang- gobyerno. Ilagay ang iyong sagot sa kahon sa
ibaba ang mga sulatin na akma sa pangangailangan ng mananaliksik o
manunulat.

1. Paghahalaman sa Likod-Bahay
2. Pagluluto ni Inang Maria
3. Ang Pag-aaral patungkol sa Wikang Filipino
4. Lakbay-Sanaysay Sa Taal
5. Ang Pananaliksik patungkol sa Pandemiyang Covid 19
6. Feasibility Study ng Pag-aangkat ng Bigas
7. Ang Pananaliksik sa Pagbuo ng Merkado sa Pilipinas
8. Pagtatanim sa mga Bote ng Softdrinks
9. Pagtuklas ng Bakuna sa Virus
10. Mga Suliraning Pang -negosyo at ang Solusyon Nito
11. Bionote ni Jose Rizal
12. Talambuhay ni Manuel L. Quezon
13. Pagluluto ng Keyk
14. Pagplaplano ng Budget ng Pilipinas sa taong 2020-2021
15. Proposal Patungkol sa Pagtitinda ng Online

Pang- Pang-
Pang-araw-araw Pang-Kalakal o
akademikong Institusyong
na Gawain Bisnes
gawain gobyerno
Balikan

Balikan natin ang ating natutunan sa nakaraang modyul tungkol sa


isang organisadong sulatin. Sagutan ang mga sumsusunod na katanungan
sa isang papel.

1. Ano ang ibig sabihin ng isang organisadong sulatin?


2. Anu-ano ang mga bahagi ng isang organisadong sulatin?
3. Ipaliwanag ang bawat bahagi isang organisadong sulatin.
4. Paano magiging malikhain ang isang manunulat sa kanyang sulatin?
5. Sa iyong palagay, dapat ba na lahat ng isang sulatin ay nagtataglay
ng mga bahagi nito. Ipaliwanag ang iyong sagot.

Magaling! Binabati kita sa iyong ginawa. Ilan sa mga katangian at


bahagi ng isang mahusay na sulatin ang iyong mga sagot.

Mga Tala para sa Guro


Balikan muli ang iyong napag-aralan. Gawin ang gawain sa itaas
at subuking sagutan ito. Magmadali at kumuha ng papel. Kayang-
kaya mo ito.
Tuklasin

Ang mga sulating may batayang pananaliksik ay sinusulat ayon sa


pangangailangan ng manunulat. Ito ay nangangailangan ng matiyagang
pangangalap ng datos, pag-oobserba sa paksang napili, pag-aaral sa
bawat detalye at paglalahad ng wasto at malinaw na impormasyon at iba
pa.
Ang pagsulat nito ay nakabatay sa pangangailangan nito sa pang-
araw-araw na gawain, pang-akademiko, pang-kalakal o kaya naman ay
pang-institusyong gobyerno. Lahat ng ito ay naglalayon na matuklasan ang
mga impormasyon tungkol dito upang magkaroon ng pagbabago sa
ikabubuti ng mga bagay ayon sa pangangailangan nito.
Kaya naman tuklasin nating mabuti ang araling ito. Tukuyin ang
mga sumusunod na mga pangungusap kung ito ay naglalarawan sa mga
sulating may batayang pananaliksik ayon sa pangangailangan. Ilagay
ang titik ng tamang sagot sa patlang.

A – pang-araw-araw na gawain
B – pang-akademikong gawain
K- pang-kalakal o bisnes
D- pang-institusyong gobyerno

1. Ito ay pananaliksik na may pansariling o pang- indibidwal na


gamit.
2. Pagtuklas sa solusyon sa sariling suliranin o nais na tuklasin.
3. Ito ay may pormal na pormat at sinusundang metodolohiya
depende sa larangan o disiplina.
4. Ito ay sulating pananaliksik na pampaaralan.
5. Panahunang Papel at tesis o disertasyon ang ilan sa mga
halimbawa nito.
6. Karaniwang ito ay ginagamit sa kalakal o indibidwal o
korporasyon sa pagbubuo ng negosyo
7. Ang pag-aaral nito ay naglalayon upang maging matagumpay
ang isang proyekto o negosyo.
8. Ginagamit ang pananaliksik na ito sa pampublikong gamit.
9. Isa sa akademikong sulatin na hinihingi sa mga mag-aaral bago
makagradweyt.
10. Ginagamit ito ng pampublikong opisina upang makatulong
sa pag- unlad sa mga sebisyong pang-komunidad o pambansa.
Aralin
Pagsulat ng Sulating may
1 Batayang Pananaliksik
Ang sulating may batayang pananaliksik ay may mga layunin kung
bakit ito sinusulat. Ang pagsulat ng sulating may batayang pananalisik ay
naglalayon na humanap ng sagot o solusyon sa mga problema ng tao o
kaya nama’y mapaunlad ang sarili, pamilya o komunidad na ating
kinabibilangan.

Makakatulong din ito sa pagpapalawak ng kaalaman, ideya o


kaisipan sa aniyang interes, o kaya nama’y sa iba’t ibang larangan o
disiplina. Ang pagsulat din ay matuturing na pagbabahagi ng kaalaman o
kasanayan sa mga nangangailangan nito.

Ang sulatin ay sinusulat ayon sa pangangailangan ng isang manunulat.


Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:

1. Pang-araw-araw na gawain
Isa sa gamit ng sulatin ay ang personal na pangangailangan
nito upang lumawak ang kaalaman ng isang indibidwal sa kanyang
interes o larangang kinabibilangan. Ganundin naman ito ay ginagamit
sa pagpapalawak at pandagdag kaalaman, pag-aanalisa sa pang-
araw- araw na buhay at maging sagot sa mga kinahaharap na
problema sa araw-araw.

Halimbawa nito ay ang mga sumusunod tulad ng Paraan


ng Pagkukumpuni ng Sirang Gamit, Gabay sa Pagluluto ng isang Menu
ng Pagkain at marami pang iba.

2. Pang-akademikong Gawain
Ito rin ay ginagawa sa pang-akademikong pangangailangan na
ipinapasa habang nag-aaral na ang tawag ay kapanahunang papel o
kaya nama’y tesis. Ito ay may ibat ibang pormat at pamamaraan ng
pananaliksik sa ibat ibang disiplina, larangan o kursong napili.

Halimbawa nito ay ang “Pananaliksik sa Pagkuha ng Kursong Pag-


memedisina”, “Ang Pag-aaral sa Pampaaralang Aktibidad sa taong 2020-
2021”, “Isang Pananaliksik ng Guro sa Asignaturang Pilipino.”
3. Pang-Kalakal o Pambisness
Ito rin ay ginagamit sa pagsisimula ng isang negosyo o bisnes. Ito
ay tinatawag na feasibility study o masusing pag-aaral sa isang balak na
simulang negosyo. Karaniwang ito ay isinasagawa upang maiwasan ang
pagkalugi o pagbagsak ng isang negosyo. Maraming naitayong mga
malalaking kumpanya, negosyo o establisyamento na hanggang ngayon
ay nakikita natin na matagumpay sa kanilang pinasok na negosyo.

Halimbawa nito ang Proposal o Pag-aaral sa Merkado ng Langis,


Pagpaplano sa Pagtatayo ng Bisnes ng Hollow Blocks, Online Selling sa
Lazada, Shopee, Pagtatayo ng Establisyamento ng Pagkain, Jollibee at
marami pang iba.

Iba’t Ibang Institusyong Pang-gobyerno


Ang bawat departamento ng gobyerno ay may kani-kniyang
responsibilidad upang mapabuti ang kani-kanilang serbisyo, pagtuklas sa
mga suliranin at pagkakaroon ng mabisang solusyon o tugon sa
kinahaharap ng bansa. Ang ganitong uri ng pananaliksik ay nakakatulong
sa gobyerno upang mapaunlad ang mga ito sa kani-kanilang larangan ng
pampublikong serbisyo at kapakanan.

Halimbawa nito ay ang mga binubuong mga programa ng mga


kawani ng gobyerno na masusing pinag-aaralan at sinasaliksik. Isa na rito
ang Kagawaran ng Kalusugan (DOH) na patuloy naghahanap o
tumutuklas ng bakuna para sa sakit na covid 19, Ang Kagawaran ng
Edukasyon (DepEd) na hindi humihinto sa paghanap ng pamamaraan
sa pagpapatuloy ng kalidad na edukasyon tulad ng paggamit Blended
Learning o Pinagsamang Estratehiya sa Pag-aaral o mga programang
pang-edukasyon, at iba pang may kinalaman sa mga aktibidades ng iba’t
ibang sector ng gobyerno tulad ng serbisyong pang-ekonomiya, pang-
telekomunikasyon, pang- transportasyon, at pinansiyal na estado ng bansa
at iba pang usaping may kinalaman sa pandaigdigang suliranin o serbisyo.

Isa rin sa dapat pagtuunan ng pansin ng ating gobyerno ang


malawakang pagsuporta nito sa pananaliksik upang mapagtibay natin ang
kalagayan ng bansa at ng mga mamamayang naninirahan dito.

Marami na ang mga natuklasang mga bagay, naresolba na mga


problemang pang-ekonomiya, pang-medisina, mga siyentipikong
pagpapaliwanag sa mga teorya, pagkakaroon ng mga gabay,
naimbentong mga makabagong gamit, mga makabagong sasakyan at
ransportasyon, mga makabagong teknolohiya upang mapadali ang
trabaho ng mga manggagawa nang dahil na rin sa masusing pananaliksik
ng tao sa iba’t ibang larangan. Kaya naman napakahalaga ng
pananaliksik hindi lamang upang mapaunlad ang ating sarili, maging ang
ating komunidad at maging ang ating bansa.

Suriin
Anu-ano kaya ang mga dahilan kung bakit napakahalaga sa atin ng
pananaliksik? Pagmasdan ang ating kapaligiran. Alam mo ba kung paano
nagkaroon ng mga telepono, gadgets, kompyuter, mga makabagong
transportasyon, malalaking konstruksiyon ng mga establisyamento,
pagkakaroon ng mga gamot, pagkain at marami pang iba. Ang lahat ng
mga pagbabago at pag-unlad na ito ay dahil sa pananaliksik na ginawa ng
mga tao.

Ang pananaliksik ay nangangalap ng mga impormasyon at nag-


iimbestiga ng mga pangyayari sa ating paligid. Ito rin ang susubok sa
mga teorya, batas, at mga paniniwala nang sa gayon ay makagawa ng
mga pagbabago sa ikabubuti ng ating komunidad. Ganundin naman,
ito’y nakalilikha ng bagong kaalaman, kasanayan at pang-unawa sa
maraming bagay. Ito rin ang sumasagot sa mga problemang ating
kinahaharap maging pansarili man, pang-komunidad o pambansa sa
kabuuan.

Nagagawa din nitong malimitahan ang ating sarili na makagawa o


makapili ng mga desisyon na maglalagay sa atin sa kapahamakan, at ito rin
ang magsisilbing proteksiyon natin sa mga maling kaalaman at
paniniwala. Ang pananaliksik rin ang magsisilbing gabay natin sa pagtuklas
ng maraming bagay sa iba’t ibang kaparaanan.

Kaya’t suriing mabuti at mag- isip ng mga salitang may kaugnayan sa


salitang pananaliksik. Anu-ano sa palagay mo ang mga dahilan kung bakit
ito sinusulat? Ilagay ang iyong sagot sa loob ng mga hugis.
Pananaliksik

Mga Kailangan sa Pagsulat


Ilan lamang sa mga dapat tandaan ng isang manunulat ang mga
kinakailangan nito sa pagbuo ng sulatin. Ito ay ang mga sumusunod:

1. Paksa - isang tapik na napiling isulat. Maaaring ito ay interes


ng manunulat, kaalaman o ideya mula aklat na nabasa, dyornal at iba
pa.

2. Layunin – ito ay ang dahilan ng pagsulat. Isa sa dapat malinaw sa


isipan ng manunulat ang dahilan sa pagsusulat.

3. Interaksyon at Pagbuo sa Kamalayan ng Awdyens – sa bahaging ito ng


pagsusulat, dapat alamin ng manunulat kung sino ang sinusulatan o
ang kanyang awdiyens nang sa gayon ay maisaalang-alang nito ang
dapat masulat na angkop sa mga mambabasa, ganundin ang istilo
at paggamit ng wika na babagay sa mga babasa nito o ang
awdiyens.

4. Wika – ang isang manunulat ay nararapat laman na maraming kaban


ng wikang maaring gamitin at may alam sa istilo ng wikang gagamitin
ayon sa pangangailangan nito.

5. Konbensyon- dapat bigyang pansin ang pormat na ginagamit ng


pamayanan sa pagsulat.
6. Kasanayan sa Pag-iisip – kinakailangan ng isang manunulat
na marunong sa pagtatangi ng mga bagay o pangyayari o
impormasyon
kung alin ang mahalaga na makakatulong sa kabuuan ng mga
ideyang nilalahad. Kinakailangan ring may kaalaman sa lohika upang
maging mabisa at epektibo ang pangangatwiran. Nararapat din
magtaglay ito ng malikhaing isip upang makatulong sa kawili-wiling
paglalahad ng mga kaalaman nakapaloob sa sulatin.

7. Kasanayan sa Pagbubuo – nararapat lamang na marunong rin nitong


pag-ugnayin ang mga pagkakasunud-sunod na mga pangyayari na
sinusuportahan ng mga ideya at mga ebidensyang pinrisinta.

8. Sariling Sistema ng Pagpapahalaga – dapat bigyang konsiderasyon


ang pagpapahalagang pinanaligan ng isang manunulat. Piliin ang
mga mahalaga patungkol sa paksa, o alin ang maganda at mahusay
sa pagsulat.

9. Mahahalagang Sangkap sa Pagsusulat – ang teksto, manunulat at


mga mambabasa ang tinuturing na mahahalagang sangkap sa
pagsusulat.

Proseso ng Pagsulat

May mga prosesong pagdadaanan ang pagbuo ng sulating may


batayang pananaliksik. Ito ay ang mga sumusunod:

1. Imbensiyon – tinatawag na paglikha ng paksa sa pamamagitan ng


brainstorming o paglalahad ng mga ideya upang magkaron ng
posibleng paksang nais talakayin o pag-aralan. Maari rin maglista
ng mga paksang interes ng manunulat. Ganundin, ang pagmamapa
ng mga ideya o klaster ay maari ring gawin.

2. Pangangalap ng Impormasyon – ang pagtatanong at pag-uusisa ay


mga paraan na kadalasang ginagamit ng mananaliksik sa pagkuha ng
mga impormasyon sa mga respondente. Ang interbyu ang karaniwang
paraan gingagamit rito.

3. Pala-palagay – sa bahaging ito, wala pang tiyak na paksang


nais talakayin. Binubusisi at pinag-iisipang mabuti ang mga
namulatang sanhi at bunga ng pangyayari kung paano sisimulang
buuin o gumawa ng balangkas ng napiling paksa.

4. Pag-oorganisa – pagbabalangkas ng mga impormasyong nakalap. Isa


itong istruktura o pinakakalansay ng sulatin at makikita rito ang mga
pagbabalangkas ng pinag-ugnay-ugnay na kaisipan ayon sa
pagkakasunud-sunod na mga bahagi - introduksyon, katawan at
kongklusyon.

5. Pagsulat ng Burador – dapat magbigay ng sapat na panahon sa


pagsulat at iwasan ang abala habang ginagawa ito. Mayroong mga
paraan sa paglabas ng mga ideya. Isa na rito ang pagtatala o
paglilista ng mga kaisipan sa pamamagitan ng pagsisipi, pagdadaglat
o maging pagguhit. Ang malayang pagsulat ay karaniwan ring
ginagamit sa pagdaloy ng ideya. Ang palitang- kuro sa kapwa
mananaliksik o sa grupo sa diskusyon na maarinang magplawak ng
paksa sa iba’t ibang anggulo at kaligiran ng paksa. Karaniwan
ring ginagamit ang pamamaraang tanong-sagot upang
magkaroon ng kawili-wiling kaisipan o ideya na masusulat.

6. Pagrerebisa – pagbalik sa naisulat o ang muling pagbusisi o pagsusuri


sa mga inilahad na ideya. Tinitiyak rito ang malinaw na paglalahad
ng ideya, ang istruktura at organisasyon ng sulatin, at ang matibay
na introduksyon ganundin ang kongklusyon o muling pagdidiin sa
mga pangunahing puntos at pagsasaayos ng mga datos.

7. Proofreading o Pagwawastong Basa – ito ang muling pagbasa


ng sulatin upang makita ang maling ispeling, gramatika at paggamit
ng salita. Sinisiguro rin ang daloy ng pagpapahayag, paglalahad
ng pagkasunud-sunod ng mga pangyayari, mga impormasyon at
katwirang nakapaloob sa komposisyon. Tinitignan rin ang
paggamit ng mga bantas tulad ng mga tuldok, gitling, at mga
tandang pananong o padamdam at marami pang iba.
8. Pinal na Papel – ang kabuuan ng papel na maari ng isumite sa guro o
sa mga panel na susuri nito matapos ang masusing pagsusuri ng mga
teknikal na mga bahagi nito.
Pagyamanin

Gumuhit ng isang larawan na iyong interes o gustong pag-aralang


paksa na may personal na gamit o pang-araw araw na gawain tulad ng
pagluluto, pagtatanim, paghahalaman at iba pa. Sumulat ng sampu (10) o
pataas na pangungusap tungkol dito.

Ang rubriks para sa gawaing ito:

Kriterya sa Pagsulat Puntos

Natukoy ang sulating may batayang pananaliksik ayon sa


5
pangangailangan

Nakasulat ng sulatin ayon sa kanyang interes, personal na gamit


5
o pang-araw-araw na gawain

Nakasulat ng sulating ayon sa pangangailangan 5


Kabuuang puntos 15

Isaisip

Tandaan ang mga napag-aralan. Kaya’t sagutan ang mga tanong sa


ibaba.

Magbigay ng kahalagahan ng pananaliksik.


1.
2.
3.
Ilista ang ang sulating may batayang pananaliksik ayon sa
pangangailangan.
1.
2.
3.
4.

Magbigay ng mga paksang nais mong isulat o saliksikin.

1.
2.
3.

Isagawa

Sumulat ng isang sulating may batayang pananaliksik ayon sa


pangangailangan. Mamili kung ito ay ayon sa pangangailangan sa pang-
araw-araw na gawain, pang-akademikong gawain, pang-kalakal o pang-
institusyong pang-gobyerno. Gumamit ng ekstrang papel kung kinakailangan.

Ang kriteryang pagbabatayan ng iyong marka o grado ay ang mga


sumusunod:

Kriterya sa Pagsulat ng Sulatin Puntos

Nakapili ng paksang isusulat ayon sa pangangailangan 5

Natukoy ang sulating may batayang pananaliksik ayon sa


5
pangangailangan

Nakasulat ng sulating may batayang pananaliksik ayon sa


5
pangangailangan

Kabuuang Puntos 15
Tayahin

Tukuyin natin ang mga kahalagahan o gamit ng sulating may


batayang pananaliksik. Punan ng tamang sagot ang bawat bilog.

Sulating may
batayang
Pananaliksik
Karagdagang Gawain

Humanap ng isang aklat o babasahin na iyong nais o interes. Suruin


ito. Tignan mabuti kung ito ay isang sulating naayon sa pang-araw-araw
na gawain, pang-akademiko, pang-kalakal o pang-institusyong gobyerno.
Itala ang mga obserbasyon at gumawa ng isang abstrak o buod
patungkol dito. Gamitin ang espasyo sa ibaba o gumamit ng
ekstrang papel kung kinakailangan.

Ang kriteryang pagbabatayan ng iyong grado o marka ay:


Kriterya sa Pagsulat ng Abstrak / Buod Puntos

Nasuri ang sulating may batayang pananaliksik ayon sa


5
pangangailangan

Nakasulat ng mga obserbasyon at pananaw sa sulatin 5

Nakasulat ng abstrak o buod sa sulating nabasa 5

Kabuuang puntos 15
Karagdagang Tayahin: Isagawa:
Gawain:
• pang-araw-araw na gawain - depende sa sagot ng
- depende sa sagot ng • pang-akademikong gawain bata
bata • pang-kalakal o bisnes
• pang-institusyong gobyerno
• pansariling gawain
• pang-komunidad na gawain
• pang-lipunang gawain

Balikan:

-depende sa sagot ng Subukin:


bata Pang-araw-araw na gawain
• Paghahalaman sa Likod-Bahay
• Pagluluto ni Inang Maria
Pagyamanin: • Pagtatanim ng Halaman sa mga Plastik na Bote ng
Softdrinks
- depende sa sagot ng • Pagluluto ng Keyk
bata Pang-akademikong gawain
• Ang Pag-aaral patungkol sa Wikang Filipino
• Lakbay-Sanaysay Sa Taal
Suriin:
• Bionote ni Jose Rizal
-depende sa sagot ng • Talambuhay ni Manuel L. Quezon
bata Pang-kalakal o bisnes
• Feasibility Study ng Pag-aangkat ng Bigas
• Ang Pananaliksik sa Pagbuo ng Merkado sa Pilipinas
• Mga Suliraning Pang -negosyo at ang Solusyon Nito
• Proposal Patungkol sa Pagtitinda ng Online
Pang-institusyong gobyerno
• Ang Pananaliksik patungkol sa Pandemiyang Covid 19
• Pagtuklas ng Bakuna sa Virus
• Pagplaplano ng Budget ng Pilipinas sa taong 2020-
2021no ng Budget ng g 2020-2021
Sanggunian
DepEd (2016). Filipino sa Piling Larang – Akademik. Kagamitan ng Mag-aaral.

DepEd (2016). Filipino sa Piling Larang – Akademik. Patnubay ng Guro.

DepEd (2013). K to 12 Curriculum Guide. Filipino sa Piling Larang.

2020. [online] Available at: <https://pixabay.com/illustrations/carpenter-carpentry-


woodwork-5117510/> [Accessed 24 July 2020].

2020. [online] Available at: <https://pixabay.com/vectors/plumber-repair-


mechanic- plumbing-35611/> [Accessed 24 July 2020].

2020. [online] Available at: <https://pixabay.com/illustrations/chef-cake-


woman- lady-female-1773672/> [Accessed 24 July 2020].

Publicdomainvectors.org. 2020. Woman Cooking | Public Domain Vectors.


[online] Available at: <https://publicdomainvectors.org/en/free-clipart/Woman-
Cooking/75922.html> [Accessed 24 July 2020].

2020. [online] Available at: <https://pixabay.com/illustrations/carpenter-hummer-


wood-construction-1453880> [Accessed 24 July 2020].

2020. [online] Available at: <https://pixabay.com/vectors/gardener-garden-spring-


girl-5142172/> [Accessed 24 July 2020].

Google.com. 2020. Image: Online Learning Student | Online Classes Allow Students
To L… | Flickr. [online] [Accessed 24 July 2020].

Commons.wikimedia.org. 2020. File:Notepad Icon.Svg - Wikimedia


Commons. [online] Available
at:
<https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Notepad_icon.svg> [Accessed 24 July
2020].

Freestockphotos.biz. 2020. Books | Free Stock Photo | Illustration Of Books | #


14379 . [online] Available at:
<http://www.freestockphotos.biz/stockphoto/14379> [Accessed 24 July 2020].

Freestockphotos.biz. 2020. Graduation | Free Stock Photo | Illustration Of A


Graduation Cap | # 16246. [online] Available at:
<http://www.freestockphotos.biz/stockphoto/16246> [Accessed 24 July 2020].

19
2020. [online] Available at:
<https://publicdomainvectors.org/photos/metalmarious_Medicine_and_a_Steth
oscope.png> [Accessed 24 July 2020].

Storage.needpix.com. 2020. [online] Available at:


<https://storage.needpix.com/rsynced_images/housing-154839_1280.png>
[Accessed 24 July 2020].

2020. [online] Available at: <https://pixabay.com/illustrations/business-plan-report-


financial-4576778/> [Accessed 24 July 2020].
2020. [online] Available at: <https://pixabay.com/illustrations/presentation-statistic-
boy-1454403/> [Accessed 24 July 2020].
Freesvg.org. 2020. Institution Icon Vector | Free SVG . [online] Available at:
<https://freesvg.org/institution-icon-vector> [Accessed 24 July 2020].
Publicdomainvectors.org. 2020. Symbol Of Medicine | Public Domain
Vectors . [online] [Accessed 24 July 2020].
Google.com. 2020. Image: Disjunct, Abstract, Shape, Art, Symbol, Texture,
Modern, Design .... [online] [Accessed 24 July 2020].
Google.com. 2020. Google Image Result For
Https://Upload.Wikimedia.Org/Wikipedia/Commons/Thumb/0/0A/Antu_Applicat
ions-Education-University.Svg/1024Px-Antu_Applications-Education-
University.Svg.Png. [online] [Accessed 24 July 2020].
2020. [online] Available at: <https://pixabay.com/illustrations/heart-rate-bpm-ecg-
ekg-1375324/> [Accessed 24 July 2020].

Publicdomainvectors.org. 2020. Eco Earth Icon Vector Image | Public


Domain Vectors. [online] Available at:
<https://publicdomainvectors.org/en/free- clipart/Eco-Earth-icon-vector-
image/6666.html> [Accessed 24 July 2020].
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

Email Address: bataan@deped.gov.ph

You might also like