You are on page 1of 24

Filipino sa Piling Larang

Akademik Ikalawang
Markahan – Modyul 6: Paggamit
ng Wika sa Pagsulat
Filipino sa Piling Larang – Ikalabing-isa / Ikalabing-dalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 6: Paggamit ng Wika sa Pagsulat
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

SENIOR HS MODULE DEVELOPMENT TEAM

Author : Jhoanne S. Hernandez


Co-Author - Content Editor : Benjun S. Marticio
Co-Author - Language Reviewer : Benjun S. Marticio
Co-Author - Illustrator : Jhoanne S. Hernandez
Co-Author - Layout Artist : Jhoanne S. Hernandez

Team Leaders:
School Head : Odielon O. Gamboa
LRMDS Coordinator : Jaycee B. Barcelona

DIVISION MANAGEMENT TEAM:


Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
OIC- Asst. Schools Division Superintendent : William Roderick R. Fallorin, CESE
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD
Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE
Education Program Supervisor, AP/ADM : Romeo M. Layug
Education Program Supervisor, Learning Area : Mila D. Calma
Project Development Officer II, LRMDS : Joan T. Briz
Division Librarian II, LRMDS : Rosita P. Serrano

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Schools Division of Bataan


Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
E-mail Address: bataan@deped.gov.ph
Filipino sa Piling Larang-
Akademik Ikalawang
Markahan – Modyul 6: Paggamit
ng Wika sa Pagsulat
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino sa Piling Larang - Ikalabing-


isa / Ikalabindalawang Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa
araling Paggamit ng Wika sa Pagsulat!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka,
ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-
aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang
kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang
makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman


ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan
ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa modyul.

1
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino sa Piling Larang sa Ikalabing-isa o


Ikalabin- dalawang Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa
Paggamit ng
Wika sa Pagsulat.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at


layunin. Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto,
lumikha, at magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay
sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang
matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-
akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong


pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala
ka sa loob ng silid- aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga
makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang


kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang
lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa
naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo


sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin,
tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa


aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan
ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari
mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit
ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang


patlang ng pangungusap o talata upang maproseso
kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo
upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan
sa
tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang


antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong
Gawain gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.
Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga
Pagwawasto gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:


Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa
sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Alamin

Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang tulungan kang


makasulat at makabuo ng sulating akademiko.

Matapos ang modyul na ito, inaasahang matutuhan mo ang:


1. Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto, at angkop na
paggamit ng wika (CS_FA11/12WG-Op-r-93)
a. Natutukoy ang kahulugan, kahalagahan at gamit ng wika sa pagsulat;
at
b. Nakagagamit ng wasto at angkop na wika sa pagsulat ng sulatin.
Subukin

Basahin ang usapan ng mga magkakaibigan sa ibaba. Subuking


alamin ang mga salitang ginamit kung ito ay pormal o di pormal na salita.
Ilagay sa mga kahon sa ibaba ang mga sagot.

Ang lupit nya


Kamusta Si Ana na ba to? ngayon. Lodi.
ka, besh? Wow. Astig ang Petmalu
Mabuti ganda naman ng
porma mo. Salamat.
naman,
Tol. Ikaw?

Pormal na Salita Di-Pormal na Salita

Napakahusay ng iyong ginawa! Natukoy mo ang mga pormal at di-


pormal na mga salitang ginamit sa usapan. Ang pormal na mga salita ay
karaniwang ginagamit sa pampanitikan at pagsulat ng pang-akademikong
sulatin. Samantala, ang di-pormal na salita naman ay ginagamit sa pang-
araw-araw na komunikasyon o pakikipag-usap. Tunghayan natin at
balikan ang ating nakalipas na aralin tungkol sa mga sulatin na ginamitan
ng mga pormal na salita na ginagamit sa pananaliksik ayon sa
pangangailangan ng mga manunulat.
Balikan

Tukuyin ang mga sumusunod na halimbawa ng mga pamagat ng mga


sulatin. Ilagay sa tamang kahon kung saan ito naaangkop.
1. Pagsusuri ng Pagbaba ng Presyo ng Langis sa Pandaigdigang Merkado
2. Komparatibong Pag-aaral sa Pampubliko o Pampribadong Paaralan
3. Pag-aaral patungkol sa Wika Noon at Ngayon
4. Ang Teknolohiya sa Pag-aaral
5. Ang Pagtuklas ng Gamot sa Covid-19
6. Ang Pagpapaunlad ng Ekonomiya ng Pilipinas: Pananaliksik ng NEDA
(National Economic Development Authority)
7. Pagsasaliksik Patungkol sa Pag-iimbak ng Pagkain
8. Pananaw ng mga Magulang Patungkol sa Pag-aaral Online
9. Pagpasasagawa ng Programang Pangkalusugan sa Komunidad
10. Pamamaraan sa Pag-aayos ng Kagamitang Pambahay
Pang-araw-araw na gawain

Pang-akademikong gawain

Pang-kalakal o bisness

Pang-institusyong gobyerno

Binabati kita at napakagaling ng iyong ginawa. Ngayon naman ay


ating tuklasin ang bagong aralin. Tunghayan ang susunod na pahina at
tuklasin
ang bagong aralin.

Mga Tala para sa Guro


Balikan muli ang iyong napag-aralan. Gawin ang gawain sa itaas at
subukang sagutan ito bago tumungo sa susunod na aralin. Kumuha
ng papel at sagutan ito. Kayang-kaya mo yan!
Aralin
Paggamit ng Wika sa Pagsulat
1
Ang wika ay tinatawag ding salita o lengguwahe. Ito rin ay bahagi ng
ating kultura. Ito ay sumasalamin sa ating kaisipan, pananaw, opinyon, at
mga saloobin. Ayon kay Constantino, ang wika ay maituturing na
instrumento sa pagpapahayag ng ating damdamin.

Napakahalaga ng paggamit ng wika sa pang-araw-araw na


pamumuhay ng mga tao, gayundin sa edukasyon, at mga panlipunang
gawain. Ito ay ginagamit sa komunikasyon, pagsusulat, pakikipagtalastasan,
pagbabahagi ng mga ideya upang mapaunlad ang ating lipunan. Ang wika
rin ang simbolo ng pagkakaunawaan at pagkakaisa na nagsisilbi ring
pagkakakilanlan ng isang bansa.

Ang wika ay may dalawang klasipikasyon ng paggamit ng wika. Ito ay


pormal at di-pormal o impormal. Ang pormal na paggamit ng wika ay
karaniwan ang gamit ng mga salita batay sa pamantayan. Ito rin ay
kinikilalang mataas na uri ng mga dalubhasa sa wika. Ito rin ay ginagamit sa
usapang pormal.

Ang pormal na wika ay may dalawang uri. Ang unang uri ay tinatawag
na Pambansa o Karaniwan na ginagamit sa pagsulat ng aklat, pambalarila
sa mga paaralan at pamahalaan. Ang pangalawa naman ay
Pampanitikan o Panretorika na sinasabing masining, malikhain, malalim
na paggamit sa akdang pampanitikan. Ito ay tinuturing na
pinakamataas na antas ng paggamit ng pormal na wika.

Ang Di-pormal o Impormal na wika naman ay kadalasang palasak at


ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipagusap. Ito rin ay ginagamit sa hindi
pormal na usapan. Mayroon din itong tatlong uri. Ito ay ang Lalawiganin,
Balbal at Kolokyal.

May (6) anim na antas ang di-pormal o impormal na paggamit ng


wika. Ito ay ang mga sumusunod.

1. Kolokyal o Pambansa – karaniwang wika na ginagamit ng mga


kabataan sa sosyal na aspeto tulad ng pang-araw-araw na pakikipag-
usap o talakayan sa kapwa. Ito ay impormal na paggamit ng wika sa
pamamagitang ng pagpapaikli ng salita. Halimbawa nito ang Kelan o
Kailan, Piyesta o pista, nasaan o nasan.
2. Kolokyalismong Karaniwan – ito naman ang antas ng wika na
may salitang pinaghalo ang Tagalog at Ingles o “Taglish”.

3. Kolokyalismong may talino – ito ay karaniwang ginagamit sa paaralan.

4. Lalawiganin o Panlalawigan – wika o salitang ginagamit ng isang pook


o isang lokasyon. Ito ay diyalektal na ginagamit sa particular
na lalawigan o lugar. Ang pagbigkas rin kadalasang may ibang tono.
Ito rin ang sinasabing nakagawian sa maka-rehiyonal na nakagawian
ng mga tao. Halimbawa nito ay Inang, Manang, Tatang, Sanse o
Sangko.

5. Pabalbal/ Balbal – tinatawag din itong salitang kalye na karaniwang


binubuo ng grupo upang magkaroon ng sariling pagkakakilanlan. Ito
rin ang mga salitang nabuo sa kalsada na ginagamit ng mga kabataan
sa pakikipag-usap. Ito ay salitang kanto, wika ng mga estudyante.
Karaniwang binabaliktad ang mga salitang kolokyal o pambansa.

Halimbawa nito ay parak na ibig sabihin ay pulis, iskapo o takas,


petmalu o malupit ang ibig sabihin.

6. Pampanitikan – wikang sinusunod ang gabay ng balarila at retorika

Kaya naman dapat tandaan at isaalang-alang ang maingat, wasto at


angkop na paggamit ng wika. Ilan sa mga sumusunod ang dapat tandaan
sa pagsulat:

1. Maging maingat sa mga salitang gagamitin upang maiwasan din ang


pagkalito at pagkakaroon ng iba’t ibang interpretasyon o kahulugan.

2. Gumamit ng simple o karaniwang salita na madaling maintindihan ng


nakakarami. Gamitin o buklatin ang diksiyonaryong Tagalog upang
maunawaan ang mga salitang gagamitin na angkop sa
paksang tinatalakay.

3. Sundin ang mga tuntunin sa panghihiram ng salita.

a. Sundin ang paghanap ng panumbas sa mga hiram na salita.


Isaalang-alang din ang pagpili ng gagamiting salita ayon sa
kaangkupan, kahulugan at prestihiyo ng mga salita.

Hiram na Salita Filipino


Rule Tuntunin
Imagery Haraya (Tagalog)
Radical Radikal
Cheque Tseke

8
b. Gamitin ang letrang C, N, Q, X, F, J, V, Z kapag ang salita ay
hiniram nang buo ayon sa mga sumusunod na kondisyon.

b.1 pantanging ngalan


Tao Quirino Lugar
Valenzuela Gusali State
Condominium

b.2 Teknikal o siyentipikong salita


Vertigo Zoom
X-ray Enzyme

b.3 Salitang may kahulugang kultura


Senora (Espanyol) – Ale
Canao (Ifugao) – Pagdiriwang
Masjid (Maguindanao) - Pook Dalanginan

b.4 Salitang irregular na ispeling o gumagamit ng dalawang letra


o higit pa na hindi binibigkas o mga titik na hindi katumbas ng
tunog.
Laissez Faire Champagne
Bouquet Rendezvous

b.5 Salitang may internasyonal na anyong kinikilala at ginagamit


Taxi Fax
Exit Entry

c. Gamitin ang mga letrang F, J, V, Z para katawanin ang mga tunog


ng /f/, /j/,/v,/z/ kapag binaybay sa Filipino ang mga salitang hiram.
Fixer - fikser
Jacket - jaket
d. Gamitin ang mga letrang C, N, Q, X sa mga salitang hiniram
nang buo.
Cell Reflex
Xylophone Xylem

(Kinuha ito sa Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino sa


Komisyon ng Wikang Filipino ni Dr. Rosario E. Maminta)

9
Tuklasin

Pagmasdan ang larawan at basahin ang istorya ng pinagmulan ng


wika ang Tore ni Babel hango sa Mabuting Balita ng Bibliya na
matatagpuan sa Genesis 11:1-9. Alamin kung ano ang nangyari sa mga tao
sa pagtatayo ng toreng ito. Sagutan ang tanong sa ibaba pagkatapos
mabasa ang kwento.

Ang Tore ng Babel

Sa simula'y iisa ang wika at magkakapareho ang mga salitang ginagamit ng


lahat ng tao sa daigdig. 2 Sa kanilang pagpapalipat-lipat sa silangan, [a]
nakarating sila sa isang kapatagan sa Shinar at doon na nanirahan. 3
Nagkaisa silang gumawa ng maraming tisa at lutuin itong mabuti para
tumibay. Tisa ang ginagamit nilang bato at alkitran ang kanilang
semento. 4 Ang sabi nila, “Halikayo at magtayo tayo ng isang lunsod na
may toreng abot sa langit upang maging tanyag tayo at huwag nang
magkawatak-watak sa daigdig.”
5 Bumabâ si Yahweh upang tingnan ang lunsod at ang toreng itinayo ng mga
tao. 6 Sinabi niya, “Ngayon ay nagkakaisa silang lahat at iisa ang kanilang
wika. Pasimula pa lamang ito ng mga binabalak nilang gawin. Hindi
magtatagal at gagawin nila ang anumang kanilang magustuhan. 7 Ang
mabuti'y bumabâ tayo at guluhin ang kanilang wika upang hindi sila
magkaintindihan.” 8 At ginawa ni Yahweh na ang mga tao ay magkawatak-
watak sa buong daigdig, kaya natigil ang pagtatayo ng lunsod. 9 Babel[b]
ang itinawag nila sa lunsod na iyon, sapagkat doo'y ginulo ni Yahweh ang
wika ng mga tao. At mula roon, nagkawatak-watak ang mga tao sa buong
daigdig dahil sa ginawa ni Yahweh.

Pagbulay-bulayan ang mga tanong sa ibaba. Sagutan ang mga sumusunod


na tanong.

1. Bakit napakahalaga ng may iisang wika?


2. Anu-ano ang kahalagahan ng magkaroon ng isang
wika?
3. Anu-ano ang maaring mangyari kapag nagkaroon ng ibat-ibang wika na
katulad nang nasa kwento?
4. Sa iyong palagay, ano ang mahalagang aralin ang iyong natutunan
sa kwento?
Suriin

Napakahalaga ng may iisang wika. Ito ang sumisimbolo sa


pagkakabuklod ng diwa, kaisipan, damdamin, pananaw, o paniniwala ng
mga tao. Ito rin ang nagsisilbing paraan upang magkaisa ang mga tao. Ito
rin ang sumasalamin sa kani-kanilang kultura. Isa sa gamit ng wika ay
ang komunikasyon o pakikipag-usap ng mga tao upang mapabatid ang
mensahe o impormasyon sa kausap. Mayroon itong dalawang antas
depende sa paggamit nito. Ang pormal at di-pormal na paggamit ng wika.
Kaya suriin natin ang gawaing ito.

Alin-alin sa mga sumusunod ang nasa pormal at di pormal na


pagamit ng wika? Lagyan ng P kung ito ay dapat gumamit ng pormal na
antas ng wika
at D kung ito nama’y dapat gumamit ng di-pormal na antas ng wika.

1. Ang SONA ng Pangulo ng Pilipinas


2. Pakikipagtalastasan sa Paligsahang Pampaaralan
3. Pakikipag-usap sa kaibigan galing sa probinsya
4. Pagsulat ng Tesis
5. Pagtatalumpati sa Pagtatapos ng mga Mag-aaral
6. Pagsusumite ng Kapanahunang Papel
7. Reaksiyong Papel Patungkol sa Tula
8. Pakikipagpulong ng mga Kawani ng Gobyerno sa Inter-Agency
Task Force
9. Paglalahad ng problemang kinakaharap sa pamilya
10. Pagtuturo ng Wikang Ingles
11. Paglutas sa Problemang Dulot ng Kalamidad ng Bansa
12. Pagsusuri sa Pamumuhunan sa Maliliit na Negosyo
13. Pakikipagtawaran ng Bilihin sa Tindera
14. Pakikipag-usap sa mga kamag-anak
15. Pakikipagtalakayan sa kapitbahay
Tandaan na maging maingat sa paggamit ng wika. Ayon kay Mella
(2020), Hindi na masyadong binibigyang pansin minsan ng marami ang
gramatika basta ang mahalaga ay maayos na maiparating ang nais na
sabihin o ipahayag na mensahe. Ngunit isa sa kakaharapin na problema nito
ay kung mali ang gamit ng wika ay ganundin naman ang pag-iiba ng nais
sabihin o eksaktong nais ipahayag. Kadalasan, hindi nagkakaintindihan ang
magkausap.

Ganundin sa pagsulat ng sulatin, karamihan ang iba’t


ibang interpretasyon sa binasang sulatin ay nag-iiba dahil sa di-maayos na
paggamit ng wika. Ito ang paraan ng komunikasyon – ang mga
salita at mga pangungusap na sinulat ang nagsisilbing mensahe sa
sumulat at bumabasa nito. Kaya naman napakahalaga ng wastong
paggamit ng lengguwahe o wika. Isa ito sa responsibilidad ng bawat tao
na tangkilikin ang sariling wika, pagyamanin ang kaalaman patungkol dito.
Sa pamamagitan nito, ang tao ay nagiging bihasa sa paggamit nito at
maiiwasan ang si pagkakaintindihan ng bawat tao. Napakahirap sa isang
tao na walang kaalaman dito lalong-lalo na ito ay ginagamit sa pang-
araw-araw na pakikipagusap o pakikipagkomunikasyon sa ating kapwa.

Tungkulin ng Wika

Napakahalaga ng wika sa ating ginagalawang lipunan. Ilan sa mga


tungkulin o gamit nito ay ang mga sumusunod:

1. Pakikipag-ugnayan o Pakikipag-usap ng tao sa kanyang kapwa o


Interaksiyonal.

2. Regulatoryo o pagkontrol sa ugali ng ibang tao.

3. Heuristiko o paghahanap ng kaalaman, impormasyon o detalye ng


mga bagay, pangyayari at iba pa.

4. Personal o pansariling pagpapahayag ng opinyon o kuro-kuro

5. Instrumental o gingamit na instrument sa pagtugon sa


pangangailangan ng mga tao.

6. Impormatibo o pagbibigay impormasyon sa pamamagitan ng pasalita


o pagsulat.
Paraan ng Paggamit ng Wika
Ayon kay Jakobson (2003), may paraan ng pagbabahagi ng wika. Ito
ay ang mga sumusunod:
1. Pagpapahayag ng Damdamin (Emotive) – ginagamit ito sa
pagpapahayag ng ating emosyon, mga saloobin at
nararamdaman.

2. Panghihikayat (Conative) – paraan sa pagganyak, pagkuha


ng atensiyon o pansin, paghihimok upang makaimpluwensiya sa
kausap sa pamamagitan ng pakiusap o kaya’y pag-uutos sa tao.

3. Pakikipag-ugnayan (Phatic) – ito ay karaniwang ginagamit upang


makipag-ugnayan o makipag-usap sa kapwa.

4. Paggamit bilang Sanggunian (Referential) – ipinakikita rito ang wika


o mga kaalaman na nagmula sa aklat, dyornal, magasin at iba pa.

5. Paggamit ng Kuro-kuro (Metalingual) – pagkokomento o pagbibigay


ng opinyon sa usapin o isyung tinatatalakay.

6. Patalinghaga (Poetic) – naturang pagbabahagi ng wika sa masining


na pamamaraan tulad ng pagpapahayag ng sanaysay, proseso at
marami pang iba.

13
Pagyamanin

Pumili ng isang gawain sa ibaba. Gawin ito at isumite ang iyong awtput
sa iyong guro. Gumamit ng ekstrang papel para sa gawaing ito.

1. Gumupit ng isang babasahin sa diyaryo o magasin. Guhitan ang lahat


ng mga salita na nasa pormal at bilugan naman ang nasa di pormal na
gamit ng wika.

2. Gumuhit ng isang larawan tungkol sa iyong larangan o kursong napili.


Sumulat ng tatlo (3) talata patungkol dito at guhitan ang mga
salitang ginamit sa pormal at bilugan naman kung ito ay di-pormal na
gamit ng wika.

3. Sumulat ng sanaysay patungkol sa iyong pangarap. Piliin at guhitan


ang pormal na mga salitang ginamit at bilugan naman kung ito ay
nasa di pormal na mga salita.

Ang iyong rubriks o kriteryang pagbabatayan ng iyong marka para sa


gawaing ito:

Kriterya sa Pagsulat ng Sulatin Puntos

Natutukoy ang mga pormal at di-pormal na mga salitang


5
ginamit sa talata. (10 salita pataas)

Nakagamit ng mga salitang wasto at angkop na mga salita sa


5
mga talata.

Nakasulat ng sulating batay sa maingat, wasto, at angkop na


5
paggamit ng wika
Kabuuang Puntos 15
Isaisip

Sagutan ang mga sumusunod na tanong. Ilagay ang tamang sagot


sa loob ng kahon.

Ano ang wika?


1.

Anu-ano ang kahalagahan ng wika?


1.
2.
3.

Ibigay ang 2 uri ng paggamit ng wika.


1.
2.

Ibigay ang 6 na antas ng paggamit ng impormal na wika.


1.
2.
3.
4.
5.
6.

Magbigay ng (3) gamit ng wika sa lipunan


1.
2.
3.
Isagawa

Sumulat ng mga pangungusap na may pormal at di-pormal na mga


salita. Magbigay ng tig-lima sa bawat antas ng wika. Guhitan ang mga
ginamit na salitang nasa pormal na antas ng wika at bilugan naman ang mga
salitang nasa di- pormal na antas ng wika.

A. Lima (5) pangungusap na nasa pormal na antas ng wika

1.
2.
3.
4.
5.

B. Lima (5) pangungusap na nasa di-pormal na antas ng wika

1.
2.
3.
4.
5.

Tayahin

Sagutan ang mga sumusunod na mga tanong.

1. Ano ang kahulugan ng wika?


2. Anu-ano ang kahalagahan ng wika? Magbigay ng tatlo (3)
kahalagahan ng wika.

3. Anu-ano ang gamit ng wika? Magbigay ng tatlo (3) Gamit ng wika.

4. Magbigay ng mga (3) Alituntunin sa Paggamit ng wika.

5. Sumulat ng isang sulatin na may (3) tatlong talata pataas patungkol


sa kursong iyong nais kuhanin sa kolehiyo. Tukuyin ang mga salitang
ginamit sa talata. Guhitan ng isa ang mga nasa pormal at
dalawang guhit naman sa mga di-pormal na mga salitang ginamit
sa mga talata.
Gumamit ng ekstrang papel para sa iyong sulatin.

Ang rubriks o kriteryang batayang pang-iskor ay ang sumusunod:

Kriterya sa Pagsulat ng Sulatin Puntos

Nakasulat ng tatlong talata pataas patungkol sa kursong nais


5
Natukoy ang mga pormal at di-pormal na antas ng
wikang ginamit sa talata 5
Nakasulat ng sulatin na may wasto, maingat at angkop na
5
paggamit ng wika

Kabuuan ng Puntos
15
Karagdagang Gawain

Kumuha ng babasahing akademikong sulatin. Basahing mabuti at suriin


ito. Kumuha ng sampung (10) mahahalagang pangungusap na nakapaloob
dito at isulat ang mga ito sa papel. Tukuyin ang mga pormal na salitang
ginamit sa mga pangungusap. Bilugan ito at tukuyin ang salitang ito
kung ito ay nabibilang sa uri ng Pambansa/ Karaniwan o
Pampanitikan/Panretorika.

18
Tayahin:
Pagyamanin:
1. Ang wika ay lengguwahe o salita na
Depende sa awtput ng
ginagamit sa komunikasyon. bata
2. (a) simbolo ng kultura
(b) sumasalamin sa kaisipan,
pananaw, damdamin ng tao Isagawa:
(c) simbolo ng pagkakaisa
Depende sa awtput ng
3. (a) pang-araw-araw na
bata
komunikasyon
(b) Sa edukasyon
(c) Panlipunang gawain Karagdagang Gawain:
4. tignan ang nasa aralin
5. depende sa awtput ng bata - Depende sa awtput ng bata

Suriin: Balikan: Subukin:

1. P 1. Pang-kalakal o pambisness Pormal


2. P 2. Pang-akademikong gawain
3. D 3. Pang-akademikong gawain 1. Mabuti
4. P 4. Pang-akademikong gawain 2. Ikaw
5. P 5. Pang-institusyong gobyerno 3. Kamusta
6. P 6. Pang-institusyong gobyerno 4. Ganda
7. P 7. Pang-araw-araw na gawain 5. Porma
8. P 8. Pang-akademikong gawain 6. Salamat
9. P 9. Pang-institusyong gobyerno 7. Lupit
10. P 10.Pang-araw-araw na gawain 8. Talaga
11. P
12. P Di-pormal
13. D
14. D 1. Besh
15. D 2. Wow
3. Astig

4. Lodi
5. Petmalu
Sanggunian
Bible Gateway. 2020. Bible Gateway Passage: Genesis 11 - Magandang Balita Biblia.
[online] Available at:
<https://www.biblegateway.com/passage/?search=Genesis+11&version=MBBTA
G> [Accessed 8 July 2020].

Commons.wikimedia.org. 2020. File:WLANL - Quistnix! - Museum Boijmans Van


Beuningen - Toren Van Babel, Bruegel.Jpg - Wikimedia Commons. [online]
Available at:<https://commons.wikimedia.org/wiki/File:WLANL_-_Quistnix!_-
_Museum_Boijmans_van_Beuningen_-_Toren_van_Babel,_Bruegel.jpg> [Accessed
8 July 2020].

DepEd (2016). Filipino Sa Piling Larang - Akademik.

DepEd (2013). K to 12 Curriculum Guide. Filipino sa Piling Larang.

Mella, A., 2020. Gaano Gaano Nga Ba Kahalaga ang Tamang Paggamit ng
Wika? Filipino Journal, 29(15).

20
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

Email Address: bataan@deped.gov.ph

You might also like