You are on page 1of 11

Republic of the Philippines

Department of Education
Region V – Bicol
Schools Division of Legazpi City
BANQUEROHAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Banquerohan, Legazpi City
_____________________________________________________________________

Filipino
Piling Larang - Akademik
Modyul 7: Pagsulat ng Pictorial Essay at Lakbay-Sanaysay
Pangalan: _____________________________ Sekyun: ____________ Petsa:________

PANGKALAHATANG PANUTO:

Mahilig ka bang maglakbay sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas o sa ibang bansa?


Ano-anong mga lugar na ang napuntahan mo na iyong labis na naibigan o nagustuhan?
Saan-saan ka na nakapunta at ano ang natatanging lugar na noon pa man ay
hinahangad mo nang marating? Natitiyak kong sa bawat paglalakbay na ito ay may
makahulugang mga larawan na baon-baon bilang alaala ng bawat karanasan.
Sa modyul na ito, matutuhan mong ilahad sa iba ang iyong mga nakita at
natuklasan sa paglalakbay gamit ang pandama (paningin, pakiramdam, panlasa, pang-
amoy at pandinig). Kadalasang umiikot ang paksa sa magagandang alalaa, tagpo at iba
pang karanasan sa paglalakbay. Subalit, maaari din itong magbigay ng impormasyon
ukol sa mga karansang di kanais-nais o hindi nagustuhan sa naranasang paglalakbay.
Kapag mayroon kang mga katanungan ay maaari mo pa rin akong i-text sa oras
na nakalaan para sa ating asignatura. Sisikapin kong agad na matugunan ang mga
tanong mo.
Para sa unang modyul sa Filipino sa Piling Larang-Akademik, i-download o
tingnan ang powerpoint presentation at videos bilang karagdagang kaalaman sa paksa
tungkol sa Lakbay-sanaysay at pictorial essay. Maglaan ng sagutang papel para sa mga
kasagutan sa modyul na ito, ipapasa sa laang petsa ng iskedyul para sa Distribution of
Modules and Retrieval of Answer sheets. Huwag kalimutang basahin ang
PANGKALAHATANG PANUTO na makikita sa modyul na ito. Maraming salamat at
maligayang pagtuklas sa mga aralin sa Filipino 12! 😊

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN

Page 1 of 11
 Natitiyak ang angkop na proseso ng pagsulat ng piling sulating akademiko.
 Nagagamit ang angkop na format at teknik ng pagsulat ng akademikong sulatin.

PAMANTAYAN SA PAGGANAP
 Nakasusulat ng 3-5 na sulatin mula sa nakalistang anyo na nakabatay sa
pananaliksik.
 Nakagagawa ng palitang pagkikritik (dalawahan o pangkatan) ng mga sulatin.
MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCIES
 Nabibigyang kahulugan ang mga terminong akademiko na may kaugnayan sa piniling
sulatin (CS_FA11/12PT-0m-o-90)
 Natitiyak ang mga elemento ng paglalahad ng pinanood na episodyo ng isang
programang pampaglalakbay (CS_FA11/12PD-0m-o-89)

TIYAK NA MGA LAYUNIN


Pagkatapos ng modyul na ito, magagawa/makakaya kong:

1. makilala ang mahalagang katangian at layunin sa paggawa ng pictorial essay at


lakbay-sanaysay;
2. masuri ang ilang halimbawa ng pictorial essay at matukoy ang mga hakbang sa
pagsulat ng lakbay-sanaysay;
3. makasulat ng sanaysay gamit ang mahalagang mensahe ng larawan batay sa
karanasan ng paglalakbay;at
4. makabuo ng isang pictorial essay at lakbay-sanaysay alinsunod sa elemento ng
paglalahad.

Kumusta mga mag-aaral! Salubungin natin ang linggong ito ng positibong pagtugon para
sa muling pagtahak sa mundo ng kaalaman at pag-aaral. Nawa’y mas maging makahulugan
ang simula ng araw na ito para sa bawat isa. Isang magandang pagkakataon ito dahil sa
linggong ito ay mag-uumpisa na ang panibagong paksa para sa Modyul 7 na iikot sa ating
karanasan sa paglalakbay. Ang inyong mga kasanayan sa pagsulat ng mga karanasan sa
paglalakbay at pagbibigay ng kabuuang ideya at maging konsepto sa pagsusuri ng larawan
ay masusukat sa aralin na ito. Sapagkat ang ating paksang pag-uusapan ay tungkol sa
Pagsulat ng Pictorial Essay at Lakbay-Sanaysay. Nawa’y makatulong ang gawain sa modyul
na ito upang higit na mapaunlad ang mga kasanayan at kaalaman mo hindi lang sa
pagbabahagi ng makahulugang karanasan sa paglalakbay gamit ang mga mensahe ng
bawat larawan. Gayundin, sa paraan ng pagbuo ng bagong kaalaman patungkol sa
pagkatao, lipunan at mga isyu o paksa sa pagitan ng bawat karanasan na iyong natutuhan
mula dito.

Gawain 1– LOOK-AKSYON:

Simulan Natin!
Pag-aralan Crossword puzzle ng mga lokasyon sa Pilipinas at hanapin ang mga kilalang
lugar pasyalan sa na kadalasang pinupuntahan ng mga tao at maging mga turista. Maaring
mahanap ang mga lugar sa iba’t ibang posisyon may pahalang, pababa, palihis at

Page 2 of 11
pabaliktad. Isulat ang sagot sa kahon. Simulan mo ng hanapin ito at isulat ang mga lugar sa
loob ng kahon batay sa mga nabuo mong mga salita at iyong nakita.

Mga Kilalang Lugar Pasyalan sa Pilipinas


1. 6. 11. 16.
2. 7. 12. 17.
3. 8. 13. 18.
4. 9. 14. 19.
5. 10. 15. 20.

Mahalagang Kaalaman:
Likas sa mga Pilipino o sa bawat tao ang pumunta sa iba’t ibang lugar upang maglibang
at magliwaliw. Subalit sa kasalukuyan, ang kinagawiang paglalakbay o pagsasagawa ng
tour na itinuturing nang isang mahalagang gawain ng marami ay panandaliang natigil at
naantala dahil sa hindi inaasahang pandemya na patuloy na hinaharap ngayon ng buong
mundo. Kaya naman, bagama’t maraming pinaghandaan at pinag-ipunan, ito ay tila ibang
kuwento ng paglalakbay at karanasan ang naranasan at ipinadama ng taong 2020 sa lahat

Page 3 of 11
ng tao. ‘Ika nga, maraming bagay ang natututuhan sa paglalakbay subalit tila mas maraming
larawan ng aral ang nais iwan ng taong ito sa ating buhay.’ Mga karanasang bukod tangi sa
kasaysay.
Ayon nga kay Amit Kalantri, isang nobelistang Indian, “A photograph shouldn’t be just
a picture, it should be a philosophy”. May katotohanan nga naman, dahil ang litrato na kuha
mula sa paglalakbay ay isang larawan sa pisikal na anyo, Subalit, ito ay may katumbas na
sanlibong salita na maaaring magpahayag ng mga natatagong kaisipan. Bakit nga naman
hindi? Ayon nga sa isang kawikaang Ingles, “A picture is worth a thousand words”.

Pag-aralan Natin!
Naalala mo pa ba ang huling lugar na napuntahan o napasyalan mo bago pa man
magkaroon ng lockdown at quarantine sa maraming bahagi ng bansa at mundo? Ano ba
ang pinakainaabangan at naaalala mo sa tuwing may napupuntahan kang bagong lugar sa
Pilipinas o sa ibang bansa? Paano mo pinanatili ang mga alaala at karanasan na nakuha o
natutuhan mo mula sa mga paglalakbay na ito? Paano mo naikukuwento ang mga alaala at
karanasan mo sa pamamagitan lamang ng larawan?
Kabilang ka ba sa mga kabataang patuloy pa ring nagsusulat ng diary at journal
tungkol sa kanikanilang karanasan o ikaw ay isa ng miyembro ng makabagong kabataan na
Instagram, twitter, facebook at vlog ang modernong paraan ng pagtatala ng magaganda at
‘di malilimutang karanasan? Kung Oo ang iyong sagot, isang magandang simula iyan upang
higit na maging makahulugan ang ating talakayan sa linggong ito. Dahil, bibigyang kulay at
muli mong bubuhayin sa iyong alaala at gunita ang mga natatanging karanasan sa
pamamagitan ng mga larawan at salita na bubuo sa bawat kuwentong sumasalamin dito.
Kung kaya’t upang mahusay na maisagawa ito ay higit nating palalawakin at
pauunlarin ang iyong mga kaalaman sa pagsusulat ng isang pictorial essay at lakbay-
sanaysay bilang isang akademikong dokumentaryo ng iyong mga karanasan. Sa araling ito
ay lilinangin ang iyong kakayahan at kasanayan sa pagsasalaysay ng mga natatanging
istorya mula sa mga kakaibang karanasan upang magsilbing aral sa maraming tao.
Uumpisahan mo ito sa pag-aaral ng powerpoint at panonood ng bidyo tungkol sa pictorial
essay at lakbay sanaysay.
Maglog-in sa Facebook at puntahan ang Filipino sa Piling Larang FB Group Page at
idownload ang powerpoint presentation tungkol pagsulat sa pictorial essay at lakbay-
sanaysay. May link na ibinigay para sa pagsusuri ng isang travel documentary (Travelogue)
Simulan na itong basahin upang maumpisahan mo na ang pag-aaral sa paksa natin
ngayong linggo. Nawa’y magustuhan at kawilihan mo ang paksa ng talakayan sa linggong
ito. Simulan na natin!

Sagutin Natin!
Batid kong lubos mo nang naunawaan ang mga mahahalagang detalye at
impormasyon tungkol sa aralin ngayon para sa pagsulat ng isang pictorial essay at pagbuo
ng isang lakbay-sanaysay na batay sa totoong pangyayari at karanasan sa buhay ng isang
tao.
Kung kaya’t para subukin ang iyong natutuhan ay may mga inihanda akong pagsubok
at pagsasanay na nakalaan para sa iyo sa modyul na ito upang malaman kung gaano
kalawak ang iyong natutuhan hinggil sa ating paksa sa linggong ito.

Page 4 of 11
Handa ka na ba sa iyong mga pagsubok sa modyul na ito? Kung Oo ay maaari ka ng
mag-umpisa sa pagsagot. Subok na!

Gawain 2 – TSEK IT:

Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Piliin at isulat sa sagutang papel ang
ang letra ng tamang sagot.
1. Ito ay uri ng lathalain na ang pangunahing layunin ay maitala ang mga naging karanasan
sa paglalakbay.
A. lakbay-sanaysay C. photo essay
B. pictorial essay D. replektibong sanaysay

2. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga konsepto ng isang lakbay-sanaysay?
A. lakbay B. sanay C. larawan D. sanaysay

3. Ito ay tumutukoy sa isang sulatin na kung saan higit na nakararami ang larawan kaysa sa
salita o panulat.
A. lakbay-sanaysay C. sanaysay
B. pictorial essay D. replektibong sanaysay

4. Ito ay tinatawag ding travel essay o travelogue.


A. pictorial essay C. photo story
B. lakbay-sanaysay D. sining ng paglalakbay

5. Sino ang bumuo ng terminolohiyang lakbay-sanaysay na nagmula sa terminolohiyang


‘sanaylakbay’?
A. Nonon Carandang C. Dr. Lilia Antonio
B. Jose Arogante D. Francis Bacon

6. Alin ang HINDI kabilang sa mga pangunahing dahilan ng pagsusulat ng lakbay-


sanaysay?
A. maitala ang pansariling kasaysayan sa paglalakbay
B. maidokumento ang kasaysayan, kultura at heograpiya ng lugar sa malikhaing
paraan
C. maitago sa publiko ang kagandahan ng isang lugar
D. makalikha ng patnubay sa mga manlalakbay

7. Anong panauhan ang dapat gamitin sa pagsusulat ng isang lakbay-sanaysay?


A. unang panauhan C. ikatlong panauhan
B. ikalawang panauhan D. ikaapat na panauhan

8. Alin ang hindi kabilang sa mga dapat tandan sa pagsulat ng lakbay-sanaysay?


A. magkaroon ng kaisipan ng isang turista sa halip na manlalakbay
B. magtala ng mahahalagang detalye
C. ilahad ang mga realisasyon o mga natutuhan sa ginawang paglalakbay
D. gamitin ang kasanayan sa pagsulat ng sanaysay

9. Anong katangian ng mahusay na pictorial essay ang tinutukoy kung ang nais ay makapili
ng larawang may kalidad nang maipakita ang artistik na kuha?

Page 5 of 11
A. Kawalihan B. Komposisyon C. Pokus D. Orihinalidad

10. Sinong nobelista ang nagwikang, “A photograph shouldn’t be just a picture, it


should be a philosophy”?
A. Antonio Pigafetta C. Dinty Moore
B. Nonon Carandang D. Amit Kalantri
Pagkatapos mong sagutan ang gawain ay iwasto mo ito gamit ang susing sagot na
nasa huling pahina ng modyul na ito. Isulat mo ang iyong marka sa taas ng gawaing ito.
Mahalagang maging matapat ka sa pagmamarka sa iyong gawain upang malaman ko kung
gaano mo naunawaan ang ating aralin.

Palalimin Pa Natin!

Sapagkat likas na malapit sa puso ng Pinoy ang pagiging manlalakbay. Kaya’t


natitiyak kong malapit din sa ating personal na interes ang paksa ng ating talakayan sa
modyul na ito. Bagamat panandalian tayong napigilan ng pandemya na magawa ang ating
mga travel escapade sa taong 2020 alam kong bukas ka pa rin sa pagbabahagi ng iyong
mga karanasan at kaalaman hinggil sa konseptong ito. Ngayong ay susubukin natin kung
gaano kalawak ang iyong natutuhan. May ilang pagsubok kang dapat kaharapin. Handa ka
na ba? Simulan mo na!
Gawain 3: PAGHAHAMBING:

Mula sa iyong mga natutuhan sa talakayan sa modyul na ito. Paghambingin ang


pagkakaiba at pagkakatulad ng Pictorial Essay at Lakbay-Sanaysay batay sa katangian,
kahulugan, layunin, at gamit sa pamamagitan ng isang talahanayan. Punan ng sapat ng
impormasyon ang espasyo sa ibaba.

PICTORIAL ESSAY AT LAKBAY-SANAYSAY


PAGKAKAIBA PAGKAKATULAD

Pagsasanay

Sa puntong ito ay susubukin natin kung gaano kalawak at kalalim ang iyong
natutuhan sa pagsulat at pagbuo ng isang pictorial essay at lakbay-sanaysay. Alamin natin
kung hanggang saan ang kaalamang iyong naunawaan sa araling ito. Subukan na natin!

Gawain 4: TRAVEL IDEA:

Mula sa napanood mong halimbawa ng travel documentary o episodyo ng palabas sa


telebisyon na Biyahe ni Drew na may pamagat na “BND: Spelunking in Sumaguing Cave,
Sagada” ay tukuyin mo ang mga elemento ng paglalahad na ipinakita rito. Magbigay ng
iyong pananaw kung paano makatutulong sa atin ang mga ganitong programa sa
pamamagitan ng pagsagot sa sumusunod ng mga tanong tungkol sa napanood. Isulat ang
sagot sa saiyong sagutang papel.
TRAVEL CHECK: Filipino sa Piling Larang Sulatin tungkol sa Lakbay-Sanaysay

Page 6 of 11
1. Anong lugar ang sentro ng dokumentaryo at anong partikular na paksa sa lugar ang
ibinida nito?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

2. Ano-anong aspekto at katangian ng lugar ang pinalutang sa dokumentaryo?


_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

3. Batay sa natutuhan sa sa aralin, epektibo ba para sa inyo ang paglalarawan at


pagkukwento ng karanasan sa lugar? Pangatwiranan.
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

4. Kung bibigyan kayo ng pagkakataon na maglakbay sa ano mang lugar at


makapagsagawa ng sarili mong travel documentary, anong lugar ang pipiliin mong ibida sa
iyong lakbay-sanaysay? Ipaliwanag ang iyong sagot.
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

PAGPAPALAWAK

Gawin Natin!
MAHALAGANG KAALAMAN:

Napakaraming positibong dulot ang naibibigay ng paglalakbay at pagbabago ng


kapaligiran sa isang tao. Bukod sa porma ng pagpapahinga, nagbibigay rin ito ng
oportunidad na pansamantalang tumigil at pag-isipan ang nakasanayan. Panandalian tayo
nitong pinalalaya sa regularidad ng buhay at pinalalawak ang ating kamalayan at
perspektiba. Sa pamamagitan ng paglalakbay, nagkakaroon tayo ng panibagong idea at
pagdanas sa kultura, pagpapahalaga at pamamaraan ng pamumuhay ng iba.
Nakapagmumuni-muni ka rin sa sarili mong karanasan batay sa pagsasakonteksto nito sa
mas malawak na karanasan ng kapwa at lipunan.

Gawain 5: TRAVEL CHECK:

Ang buhay ng tao ay punumpuno ng paglalakbay hindi lamang sa magagandang


lugar kundi maging sa ating mga nararanasan sa buhay. Alalahanin at muling balikan ang
iyong mga naging paglalakbay o biyahe sa mga nakalipas na taon bago magkaroon ng
pandemya.

Page 7 of 11
Saan-saan ka na nakapunta at ano ang naging paborito mo sa lahat ng iyong
paglalakbay? Ibahagi at ilahad ang mahahalagang detalye ng mga naging karanasan mo sa
nasabing lugar sa pamamagitan ng pagbuo ng isang lakbay-sanaysay.

Isaalang-alang sa pagsulat nito ang mga tinalakay na gabay at hakbang sa pagbuo


ng isang epektibong sulatin. Isulat ito sa nakalaang espasyo sa iyong sagutang papel. baba.
Maiwawasto ko ang iyong sagot sa pagtatapos ng linggong ito.
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

Pamantayan Puntos

 Naisagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng lakbay-sanaysay


 Nakasulat ng organisado, malikhain, at kahika-hikayat na lakbay-sanaysay
 Nakasulat ng lakbay-sanaysay batay sa maingat, wasto at angkop na paggamit ng
wika
 May isang tiyak na paksa at makatotohanan ang nabuong lakbay-sanaysay

Laang Puntos:
5 – Napakahusay 3 – Katamtaman 1 – May kakulangan/kahinaan
4 – Mahusay 2 – Kailangan pang pagbutihin

Gawain 6: PANGWAKAS NA PAGTATAYA:

Subukin Natin!
Isulat sa patlang ang FACT kung tama ang diwa ng bawat kasunod na pangungusap.
Kung mali, ay isulat ang salitang nagpamali sa konsepto at isulat sa saiyong sagutang papel
ang salitang dapat humalili sa salitang may salungguhit upang maging tama ang ideya ng
pangungusap. 2 puntos bawat aytem.

1. 1 Kailangang napakaengrande ng paksa ng pictorial essay.


Ang pictorial essay ay katulad ng picture story.
Higit na mainam kung ang potograpo mismo ang susulat
ng teksto, o sa kabalikan, kung ang manunulat mismo ang

Page 8 of 11
kumuha ng larawan.
Mahalagang ang gumagawa ng pictorial essay ay may
kakayahan at kaalaman sa dalawa ring larangan, sa
potograpiya at sa kompyuter.
Ang pictorial essay ay ginagawa nang may pagsasaalang-
5. alang sa personal na punto de bista na siyang ikinalulugod
ng mga larawang titingnan at ng tekstong babasahin.
Madalas na impersonal sa isang potograpo at/o awtor ang
6.
isang pictorial essay.
Tipikal sa mga pictorial esay ang pagkakaroon ng
7.
pamagat at ang pagpokus sa isang tema.
Larawan at teksto ang dalawang pangkalahatang sangkap
8.
ng pictorial essay.
Ginagawa din ang pictorial essay ng mga potograpo,
9.
mamamahayag, lalo na ng mga photo-journalist.
Ang pictorial essay ay isang kamangha-manghang anyo
ng sining na nagpapahayag ng kahulugan sa
10.
pamamagitan ng paghahanay ng mga larawang
sinusundan ng maiikling kapsyon kada larawan.

Pagkatapos mong sagutan ang gawain ay iwasto mo ito gamit ang susing sagot na
nasa huling pahina ng modyul na ito. Isulat mo ang iyong marka sa taas ng gawaing ito.
Mahalagang maging matapat ka sa pagmamarka sa iyong gawain upang malaman ko kung
gaano mo naunawaan ang ating aralin.

Laging Tandaan!

Ang buhay ng tao ay parang isang paglalakbay, bagamat may iba-ibang destinasyon
at karanasang pinagdaanan, lahat ay may maiuuwi at babauning natatanging aral na bukod-
tangi sa bawat isa. Sapagkat hindi naman kailangang bumiyahe o magtungo sa
napakalayong lugar upang masabi o matawag na matagumpay na paglalakbay ang iyong
ginawa. Sa totoong mundo ay hindi natin kailangang maging turista upang makabuo ng
isang makahulugang karanasan sa isang lugar.

Ang layunin ng paglalakbay sa buhay ay ang makapagbigay ng malalim ng insight at


kakaibang anggulo tungkol sa isang destinasyon o patutunguhan. Subalit, paano nga ba
natin ito magagawa kung mananatili lamang tayo sa ating mga tahanan. Isang malaking
palaisipan kung paano gagawing makabuluhan at produktibo ang pananatili natin sa ating
mga bahay sa panahon ng lockdown at quarantine. Pero sa simpleng pakikisama at
pakikisalamuha natin sa natural na konteksto ng bawat isa sa ating pamilya ay isa ng
malaking karanasan ng paglalakbay. Kailangan lang natin mapagtanto ang oportunidad na
naibigay nito.

Gawain 7: PANGWAKAS NA GAWAIN :

Mula sa lahat ng iyong mga natutuhan sa araling ito ay bumuo ng sariling akrostik ng
salitang LAKBAY na naglalaman ng aral o makabuluhang karansan tungkol sa iyong sarili.
Isulat nakalaang espasyo sa ibaba ang iyong sagot.
L -
_______________________________________________________________________

Page 9 of 11
A -_______________________________________________________________________
K -
_______________________________________________________________________
B -
_______________________________________________________________________
A -
_______________________________________________________________________
Y -
_______________________________________________________________________
MGA SUSING SAGOT
Gawain 1 “LOOK-AKSYON” Gawain 6 “Pangwakas na
Gawain 2 “TSEK IT”
Pagtataya”
1. BORACAY 1. A 1. kailangan- hindi kailangan
2. PALAWAN 2. C 2. katulad - kaiba
3. BAGUIO 3. B 3. Fact
4. AMANPULO 4. B 4. Kompyuter - wika
5. CEBU 5. A 5. Fact
6. CARAMOAN 6. C 6. Impersonal
7. TICAO 7. A 7. Fact
8. MISIBIS 8. A 8. Fact
9. TAGAYTAY 9. B 9. Fact
10. BATANES 10. D 10. Fact
11. SUBIC
12. CAMIGUIN
13. SIARGAO
14. BOHOL
15. VIGAN
16. ZAMBALES
17. PAGUDPUD
18. ILOCOS
19. PANGASINAN
20. BANAWE

SANGGUNIAN
1. Baisa-Hulian, A., at Lontoc, N. (2017). Pinagyamang Pluma: Filipino sa Piling Larang
(Akademik). Quezon City: Phoenix Publishing House Inc.
2. Garcia, F., at Marquez Jr., S. (2017). Pintig Senior High School: Filipino sa Piling
Larang (Akademik). Quezon City: SIBS Publishing House Inc.
3. Bernales, R., et.al. (2017). Filipino sa Larangang Akademiko. Malabon City: Mutya
Publishing House Inc.
4. Ilang mga larawan at impormatibong larong hango at hiram mula sa website na ito
https://www.thebrainrepublicph.com. Nakuha noong Nobyembre 22, 2020.

KAGAMITAN: Lapis/Bolpen, Papel, Flash Drive, Aklat

Page 10 of 11
DISCLAIMER:
Ang mga ideya, konsepto, video, at mga artikulong ginamit sa modyul na ito ay hindi
inaangking pag-aari ng gumawa ng modyul at ng institusyong kanyang kinabibilangan.
Walang nilalayon na paglabag sa karapatang-ari ng mga ito. Ang lahat ay mula sa orihinal
na maylikha o gumawa.

_____________________________________
Pirma at Pangalan ng Magulang/Tagapag-alaga

Petsa: ___________

Page 11 of 11

You might also like