You are on page 1of 10

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
SANGAY NG MGA PAARALANG LUNGSOD – MAYNILA
Sentrong Edukasyon ng Maynila, Luntiang Parke ng Arroceros
Daang Antonio J. Villegas. Ermita, Maynila
TeleFax: 5272315 / 5275184 / 5275180
manila_deped@yahoo.com

Filipino 12
Filipino sa Piling Larang
(Akademik)

Lakbay-Sanaysay

Ikalawang Markahan
Ikalabintatlong Linggo
Modyul 13

Kasanayang Pampagkatuto:
Natitiyak ang mge elemento ng pinanood na programang pam-
paglalakbay.

1
PAANO GAMITIN ANG MODYUL?
Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat
ng inyong pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing
pag-aaral gamit ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na nasa
ibaba para makamit ang layunin sa paggamit nito.
1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul na
ito.
2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong
kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali
mong matatandaan ang mga araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.
5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman
ang antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may
kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay para lalong malinang ang
aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin sa pang-araw-araw na
gawain.
6. Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul na ito.

BAHAGI NG MODYUL

1. Inaasahan – ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan


pagkatapos makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
2. Unang Pagsubok – ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong
kaalaman at konsepto na kailangang malinang sa kabuuan ng aralin.
3. Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating
kaalaman at kasanayang nalinang na.
4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang
ideya ng aralin.
5. Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo ng may
kapareha.
6. Tandaan- dito binubuo ang paglalahat ng aralin.
7. Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan mo
ang bagong aralin.
8. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng
pagkatuto sa bagong aralin.
9. Papel sa Replektibong Pagkatuto - dito ipahahayag ang
pangkalahatang natutuhan o impresyon/repleksyon ng mag-aaral sa
kanyang pinag-aaralang modyul.

2
Aralin
Ang Lakbay-Sanaysay
1
Inaasahan

Pagkatapos sa modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang:


Natitiyak ang mga elemento ng pinanood na programang
pampaglalakbay.

Unang Pagsubok

Panuto: Basahin at sagutin ang sumusunod na mga katanungan. Isulat sa


kwaderno ang titik ng tamang sagot.

1. Uri ng sanaysay o sulatin ukol sa mga karanasan sa isang lugar ng


isang manlalakbay.
A. Replektibong Sanaysay
B. Lakbay-Sanaysay
C. Pictorial Essay
D. Sanaysay
2. Pinakaepektibong pagpapakilala ng isang lugar dahil madaling ma-
visualize o ma-imagine ng mga mambabasa ang hitsura ng isang lugar.
A. Pagtatala ng detalye
B. Pagpapakita ng mga larawan
C. Paggamit ng kasanayan sa pagsulat
D. Paglalahad ng natutuhan sa paglalakbay
3. Ito’y paggamit ng mga salitang angkop sa isinusulat na lakbay-
sanaysay upang mas maunawaan ng mga mambabasa.
A. Dapat o di-dapat sa lakbay-sanaysay
B. Natutuhan sa paglalakbay
C. Kasanayan sa pagsulat
D. Larawan
4. Talakayin sa sanaysay ang mga karagdagang kaalaman na iyong
nalaman habang ikaw ay naglalakbay.
A. Mga larawan
B. Mahahalagang ideya
C. Kasanayan sa pagsulat
D. Natutuhan sa paglalakbay
5. Mahalagang malaman ng mambabasa ang mga atraksyon gayundin ang
direksyon kung saan ang lugar na iyong isinulat.
A. Larawan
B. Magtala ng detalye

3
C. Natutuhan sa paglalakbay
D. Kasanayan sa Pagsulat

Balik-tanaw

Panuto: Bago natin ipagpatuloy ang pagtalakay sa panibagong aralin,


inaasahan kong maitatala mo ang iyong mga natutuhan sa
nakaraang aralin kaugnay sa mga hakbangin sa pagbuo ng isang
panukalang proyekto. Isulat sa kwaderno ang iyong sagot.

Maikling Pagpapakilala ng Aralin

Ang Lakbay-Sanaysay ay isang uri ng sanaysay o sulatin ukol sa


mga karanasan sa isang lugar ng isang manlalakbay. Inilalarawan sa
sanaysay na ito ang kanyang karanasan, saloobin at opinyon tungkol sa
mga bagay na nakita niya partikular sa lugar na kanyang napuntahan. Sa
tulong ng sanaysay na isinulat ng isang manlalakbay, nagkakaroon ng
ideya at interes ang mga mambabasa sa isang lugar na binigyang
katangian ng sumulat nito.

4
Mga Dapat Tandaan sa Pagbuo ng Lakbay-Sanaysay
1. Kumuha ng mga larawan. Isa sa pinakaepektibong pagpapakilala sa isang
lugar ay ang pagkuha ng mga larawan. Sa pamamagitan nito, nagiging mas
kaaya-aya ang lakbay-sanaysay at mas madaling ma-visualize o ma-imagine
ng mga mambabasa ang hitsura ng lugar.

2. Magtala ng mahahalagang detalye. Mahalagang malaman ng mga


mambabasa ang mga atraksyong dapat bisitahin sa lugar dahil maaaring iyon
lamang ang dahilan kung bakit sila pupunta sa lugar na iyon. Nararapat ding
ilahad kung paano makararating sa nasabing lugar maging ito man ay
paglalakad o pagsakay dahil nakatutulong din ito upang madali nila itong
mapuntahan.

3. Isaalang-alang ang kasanayan sa pagsulat ng sanaysay. Sikaping ang


isusulat na sanaysay ay makatotohanan, organisado at malinaw. Gumamit
din ng mga salitang nakaayon sa iyong ginagawang sanaysay. Maaari ring
gumamit ng matatalinghagang salita gaya ng idyoma o tayutay bilang
panghikayat sa mga mambabasa.

4. Magbigay ng mga Dapat at Di-Dapat. Mahalagang maibigay ang mga bagay


na dapat at hindi dapat gawin sa isang lugar upang maiwasan ang mga
pagkakamali. Halimbawa kung ikaw ay pupunta sa Mindanao partikular sa
mga lugar ng Muslim, asahan mo na iba ang kanilang paniniwala at walang
masyadong baboy na makakain doon dahil ito ay ipinagbabawal ng Islam.

5. Magbahagi ng natutuhan sa ginawang paglalakbay. Maaari mo ring ibahagi


ang mga bagay o ideya na iyong natutuhan habang ikaw ay naglalakbay.
Talakayin sa iyong sanaysay ang mga karagdagang kaalaman na iyong
nakuha o kung paano nabago ang iyong pananaw kaugnay sa iyong mga
karanasan habang ikaw ay naglalakabay.

Gawain 1

Panuto: Panoorin at suriing mabuti ang isang halimbawa ng lakbay-sanaysay


na ginawa ng mga mag-aaral ng Maynila na mapapanood sa link na
ito https://youtu.be/4nylRlYBjXY. Pagkatapos ay sagutin sa kwaderno ang
sumusunod na mga katanungan sa ibaba.

1. Ano-anong mga lugar ang itinampok sa lakbay-sanaysay na


napanood?

5
2. Ano-ano ang mga pangunahing kaisipan o ideya na napanood sa
lakbay-sanaysay? Ipaliwanag.

3. Taglay ba ng pinanood na lakbay-sanaysay ang mahahalagang


elemento nito batay sa tinalakay na aralin? Ipaliwanag ang iyong
sagot.

Gawain 2

Panuto: Sa pagkakataong ito, ikaw ay magsasaliksik sa internet o


telebisyon ng isang programang tumatalakay sa paglalakbay sa
isang lugar. Batay sa napanood, tukuyin ang mga elemento ng
paglalahad at itala ang iyong natutuhan sa nasabing programa.
Sundan sa pagsagot ang balangkas sa ibaba. Gawin ito sa
kwaderno.

6
______________________________
PAMAGAT NG PROGRAMA

A. Araw ng pagpapalabas sa internet o telebisyon:


_____________________________________________________
B. Buod o mga tampok sa paglalakabay
1.
2.
3.
4.
5.
C. Taglay na elemento o paraan ng paglalahad sa napanood na programa
1.
2.
3.
4.
5.
D. Aral na natutuhan sa napanood na programa
1.
2.
3.
4.
5.

Pamantayan sa Pagmamarka

20 15 10 5
Ang uri ng Ang uri ng Ang uri ng Ang uri ng hulwarang
hulwarang hulwarang hulwarang balangkas na nabuo
balangkas na nabuo balangkas na nabuo balangkas na nabuo ay di naging
ay talagang ay organisado, ay bahagyang organisado, hindi
organisado, maingat maingat na naisulat, organisado, maayos ang
na naisulat, wasto, wasto, angkop ang naisulat nang may pagkakasulat, hindi
angkop ang wikang wikang ginamit at bahagyang wasto, hindi angkop
ginamit at nakabatay sa kaingatan, ang wikang ginamit at
nakabatay sa pananaliksik. may kawastuhan, hindi nakabatay sa
pananaliksik. may kaangkupan pananaliksik
ang wikang ginamit
at bahagyang
nakabatay sa
pananaliksik.

Tandaan

Habang ikaw ay sumusulat ng lakbay-sanaysay, maaari mo rin itong


iugnay sa pictorial essay at sa replektibong sanaysay sapagkat may mga
pagkakataong ikaw ay gagamit ng mga larawan bilang panghikayat sa lugar

7
na iyong napuntahan gayundin, isinusulat mo ang iyong naging pananaw o
aral na nakuha mo rito.

Pag-alam sa Natutuhan

Panuto: Marahil mayroon kang napuntahang makasaysayang lugar na hindi


mo malilimutan o kaya naman ay mayroon kang pinapangarap na
magandang lugar sa Pilipinas na nais mong puntahan. Bumuo sa
malinis at hiwalay na papel ng isang kahika-hikayat na lakbay-
sanaysay ukol dito. Gawing gabay ang pamantayan sa ibaba.

Pamantayan Puntos
Nakabubuo ng isang lakbay-sanaysay na organisado, malikhain at kahika- 30
hikayat sa mambabasa
Nakasusulat ng isang lakbay-sanaysay batay sa maingat, wasto at angkop 10
na gamit ng wika
Makatotohanan ang nabuong lakbay-sanaysay 10
Kabuuan 50

Pangwakas na Pagsusulit

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na mga kaalaman ukol


sa lakbay-sanaysay. Piliin at isulat sa kwaderno ang titik ng tamang
sagot.
1. Talakayin sa sanaysay ang mga karagdagang kaalaman na iyong
nalaman habang ikaw ay naglalakbay.
A. Mga larawan
B. Mahahalagang ideya
C. Kasanayan sa pagsulat
D. Natutuhan sa paglalakbay
2. Pinakaepektibong pagpapakilala ng isang lugar dahil madaling ma-
visualize o ma-imagine ng mga mambabasa ang hitura ng isang lugar.
A. Mga larawan
B. Magtala ng detalye
C. Kasanayan sa pagsulat
D. Natutuhan sa paglalakbay
3. Mahalagang malaman ng mambabasa ang mga atraksyon gayundin ang
direksyon kung saan ang lugar na iyong isinulat.
A. Larawan
B. Magtala ng detalye
C. Kasanayan sa Pagsulat
D. Natutuhan sa paglalakbay

8
4. Gumamit ng mga salitang angkop sa isinusulat na lakbay-sanaysay
upang mas maunawaan ng mga mambabasa.
A. Dapat o Di-dapat sa lakbay-sanaysay
B. Natutuhan sa paglalakbay
C. Kasanayan sa pagsulat
D. Larawan
5. Uri ng sanaysay o sulatin ukol sa mga karanasan sa isang lugar ng
isang manlalakbay.
A. Replektibong Sanaysay
B. Lakbay-Sanaysay
C. Pictorial Essay
D. Sanaysay

Papel sa Replektibong Pagkatuto

Panuto: Mula sa iyong katatapos lang na aralin, magtala ng tatlong (3) bagay
na iyong natutuhan ukol sa pagsulat ng lakbay-sanaysay. Gawin ito
sa kwaderno.

LAKBAY-
SANAYSAY

Sanggunian
Florante, G. C. Filipino sa Piling Larang (Akademik). Quezon City: SIBS Publishing House,
Inc.
Julian, A. B. at Lontoc, N. B. (2016). Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling Larang
(Akademik). Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc.
Villafuerte, P. V. (2001). Pagpapahalaga sa Panitikan (Bolyum 1). Philippine Normal
University. Malabon City: Jimcyzville Publications.

9
Pangkat ng Tagapamahala at Paglinang sa SLeM

Tagapamahala ng mga Paaralang Sangay: Maria Magdalena M. Lim, CESO V


Punong Superbisor ng Edukasyon: Aida H. Rondilla
CID Superbisor sa Programang Edukasyon: Edwin R. Mabilin, Ph.D.
CID Superbisor sa LR: Lucky S. Carpio, Ed.D.
CID-LRMS Biblyotekaryo II: Lady Hannah C Gillo
CID-LRMS PDO II: Albert James P. Macaraeg

Editor/Tagasuri: Candelaria C. Santos, EdD, MT II


Lorena S. Club, MT II
Manunulat: Dianne Catherine B. Teves, MT II
Tagalapat: Lorena S. Club, MT II

Susi sa Pagwawasto

Gawain 1 at 2:
Pangwakas na
Maaaring magkaiba-iba Pagsusulit
Unang Pagsubok
ng sagot batay sa
1. D
1. B Pamantayan sa
2. A
2. B Pagmamarka
3. B
3. C 4. C
Pag-alam sa
4. D 5. B
5. B Natutuhan
Maaaring magkaiba-iba
ng sagot batay sa Papel sa Replektibong
Pamantayan sa Pagkatuto
Pagmamarka Ang sagot ay batay sa
natutuhan ng mga
mag-aaral.

10

You might also like