You are on page 1of 11

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
SANGAY NG MGA PAARALANG LUNGSOD – MAYNILA
Sentrong Edukasyon ng Maynil a, Luntiang Parke ng Arroceros
Daang Antonio J. Villegas. Ermita, Ma ynil a
TeleFax: 5272315 / 5275184 / 5275180
manila_deped@yahoo.com

Filipino 12
Filipino sa Piling Larang
(Tech-Voc)
Sulating Teknikal-Bokasyonal

Unang Markahan
Unang Linggo
Modyul 1
Kasanayang Pampagkatuto:
Nabibigyang kahulugan ang teknikal- bokasyonal na sulatin.

1
PAANO GAMITIN ANG MODYUL

Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat
ng inyong pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing
pag-aaral gamit ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na nasa
ibaba para makamit ang layunin sa paggamit nito.
1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul na
ito.
2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong
kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali
mong matatandaan ang mga araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.
5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman
ang antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may
kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay para lalong malinang ang
aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin sa pang-araw-araw na
gawain.
6. Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul na ito.

BAHAGI NG MODYUL

naasahan –itoangmgakasanayangdapatmongmatutuhan pagkatapos makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.


Unang Pagsubok – ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong kaalaman at konseptona kailangang malinang sa kabuuan ng a
Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating kaalaman at kasanayang nalinang na.
Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang ideya ng aralin
Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo ng may kapareha.
Tandaan- dito binubuo ang paglalahat ng aralin
Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan mo ang bagong aralin
Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng
pagkatuto sa bagong aralin.

9. PapelsaReplektibongPagkatuto -ditoipahahayagang
pangkalahatang natutuhan o impresyon/repleksyon ng mag-aaral sa
kanyang pinag-aaralang modyul

2
Aralin
Teknikal-Bokasyonal na
1 Sulatin

Inaasahan

Magandang araw!

Simulan ang araw sa isang positibong pananaw.

Ang modyul na ito ay magiging gabay mo upang matutuhan ang mga


kaalamang may kaugnayan sa teknikal-bokasyonal na sulatin partikular ang
kahulugan nito. Ang magiging kaalaman mo rito ay maghahanda sa iyo sa mas
mataas na antas ng karunungan tungo sa iyong napiling larangan.

Kaya naman, pagkatapos sa modyul na ito kayong mga mag-aaral ay


inaasahang:
Nabibigyang kahulugan ang teknikal- bokasyonal na sulatin.

Unang Pagsubok

Panuto: Basahin ang mga pangungusap sa bawat bilang ukol sa teknikal-


bokasyonal na pagsulat. Punuan ang mga patlang ng mga angkop na salita
upang makumpleto ang kaisipan ng mga ito. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa kwaderno.

1. Ang ay isa sa mga kasanayan ng pagsasatitik ng mga isipan ng mag-


aaral at sumusukat ng kahusayan nito sa paggamit ng wika.
A. pagsulat C. pagbasa
B. pakikinig D. panonood

2. Ang teknikal-bokasyonal na sulatin ay gumagamit ng kumbensyonal na


__ _ at may sinusunod na anyo.
A. Istilo C. Pagsulat
B. Pananda D. Pamaraan

3. Huhubugin ng pagsulat ng mga teknikal-bokasyonal na sulatin ang ating


mabisang pakikipag-ugnayan sa lipunang Pilipino sa pamamagitan ng mga
panulat gamit ang wikang .
A. Filipino C. Kumbensyonal
B. Opisyal D. Pambansa
4. Ang teknikal-bokasyonal na sulatin ay may angkop na mga terminolohiya
sa pagsulat sa bawat tiyak na gawain at ang pagpapahayag ng impor-
masyon ay at hindi maligoy.
A. tuwiran
B. masining
C. makatuwiran
D. mabulaklak

5. Ang sulating teknikal-bokasyonal ay nagpapahayag sa isang paksa na


nangangailangan ng direksyon, pagtuturo at _ _ sa mabisang paraan.
A. paggamit
B. pagpapaliwanag
C. pagdedemonstreyt
D. paghahalimbawa

Balik-tanaw

Binabati kita sa mabilis na pagsagot mo sa Unang Pagsubok!

Ngayon, balikan natin sandali ang natutuhan mo sa Teknikal-Bokasyonal na


Pagsulat, pag-isipan natin ang kahalagahan nito sa panahong kinapapamuhayan
natin sa kasalukuyan.

Sa panahon ngayon na may Pandemik ng Covid-19, napakalaki ng dulot nito


sa ating mga buhay partikular sa ating mga kabuhayan. Bilang mag-aaral ng
Technical-Vocational na Strand, natutuhan mo na ang kahulugan ng Teknikal-
Bokasyonal na Pagsulat at ang kabuluhan nito sa ating buhay. Ngayon sa totoong
kalagayan mo kung pakaiisipin mo, paano mo nakita o nakikita ang tulong na
naibigay o maibibigay sa iyo ng mga bagay at kaalaman na ito na natutuhan mo sa
Teknikal-Bokaysonal na Pagsulat? Pakaisipin mo sandali at pagkatapos isulat sa
kwaderno ang iyong kasagutan at ipaliwanag.

GABAY SA PAGMAMARKA
Katotohanan ng Kalagayan 5
Pagsasaayos ng mga Ideya 5
Kaalaman sa Paggamit ng Wika 5
Kabuuan 15
Maikling Pagpapakilala ng Aralin

Ang pagsulat ay kabilang sa mga kasanayan ng komunikasyon. Ang mga


kaisipang mahirap bigkasin ay maaaring ipahayag sa pamamagitan ng pagsulat.
Subalit ang kasanayang ito ay hindi madaling matutuhan, kailangang may pormal
na pagsasanay ang sinuman sa loob ng paaralan.

Sa modyul na ito tutulungan ka na magtamo ng mga tiyak na kasanayang


kaugnay ng Teknikal-Bokasyonal na Sulatin. Huhubugin ang mabisang pakikipag-
ugnayan mo sa pamamagitan ng panulat gamit ang wikang Filipino. Magagamit mo
nang lubos ang kakayahang matututuhan dito sa pagharap mo sa larangang nais
mong tahakin sa mga susunod na panahon.

Ang Teknikal-Bokasyonal na Sulatin

Ang teknikal- bokasyonal na sulatin ay nangangailangan ng masusing


paghahanda at pananaliksik upang maipahayag ito nang mabisa ayon sa
pangangailangan ng mambabasa.

Ang pagsulat ay isa sa mga kasanayang sumusukat ng kahusayan sa


paggamit ng wika. Ito ay pormal na natututuhan sa paaralan sa patnubay ng mga
guro. Ang sulating teknikal ay isang obhektibong paraan ng pagpapahayag ng
kaisipan. Ang salitang Ingles na technical ay mula sa wikang Griyego na techne na
ang katumbas ay sining at kasanayan. Ang sulating teknikal ay nagpapahayag sa
isang paksa na nangangailangan ng direksyon, pagtuturo at pagpapaliwanag sa
mabisang paraan. Ito rin ay nagpapahayag nang tuwiran, nagpapaliwanag sa
pinakamadali at epektibong paraan ng pagtuturo at paano ito maisasagawa.

Ito ay pasulat na pakikipag-ugnayan na nakatutok sa pang-unawa ng mga


mambabasa sa halip na kasiyahan sa pagbabasa sa pamamagitan ng malinaw at
tiyak na pananalita. Gumagamit ito ng kumbensyonal na istilo at may sinusunod
na anyo. Dinesenyo upang itala at ipaliwanag sa pinakamadaling paraan ang
paggamit ng isang kasangkapan. Ang sulating teknikal ay mabisang instrumento sa
paghahatid ng isang ideya, pananaw, obserbasyon, instruksyon at mungkahi sa
pamamagitan ng lohikal at teknikal na paraan.

Gawain 1

Panuto: Pumili ka ng kapareha sa tulong ng text messaging or chat. At mula sa


salitang SULATIN, bigyan ng pagpapakahulugan ang bawat titik sa pama-
magitan ng pag-alala sa mga natutuhang kahulugan ng teknikal-
bokasyonal na sulatin.
S-

U-

L-

A-

T-

I-

N-

Gawain 2

Panuto: Bumuo ng diyalogo ukol sa natutuhan mong kahulugan ng teknikal-


bokasyonal na sulatin. Pagkatapos, makipag-usap sa isang kamag-aral sa
pamamagitan ng text o messenger chat kung hindi makapag-uusap nang
personal. Magbahagihan ng mga pagkakatulad at pagkakaiba ng inyong
nabuong mga diyalogo.

Mag-aaral A Mag-aaral B
Tandaan

Kailangan din na lakipan niya ng maraming kaalamang ang kanyang isipan upang magkaroon ng kabuluhan ang kanyang ipinahahayag

Pag-alam sa Natutuhan

at pananaliksik upang maipahayag ito nang mabisa ayon sa pangangailangan ng mambabasa. Kaya naman, kailangang pag-aralan at ha

Panuto: Humarap sa salamin. Sipatin mo ang sarili mo at ipagpalagay na ikaw ay


mag-uulat sa telebisyon. Ibahagi mo ang iyong natutuhan tungkol sa
teknikal-bokasyonal na sulatin.

Pamantayan sa Pagmamarka
Kaangkupan ng 5 puntos
paksa
Malikhain 5 puntos

Hikayat sa madla 5 puntos

Kabuuan 15 puntos

Pangwakas na Pagsusulit

Panuto: Basahin ang mga pangungusap na tumatalakay ukol sa teknikal-


bokasyonal na sulatin. Sagutin ang mga tanong at isulat sa kwaderno
ang sagot.

1. Anumang uri ng propesyonal na gawain ang ginagawa mo, maaaring ito


ay nangangailangan ng mga gawaing pagsulat at marami rito ay likas na
.
A. teknikal
B. malikhain
C. matalinghaga
D. Mapang-aliw
2. Ikaw ay naatasan ng iyong guro na sumulat ng isang teknikal-bokasyonal
na sulatin ukol sa isang negosyong maaari mong pasimulan sa maliit na
puhunan at resorses na mayroon ka, gayundin batay sa kakayahan mo.
Ano-ano ang dapat mong isaalang-alang sa pagsulat?
A. Malalim na pag-iisip
B. Malawak na pagsasanay
C. Masusing paghahanda at pananaliksik
D. Paggamit ng mabubulaklak na pananalita upang makakumbinsi
3. Ikaw ay maglalahad sa harap ng klase sa pamamagitan ng Zoom Meeting
ng isang sulating teknikal-bokasyonal na isinulat mo ukol sa isang usapin
sa larangan ng Automotive o Cookery. Alin sa mga katangian ng sulatin
ang HINDI angkop sa nilikha mo?
A. May angkop na pananalita.
B. Nagpapalawak ng imahinasyon.
C. Ito ay nagpapahayag nang tuwiran.
D. Nagpapaliwanag sa pinakamadali at epektibong paraan ng pagtuturo
at paano maisasagawa ang gawain.
4. Ang pokus ng teknikal-bokasyonal na pagsulat ay ang introdaksyon ng
mag-aaral sa iba’t ibang uri ng pagsulat na kailangan sa mga gawaing may
teknikal na oryentasyon. Sa ganitong kalagayan, ano ang nararapat na
laging isinasaisip para sa mabisang pagpapahayag?
A. pananaliksik C. pagbabalangkas
B. pag-iisip D. pagsusulat
5. Ang teknikal-bokasyonal na sulatin ay nagpapahayag sa isang
na pananalita.
A. tuwiran C. maligoy
B. makatuwiran D. mabulaklak
6. Susulat ka sa inyong kapitan ng barangay upang humiling ng tulong para
sa iyong kapitbahay na napuna mong ilang araw ng nilalagnat. Anong
partikular na katangian ng sulating teknikal-bokasyonal ang dapat mong
isaisip?
A. Batay sa katotohanan
B. Mapaglaro ng imahinasyon
C. Punong-puno ng impormasyon
D. May sariling istilo ng pagpapahayag
7. Nais mong maging mahusay na Chef balang araw. Kinakailangan mong
magsanay sa pagsulat ng mga teknikal-bokasyonal na sulating may
kaugnayan sa pinagpapakadalunhasaan mo. Anong uri ng detalye ang
dapat mong isaisip ukol sa pagsulat ng mga teknikal-bokasyonal na
sulating ito?
A. makatuwiran C. obhetibo
B. batay sa opinyon D. matalinghaga
8. Ano ang pangunahing tunguhin mo sa pagsulat ng teknikal-bokasyonal na
sulatin?
A. Pagsulat na nagkapagbibigay ng impormasyon sa mga mambabasa.
B. Pagsulat na nagpapagalaw ng imahinasyon.
C. Pagsulat na nanlilibang.
D. Pagsulat na nag-uulat.
9. Habang mas marami ang alam mo ukol sa batayang kasanayan sa teknikal
na pagsulat, mas mahusay na pagsulat ang magagawa mo sapagkat
A. alam mo ang mga tiyak na istilong dapat gamitin sa pagsulat.
B. walang makapipigil sa iyong kahusayan at kabisaan.
C. mataas ang tiwala mo sa sarili na kaya mo ang gawain.
D. naranasan mon a ito.
10. Nais mong aralin at hasain ang kakayahan mo bilang
nagpapakadalubhasa sa larangang iyong pinili. Kaya naman sulat ka nang
sulat ng iba’t ibang teknikal-bokasyonal na sulatin kaugnay ng iyong
larangan. Dahil diyan, ano ang malilinang sa iyong sarili?
A. Makabubuo ka ng sarili mong istilo.
B. Mapatataas mo ang antas ng iyong tiwala sa sarili.
C. Magiging mahusay kang chef.
D. Magiging matalino ka.

Papel sa Replektibongg Pagkatuto

Panuto: Mula sa iyong natutuhan ukol sa Teknikal-bokasyonal na Pagsulat, ano


ang maitutulong nito sa iyong pagkatao at sa iyong pakikipamuhay sa
lipunang ginagalawan mo at sa iyong pinag-aaralang larangan? Isulat ang
sagot sa kwaderno sa pamamagitan ng paggamit ng unang linyang,
“Napag-isip-isip kong …”

Napag-isip-isip kong
_
_
_
Sanggunian
Taylan, D. R., et. al. (2016). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino. Manila: Rex Book Store.

Brooks, C. (January 30, 2014).


https://www.businessnewsdaily. com/5864-technical-
writing.html

Cabrera, P. (May 21, 2020). https://www.brandglowup.com/meaning-technical-


writing/.

RenzoMission. (June 25, 2015).


https://www.slideshare.net/RenzoMission/ lecture-1technicalwriting

Aruna, P. (August 28, 2017). https://ibruk.in/characteristics-of-


effective-technical-content/

https://www.google.com/search?q=technical+writing:+definition+with+auth
or&sa=X&ved=2ahUKEwjitZ_11cLpAhVPFqYKHfRkBkQQ1QIoA3oECBQQBA
&biw=800&bih=489

TEKNIKAL-BOKASYONAL MODYUL 1

Bumuo sa Pagsusulat ng
Modyul Manunulat:Jeriny G. Dacanay
Editor: Edwin Remo Mabilin, EPS
Tagasuri: Candelaria C. Santos, EdD
Tagaguhit: Jamil Q. Carvajal
Tagalapat: Lorena S. Club, MT2
Tagapamahala: Maria Magdalena M. Lim, CESO V
Tagapamanihalang Pansangay ng mga Paaralang Panlungsod Aida H.
Rondilla, Puno ng CID
Lucky S. Carpio, EPS na nakatalaga sa LRM at Tagapag-ugnay sa ADM
Susi ng mga Sagot
Filipino sa Piling Larang (Tech-Voc)
Teknikal-Bokasyonal na Sulatin
Unang Markahan – Unang Linggo
Modyul 1

Unang Pagsubok Balik-tanaw/Gawain Pangwakas na


1-2 Pagsusulit
1. A
2. A Magkakaiba-iba ng 1. A
3. A sagot depende sa 2. C
4. A karanasan/pagkatuto/ 3. B
5. B pananaw 4. A
5. A
6. A
7. C
8. A
9. A
10. A

You might also like