You are on page 1of 10

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
SANGAY NG MGA PAARALANG LUNGSOD – MAYNILA
Sentrong Edukasyon ng Maynila, Luntiang Parke ng Arroceros
Daang Antonio J. Villegas. Ermita, Maynila
TeleFax: 5272315 / 5275184 / 5275180
manila_deped@yahoo.com

Filipino 12
Filipino sa Piling Larang
(Tech-Voc)
Pagsulat ng Manwal

Unang Markahan
Ikalimang Linggo
Modyul 5
Kasanayang Pampagkatuto:
Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik
kaugnay na kahulugan, kalikasan, at katangian ng
iba't ibang anyo ng sulating teknikal-bokasyunal.

1
PAANO GAMITIN ANG MODYUL??
Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat
ng inyong pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing
pag-aaral gamit ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na
nasa ibaba para makamit ang layunin sa paggamit nito.
1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul
na ito.
2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong
kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali
mong matatandaan ang mga araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.
5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman
ang antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may
kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay para lalong malinang ang
aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin sa pang-araw-araw na
gawain.
6. Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul na ito.

BAHAGI NG MODYUL

1. Inaasahan – ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan


pagkatapos makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
2. Unang Pagsubok – ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong
kaalaman at konsepto na kailangang malinang sa kabuuan ng aralin.
3. Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating
kaalaman at kasanayang nalinang na.
4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang
ideya ng aralin.
5. Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo ng may
kapareha.
6. Tandaan- dito binubuo ang paglalahat ng aralin.
7. Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan mo
ang bagong aralin.
8. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng
pagkatuto sa bagong aralin.
9. Papel sa Replektibong Pagkatuto - dito ipahahayag ang
pangkalahatang natutuhan o impresyon/repleksyon ng mag-aaral sa
kanyang pinag-aaralang modyul.

2
Aralin

1 Pagsulat ng Manwal

Inaasahan

Pagkatapos sa modyul na ito ang mag-aaral ay inaasahang:


Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay sa:
a. kahulugan,
b. kalikasan,
c. at katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating teknikal- bokasyunal

Unang Pagsubok

Panuto: Basahin at sagutin ang sumusunod na mga katanungan. Isulat sa


kwaderno ang titik ng tamang sagot.

1. Sa pagsulat ng manwal, sino ang dapat isaalang-alang?


A. Manunulat
B. Awdiyens
C. Kritiko
D. Guro
2. Ang manwal kailangang may kaakit-akit na…
A. Wika
B. Pamagat
C. Disenyo
D. Larawan
3. Ang wikang ginagamit sa pagsulat ng manwal ay…
A. Pormal
B. Di-Pormal
C. Kaakit-akit
D. Matalinghaga
4. Ang pamagat ng manwal ay kailangang…
A. Sumasagot sa tanong na tungkol saan ang manwal?.
B. Makatawag pansin.
C. Maikli at Payak
D. Hindi Maligoy
5. Katangian ng isang manwal?
A. Payak, maiksi at tiyak ang mga pangungusap
B. Madaling maunawaan ang panuto
C. Madaling basahin

3
D. Lahat ng nabanggit

Balik-Tanaw

Bago tayo magpatuloy sa ating aralin, nais kong ibahagi mo ang iyong
nalaman o natuklasan sa nakaraang modyul. Isulat ang mga salitang
maiuugnay sa salitang nasa loob ng bilog at ipaliwanag. Ilagay sa kwaderno
ang sagot.

MA
MANWAL

Maikling Pagpapakilala ng Aralin

Sa bahaging ito ng ating aralin, tatalakayin natin ang mga dapat


tandaan o gabay sa pagsulat ng isang maayos, malinaw, at mabisang
manwal na magagamit ng ating target na awdiyens.

Mga Dapat Tandan sa Pagsulat ng Manwal


1. Isaalang-alang ang awdiyens sa pagsulat ng manwal. Ang wika at
teknikal na detalye ay dapat angkop at nauunawaan ng inaasahang
gagamit ng isang produkto o mekanismo.
2. Mahalagang panatilihin ang pagiging payak, maiksi at tiyak ang mga
pangungusap tulad ng deskripsyon ng mekanismo, depinisyon ng
mga termino, instruksiyon sa pagpapagana o pagpapatakbo, at
solusyon sa mga posibleng problema sa operasyon ng produkto
upang maiwasan ang kalituhan ng mga mambabasa.
3. Buuin ang akronim sa unang banggit.
4. Maging konsistent sa paggamit ng terminolohiya, tono at estilo ng
pagsulat
5. Gumamit ng numbered lists.
6. Pormal ang wikang gagamitin sa pagsulat ng manwal.

4
7. Kailangan din ng mga grapikong ilustrasyon upang palawakin ang
pag-unawa ng awdiyens.
8. May kaakit-akit na disenyo na angkop sa nilalaman o pamagat ng
manwal.
9. Kailangang ang manwal na susulatin ay magagamit na reperensiya
sa hinaharap.

Gawain 1 (Mapanuring Pag-iisip)

Panuto: Mula sa loob ng scroll sa ibaba, pumili ka ng isang bagay na


napakahalaga sa larangang iyong pinili. Sa kwaderno, iguhit ang
bagay na pinili at isa-isahin ang mga paraan kung paano mo ito
mapapangalagaan upang mapanatiling maayos o kapaki-
pakinabang. Isulat sa kwaderno ang sagot.

Gunting, Kalan, Kompyuter, Flash Drive, Screw driver, Utensils,


Welding Machine, Welding Rod, Electrode Holder, Soldering Iron,
Tester, Plais, Metro, Manicure Set, Make-Up Kit, Grinder, Sewing
Machine, Sewing Kit, Barena, Oven, Tool Box, Martilyo, Lagari,
Key Board, Monitor, Sangkalan, Kutsilyo, Measuring Cups,
Measuring Spoon, Sinulid, Karayom

Magiging Anyo ng Kasagutan:

Paraan ng Pangangalaga:
1._________________________________________________________________

2._________________________________________________________________

3._________________________________________________________________

4._________________________________________________________________

5._________________________________________________________________

5
Pamantayan sa Pagmamarka

20 15 10 5
1. Napakaayos at 1. Maayos at 1. Hindi gaanong maayos 1. Higit na kailangan
Napakalinaw ng Malinaw na at malinaw ang pagguhit at pang ayusin ang
pagguhit at nanaiguhit at paglalahad ng mga paraan pagguhit at paglalahad
paglalahad ng mga nailahad ang mga sa pangangalaga ng isang ng mga impor-masyon.
paraan sa paraan sa kagamitan. 2. Higit na bigyang
pangangalaga ng pangangalaga ng 2. May mga salitang hindi pansin ang wastong
isang kagamitan. isang kagamitan. angkop ang pagkakagamit. paggamit ng wika.
2. Wasto, at angkop 2. Wasto, at angkop
ang wikang ginamit. ang wikang ginamit.

Gawain 2
(Mapanuring Pag-iisip, Pakikipagtalastasan)
Panuto: Mula sa mga kagamitang binanggit sa Gawain 1, pumili ng 3
na may kaugnayan sa larangang iyong pinili at isa-isahin ang mga
paraan kung paano ito gamitin sa inyong larangan. Lakipan ng
larawan.

Pamantayan sa Pagmamarka

20 15 10 5
1. Napakaayos at 1. Maayos at 1. Hindi gaanong 1. Higit na kailangan
Napakalinaw na Malinaw na maayos at malinaw ang pang ayusin ang
nailahad ang gamit nailahad ang mga paglalahad ng mga paglalahad ng mga
ng mga gamit ng mga gamit ng mga impor-masyon.
kasangkapan sa kasang-kapan sa kasangkapan sa 2. Higit na bigyang
larangang pinili. larangang pinili. larangang pinili. pansin ang wastong
2. Wasto, at 2. Wasto, at 2. May mga salitang paggamit ng wika.
angkop ang wikang angkop ang hindi angkop ang
ginamit. wikang ginamit. pagkakagamit.

6
Tandaan

Ang sulating Manwal ay hindi kinakailangang maligoy. Kailangang


maging payak sa paggamit ng mga salita, parirala, at pangungusap at
hanggat maaari ay gumamit ng mga ilustrasyon (larawan, grap, flowchart
o screen display) upang madaling sundan ng mga target na awdiyens. Ang
manwal ay dapat na magsilbing gabay at hindi kalituhan sa mga
mambabasa.

Pag-alam sa Natutuhan
Panuto: Sumulat ng isang manwal para sa paggamit ng inyong PPE sa
larangang iyong pinili. Sundin ang mga pangunahing bahagi ng
manwal at isaalang-alang ang mga dapat tandaan sa pagsulat nito.

7
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA

BATAYAN PUNTOS
Taglay ang mga bahagi ng manwal 25

Maingat na naisulat, wasto, at angkop ang wikang ginamit. 35


Gumamit ng mga angkop na disenyo at ilustrasyon 30
Malinis at maayos sa kabuuan 10

KABUUAN 100

Pangwakas na Pagsusulit

Panuto: Basahin at sagutin ang sumusunod na mga katanungan. Isulat sa


kwaderno ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang katangiang dapat na taglay ng pamagat ng manwal?
A. Sumasagot sa tanong na, “Tungkol saan ang manwal?”
B. Makatawag pansin.
C. Maikli at Payak
D. Hindi Maligoy
2. Ano itong katangian ng isang manwal?
A. Payak, maiksi at tiyak ang mga pangungusap
B. Madaling maunawaan ang panuto
C. Madaling basahin
D. Lahat ng nabanggit
3. Sa pagsulat ng manwal, sino ang dapat isaalang-alang?
A. Manunulat
B. Awdiyens
C. Kritiko
D. Guro
4. Alin ang kailangang maging kaakit-akit sa manwal?
A. Pamagat
B. Disenyo
C. Larawan
D. Wika
5. Anong katangian ng wika na dapat gamitin sa pagsulat ng manwal?
A. Pormal
B. Di-Pormal
C. Kaakit-akit
D. Matalinghaga
E.
(Pagbuo ng Katauhan,
Papel sa Replektibong Pagkatuto Pakikipagtulungan,
Pakikipagtalastasan)

8
Nais kong pagnilayan mo muna ang katanungan sa ibaba.

Sa iyong palagay, ano ang kabutihang


maidudulot ng pagkakaroon ng kasanayan sa
pagsulat ng manwal sa iyong sarili at sa
magiging mundo ng iyong pagtatrabaho sa
hinaharap?

_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_______________

Sanggunian

Francisco, C.G. C., at Gonzales, M. G. (2016). Filipino sa Piling Larangan (Tech-


Voc). Manila: REX Book Store.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Anna Lissa G. Rodriguez
Editor: Edwin Remo Mabilin, EPS
Tagasuri: Candelaria C. Santos, EdD
Tagalapat: Lorena S. Club, MTII
Tagapamahala: Maria Magdalena M. Lim, CESO V
Tagapamanihalang Pansangay ng mga Paaralang Panlungsod
Aida H. Rondilla, Puno ng CID
Lucky S. Carpio, EPS na nakatalaga sa LRM at Tagapag-ugnay sa ADM

9
Susi sa Pagwawasto
Filipino 12
Filipino Sa Piling Larang (Akademik)
Unang Markahan-Ikalimang na Linggo
Modyul 5

Gawain 1 :
Unang Pagsubok Pangwakas na
Sumangguni sa
1. B Pagsusulit
Pamantayan sa
2. C
3. A Pagmamarka 1. A
4. A propesyon 2. D
5. D Gawain 2 : 3. B
4. B
Sumangguni sa 5. A
Pamantayan sa
Pagmamarka

10

You might also like