You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VI - Western Visayas
DIVISION OF NEGROS OCCIDENTAL
Pontevedra National High School
Pontevedra, Negros Occidental

Filipino 12
Filipino sa Piling Larang
(Tech-Voc)
Katangian ng Gagamit
ng Teknikal-Bokasyunal
na Sulatin
Unang Markahan
Ikatlong Linggo
Modyul 3
Kasanayang Pampagkatuto:
Nakikilala ang iba’t ibang teknikal-bokasyunal na sulatin ayon
sa:
a. Layunin
b. Gamit
c. Katangian
d. Anyo
e. Target na gagamit

1
PAANO GAMITIN ANG MODYUL?

Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat
ng inyong pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing
pag-aaral gamit ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na nasa
ibaba para makamit ang layunin sa paggamit nito.
1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul na
ito.
2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong
kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali
mong matatandaan ang mga araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.
5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman
ang antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may
kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay para lalong malinang ang
aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin sa pang-araw-araw na
gawain.
6. Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul na ito.

BAHAGI NG MODYUL

1. Inaasahan – ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan


pagkatapos makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
2. Unang Pagsubok – ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong
kaalaman at konsepto na kailangang malinang sa kabuuan ng aralin.
3. Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating
kaalaman at kasanayang nalinang na.
4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang
ideya ng aralin.
5. Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo ng may
kapareha.
6. Tandaan- dito binubuo ang paglalahat ng aralin.
7. Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan mo
ang bagong aralin.
8. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng
pagkatuto sa bagong aralin.
9. Papel sa Replektibong Pagkatuto - dito ipahahayag ang
pangkalahatang natutuhan o impresyon/repleksyon ng mag-aaral sa
kanyang pinag-aaralang modyul.

2
Aralin Katangian, Anyo, at Target na
1 Gagamit ng Teknikal-
Bokasyunal na Sulatin

Inaasahan

Magandang araw!

Simulan ang araw sa isang positibong pananaw.

Pagkatapos sa modyul na ito, ikaw mag-aaral ay inaasahang:


Nakikilala ang iba’t ibang teknikal-bokasyonal na sulatin ayon sa:
a. Layunin
b. Gamit
c. Katangian
d. Anyo
e. Target na gagamit

Unang Pagsubok
Panuto: Suriin ang mga pahayag. Piliin at isulat sa kwaderno ang tamang
sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang ISA sa mga pangunahing katangian ng


teknikal-bokasyunal na sulatin?
A. May obhektibong pagtingin
B. May kababalaghan
C. May damdamin
D. May kasiyahan
2. Alin dito ang anyo ng teknikal-bokasyunal na sulatin?
A. Flyers
B. Babala
C. Manwal
D. Lahat ng nabanggit
3. Alin sa mga ito ang tumutukoy sa lipunang kinabibilingan ng target na
gagamit ng teknikal-bokasyonal na gagamit?
A. Hanapbuhay
B. Edukasyon
C. Lipunan
D. Interes

3
4. Alin sa mga sumusunod ang hindi kasali sa teknikal-bokasyunal na
sulatin?
A. Menu ng pagkain
B. Maikling kwento
C. Naratibong ulat
D. Anunsyo
5. Alin sa mga sumusunod ang hindi kasali sa katangian ng teknikal-
bokasyunal na sulatin?
A. May katiyakan
B. May katumpakan
C. May pinapanigan
D. May maayos na gramatika

Balik- tanaw

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod sa kwaderno.


A. Isa-isahin ang layunin ng teknikal-bokasyunal na sulatin.

1. ___________________________________________________________
2. ____________________________________________________________
3. ___________________________________________________________

B. Isa- isahin ang gamit ng teknikal-bokasyunal na sulatin.

1. ____________________________________________________________
2. _____________________________________________________________
3. ______________________________________________________________

Maikling Pagpapakilala ng Aralin

Ang teknikal-bokasyunal na sulatin ay isang pakikipag-ugnayan sa


pamamagitan ng panulat. Sa ganitong uri ng pagpapahayag ay
isinasaalang-alang ang katangian, anyo at target na gagamit nito upang
maging matagumpay ang anumang transaksyon.

4
Katangian ng Teknikal-Bokasyonal na Sulatin

Sa pagsisimula ng pagsulat ay nararapat na pag-aralan muna ang mga


katangian ng teknikal-bokasyunal na sulatin tulad ng mga sumusunod:
1. may katiyakan
2. may kalinawan
3. may katumpakan
4. may maayos na gramatika
5. may obhektibong pagtingin
6. mahusay ang kayarian ng pagpapaliwanag
7. may angkop na terminolohiyang ginagamit
8. may kahusayan sa paggamit ng mekanismo sa pagsulat

Anyo ng Teknikal-Bokasyonal na Sulatin


May iba’t ibang anyo ang teknikal-bokasyunal na sulatin kabilang na
rito ang mga sumusunod:
1. Feasiblity Study
2. Liham- Pangnegosyo
3. Promo Materials
4. Flyers/ leaflets
5. Deskripsyon ng Produkto
6. Dokumentasyon sa Paggawa ng Isang Bagay/Produkto
7. Naratibong Ulat
8. Menu ng Pagkain
9. Manwal
10.Paunawa/ Babala/ Anunsyo

Target na Gagamit
Sa pagsulat ng teknikal-bokasyunal na sulatin, nagsasaliksik ang mga
manunulat sa mga katangian ng kanilang target na mambabasa batay sa mga
sumusunod:
1. Edad
2. Kasarian
3. Kapaligiran
4. Hanapbuhay
5. Kita
6. Edukasyon at
7. Interes
Ang lahat ng nabanggit ay isinasaalang-alang sapagkat ang bawat isa
ay may kani-kaniyang karanasan at pananaw na nakaaapekto sa kanilang
mga pangangailangan.

5
(Pakikipagtalastasan,
Gawain 1
Pagtutulungan)

Panuto: Pumili ng kapareha mula sa iyong mga kamag-aral sa pamamagitan


tex messaging o chat kung hindi maaari ang personal na pag-
uusap. Bumuo ng diyalogo. Pag-usapan at magpalitan ng ideya
tungkol sa katangian, anyo, at target na gagamit ng teknikal-
bokasyunal na sulatin. Isulat ang usapan sa kwaderno.

Anyo

Target na
Katangian gagamit

Gawain 2 (Mapanuring Pag-iisip,


Pakikipagtalastasan)

Panuto: Batay sa sariling interes, pumili ng isang anyo ng teknikal-


bokasyunal na sulatin na nabasa o nakita mo sa paligid. Gawan ito
ng pagsusuri gamit ang tseklist sa ibaba. Isaalang-alang ang
pamantayan sa pagmamarka ng gawain.

Anyo ng Sulating Teknikal-Bokasyunal: ________________________________

Tseklist ng Pagsusuri

A. Katangian

Lagyan ng tsek (/) ang puwang kung taglay ng _______(anyo ng


sulatin) ang mga katangian sa ibaba at ekis (x) naman kung
hindi.

______may katiyakan

______may kalinawan

______may katumpakan

______may maayos na gramatika

______may obkektibong pagtingin

6
______ mahusay ang kayarian ng pagpapaliwanag

______ may angkop na terminolohiyang ginagamit

______ may kahusayan sa paggamit ng mekanismo sa pagsulat

B. Target na Gagamit

Edad:

Kasarian:

Kapaligiran:

Hanapbuhay:

Kita:

Edukasyon:

Interes:

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA

PAMANTAYAN PUNTOS
Mahusay ang ginawang pagsusuri. 10
Wasto, at angkop ang paggamit ng wika. 10
Malinaw na naipaliwanag ang mga puna sa Target na 10
Gagamit
KABUUAN 30

Tandaan

Ang teknikal-bokasyunal na sulatin ay pakikipag-ugnayan sa


mambabasa. Nagtataglay ito ng mga katangiang dapat isaalang-alang ng
manunulat. Isinasaalang-alang din ang target na gagamit nito upang
maging mabisa ang pagsulat ng iba’t ibang anyo ng teknikal-bokasyunal
na sulatin.

7
(Pagkamalikhain at
Pag-alam sa Natutuhan
Pakikipagtalastasan)
Panuto: Magsagawa ng panayam sa inyong bahay. Imbitahin ang iyong mga
kapatid/kamag-anak sa isang usapan. Kapanayamin sila tungkol sa
katangian, anyo at target na gagamit ng teknikal-bokasyonal na
sulatin na nakakasalamuha nila sa araw-araw na buhay. Gumawa
ka ng sarili mong mga tanong sa pakikipanayam batay sa iyong
natutuhan sa aralin. Pagkatapos makipanayam, igawa ito ng pasulat
na ulat. Ilagay lahat sa kwaderno ang lahat ng kasagutan sa gawaing
ito.

Pangwakas na Pagsusulit

Panuto: Suriin ang mga pahayag. Piliin at isulat sa kwaderno ang tamang
sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang ISA sa mga pangunahing katangian ng
teknikal-bokasyunal na sulatin?
A. May kasiyahan
B. May damdamin
C. May katumpakan
D. May kababalaghan
2. Alin dito ang anyo ng teknikal-bokasyunal na sulatin?
A. Balita
B. Talambuha
C. Liham pangnegosyo
D. Lahat ng nabanggit
3. Alin sa mga ito ang tumutukoy sa pinagkakakitaan ng target na gagamit
ng teknikal-bokasyonal na gagamit?
A. Hanapbuhay
B. Kasanayan
C. Edukasyon
D. Lipunan
4. Alin sa mga sumusunod ang hindi kasali sa teknikal-bokasyunal na
sulatin?
A. Nobela
B. Anunsyo
C. Menu ng pagkain
D. Walang sa mga nabanggit
5. Alin sa mga sumusunod ang hindi kasali sa katangian ng teknikal-
bokasyunal na sulatin?
A. May angkop na terminolohiya
B. May katumpakan

8
C. May pinapanigan
D. May katiyakan

Papel sa Replektibong Pagkatuto

Paano makatutulong sa iyong napiling strand ang kaalaman mo sa


katangian ng teknikal-bokasyunal na sulatin, anyo at target na gagamit nito?
Sagutin sa kwaderno ang tanong.

Sanggunian
https://slideplayer.com/slide/6357625/
https://slideplayer.com/slide/5676262/
Madrid, M.M.M. (May 3, 2012). Retrieved on May 26, 2020 from
https://www.slideshare.net/MariaMarthaManetteMadrid/technical-writing-
12786836.
Taylan, Dolores R., et. al. (2016). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino. Manila: Rex Book Store.
(Oct. 26, 2018). Best Uses of Technical Writing. Retrieved on May 26, 2020 from
Acadecraft Inc. https://www.acadecraft.com/blog/uses-of- technical-writing/.
(June 26, 2017). Teknikal Bokasyonal na Sulatin. Retrieved on May 26, 2020
from https://teknikalbokasyonalnasulatin.wordpress.com/2017/06/26/first-blog-
post/.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Jeriny G. Dacanay
Editor: Edwin Remo Mabilin, EPS
Tagasuri: Candelaria C. Santos, EdD
Tagaguhit: Jamil Q. Carvajal
Tagalapat: Lorena S. Club
Tagapamahala: Maria Magdalena M. Lim, CESO V
Tagapamanihalang Pansangay ng mga Paaralang Panlungsod
Aida H. Rondilla, Puno ng CID
Lucky S. Carpio, EPS na nakatalaga sa LRM at Tagapag-ugnay sa ADM

You might also like