You are on page 1of 20

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV (A) – CALABARZON
City Schools Division Office of Antipolo
District I – A

ANTIPOLO CITY SENIOR HIGH SCHOOL


(#342175 - SHS within Sta. Cruz Elementary School)
Brgy. Sta. Cruz, Antipolo City
Email add: antipolocityshs@gmail.com

STUDENT’s ACTIVITY SHEET sa FILIPINO SA PILING LARANG (TEKBOK)

STUDENT’s ACTIVITY SHEET FOR MELC 2 (MODULAR MODALITY)

PAMAGAT/ARALIN: KATANGIAN NG MGA PILING TEKNIKAL BOKASYONAL NA SULATIN

(MANWAL AT LIHAM PANGNEGOSYO)

. I. OBJECTIVES: Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a. nakilala ang mga piling teknikal-bokasyunal na sulatin
b. naiisa-isa ang mga katangian ng mga piling teknikal-bokasyunal na sulatin
c. nakabubuo ng piling sulating teknikal-bokasyunal na sulatin

A. Pamantayang Pangnilalaman:

Nauunawaan ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo ng sulating
ginagamit sa pag-aaral sa iba’t ibang larangan (Tech-Voc)

B. Pamantayang Pagganap:

Nakabubuo ng manwal ng isang piniling sulating teknikal bokasyunal

C. Pinakamahalagang Kasanayan:

Nakikilala ang iba’t ibang teknikal-bokasyonal na sulatin ayon sa :

a. layunin

b. gamit

c. katangian

d. anyo

e. target na gagamit CS_FTV11/12PT-0a-c-93

II: KAGAMITANG PANTURO

A. Kagamitan
B. Sanggunian: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
C. Karagdagang Kagamitan mula sa Portal ng Learning Resource

III: Bilang ng Oras : 400 min. o 8 na araw

1
IV: PANIMULA

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyo bilang isang mag-aaral. Ito ay
makatutulong upang matutuhan ang tungkol sa pagbibigay ng kahulugan sa teknikal at bokasyonal
na sulatin. Ang sakop ng modyul ay magamit sa anumang kalagayan ng mag -aaral. Ang mga
salitang ginamit dito ay angkop sa lebel ng pang-unawa mo bilang magaaral na naaayon sa
pamantayan nito.

Alamin
● Mga Paalala at Panuntunan ng guro:
✔ Maging tapat sa pagsagot
✔ Isulat sa kuwaderno/notebook ang inyong kasagutan.
● Kasanayang Pampagkatuto:
Nakikilala ang iba’t ibang teknikal-bokasyonal na sulatin ayon sa :
a. layunin
b. gamit
c. katangian
d. anyo
e. target na gagamit
● Layunin:

a. nakilala ang mga piling teknikal-bokasyunal na sulatin


b. naiisa-isa ang mga katangian ng mga piling teknikal-bokasyunal na sulatin
c. nakabubuo ng piling sulating teknikal-bokasyunal na sulatin

Suriin
Gawain 2.1 ( 30 minuto)
A. Pag-aralan ang isang halimbawa ng sulating teknikal bokasyonal pagkatapos ay sagutana
ng mga sumusunod na tanong.

1.Ano ang paksa ng sulatin?


_____________________________________________
_____________________________________________
2. Magtala ng limang (5) salitang kaugnay ng
paksa ng manwal.
_____________________________________________
_____________________________________________
3. Sino ang magbebenepisyo sa manwal na
ito?
_____________________________________________
_____________________________________________

2
B. Panuto: Basahin ang liham. Sagutin ang tanong sa sagutang papel kaugnay nito.
 

Gabay na Tanong:
1. Sino ang lumiham?
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
2. Ano ang nilalaman ng liham? _________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
3. Paano isinulat ang liham? _____________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
4. Ano ang anyo ng pagkakasulat ng liham?
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________

Subukin
Gawain 2.2 ( 70 minuto)
A. Panuto: Tingnan ang ilustrasyon. Sagutin ang kaugnay na tanong hinggil dito. Piliin at isulat sa
sagutang papel ang titik ng tamang sagot.

3
1. Kalakip ng biniling gadyet o kasangkapan upang maging gabay sa paggamit nito.
A. Flyer C. Manual
B. Leaflet D. Brochure
2. Regular na pangangalaga o pagsasaayos ng mga pangunahing operasyon ang nilalaman nito.
A. Manwal-serbisyo na Operasyon
B. Manwal ng pagbC. Manwal D. Manwal para sa gumagamit
3. Isanasaad sa manwal na ito ang pagsasaayos, pagpapalit ng depektibong bahagi.
A. Manwal-serbisyo C. Manwal na Operasyon
B. Manwal ng pagbuo D. Manwal para sa gumagamit
4. Ispesipikaasyon ng mga bahagi, operasyon, dayagnosis, at pagbuo ng gamit ang nilalaman ng
manwal na ito.
A. Manwal-serbisyo C. Teknikal na Manwal
B. Manwal ng pagbuo D. Manwal para sa gumagamit
5. Katangian ng manwal maliban sa isa.
A. Tiyak kung sino ang gagamit
B. Tinatalakay ang pangunahing paksa
C. Di pormal ang gamit ng wika at maaaring may teknikal na pananalita
D. Payak, maikli at tiyak ang pagkakabuo upang maiwasan ang kalituhan ng
mambabasa
 
B. Panuto: Punan nang wastong salita ang bawat patlang. Piliin sa talaan ang sagot.
 

Ang manwal ay pasulat na gabay o _________6______materyal na ginagamit sa pagsasanay,


pagsasaayos ng mga gawain, pagbuo ng mekanismo, pagpapatakbo ng kagamitan,
_______7_______o pagkikumpuni ng mga_______8__________. Ginagamit din ito upang
makapagbigay ng mga impormasyon tungkol sa mga larangan ng gawain tungkol sa mga dapat at
hindi dapat gawin.
 
Layunin ng manwal na magbigay ng ______9_______tungkol sa isang bagay, produkto o
gawain. Ginagawa ito upang makapanghikayat ng mga tao o maging gabay ng magkaroon ng
kaalaman sa mga kalakaran, alituntunin at iba pang ________10_____ sa negosyo o kumpanya.
 
C. Panuto: Basahin ang pambungad na bahagi ng isang manwal. Sagutin ang tanong sa ibaba.
 

4
11. Anong uri ito ng sulatin?__________________________
12. Ano ang layunin nito?_____________________________
13. Paano ito isinulat?_____________________
14. Sino ang makikinabang nito?________________________
15. Ano ang pangunahing nilalaman nito?________________________

Isa sa makrong kasanayan ay ang pagsulat. Bilang isang mag-aaral sa ika-12 baitang, isang
kahilingan sa iyo ang magkaroon ng kasanayan at kaalaman sa Liham-Pangnegosyo. Sukatin at
subukin natin kung ano ang iyong kaalaman tungkol dito.

D. Panuto: Tukuyin ang inilalarawan ng bawat bilang. Piliin sa talaan ang sagot. Piliin sa talaan
ang sagot. Isulat sa sagutang papel ang sagot.

1. Ito ay binubuo ng pangalan, katungkulan at tanggapan ng taong padadalhan ng liham. Kung


kilala ang sinusulatan, sinusulat ang pangalan ng taong sinusulatan, ang kaniyang katungkulan
(kung mayroon), tanggapang pinaglilingkuran at direksiyon.

2. Kapag ang liham ay nasa ganitong anyo, ang lahat ng ay nagsisimula sa kaliwang palugit.
3. Ito ang tampok na bahagi ng liham nanagsasaad ng paksa/mensahe sa sinusulatan.

4. Binubuo ito ng opisyal na pangalan ng tanggapan, adres, telepono, at numero ng fax. Makikita rin
dito ang logo ng tanggapan

5. Ang petsa, bating pangwakas, pangalan, at lagda ay nasa kanang bahagi ng liham.

5
Samantalang ang patunguhan at bating panimula ay nasa gawing kaliwa. Ang simula ng bawat
talata ng katawan ng liham ay nakapasok nang lima hanggangpitong espasyo mula sa
kaliwangpalugit.
 
E. Panuto: Kilalanin ang inilalahad ng bawat bilang. Piliin ang titin ng sagot. Isulat sa sagutang
papel ang sagot.

6. Liham na inihahanda kapag nangangailangan ng isang bagay, paglilingkod, pagpapatupad at


pagpapatibay ng anumang nilalaman ng korespondensiya tungo sa pagsasakatuparan ng
inaasahang bunga, transaksiyonal man o opisyal.
A. Liham-Pasasalamat
B. Liham-kahilingan
C. Liham-pagkambas
D. Memorandum

7. Ang liham na ito ay nagsasaad ng kahilingan ng sumusunod: halaga ng bagay/aytem na nais


bilhin, serbisyo (janitorial services, security services, catering services, venue/function halls, atbp) ng
isang tanggapan.
A.Liham-Pasasalamat
B.Liham-kahilingan
C.Liham-pagkambas
D.Memorandum

8. Karaniwang ipinapadala ng isang boss o may mas nakatataas na tungkulin sa mga


nakabababang kasamahan sa trabaho.
A. Liham-Pasasalamat
B. Liham-kahilingan
C. Liham-pagkambas
D. Memorandum

9. Kasiya-siyang paglilingkod, pagbibigay ng kapaki-pakinabang na impormasyon, idea at opinyon,


at tinanggap na mga bagay
A. Liham-Pasasalamat
B. Liham-kahilingan
C. Liham-pagtatanong
D. Memorandum
10. Liham ito na nangangailangan ng tuwirang sagot sa nais malaman hinggil sa mga opisyal na
impormasyon o paliwanag.
A. Liham-Pasasalamat
B. Liham-pagtatanong
C. Liham-pagkambas
D. Memorandum
 

6
F. Panuto: Ipabasa sa iyon nanay o kaninoman sa iyong kasama sa bahay ang liham sa ibaba.
Tukuyin kung tama o mali ang timutukoy hinggil dito.

7
_______11. Ito ay isang halimbawa ng liham-kahilingan.
_______12. Bloke ang anyo ng liham na ito.
_______13. Upang maging epektibo ang ganitong uri ng liham, kailangang ilahad ang
mga dahilan upang ito ay maipagkaloob.
_______14. Hindi kinakailangang maging pormal sa pagsulat ng Liham-kahilingan.
_______15. Maaaring lamanin ng liham kahilingan ang pagpapatibay ng
anumang nilalaman ng korespondensiya tungo sa pagsasakatuparan ng
inaasaang bunga.

Gabay na Tanong:
1. Paano isinulat ang liham?
2. Sa lahat ng mga ipinakitang jhalimbawa ng sulating teknikal bokasyunal, paano mo ito
mailalarawan?

Tuklasin (40 minuto)

8
● Manwal
Ang manwal ay nagtuturo sa isang tao kung paano gagamitin o gagawin ang mga
bagaybagay. Higit na malawak ang saklaw nito kaysa sa instruksyon. Ito ay nagbibigay ng
mga panuto

para sa mga komplikadong gawain tulad ng pagsasaayos ng mga kumplikadong kagamitan


gayudin sa mga patakarang dapat sundin.
Layunin ng manwal na magbigay ng impormasyon tungkol sa isang bagay, produkto o
gawain. Ginagawa ito upang makapanghikayat ng mga tao o maging gabay ng magkaroon ng
kaalaman sa mga kalakaran, alituntunin at iba pang mahahalaga sa negosyo o kumpanya
Ang manwal ay pasulat na gabay o sangguniang materyal na ginagamit sa pagsasanay,
pagsasaayos ng mga gawain, pagbuo ng mekanismo, pagpapatakbo ng kagamitan,
pagseserbisyo o pagkikumpuni ng mga produkto.
Ginagamit din ito upang makapagbigay ng mga impormasyon tungkol sa mga larangan
ng
gawain tungkol sa mga dapat at hindi dapat gawin.
Katangian ng Manwal
 Tiyak kung sino ang gagamit
 Payak, maikli at tiyak ang pagkakabuo upang maiwasan ang kalituhan ng mambabasa
 Tinatalakay ang pangunahing paksa
 Pormal ang gamit ng wika at maaaring may teknikal na pananalita
 madaling maunawaan ng mambabasa
 maaaring gumamit ng mga larawan o tsart upang mas maging malinaw ang paglalahad ng
mga impormasyon

Mga Uri ng Manwal ayon sa gamit


1.Manwal ng pagbuo (Assembly Manual) – para sa pagbuo ng gamit: alignmnent, calibration,
testing
2. Manwal para sa gumagamit o Gabay sa Paggamit (User/Owner’s Manual) – regular na
pangangalaga o pagsasaayos ng mga pangunahing operasyon
3. Manwal na Operasyon (Operational Manual) – kung paano gamitin at kaunting maintenance
4. Manwal-serbisyo (Service Manual) – routine maintenance, trouble shooting, pagsasaaayos,
pagpapalit ng depektibong bahagi
5. Teknikal na Manwal (Technical Manual) – ispesipakasyon ng mga bahagi, operasyon,
dayagnosis, at pagbuo
6. Manwal para sa pagsasanay (Training Manual) –ginagamit sa mga programang
pampagsasanay ng partikular na grupo

Liham-Pangnegosyo
Ito ay nagtataglay ng mga impormasyon para sa patutunguhan. Isinusulat ito ng
isang individwal na may nais iparating sa pagpapadalhan ng liham
 Nag-iiba ang paraan ng pagkakasulat ng liham batay sa kung ano ang layunin
nito.
 Sa Pagsulat ng Liham Pagnenegosyo, mahalagang tiyakin kung ano ang
layunin ng liham
Karaniwang isinusulat ang mga liham-pangnegosyo para sa mga tao sa labas ng organisasyon o
kompanya. May iba’t ibang sinasaklaw ang liham –pangnegosyo:
1. Paghahanap ng trabaho
2. Paghingi ng impormasyon
3. Pagtugon sa mga tanong
4. Promosyon ng mga ibinebenta at/o serbisyo
5. Paglikom ng pondo
6. Pagrehistro ng mga reklamo
7. Pagbibigay ng mga tulong para sa pagsasaayos ng mga patakaran o sitwasyon. Atbp
Mga Katangian ng Liham Pangnegosyo

9
1. Kalinawan. Ang minsang pagbasa ng naunawaan at nagaganap sa
pamamagitan ng pagbigay sa kaliit-liitang mga bagay.
2. Kabuuan. Ang pagbibigay ng mga kaalaman na dapat lamang malaman ng
mga mambabasa.
3. Kaiklian. Ang pagsasaad ng diwa ng pananalita na may nagaganap na
pagkukulang sa kalinawan, kaabuuan at paggalang.
4. Paggalang. May pamitagang pakitunguhan ang sinusulatan. May pagsasaalang
-alang sa kahalagahan.
Mga Bahagi ng Liham Pangnegosyo
1. Ulong – Sulat Matatagpuan dito ang pangalan, lokasyon at impormasyon sa
pagkontak sa ahensiyang pagmumulan ng liham; kalimitan itong nagtataglay ng
logo ng nasabing kompanya o institusyon
2. Petsa - Nagsasaad kung kalian isinulat ang liham
3. Patunguhan - Inilalagay rito ang pangalan at katungkulan ng taong ibig pagbigyan
ng liham; kung sino ang pangunahing ibig patunguhan nito.
4. Bating Pambungad - Maiksing pagbati sa patutunguhan ng liham. Nagtatapos sa
tutuldok (:)
5. Katawan ng Liham - Nagtataglay ng mismong nilalaman ng liham. Unang talata:
malinaw na ipahayag ang punong diwa at ang buod ng nais sabihin.
6. Gitnang bahagi: isalaysay ang mga pangyayari at/o magbigay ng mga katibayan
hinggil sa pangyayari o usapin.
7. Huling bahagi: sinasabi ang aksiyong dapat gawin sa mapitagang pamamaraan.
8. Bating Pangwakas - Maiksing pagbati bago wakasan ang liham. Nagtatapos sa
kuwit
9. Lagda - Pangalan o mismong lagda ng nagpadala ng liham

Mga Uri ng Liham Pangnegosyo


1. Liham Kahilingan
● Liham na inihahanda kapag nangangailangan o humihiling ng isang bagay,

paglilingkod, pagpapatupad at pagpapatibay ng anumang nilalaman ng korespondensiya tungo


sa pagsasakatuparan ng inaasahang bunga, transaksiyonal
man o opisyal.
2. Liham Pagkambas
● Ang liham na ito ay nagsasaad ng kahilingan ng sumusunod:

halaga ng bagay/aytem na nais bilhin, serbisyo (janitorial services, security services, catering
services, venue/function halls, atbp) ng isang tanggapan.
3. Liham pagtatanong
● Liham na nangangailangan ng tuwirang sagot sa nais malaman hinggil sa mga opisyal na
impormasyon o paliwanag.

4. Liham Pasasalamat
10
● Pagpapahayag ng pasasalamat sa mga naihandog na tulong, kasiya-siyang

paglilingkod, pagbibigay ng kapaki-pakinabang na impormasyon, idea at opinyon, at tinanggap


na mga bagay
5. Liham Aplikasyon
● pagsasaad ng mga karanasan, pinag-aralan, mga katangian, panariling

kasaysayan at iba pang mga detalye.


6. Memoramdum o memo
karaniwang ipinapadala ng isang boss o may mas nakatataas na tungkulin sa mga
nakabababang kasamahan sa trabaho.
Layunin ng Memorandum
 paalalahanan ang mga empleyado hinggil sa dati na, kasalukuyan,
o bagong usapin o tuntunin sa trabaho.
 magbigay ng mga anunsyo o magbaba ng mga patakaran
 magbibigay ng babala sa isang partikular na sektor o departamento
osa isang indibidwal na empleyado kung may nagawa silang
pagkukulang o kamalian sa trabaho
Karaniwang binubuo ng Ulo at ng Katawan ang isang Memo
 Sa ulo matatagpuan ang eksaktong petsa kung kailan sinulat at ipinaskil ang memo at ang
paksa nito
 Sa katawan naman matatagpuan ang panimula at ang buod

Pagyamanin
Gawain 2.3 (60 minuto)
Subukin natin ang mga naunawaan mo sa ating aralin. Basahin ang bahagi ng manwal
sa ibaba.
A. Tukuyin kung tama o mali ang inilalarawan ng bawat bilang. Isulat sa sagutang papel
ang sagot.

11
1. Ang handbook ay isa ring manwal.
2. Ang manwal na ito ay isang makapangyarihang batayan para sa isang karapatan.
3. Malalim na mga salita ang dapat gamitin s pagsulat ng isang manwal upang ito ay
maging malinaw.
4. Ang manwal na ito ay kapaki-pakinabang lalo na sa mga may-ari ng negosyo.
5. Naglalaman ng mga batas at regulasyon sa paghahanapbuhay ang halimbawang
manwal na binasa.
6. Simpleng salita ang ginagamit sa pagsulat ng isang manwal.
7. May iisang paksa ang isang manwal.
8. Layunin ng manwal na magbigay ng impormasyon tungkol sa isang bagay, produkto
o gawain.
9. Ginagamit ito upang makapagbigay ng mga impormasyon tungkol sa mga larangan
ng gawain tungkol sa mga dapat at hindi dapat gawin.
10. Pormal ang gamit ng wika at maaaring may teknikal na pananalita

Gabay na Tanong:

1. Saan ginagamit ang manwal? Saan ninyo ito nakikita o nababasa?

2. Bakit mahalaga ang isang manwal?

B. Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot batay sa bahagi ng manwal sa ibaba

____11.Paksa ng manwal na ito


A. Benepisyo ng mga mangagawa
12
B. Karapatan ng mga manggagawa
C. Obligasyon ng mga negosyante
D. Obligasyon ng mga mangggawa
____12. Ang pinaliliwanag sa bahaging ito ng manwal.
A.Ang mga manggagawa ay dapat makatanggap ng sweldo ayon sa batas
B. Ang halaga ng sweldo ng maggagawa ay naaayon sa bigat ng trabaho.
C. Ang mga nagpapatrabaho ay may laying magpsweldo ayon sa kanilang
kaustuhan
D. Ang mga mangagawa partikular ang kasambahay ay maaaring humiling ng
halaga ng kanilang sweldo
____13. Sino ang tinutukoy na maypagawa?
A.May-ari ng ipinapagawang establisyimieto o gusali
B.Tagapamahala ng pagawaan
C. May-ari ng kompanya
D. Manggagawa
14. Ang tatangap ng subsidy
A. May-ari ng ipinapagawang establisyimieto o gusali
B. Tagapamahala ng pagawaan
C. May-ari ng kompanya
D. Manggagawa
15. Sino ang magbibigay ng subsidy sa isang mangagawa ayon sa manwal.
A. Mangg+agawa
B. May-ari ng kompanya
C. Tagapamahala ng pagawaan
D. May-ari ng ipinapagawang establisyimieto o gusali

Subukin natin ang mga naunawaan mo sa ating aralin. Palawakin pa natin ang iyong kaalaman.
D. Panuto:Basahing maigi ang liham-pangnegosyo sa ibaba. Sagutin ang tanong batay
rito. Isulat sa sagot sa sagutang papel.

13
____1. Uri ng liham liham-pangnegosyo
A. Liham kahilingan C. Liham aplikasyon
B. Liham pagtatanong D. Liham pasasalamat
____2. Anong bahagi ito?
A. Ulong sulat C. Patunguhan
B. Bating panimula D. Lagda
____3. Anong bahagi ito ng liham pangnegosyo?
A. Ulong sulat C. Patunguhan
B. Bating panimula D. Lagda
____4. Sa bahaging ito inilalahad ng sumulat ang kanyang intensyon sa pagliham.
A. Katawan ng Liham C. Patunguhan
B. Bating panimula D. Lagda
____5. Anong bahagi ito ng liham pangnegosyo?
A. Ulong sulat C. Patunguhan
B. Bating panimula D. Lagda
____6. Ang pangunahing nilalaman ng liham.
A. Pagpapakilala ng may-akda C. Pangungumusta
B. Paghahanap ng trabaho D. Wala sa nabanggit
____7. Posisyong hinihiling ng may-akda ng liham pangegosyong ito.
A. Maging guro C. Maging guro sa Filipino
B. Maging empleyado D. Mapabilang sa paaralan
____8. Patunay ng kahandaan ng may-akda sa kanyang pakay.
A. Pagpapakadalubhasa sa larangan ng Filipino
B. Pagtatapos ng kursong BSE-Filipino
C. Pakikipanayam sa anomang oras
D. Wala sa nabanggit
____9. Pinakamataas na kwalipikasyon ng may-akda ayon sa kanyang liham.
A. Pagpapakadalubhasa sa larangan ng Filipino
B. Pagtatapos ng kursong BSE-Filipino
C. Pakikipanayam sa anomang oras
D. Wala sa nabanggit
____10. Karagdagang impormasyon hinggil sa may-akda.
A. Resume C. Pakikipanayam
B. Sanggunian D. Pamantasang pinagtapusan
____11. Anyo ng liham na ginamit ng may-akda.
A. Block C. Di pormal
B. Pormal D. Semi-block
____12. Tawag sa taong maaaring mapagkunan ng impormasyon hinggil sa katauhan
o kakayahan ng isang naghahanap ng hanapbuhay.
A. Tagasuri C. Tagapagsanay
B. sanggunian D. Tagapamahala
_____13. Uri ng wikang ginamit ng may-akda.
A. Payak C. Lalawiganin
B. Pormal D. pangkaraniwan
_____14. Alin sa sumusunod ang taglay na katangian ng liham?
A. Kaiiklian C. Paggalang
B. Kalinawan D. Lahat ng nabanggit
_____15. Alin sa sumusunod ang katanggap-tanggap na taglay ng liham?
A. Hindi mahaba
B. Ramdam ang paggalang

14
C. Hindi paligoy-ligoy
D. Lahat ng nabanggit

Isagawa
Gawain 2.4 (40 minuto)
Nailatag na sa iyo ang kinakailangan mong malamang hinggil dito. Sa gawaing ito,
ibigay moang iyong nalalaman.
A. Panuto: Isulat ang kahilingan sa bawat bilang.
Isa kang Lider ng inyong barangay. Inatasan ka ng inyong Kapitan na sumulat ng
isang manwal tungkol sa paano mo ito sisimulan?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
Nakaisip kang magtayo ng isang negosyo. Anong uri ng manwal ang iyong isusulat?
Bakit?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
Sa kasalukuyang panahon ng COVID 19, anong uri ng manwal ang iyong maaaring gawin
upang makatulong ka sa pamayanan? IpalIwanag.
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Siguradong marami ka nang nalaman tungkol sa liham pangnegosyo. Iba-iba ang uri
nito ayon sa layunin. Nailatag na sa iyo ang kinakailangan mong malaman
hinggil dito. Sa gawaing ito, ibigay mo ang iyong nalalaman.
B. Panuto: Isulat ang kahilingan sa bawat bilang.
1. Ipagpalagay na nakatapos k na ng ika-12 baitang. Nais mong magtrabaho sa isang fastfood
chain. Hinihingian ka ng isang liham aplikasyon. Paano mo ito isusulat? Isulat mo ito sa isang long
bond paper. Sundan mo ang rubriks sa ibaba sa pagsulat.

Pamantayan sa pagsulat at pagmamarka Puntos


Nilalaman
Kaugnayan sa Paksa ———————————————---- 20
Kalinawan ng paglalahad —————————————— 20

Mekaniks
Pakakaugnay-ugnay ng mga pangungusap——————15
Wastong gamit ng mga salita at bantas————————15
Talataan—————————————————————— 15

Anyo
Kaangkupang ng anyong ginamit———————————15
Kabuuan—————————————————————— 100

15
Linangin
Gawain 2.5 ( 20 minuto )
Panuto: Lagyan ng tsek ang katangian ng dalawang sulating teknikal bokasyonal.

Katangian Liham Pangnegosyo Manwal ng isang


produkto
Tiyak
Maiksi
Obhetibo
Di-emosyonal
Paggalang
Malinaw
Kabuuan
Pormal ang gamit na mga salita
May espesyalisadong bokabularyo
Kumpleto ang impormasyon

Walang kamaliang gramatikal


Angkop na pamanatayang kayarian

Karagdagang Gawain
Gawain 2.6 (20 minuto)
Binabati ka namin dahil natapos mo nang matagumpay ang mga pagsubok sa modyul. Dahil
diyan, gusto naming maging handa ka sa susunod na pagsubok na iyong kahaharapin. Ngayon pa
lamang ay paghandaan mo na kung ano nga ba ang madalas na maririnig na salita sa media
batay sa iba’t ibang sitwasyon.
Patibayin natin ang iyong natutunan sa gawaing ito sa pamamagitana ng pagsagot sa
susunod na gawain.
Panuto: Sumulat ng isang tuntunin o patakaran na maaaring maging bahagi ng isang manwal
hinggil sa tamang pagkilos ngayong panahon ng pandemikong COVID 19.
30________________________________________________________________________________________________
_ ________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________

Isaisip
Gawain 2.7 (30 minuto)
Nagagawa mo nang tukuyin ang mga impormasyon at detalye hinggil sa halimbawang
manwal. Upang lubusan mong matandaan, may ilan pang tanong na iyong tutugunan para sa
higit pang kasanayan.
A. Panuto: Sagutan ang mga tanong sa ibaba kaugnay ng mga nabasang bahagi ng manwal
Sa Pagyamanin. Isulat ang sagot sa inilaang papel.
Ayon sa manwal, ano ang benepisyong maaaring matanggap ng isang manggagawa?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Sino ang nagtatalaga ng pasweldo sa mga manggawa? Ano ang batayan nito?
__________________________________________________________________

16
__________________________________________________________________
Gaaano kahalaga ang isang manwal?
__________________________________________________________________
Nagagawa mo nang tukuyin ang mga impormasyon at detalye hinggil sa
halimbawang Liham-pangnegosyo. Upang lubusan mong matandaan, may ilan pang
tanong na iyong tutugunan para sa higit pang kasanayan.
B. Panuto: Sagutan ang mga tanong sa ibaba kaugnay ng mga nabasang halimbawang
liham pangnegosyo sa Pagyamanin. Isulat ang sagot sa inilaang papel.
1.Ano ang nilalaman ng liham pangnegosyong binasa?
____________________________________________________________
____________________________________________________________

2. Ano-ano ang katangian ng may-akda upang mapagbigyan ang kanyang ninanais sa pagliham?
____________________________________________________________
____________________________________________________________
3. Paano ginamit ng may-akda ang wika sa kanyang pagliham? Patunayan.
____________________________________________________________
____________________________________________________________

Tayahin
Gawain 2.8 ( 55 minuto)
Mahusay!! Narito ka na sa pagtatapos ng modyul. Sagutan mo ng buong giting ng mga sumusunod
na tanong sa sagutang papel. Basahin maigi ang panuto at magpatuloy ka…
A. Panuto: Kilalanin ang inilalarawan ng bawat bilang. Isulat sa sagutang papel ang letra
ng sagot.
____1. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakilala sa manwal?
A. Nagtuturo sa isang tao kung paano gagamitin o gagawin ang mga
bagay-bagay.
B. Tumatalakay sa paraan ng sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari
C. Nagpapaliwanag ng isang pangyayari
D. Naglalarawan sa isang materyal
_____2. Ang sumusunod ay katangian ng manwal maliban sa isa.
A. Payak, maikli at tiyak ang pagkakabuo upang maiwasan ang kalituhan
ng mambabasa
B. Pormal ang gamit ng wika at maaaring may teknikal na pananalita
C. Maraming tinatalakay na paksa
D. Tiyak kung sino ang gagamit
_____3. Alin sa sumusunod ang layunin ng manwal?
A. Layunin ng manwal na magbigay ng impormasyon tungkol sa isang
bagay, produkto o gawain.
B. Ginagawa ito upang makapanghikayat ng mga tao o maging gabay ng
magkaroon ng kaalaman sa mga kalakaran, alituntunin at iba pang mahahalaga sa negosyo o
kumpanya
C. Makapagbigay ng mga impormasyon tungkol sa mga larangan ng
gawain tungkol sa mga dapat at hindi dapat gawin.
D. Lahat ng nabanggit

_______4. Karaniwang nilalaman ng manwal


A. iba’t ibang impormayon hinggil sa isang produkto
B. kalakaran sa isang organisasyon o samahan
C. mga detalyeng nagsisilbing gabay sa mga mambabasa
D. lahat ng nabanggit
_______5. Ito ay maaaring ilagay sa manwal upang maging higit na maliwanag ang paglalahad
ng mga impormasyon.

17
A. Mapa C. babala
B. tsart D. Anunsyo
______6. Ginagamit ito kung hinihingi ng pangangailangan upang maging higit na maliwanag
ang paglalahad ng mga impormasyon.
A. Matalinghagang salita C. Malalim na salita
B. Teknikal na salita D. Payak na salita
_____7. Regular na pangangalaga o pagsasaayos ng mga pangunahing operasyon ang nilalaman
nito.
A. Manwal para sa gumagamit C. Manwal ng pagbuo
B. Teknikal na Manwal D. Manwal-serbisyo
____8. Isanasaad sa manwal na ito ang pagsasaayos, pagpapalit ng depektibong bahagi.
A. Manwal-serbisyo C. Manwal na Operasyon
B. Manwal ng pagbuo D. Manwal para sa gumagamit
_____9. Ispesipikasyon ng mga bahagi, operasyon, dayagnosi, at pagbuo ng gamit ang nilalaman ng
manwal na ito.
A. Manwal para sa gumagamit C. Manwal ng pagbuo
B. Teknikal na Manwal D. Manwal-serbisyo
B. Panuto: Basahin ang bahagi ng manwal. Sagutin ang kaugnay na tanong batay rito

_____10. Tungkol saan ang module sa itaas?


A. Small and Medium-sized Enterprise (SME’s)
B. Korapsyon para sa Small and Medium-sized Enterprise (SME’s)
C. Anti-Korapsyon para sa Small and Medium-sized Enterprise (SME’s)
D. Wala sa nabanggit
______11. Sino ang makikinabang sa pinatutungkiulan ng module na ito?
A. ang mga negosyante C. A lamang
B. Ang mga manggagawa D. A at B
______12. Ilang bahagadan ng negosyo ang binubuo ng MSE sa buong bansa noong taon
2009?
A. 99.6 C. 37.5
B. 63.2 D. 90.3
______13. Inilalahad sa manwal na ito ang isa sa mga sumusunod.
A. Proseso ng pagtatayo ng negosyo C. Pagtukoy sa mga negosyanteng korap
B. Pakinabang ng gobyerno sa SME’s D. Paglaban sa Korapsyon sa Pagnenegosyo
______14. Alin sa mga sumusunod ang hindi katanggap-tanggap na laminin ng isang manwal?
A. Mga teknikal na salita C. Mga paalala
B. Matalinghagang salita D. Mga larawan
______15. Alin sa sumusunod ang katanggap-tanggap na laminin ng isang manwal?
A. Mga alituntunin o proseso sa pagsasagawa ng isang bagay
B. Mga Makikinabag sa produkto o organisasyon
C. Mga bahagi ng isang material
D. lahat ng nabanggit

Magaling!! Narito ka na sa pagtatapos ng modyul. Sagutan mo ng buong husay


ang mga sumusunod na pagsasanay. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Basahin
maigi ang panuto at magpatuloy ka…
18
C. Panuto:Tukuyin kung tama o mali ang tinutukoy ng bawat bilang.
______________1. Maaaring makapagpadala ng memorandum sa Elektronikong liham.
______________2. Ang memorandum ay karaniwang pinapadala ng isang may mas mataas na
tungkulin sa nakabababang kasamahan sa trabaho.
______________3. Kung minsan ay naglalaman ng babala ang isang memorandum.
______________4. Hindi maaring gamitin ang memo sa paghingi ng impormasyon.
______________5. Milyon-milyon ang gumagamit ngayon dahil sa bilis ng pagpapadala at
kombinyente ito lalo na sa pagpapalitan ng maikling mensahe.
D. Panuto: Punan ng angkop sa salita ang patlang upang mabuo ang talata. Piliin sa
talaan ang kasagutan.

6____ng pasasalamat sa mga naihandog na ___7____, kasiya-siyang paglilingkod, pagbibigay ng


kapaki-pakinabang na impormasyon, idea at opinyon, at __8______ na mga bagay ang nilalaman
ng Liham Pasasalamat. Samanta,ang Liham Pagtatanong ay _____9___ng tuwirang sagot sa nais
malaman hinggil sa mga __10___ na impormasyon o paliwanag.
E. Panuto: Kilalanin ang inilalarawan ng bawat bilang. Isulat sa sagutang papel ang
kasagutan.
_____________11. Binubuo ito ng opisyal na pangalan ng tanggapan, adres, telepono, at numero ng
fax. Makikita rin dito ang logo ng tanggapan
______________12. Ang petsa, bating pangwakas, pangalan, at lagda ay nasa kanang bahagi ng
liham. Samantalang ang patunguhan at bating panimula ay nasa gawing kaliwa. Ang simula ng
bawat talata ng katawan ng liham ay nakapasok nang lima hanggang pitong espasyo mula sa
kaliwangpalugit.
______________13. Ito ay binubuo ng pangalan, katungkulan at tanggapan ng taong padadalhan ng
liham. Kung kilala ang sinusulatan, sinusulat ang pangalan ng taong sinusulatan, ang kaniyang
katungkulan (kung mayroon), tanggapang pinaglilingkuran at direksiyon.
______________14.Kapag ang liham ay nasa ganitong anyo, ang lahat ng ay nagsisimula sa kaliwang
palugit.
______________15. Ito ang tampok na bahagi ng liham nanagsasaad ng paksa/mensahe sa
sinusulatan
PAGNINILAY: (5 minuto)

Batay sa gawaing isinagawa kompletuhin ang pahayag sa ibaba bilang dyornal # 2

✔ Naunawaan ko na
________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________.

✔ Nabatid ko na
________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________.

Prepared by:

MA. TERESA T. GALVEZ


Teacher, Filipino sa Piling Larang (Tekbok)

19
Checked by:

MA. ALMA SHEILA O. MANABAT


Subject Specialist, FILIPINO

MA. TERESA T. GALVEZ


Subject Group Head,HUMSS

ZENAIDA P. CRISTOBAL
Academic Coordinator

Noted by:

ROSA T. TAYAMORA
School Head

20

You might also like