You are on page 1of 9

Sulating Teknikal- Bokasyunal

Modyul I sa Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang- TECH- VOC (Grade 12 )

Unang Markahan

Inihanda ni:
ARLENE T. SIMANGAN
Department of Education . Schools Division of Tabuk City

Balikan
PANUTO: Balikan kung ano ang kahulugan ng pagsulat. Buuin ang teksto sa ibaba.
Ilagay ang tamang sagot sa patlang.
Ano ang pagsulat?
Ang pagsulat ay kapwa ____________ na gawain na ginagawa para sa iba’t ibang
layunin. Ang pagsulat ay isa ring__________ na gawain sapagkat ito ay isang
ehersiyo ng pagsasatitik ng mga ideya ayon sa isang tiyak na metodo na naaayon
sa mga tuntunin ng wikang ginagamit.

Ayon kina Xing at Jin (1989), ang pagsulat ay isang komprehensibong kakayahang
naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan, retorika at iba pa.

Ang pagsulat ay ang ____________paggamit ng mga grapikong kumakatawan sa

espesipikong ___________ pahayag (Rogers, 2005). Sa madaling salita, sinasabi
nitong may mga natatanging simbolo para sa bawat ponema o tunog at ang mga
ito’y ginagamit sa pagsusulat.

Nakadepende sa ___________ ang pagsulat dahil kung walang wika, wala ring
pagsulat.

Isa ring mabisang paraan ng pagrerekord ang pagsulat.

Ang isa sa pinakalayunin ng pagsulat ay ang komunikasyon.

Ang pagsulat ay alinmang komunikasyong masistema na nakabatay sa

kumbensyunal, permanente, at nakikitang simbolo.

Masistemang intelektuwal
Lingguwistikong paraan
pagsulat
Wika pisikal mental

Tuklasin

PANUTO: Buuin ang mga nagulong titik at ibigay ang sariling pagkaaalam o sariling
pagpapakahulugan nito. Isulat ang sagot sa patlang.

LAKINKET- LNYSKBOAUA NA SLTNIUA

Nabuong pahayag=__________________________________________________

Kahulugan/ sariling kaalaman=

___________________________________________________________________

Suriin

SULATING TEKNIKAL- BOKASYUNAL

Ano ang Teknikal- Bokasyunal na sulatin?

Ito ay isang komunikasyong sulatin na gumagamit ng espesyalisadong
bokabularyo tulad ng teknolohiya, inhenyera, agham at pangkalusugan. Ang
pagsusulat nito ay kinakailangang tumpak lalo pa at karamihan dito ay nasa anyong
teknikal sa pagbibigay ng panuto. Ang teksto ay nasusulat sa paraang payak dahil
ang hangarin ng manunulat ay maunawaan at maisagawa ng karaniwang tao ang
ipinababatid nito. Isang kahingian na sa pagsusulat nito ay kinakailangang maibigay
nang maayos at malinaw ang mga impormasyon. Hinihikayat ang mga mambabasa
upang maipabahagi ang tamang impormasyon. Ang tek-bok na sulatin ay kilala rin
sa tawag na industrial slang sa pagkakaroon nito ng espesyalisadong bokabularyo.
Ito ay isang uri ng komunikasyon sa ano mang larangan na ang pangunahing
gampanin ay makalikha ng isang tiyak at partikular na impormasyon sa tiyak ding
layunin sa partikular na mambabasa.
Ayon kina MILLS AT WALTER (1981) ang depinisyon at deskripsyon ng teknikal na
pagsulat ay mailalarawan sa dalawang katangian:
A. Ito ay eksposisyon tungkol sa mga siyentipikong disiplina at ng mga teknikal
na pag- aaral na kinasasangkutan ng siyensya.
B. Ito ay may katangiang pormal at tiyak na elementong gaya ng mga teknikal na
bokabularyo at siyentipiko. Gumagamit din ito ng grap bilang pantulong at
kumbensyunal na paraan ng ulat

MGA KATANGIAN NG TEK-BOK NA SULATIN

1. May espesyalisadong bokabularyo

2. Tiyak o ispisipiko- hindi maligoy ang paraan ng pagpapahayag

Hal. Kung ang iyong paksa ay patungkol sa pagsasagawa ng isang tiyak na
produkto, nakatuon lamang ang paksa sa produktong ito.

3. Tumpak o totoo- may basehang makatotohanan

-hindi ka nag- eembento ng mga impormasyon
4. Malinaw ang paksa- malinaw ang pagpapahayag lalo na sa pagbibigay ng
mga panuto
Hal. Paraan ng Pagluluto
1. Ihanda ang bawang; magdikdik nito upang lumabas ang lasa nito
2. Gisahin ang bawang hanggang sa lumabas ang lasa at amoy nito.
Ihalo ang manok at baboy at hayaan muna itong magisa ng mga hanggang 3
minuto.
5. Nauunawaan- madaling unawain at hindi na kailangang hanapin ang mga
kahulugan
- Maaaring maisagawa ng mga ordinaryong mamamayan ang
gawain ng sulating ito
6. Kumpleto ang impormasyon- ang mga mahahalagang impormasyon ay
nakalakip at hindi kulang- kulang ang mga impormasyon

7. Walang kamaliang gramatikal- tignang mabuti ang mga gamit ng salitang

gagamitin sa pagsusulat
-bigyang pansin ang tamang baybay ng mga salita

8. Walang kamalian ang bantas- maging mapuri sa tamang paggamit ng mga

bantas habang nagusulat ng tek-bok na sulatin
Hal. Sa pagsusulat ng liham – aplikasyon sa bahaging panimuoang pagbati
Mahal na G. Sadagan:

9. Angkop ang pamantayang pangkayarian

10. Di – emosyunal-
- Hind dapat gumigising ng emosyon ang paraan ng paguslat

11. Obhetibo- ang layuning tinatarget ay nakukuha sa pagsulat ng tek-bok na

sulatin
ANG MGA SUMUSUNOD AY HALIMBAWA NG TEK-BOK NA SULATIN
Manwal
Liham -pangnegosyo
Promo materyal: Fliers at Leaflets
Deskripsyon ng produkto
Feasibility study
Dokumentasyon sa paggawa ng produkto
Naratibong ulat
Paunawa
Babala
Anunsyo
Menu ng pagkain

Pagyamanin

GAWAIN I (PAGPIPILI)
PANUTO: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
patlang bago ang bilang.

______1. Ano ang uri ng sulatin na gumagamit ng espeyalisadong bokabularyo gaya

ng agham, teknolohiya at agham pangkalusugan?
A. Akademikong sulatin C. Larangan ng Isports na sulatin
B. Akademiks na sulatin D. Teknikal- Bokasyunal na sulatin

______2. Bakit tinawag na industrial slang ang sulating tek-bok?

A. Dahil pa pagkakaroon nito ng grap
B. Dahil sa pagkakaroon nito ng mga bilang
C. Dahil sa pagkakaroon nito ng talahanayan
D. Dahil sa pagkakaroon nito ng espesyalisadong bokabularyo
______ 3. Bakit kailangang tumpak ang pagkakasulat nito?
A. Karamihan ay madaling maunawaan
B. Karamihan ay walang interes sa tek-bok na sulatin
C. Karamihan ay mayroon nang kaalaman sa tek-bok na sulatin
D. karamihan sa tek-bok na sulatin ay nasa anyong teknikal sa pagbibigay ng
panuto.

______4. Ang tek- bok na sulatin ay gumagamit ng teknikal na bokabularyo. Alin sa

mga sumusunod ang ginagamit sa tek-bok na sulatin upang matiyak at
masuportahan ang talakay nito?
A. Emosyon C. Karanasan
B. Damdamin D. Talahanayan

______5. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng tek-bok na sulatin maliban sa isa.

A. Flyer C. Talumpati
B. manwal D. Deskripsyon ng produkto

TAYAIN I
PANUTO: Gawing gabay ang iyong mga kasagutan sa gawain 1 at ibigay ang
kahulugan ng teknikal- bokasyunal na sulatin sa pamamagitan ng 3-5 pangungusap.
Isulat ang sagot sa patlang.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

10

GAWAIN II:
Isulat sa mga patlang ang sagot para mabuo ang concept map.
May espesyalisadong bokabularyo
Emosyunal obhetibo maayos at malinaw
Maligoy di- emosyunal mabulaklak na salita

Kaugnay na salita sa SULATING

TEKNIKAL- BOKASYUNAL

TAYAIN 2
PANUTO: Basahing mabuti at ibigay ang hinihingi ng bawat bilang upang lalong
maunawaan ang mga kaugnay na salita sa pagsasanay 2. Isulat ang sagot sa
patlang.

1. Ano- ano ang mga kahalagahan ng kasanayang pagsusulat ng sulating teknikal-

bokasyunal?
______________________________________________________________
______________________________________________________________

2. Ano- ano ang mga katangian ng sulating teknikal- bokasyunal?

______________________________________________________________
______________________________________________________________

3. Bakit tinawag na industrial slang na pagsulat ang sulating teknikal- bokasyunal?

______________________________________________________________
______________________________________________________________

4. Bakit isang kahinginan sa pagsusulat ng teknikal- bokasyunal ang pagiging

maayos at malinaw ng mga impormasyon?
______________________________________________________________
______________________________________________________________

5. Paano matatawag na mahusay ang isang sulating teknikal- bokasyunal?

______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

11

GAWAIN III: PAGTATAPAT

PANUTO: Hanapin sa hanay B ang kaugnay na sitwasyon ng hanay A. Isulat

ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bawat bilang.

HANAY A HANAY B
______1. Walang kamaliang gramatikal A. Isa kang manunulat at tinitiyak mong wala
kang nakatigtaang impormasyon.
______2. Kumpleto ang impormasyon B. Maingat si Guiller sa paggamit ng mga
bantas habang sinusulat niya ang kanyang
liham- aplikasyon
______3. Malinaw ang paksa C. Bago mo ilimbag ang iyong sinulat ay
binasa mo pa ito at iniwasto ang mga
salitang kailangang maiwasto.
______4. Tumpak o totoo D. Sa iyong isinulat ay nakalagay ang sapat at
nauunawang panuto sa pagsagawa ng
isang produkto.
______5. Walang kamalian sa bantas E. Bago ka magsulat ng tek-bok na sulatin ay
sinisigurado mong mayroon kang batayang
makatotohanan.

TAYAIN 3
PANUTO: Buoin ang mga nagulong titik upang maibigay ang mga katangian ng tek-
bok na pagsulat. Ibigay ang sariling pagpapakahulugan ng mga ito. Isulat ang sagot
sa patlang.

1. OBIEHTOB
=______________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. NAAUAWANUN

12

3. WNILAMA

4. TPAMKU

5. ID–MOEYSNLAU

13

You might also like