You are on page 1of 4

STUDENT LEARNING PLAN

Learning Plan in: FILIPINO Date:


Grade Level: Baitang 12 Quarter: 1st
Teacher: Week: 3nd

Paksa:Layunin ng teknikal-bokasyunal na sulatin


Pamantayang Pangnilalaman:
Nauunawaan ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo ng sulating ginagamit sa
pag-aaral sa iba’t ibang larangan. (Tech-Voc)
Pamantayan sa Pagganap:
Nakabubuo ng isang pahayagang pang-isports na naglalaman ng iba’t-ibang anyo ng sulating isports.
Pamantayan sa Pagkatuto:
Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa:
a) Layunin
b) Gamit
c) Katangian
d) Anyo
Tiyak na Layunin:
Pagkatapos ng limang na araw na talakayan, ang mga mag-aaral sa baitang 12 ay inaasahang:
Task 1
a. Nailalahad nang pasalita/pasulat ang kahulugan ng teknikal-bokasyonal na pagsulat;
b. Naililista ng halimbawa ng iba’t ibang gamit ng teknikal-bokasyonal napagsulat sa lipunan;
c. Natutukoy ang ilang kalikasan ng teknikal-bokasyonal napagsulat na sinusunod ng nakararami;
Task 2
d. Nasusuri ang iba pang katangian ng teknikal-bokasyonal na pagsulat;
Task 3
e. Nakapagtataya ng teknikal-bokasyonal nasulatin ayon sa layunin;
f. Nailalahad nang pasalita/pasulat ang mga tungkulin o gamit ng teknikal-bokasyonal napagsulat;
Task 4
g. Nasusuri ang pagkakaiba ng bawat teknikal-bokasyonal na pagsulat ayon sa katangian, layunin,
gamit, at anyo.
Task 1
I- Pasiunang Gawain
Pagganyak
Ang guro ay may inihandang mga “scrumbled words” at ito ay bubuuhin ng mga mag-aaral.
Talasalitaan
Layunin-ang gustong mong gawin o may intensyon na makamit ang iyong nais.
Gamit- pakinabang ng isang bagay mapa anong larangan man.
Katangian- natatanging kailanan ng isa anumang bagay.
Anyo- tumutukoy sa pormat ng sulatin.
Pamukaw Kaalaman
Upang mas madali ang talakayan, ang guro ay magtatanong ng ilang katanungan sa mga mag-aaral.
1. Para sa inyong sariling pagkakaintindi, ano ang kahulugan ng teknikal-bokasyonal napagsulat?
2. Ano sa tingin mo ang kahalagahan nito bilang isang mag-aaral?
II- Pagpapaunlad ng Aralin
Pamamaraan
1. Gawain 1 “Malayang Talakayan”
Basahin at unawain ang paksa.
2. Daloy ng Kaisipan
Ang Teknikal-bokasyonal na sulatin ay isang komunikasyong pasulat sa larangang may espesyalisadong
bokabularyo tulad ng agham, inhenyera, teknolohiya at agham pangkalusugan. It ay payak, tumpak, kumpleto
ang impormasyon, malinaw, di-emosyonal at obhektibo.
3. Gawain 2 “Venn Diagram”
Gamit ang inilaang ilustrasyong Venn Diagram, paghambingin ang dalawang pangkalahatang uri ng
pagsulat.

Pagkakaiba Pagkakatulad Pagkakaiba

5. Sintesis/Pagwawakas
Kailangan na tandaan na ang pagsulat ng teknikal-bokasyonal na sulatin ay nangangailangan ng
pagsusuri at pagsasanay upang maging isang matagumpay na manunulat.

Task 2
Pamamaraan
1. Pagbabalik-tanaw
Bago tuluyang dumako sa bagong talakayan, ang guro ay magbibigay ng tanong hinggil sa nagdaang
gawain.
1. Sa ginawang gawain kahapon, paano niyo nga ba masasabing mahalaga ang teknikal-bokasyunal
na pagsulat?
2. Gawain 1 “Malayang Talakayan”
Basahin at unawain ang paksa.
3. Gawain 2 “brainwriting”
bawat mag-aaral ay magkakaroon ng brainwriting hinggil sa iba pang katangian ng teknikal-bokasyonal
na pagsulat. Matapos makakalap ng mga ideya, isulat sa kalahating papel.
4. Daloy ng Kaisipan
Ang mga katangian ng iang mabuting teknikal-bokasyonal na sulatin ay malaking tulong upang lubos na
mabuo ang gagawing sulatin.
5. Sintesis/Pagwawakas
Tulad ng isang manunulat ng malikhaing akda o ng isang akademikong sulatin, ang mahusay na
manunulat ng sulating teknikal-bokasyonal ay nararapat ding magtaglay ng mga katangiang magagamit niya sa
kanyang pagsulat. Ang mga katangiang ito ay magsisilbing gabay sa pagsulat upang maging makabuluhan at
kapani-paniwala.
Task 3
Pamamaraan
1. Pagbabalik-tanaw
Ang mag-aaral upang magbigay ng buod tungkol sa kanilang natutunan sa nakaraang talakayan. Isulat sa
isang kalahating papel.
2. Gawain 1 “Malayang Talakayan”
Basahin at unawain ang paksa.
3. Daloy ng Kaisipan
Ang mga sulating teknikal-bokasyonal ay mahalaga sa pagkamit ng mga layunin ng isang indibidwal o
ng institusyong kinabibilangan. Mahalagang malaman ang layunin, at tungkulin o gamit sa pagsulat ng mga
sulating teknikal-bokasyonal upang mabatid kung ano ang gamit nito.
4. Gawain 2 “Strip drawing”
Ang bawat mag-aaral ay guguhit kung ano ang layunin ng teknikal-bokasyunal sa lipunan.
5. Sintesis/Pagwawakas
Bilang isang manunulat ng teknikal-bokasyonal na sulatin ay dapat maisaalang-alang ang mga layunin at
tungkulin o gamit nito upang maging epektibo ito sa mga mambabasa. Kailangan ang nabibilang nito ay
magsumikap upang matagumpayan ito.

Task 4
III- Pagpapahalaga
Values Istandards
EXCELLENCE/KAHUSAYAN
Pagkatapos ng isang linggong talakayan masasabing nakamit ng mga mag-aaral ang pangingibabaw ng
kanilang kahusayan at kataasan ng uri ng kanilang pagkatuto dahil sa kabila ng dati nilang kaalaman patungkol
sa mga paksang tinalakay sinikap nilang paglinawin ang mga bagong kaalaman tungo sa dating kaalaman
lalong-lalo na patungkol sa katangian, layunin, gamit, at anyo ng teknikal-bokasyonal na sulatin.

Kaalaman tungo sa Disiplina


English- Nailalapat ang mga dating kaalaman tungkol sateknikal-bokasyonal na pagsulat sa bagong
kaalaman sa Filipino.
CLVed- Napapahalagahan ng mga mag-aaral ang mga kaalamang angkin ng bawat isa.
Biblikal na sipi/Isyung Panlipunan
Ang akademikong pagsulat sa Senior High School (SHS) sa academic track ay hindi lamang isang
paghahanda sa mga mag-aaral sa mga higit na mapanghamong gawain sa kolehiyo. Nagsisilbi itong tulay upang
mapunan ang dating umiiral na gap sa pagitan ng hayskul at kolehiyo. Higit na prospektibo ang layunin ng
akademikong pagsulat sa SHS at ito ay ang paglinang ng global na kompetetibnes sa mga Pilipinong
propesyonal.

IV- Performance Task/Product


Ang mga mag-aaral ay susulat ng teksto batay sa dalawang layunin ng teknikal-bokasyunal na sulatin.
Standards/Rubric:
Pamantayan 10 8 5
Nilalaman
Hindi masyadong mabisa ang Hindi mabisa ang sinuring
(Kabisahan ng Mabisa ang sinuring sulatin.
sinuring sulatin. sulatin.
sinuring sulatin)
Paglalahad Angkop ang mga salitang Hindi masyadong angkop Hindi angkop ang mga
(Kaangkupan ng ginamit at malinaw ang ang mga salitang ginamit at salitang ginamit at hindi
mga salitang pagkalahad. hindi masyadong malinaw malinaw ang pagkalahad.
ginamit at paraan ang pagkalahad.
ng paglalahad)
Wasto at lohikal ang Hindi masyadong wasto at Hindi wasto at angkop ang
Wasto at Lohikal transisyon ng mga ideya ng lohikal ang trasisyon ng mga transisyon ng mga ideya ng
sulatin. ideya ng sulatin. sulatin.

V- Mga Sanggunian
Filipino sa Larangang Akademiko (Bernales, R., et al.) pp. 17-33
- Mutya Publishing House Inc.
Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan (Dipolog, S. & Avanceña, J.) pp. 9-15
- Diocesan Printing Press and Publishing, Inc.

Iniwasto ni: Petsa:

You might also like