You are on page 1of 21

Senior High School

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Filipino – Ikalabing-isang Baitang
Alternative Delivery Mode
Kuwarter 4 - Modyul 9: Katwirang Lohikal at Pagbuo ng Pinal na Burador sa Isang
Pananaliksik
Unang Edisyon 2020

Isinasaad ng Batas Republika 8293, Seksyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng


karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.Gayunman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.”
Ang mga hiniram na materyales (awit, kuwento, tula, larawan, ngalan ng produkto o
brand names, tatak o trademarks atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsikapang matunton upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng mga
materyales o mga kagamitang pampagtuturo na nasa online o sa mga aklat at iba pa. Hindi
inangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang pagmamay-ari ng mga ito.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Alain Del B. Pascua
Mga Bumubuo ng Modyul para sa Mag-aaral
Manunulat: Leonor C. Reyes ,MAEDFIL
Mga Tagasuri: Anita M. Gomez, PSDS
Maria Dulce Cuerquiz, MT, Sol P. Aceron PhD
Teresa P. Mingo,PhD, Almacielo Nambatac , Noemi M. Enriquez
Mga Tagaguhit at Nag-layout: Mr. Ryan Roa, Ms. Mary Sieras
Mr. Allan Guibone, Mrs. Alma Sheila Alorro
Mga Tagapangasiwa
Tagapangulo: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Panrehiyong Direktor
Pangalawang Tagapangulo: Dr. Victor G. De Gracia Jr. CESO V
Pumapangalawang Panrehiyong Direktor
Cherry Mae L. Limbaco, PhD, CESO V
Tagapamanihala
Rowena H. Paraon, PhD
Pumapangalawang Tagapamanihala
Mala Epra B. Magnaong, Hepe ES, CLMD
Mga Miyembro: Lorebina C. Carrasco, OIC-CID Chief
Sol P. Aceron, Ph.D, EPS-Filipino
Brenda P. Galarpe, SSP- 1
Marisa D. Cayetuna,P-1
Aniceta T. Batallones, MAFIL
Leonor C. Reyes, MAEDFIL
Joel D. Potane, LRMS Manager
Lanie O. Signo, Librarian II
Gemma Pajayon, PDO II

Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Cagayan de Oro
Office Address: Fr. William F. Masterson Ave Upper Balulang Cagayan de Oro
Telephone Nos: (08822)855-0048
E-mail Address: cagayandeoro.city@deped.gov.ph
SenSieonrioHriHghighScShchoo

Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribado
Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

FAIR USE AND CONTENT DISCLAIMER: This module is for educational purposes only. Borrowed materi

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng


Talaan ng Nilalaman

Para Saan ang Modyul Na Ito.............................................................................................i


Ano ang Inaasahan Mo.......................................................................................................i
Paano Mo Matutunan......................................................................................................... i
Mga Icon ng Modyul.......................................................................................................... ii

Ano ang Nalalaman Mo.....................................................................................................iii

Aralin 1: Katwirang Lohikal

Alamin.......................................................................................................1
Tuklasin.....................................................................................................1
Suriin......................................................................................................... 3
Isagawa.....................................................................................................4

Aralin 2: Pagbuo ng Pinal na Draft / Burador sa isang Pananaliksik

Alamin...............................................................................................5
Balikan..............................................................................................5
Tuklasin............................................................................................5
Suriin.................................................................................................9
Pagyamanin.......................................................................................9
Isagawa............................................................................................10

Pangwakas na Pagtataya.................................................................................................11
Susi sa Pagwawasto.......................................................................................................12
Mga Sanggunian..............................................................................................................13
Para Saan Ang Modyul na Ito
Ang modyul na ito ay tungkol sa katwirang lohikal at sa pagbuo ng pinal na draft sa
isang pananaliksik. Ito ay inaasahang tutugon sa mga pangangailangan ng mga mag-
aaral.
Sadyang inihanda ang modyul na ito upang makatuklas ng mga bagong konsepto at
kaalaman sa paggamit ng mga natutuhan sa pagsulat, pagbasa, pagsusuri at pananaliksik.
Ang mga gawain ay maingat na inihanda upang lubos na malinang ang kasanayan at
kakayahan ng mag-aaral sa pagsunod sa wastong pamamaraan ng pangangalap ng mga
datos, pagbabasa, pagsusuri at pagsulat ng pananaliksik. Tutulungan ka ng modyul na ito na
matukoy ang mga uri ng katwiran at mga paraan kung paano isagawa ang pinal na draft sa
isang pananaliksik upang makabuo ng isang napapanahon, mabisa at maayos na gawaing
pananaliksik.
Sa tulong ng mga tiyak na takdang gawain sa pagkatuto ng modyul na ito, ang maayos
ang pagkabuo at kalakip ang nga kaugnay na nakaraang gawain sa pagkatuto ay inilalahad
at itinuturo dito. Sa pamamagitan ng mga pamatnubay na pagsubok pagkatapos ng bawat
munting likha ng aralin at ng pangwakas na pagsusulit sa katapusan ng modyul ay
nagkakaroon ng pagtataya sa anumang kaalamang nakuha ng mga mag-aaral .
Nagtataglay rin ito ng mga araling nagbibigay-diin sa mga aspekto ng buhay sa
ikadalawampu’t isang siglo upang malinang ang mga kasanayan at pagpapahalaga tulad ng
mahusay na pakikipagtalastasan, mapanuring pag-iisip, mabuting pakikipagkapwa-tao, at
paglikha ng makabuluhang bagay na makatutulong sa kanilang pagharap sa mga susunod
na taon ng pag-aaral, pagtatrabaho, o pakikipagkalakalan.

Ano ang Inaasahan Mo

Inaasahang pagkatapos ng modyul na ito ang mga mag-aaral ay:

1. Nagagamit ang mga katwirang lohikal at ugnayan ng mga ideya sa pagsulat ng


isang pananaliksik. (F11WG-IVgh-92)

Paano Mo Matutunan

Upang makamit ang mga inaasahan, gawin ang mga sumusunod:

 Basahin at unawain nang mabuti ang mga kaugnay na katwirang lohikal.


 Sundin ang bawat panuto na ibinibigay sa bawat gawain at pagsasanay.
 Sagutin ang lahat ng mga ibinibigay na gawain at pagsasanay.

i
Mga Icon ng Modyul
ALAMIN Inihanay ang mga layunin sa aralin. .Mahalagang
maunawaan ng mga mag-aaral kung ano ang
maaasahan nila sa aralin.

SUBUKIN Panimulang pagtataya o Gawain upang matukoy ang


lawak ng kaalaman ng mag-aaral ukol sa
natalakayingpaksa.

BALIKAN Binabalikan ang mga dating kaalaman ng mga mag-


aara ltungkol sa paksa ng bawat aralin. Mahalagang
matukoy ito upang matiyak na may napadagdag
pang kaalaman.

TUKLASIN Inilalahad dito ang mismong aralin sa pamamagitan


ng kwento, pagsasanay, tula, awitin, sitwasyon at iba
pang paraan. Ginagalugad dito ang mga ideyang
magkikintal ng mahalagang kaisipan.

SURIIN Inilalahad dito ang mga tanong sa sumusubok sa


pagkaunawa ng mag-aaral sa aralin. Maaari rin itong
pagtalakay sa paksa.

PAGYAMANIN Makapagsagawa ang mga mag-aaral ng mga


gawaing magpapatotoo ng kanilang natutuhan.
Magtitipon sila ng kanilang likhang mga sulatin at
Gawain batay sa natutunan sa aralin.

ISAISIP Patutunayan ng mga mag-aaral ang karunungan at


kaalamang kanyang natutunan sa pamamagitan ng
pagsusulit, gawain at pagsasanay.

ISAGAWA Pagtitipon ng mga natamong kaalaman at kasanayan


ng mga mag-aaral sa gawaing replektibo upang
mailalapat sa tunay na buhay.

TAYAHIN Tatayain ang mga mag-aaral ayon sa antas ng


pagkatuto mula sa natamong kasanayan.

KARAGDAGANG Mabibigyan ng karagdagang pagsasanay upang


GAWAIN malinang ang kakayahang pampagkatuto ng mga
mag-aaral.

SUSI SA Mga kasagutan sa anumang pagtataya,pagsasanay


PAGWAWASTO at mga Gawain

ii
Ano
Ano ang Nalalaman Mo

Panimulang Pagtataya

I.I sulat sa patlang ang titik T kung ang pahayag ay tama at titik M naman kung ang
pahayag ay mali.

1. Ang proofreading o pagwawasto ay ang unang yugto ng proseso at pag-edit


na tumututok sa mga maling baybay at mga pagkakamali sa gramatika at bantas.
2. Ang pinal na draft/burador ay ang huling pagsulat ng burador ng
pananaliksik. Sa bahaging ito ay kailangang labis na bigyang pansin ang mga
pagwawastong isinagawa ng tagapayo sa mga naunang burador na ipinasa.
3. Nabuo ang pinal draft/burador matapos ang pag-edit at pagrebisa ng papel
pananaliksik. Sa pagsulat nito ay mayroon pa ring mga dapat sundin. Narito ang
sumusunod:
4. Ang pagdidiin o bold facing ay gamitin kung kinakailangan lamang bigyang-
diin ang salita, gaya ng bilang ng kabanata, pamagat at pantulong na pamagat
ng papel-pananaliksik, pamagat ng iba pang bahagi – dahon ng pagpapatibay,
pasasalamat, talaan ng nilalaman, at iba pa.
5. Ang pagmamarka ay ang pagwawastong ginagawa sa kung ano ang
sinimulan mong ginagawa sa sandaling natapos mo ang iyong unang draft.
6. Ang Pabuod ay isang pagtukoy sa kongklusyon gamit ang katotohanang
tanggap ng karamihan
7. Ang lohikal ay nangangahulugang naaayon sa mga risonableng inaasahan
kaugnay ng mga ispesipik na sitwasyon o kaganapan.
8. Sa akademikong pagsulat, napakahalagang maging lohikal sapagkat isa ito
sa mga batayan ng ating panghikayat sa ating mga mambabasa.
9. Ang lohika ay tumutukoy sa agham at sining ng tamang pag-iisip.
10. Ang ebidensiya ay kailangang mahalaga, matibay at nauugnay sa
argumento.

i
Aralin

1 Katwirang Lohikal

Alamin

Sa katapusan ng Modyul, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


1. Nagagamit ang mga katwirang lohikal at ugnayan ng mga ideya sa pagsulat ng
isang pananaliksik. F11WG-IVgh-92

Tuklasin
Lohikal na Pangangatwiran

Lohikal at Mapanghikayat na pagsulat


Halos lahat ng tao ay pamilyar sa salitang lohikal at ilohikal. Halimbawa, nababanggit
nating ang mga terminong lohikal na kandidato, lohikal na hakbang o prosidyur o di kaya'y
ang lohikal na pagpipilian. Sa mga kontekstong ito, ang lohikal ay nangangahulugang
naayon sa mga risonableng inaasahan kaugnay ng mga ispesipik na sitwasyon o
kaganapan. Samantala, ang isang lohikal na palaisip ay isang taong ang pag-iisip ay
maayos at konsistent. Sa kabilang banda, tinatawag nating ilohikal ang isang anyong hindi
naaayon sa isang sitwasyon o kaganapan, ang isang taong ang pag-iisip ay hindi maayos
at inkonsisteng o di kaya'y ang isang argumentong hindi naaayon sa isang kongklusyon,
irelebant o kontradiktori sa sarili. Mapapansing sa lahat ng nabanggit, ang lohikal ay
tumutukoy sa tamang pag-iisip, samantalang ang ilohikal sa kabaligtaran nito.

Ang Lohika at Pagsulat


Ang lohika ay tumutukoy sa agham at sining ng tamang pag-iisip.
Sa akademikong pagsulat, ang lohika ay isang pangangailangan. Ito ang batayan ng
panghikayat sa mga mambabasa, katulad nga ng nabanggit na. Sa larangan ito, madalas
na may mga katwirang kailangang pangatwiranan. Kung ang pangangatwiran ay hindi
lohikal, walang mambabasa ang maniniwala sa iyo.

May ilang mga mungkahi upang matiyak na magiging lohikal ang iyong pagsulat:
a) Alamin ang paksa at magsaliksik ng tungkol dito kung kinakailangan;
b) Alamin ang mga proposisyong kaugnay ng paksa upang mapili ang mga argumentong
magagamit:

3
C) Alamin ang paraan ng pangangatwirang angkop gamitin sa iyong mga argumento;
d) Mangalap ng mga datos na magpapatibay sa iyong argumentong; at
e) Iwasan ang mga maling pangangatwiran;

Madalas din, kinakailangang maglatag ng mga ebidensya upang lumakas ang


isang argumento. Ngunit tandaang ang ebidensya ay kailangang mahalaga, matibay at
nauugnay sa argumento.

May iba't ibang ebidensyang maaaring magamit. Ito ay ang mga sumusunod:
a) Pangyayaring nauugnay sa argumento;
b) Obserbasyong pansarili o kaya'y ng ibang tao;
c) Mga saksi; at
d) Mga awtoridad na makapagbibigay ng mga pahayag na makapagkokolaboreyt sa isang
argumento.

Lohikal na Pangangatwiran
Lohikal na pangangatwiran ay isang uri na pangangatwiran na ginagamitan ng
mapanuring pag-iisip. Ang bawat proposisyon o isyu pinag-uusapan ay kailangan mayroong
tiyak na ebidensya o patunay na ito ay makatotohanan.

Sa katunayan may dalawang kategorya ang lohikal na pangangatwiran:


A. Ang pangangatwiran pabuod o indaktib - ay nagsisimula sa maliit na katotohanan
tungo sa panlahat na simulain, tuntunin, kaisipan o konsepto. Ito ay pangangatwirang
gumagamit ng;
1. Pagtutulad Inilahad dito ang magkatulad na katangian, sinusuri ang katangian, at
pinalulutang ang katotohanan. Ang nabubuong paglalahat sa ganitong pangangatwiran
ay msasabing pansamantala lamang at maaaring mapasinungalingan. Maaring maging
pareho ang pinaghahambing sa isa lamang katangian subalit magkaiba naman sa
ibang katangian.
Halimbawa: Si Binibini Cruz ay napakabuting guro sapagkat ang ama’t ina niya isa ring
mabuting guro.

2. Pangangatwiran sa pamamagitan ng Pag-uugnay ng Pangyayari sa Sanhi.Bawat


pangyayari ay may sanhi. Ang pangangatwiran natin ay nagsisimula sa mga sanhi
tungo sa bunga o ang patumbalik nito. Ang ating konklusyon ay isang pahayag na ang
isang pangayayari'y bunga ng isa pang pangyayari.
Halimbawa: Ang paglakas ng ulan ay nagdudulot ng baha sa kalsada sapagkat hindi tayo
marunong tumapon ng basura sa tamang lugar.

3. Pangangatwiran sa pamamagitan ng mga Katibayan at


Pagpapatunay.Napapalooban ito ng mga katibayan o ebidensyang higit na
magpapatunay o magpapatutuo sa tinutukoy na paksa o kalagayan.
Halimbawa: Si Ramon ang salarin sa pagpatay ng isang menorde edad na babae,
sapagkat may nakakita sa kanya na kasama niya ang bata at may nakita rin tsinelas na
pag mamay-ari niya na natagpuan mismo sa lugar ng krimen.

B. Pangangatwirang pasaklaw o dedaktib. - nagsisimula naman sa panlahat na


tuntunin, konsepto ideya na sinusundan ng mga partikular na bagay na sumusuporta o
nagpapatotoo sa inilahad sa unang mga dahilan ng lohikal na pangangatwiran upang
mabigyan linaw ang isang mahalagang usapin o isyu, makapagbahahi ng kaalaman sa
ibang tao, at makapagpahayag ng saloobin. Ito kadalasang gumamit ng silohismo.

2
Ang Silohismo ay isang pagtukoy sa kongklusyon gamit ang katotohanang tanggap ng
karamihan. Ito ay nahahati sa tatlong bahagi:
Pangunahing Premis isang pahayag na na may katotohonan na tanggap ng
karamihan. Maari ito’y may katotohanang na napatunayan na ng agham, o ng
pananaliksik.
Pangalawang Premis ay isang paglalahad ng sitwasyon na mag-uugnay sa
pangunahing premis at
kongklusyon. Kongklusyon ang lohikal na kasagutan na nagtatagni ng pangunahing
at pangalawang premis.
Iba’t ibang Uri ng Silohismo
1. Tiyakang Silohismo - ito ay may direktang pagtukoy sa kongklusyon, walang pagpilian,
at walang mga kondisyon
Pangunahing Premis: Lahat ng tao ay rasyunal.
Pangalawang Premis: Si Pedro ay tao.
Konklusyon: Si Pedro ay rasyunal.
2. Kondisyonal na Silohismo – Isang uri ng silohismo kung saan ang pangunahing premis
ay may kondisyon, habang ang kongklusyon naman ay nakabatay kung ano ang
kondisyon ng pangalawang premis.
Pangunahing Premis: Kung si Pepe ay isang mabuting Kristyano, siya
pupunta sa langit.
Pangalawang Premis: Si Pepe ay mabuting Kristyano.
Konklusyon: Si Pepe ay pupunta sa langit.
3. Pasakaling Silohismo
Pangunahing Premis: Kung masama kang Kristyano, hindi ka makakarating
sa langit.
Pangalawang Premis: Si Pepe ay hindi masamang Kristyano.
Konklusyon: Si Pepe ay makakarating sa langit.
4. Pamiliang Silohismo – Ito ay may dalawang pagpipilian sa pangunahing premis.
Anuman ang mapili ng pangalawang premis ay magiging kabaliktaran sa
konklusyon.
Pangunahing Premis: Alin sa dalawa, Si Pepe ay Kristyano oBuddhist
Pangalawang Premis: Si Pepe ay hindi Buddhist.
Konklusyon: Si Pepe ay Kristyano

Suriin
Basahing mabuti ang pahayag at suriin ang uri ng pangangatwirang pabuod. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.
1. Ang pagmamatuwid ni Lucio ang salarin sapagkat sa kanya ang nakuhang sang paang
tsinelas sa tabi ng bangkay. Kay Lucio rin ang buckle ng sinturong siyang ipinamalo sa
namatay na natagpuan sa di-kalayuan sa lugar ng krimen. Si Lucio ay nakagalit ng
napatay.
2. Magtayo tayo ng kooperatiba sa ating kolehiyo sapagkat ang kolehiyo sa Davao, sila
ay may kooperatiba at malaki ang napapakinabang.
3. Ang pagmamatuwid na kaya hindi nakapasa sa pagsusulit ang mag-aaral ay
sapagkat hindi siya nagbalik-aral.

3
Isagawa

Bumuo ng sariling halimbawa batay sa bawat uri ng Silohismo ayon sa pangunahing


premis, pangalawang premis at konklusyon.
Uri ng Silohismo Pangunahing Pangalawang Konklusyon
Premis Premis

1.Tiyakang Silohismo

2.Kondisyonal na Silohismo

3.Pasakaling Silohismo

.4.Pamiliang Silohismo

4
Aralin

2 Pagbuo ng Pinal na Burador sa


Isang Pananaliksik

Alamin

Sa katapusan ng Modyul, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


1. Nagagamit ang mga mga paraan sa pagbuo ng pinal na burador sa isang
pananaliksik at sa ugnayan ng mga ideya sa pagsulat ng isang pananaliksik.

Balikan:

Batay sa inyong nabasang pananaliksik sa nakaraang modyul, maliban sa mga


rekomendasyon ng mananaliksik bunga ng resulta sa kanyang pag-aara, ano pa ba
ang mairagdag mong solusyon sa problemang inilahad sa pananaliksik mula sa
Modyul 8? Bakit?

Tuklasin
Pagbuo ng Pinal na Burador sa Isang Panaliksik
Ang Burador o draft ay ang tentatibong kabuuan ng papel, isa ito sa mga
hakbang para sa aktuwal at mekanikal na pagsulat ng panimulang bahagi ng
pananaliksik at nabubuo ang mga datos sa pamamagitan ng pagsasama-sama at
pag-uugnay nito.
Ang tatlong (3) bahagi ng teksto ay kinabibilangan ng: panimula (kaligiran at
ang suliranin), katawan (nakapaloob dito ang mga impormasyon na magpapatibay o
magpapaliwanag ng iyong paksa at pinakamahaba na bahagi), at wakas (ang buod
ng teksto at konklusyon o resulta).
Ayon kina Bernales, at al. (2012), ang hakbang na ito ang nakaaaliw at
nakapapagod na bahagi. Pagkatapos ng mga paghahanda bago sumulat, dito
masusukat ang iyong kasanayan sa pagsusulat.

5
May mga simpleng gabay upang mabuo ang ninanais na teksto:
 Magsimula sa isang paksang pangungusap. Simulan sa paksang
pangungusap ang iyong unang talata. Mainam na sumusuporta sa paksang
pangungusap ang bubuo sa unang bahagi ng unang talata.
 Suportahan ang paksang pangungusap ng mga tiyak na katibayan. Nararapat
na maipresenta ang mga tiyak na detalye— tulad halimbawa ng
pangangatuwiran, ebidensya at mga halimbawa sa iyong teksto upang
maging kapani-paniwala at makahikayat ng mga mambabasa.
 Ayusin at pansinin ang pagkakaugnay-ugnay ng mga ideya. Obserbahan ang
pagkakaugnay- ugnay ng mga ideyang ipinasok. Dapat isaisip nang mabuti
upang hindi maguluhan ang mga mambabasa sa tekstong binabasa.
 Isulat nang malinaw o error-free ang pangungusap. Hindi dapat ipagwalang-
bahala ang mga tamang estruktura o kaayusan ng gramatika o maging
simpleng paggamit ng mga bantas. Hangga’t maaari ay error- free ang
kabuuan ng ating teksto.
Wika rin nina Brandil, et al., (2016), ang mga sumusunod ay dapat na isaalang-alang
sa pagbuo ng burador.
 Magbalangkas sa paraang konseptuwal, pangungusap, patalata, o biswal na
paraan gamit ang grapikong pantulong.
 Ayusin o ihanay ang pangunahing ideya patungo sa mga tiyak na ideya o
konsepto,
 posibleng gumawa ng sariling pananda o highlighter upang matukoy ang
dibisyon ng mga konsepto.
 Gumamit ng akmang salita batay sa hinihingi ng akademikong sulatin o
pananaliksik. Maikli, malinaw, pormal, at intelektuwal na wikang gamitin.

Ang pinal na draft ay ang huling pagsulat ng burador ng pananaliksik. Sa


bahaging ito ay kailangang labis na bigyang pansin ang mga pagwawastong
isinagawa ng tagapayo sa mga naunang burador na ipinasa.

Sadyang napakahalaga sa isang pamanahong papel/ pananaliksik ang


nilalaman o ang ideyang pinaabot niyon sa mambabasa. Ngunit kasinghalaga niyon
ang matuto at masanay ang mananaliksik sa wasto at mabisang presentasyon nito -
ang wastong pormat, margin, indensiyon, at iba pa. Bahagi ito ng disiplina ng isang
mananaliksik. Sinasalamin kasi nito ang kanyang kultura sa pananaliksik at sinop sa
paggawa.

Maaaring Naging Tuon ng Tagapayo


Ang mga tagapayo ng pananaliksik ay masyadong mapanuri sa bawat detalye ng
burador na ipinasa ng mananaliksik. Malaking bagay ito upang masigurong tama ang
nilalaman at kabuuang presentasyon ng pag-aaral. Narito ang ilang posibleng
pinagtuunan ng tagapayo sa pagwawasto.
 Tamang pagkakabuo ng mga pangungusap
 Wastong pagbabaybay ng mga salita
 Tamang pagbabantas

6
 Wastong gamit ng salita
 Nasunod nang husto ang balangkas ng pananaliksik
 Tamang impormasyon at datos ang inilahad
 Kompleto ang impormasyon at datos
 Naisama ang pangalan ng mga ekspertong may-akda ng kaisipang
ginamit
 Tama ang pagkakasulat ng mga dokumentasyon

Mga Dapat Tandaan sa Pagbuo ng Pinal na Draft


Matapos mabasa ang burador na may pagwawasto ng tagapayo ay maaari
nang isagawa ang pagsulat ng pinal na draft. Nabuo ang pinal draft matapos ang
pag-edit at pagrebisa ng papel pananaliksik. Sa pagsulat nito ay mayroon pa ring
mga dapat sundin. Narito ang sumusunod:
Font
 Kailangang pumili ng simpleng font tulad ng Times New Roman o Arial.
 Huwag gumamit ng font na may kakaibang hitsura. Tandaan, ang
papel-pananaliksik ay isang pormal na sulatin.
 Huwag gagamit ng labis na maliit o malaking sukat ng font,
pinakaideyal na ang sukat na labindalawa (12).
 Ang pagdidiin o bold facing ay gamitin kung kinakailangan lamang
bigyang-diin ang salita, gaya ng bilang ng kabanata, pamagat at
pantulong na pamagat ng papel-pananaliksik, pamagat ng iba pang
bahagi – dahon ng pagpapatibay, pasasalamat, talaan ng nilalaman, at
iba pa.
 Ang mga hiram na salita ay kailangang nakapahilig o italic; maaari ding
ipahilig ang buong siniping pahayag at pamagat ng mga akdang
nababanggit bilang pamalit sa paggamit ng panipi.

Capitalization, Abbreviation, at Pagsulat ng Bilang


 Ang bilang ng pamagat at mismong pamagat ng bawat kabanata ay
nakamalaking titik lahat.
 Ang simula ng pangungusap, mga pangngalang pantangi,
mga dinaglat na titulo, at pantawag sa tao, gaya ng Mang, Ka, Aling, at
iba pa ay isinusulat din sa malaking titik.
 Ang mga salita ay kailangang isulat nang buo, ang puwede lamang
idaglat ay mga karaniwang akronim, mga pormula, mga panukat,
at titulo tulad ng G., Gng., Bb., Dr., Prof., at iba pa.
 Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpapaikli ng salita gaya ng mga
salita sa text messaging.
 Isulat sa paraang numerical ang petsa, fraction, decimal, serye,
at bilang ng kalye sa tirahan.
 Ang mga buong bilang naman ay kailangang baybayin, sinusundan
lamang ito ng simbolong numerical sa loob ng panaklong.

7
Pagbabantas
 Kailangang sundin ang mga alituntuning panggramatika sa
pagbabantas. Makakatulong kung muling sasangguni sa mga aklat
na tumatalakay sa gamit ng mga bantas. Sa "Komunikasyon sa
Makabagong Panahon", tinalakay nina Benales, et al. (2002) ang
paksang ito.
 Sumangguni sa mga tuntunin ng pagbabantas upang makasiguro sa
tamang paggamit nito.
Iba pang Dapat Tandaan sa Pinal na Draft
Ang iba pang mga alituntunin sa pagbuo ng pinal na draft ay mahalaga ring
sundin upang masigurong naisagawa nang wasto ang papel-pananaliksik.
Papel, Computer, at Printer
 Ang sukat ng papel ay 8 ½ x 11 o ang kinasanayan nating
tawaging short bond paper.
 Ang computer at printer ay pangunahing pangangailangan sa pagbuo
ng papel-pananaliksik. Makatutulong ito upang maging madali ang
pagbuo ng pinal na draft.
Margin, Spacing, at Centering
 Ang tamang margin ay isa at kalahating pulgada (1 and ½ inch) sa
kaliwa at isang pulgada sa kanan, sa itaas, at sa ibaba.
 Doble ang pagitan o space na dapat gamitin sa bawat linya sa loob ng
mga talataan, maliban sa tuntunin ng pagsipi sa isang buong talataan
o mahabang quoted material.
 Ang quoted material ay isinusulat nang may tig-iisa lamang na pagitan
ang bawat linya at nakapasok sa magkabilang panig, higit sa
itinakdang margin sa karaniwang talataan.
Bilang ng Pahina
 Ang bilang ng pahina ay kailangang ilagay sa itaas sa gawing kanan.
 Ang pahina ay nagsisimula sa kabanata 1 hanggang sa huling
pahina nito.

Proofreading at Editing
 Ito na ang huling bahagi ng pagsulat ng pinal na draft.
 Mahalagang muling basahin ang isinulat upang muling maiwasto kung
sakaling mayroon pa ring mali bago pa man ito muling ipasa sa
tagapayo.
 Ang proofreading o pagwawasto ay ang huling yugto ng proseso at
pag-edit na tumututok sa mga maling baybay at mga pagkakamali sa
gramatika at bantas.
 Ang pag-edit ay ang pagwawastong ginagawa sa kung ano ang
sinimulan mong ginagawa sa sandaling natapos mo ang iyong unang
draft.

8
Suriin

A. Sagutin ang katanungan sa buong pangungusap.

1. Bakit kailangang simulan sa paksang pangungusap ang isang talata?


2. Ano-ano ang mga dapat bigyang-pansin sa sa pagbuo ng burador?

Pagyamanin

Balikan ang dalawang kategorya ang lohikal na pangangatwiran sa


pahina 2&3 at paghambingin ang mga ito gamit ang venn diagram.

PABUOD PASAKLAW

Pagkakatulad

Isagawa

Suriin ang bawat bilang sa kanan mula sa halimbawa ng bahagi ng


isang pananaliksik at isulat ang tamang sagot ng mga salitang sa tingin moy
may kamalian mula sa pamantayan sa pagbuo ng pinal na draft/burador
tulad ng capitalization, abbreviation, pagbabaybay , pagbabantas ,wastong
gamit at iba pa. Halimbawa:

1. Epekto rin
2. tau-tauhan

9
Epekto ng Teknolohiya sa Patuloy na Paghubog sa Ugali /Personalidad
ng mga Kabataan mula sa Senior Hayskul ng Immaculate Conception
Academy, Dasmariñas
1intruduksyon

2 sa kasaysayan ng edukasyon, malaki ang nagiging ambag ng teknolohiya.


Itoy 3isa sa mga pangunahing dahilan kong bakit ang pagaaral ay nagiging madali at
4mabisa kaya naman ay napakaraming magaaral ang sumasangguni sa teknolohiya
5para sa kanilang pag-aaral. (bertillo, 2011). Ang madalas lamang na bigyan ng
6pansin na paksa kaugnay ng teknolohiya ay ang sucial midia at ang epekto nito sa
7mga edad 18 taong gulang at pataas. Sa pag-aaral na ito pinili ng mga magaaral
8na maiba at bigyan naman ng pansin ang ipekto ng teknolohiya sa mga kabataan
na 9may edad 15 hanggang 17 na taong gulang

10 Ang teknolohiya ay tumutukoy sa mga makabago at Progresibong gamit


11ngayo”ng panahon. Ang teknolohiya din ay ang mga gadyet at iba’t ibang
‘platforms’ 12na nagbibigay ng tulong sa ibat ibang klase ng gawain sa panahon
ngayon. (TuZon, 13 2014). Ang teknolohiya ay tawag ng mga kasangkapan, makina
materyales, 14pamamaraan at prosesong ginagamit ngunit magbunga ng gamit at
serbisyo para

15matugunan ang pangangailangan ng tao. Ito ay may kakayahang gawing mas


16prodoktibo, mabilis at palagiang tama ang ibinibigay na resulta ng anumang
17pinaggagamitan nito ay sapat nang katibayang malaki ang kontribusyon nito sa
pag-18unlad ng bansa.

19 Hindi maitatanggi na maraming klase ng tao ang gomagamit ng iba’t ibang


20makateknolohiyang aplikasyon. Ayon kina Havas Media Ortega, ang mga tao
21ngayon ay may dalawang pambubuhay; ang totoong buhay at ang virtual na
22pamumuhay. Sa virtual na pamumuhay, ang isang tao ay umuubos ng kanyang
23oras sa paglalaro, paggamit at pagkonsumo ng napili niyang aplikasyon. Sa
24kabilang banda, ang totuung buhay naman ay sumasaad sa mga normal na
gawain 25ng isang tao arawaraw.

https://www.academia.edu/33268489/
EPEKTO_NG_TEKNOLOHIYA_SA_PATULOY_NA_PAGHUBOG_SA_UGALI_PERSONALIDAD_NG_MGA_KABATAAN_MULA_S
A_SENIOR_HAYSKUL_NG_IMMACULATE_CONCEPTION_ACEDEMY_DASMA%C3%91AS

1
Pangwakas na Pagtataya

Sabihin kung anong kategoryang lohikal sa pangangatwiran ang pahayag at


uriin ang paraan ng pangangatwiran at silohismo.

1. Si Bb. Maristella ang mapiling Miss Manila sapagkat ang kanyang ina ay
napiling Binibining Manila noon.

2. 1.Ang mga Ilokano ay matipid. 2. Si Junnel ay isang Ilokano


Konklusyon: Si Junnel ay matipid.
3.Bumagsak siya sa pagsusulit sapagkat hindi siya nag-aaral nang mabuti.
4. 1. Alin sa dalawa, Si Mario ay duwag o matapang?
2.Si Mario ay hindi matapang
Konklusyon: Si Mario ay duwag.
5. Si Sofia ang pinakamatalinong mag-aaral sa STEM 11-A sapagkat
nakatanggap siya ng sertipiko ng unang karangalan mula sa prinsipal, nanalo
siya sa patimpalak sa Math Olympiad at Science Quiz.

1
Susi sa Pagwawasto

1
MGA SANGGUNIAN
Bernales, R. A. et al. Pagbasa, Pagsulat at Introduksyon sa Pananaliksik: Batayan at
Sanayang-aklat sa Filipino 2. Malabon City: Mutya Publishing House, Inc., 2012
Binolhay, L.B & Labnotin, M. (208). DepEd CDO SHARED Options Learning
Activities. https://bit.ly/3dF9Kdb

Internet Sites

https://www.academia.edu/36045804/PAGSULAT_NG_PINAL_NA_SIPI_Presentasyon_
https://www.academia.edu/33268489/EPEKTO_NG_TEKNOLOHIYA_SA_PATULOY_NA_P
AGHUBOG_SA_UGALI_PERSONALIDAD_NG_MGA_KABATAAN_MULA_SA_SENIOR_H
AYSKUL_NG_IMMACULATE_CONCEPTION_ACEDEMY_DASMA%C3%91AS
https://prezi.com/qj7fybwnu8yc/lohikal-at-mapanghikayat-na-
pagsulat/?frame=7bd5e3920e9b718c2bd2f3b624b284ed4e605737
draft/?frame=6f5df82a0ee3dc9d1cd752454e4c4b76bed39b0f
https://www.scribd.com/document/450101022/Pagbuo-ng-Pinal-na-Draft-ng-Pananaliksik-
HANDOUTS
https://prezi.com/d9z9-0bss5hs/pinal-na-draft/
https://www.academia.edu/31975730/Sa_pagbuo_ng_pinal_na
https://www.academia.edu/36045804/PAGSULAT_NG_PINAL_NA_SIPI_Presentasyon_

1
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education
Division of Cagayan de Oro City
Fr. William F. Masterson Ave Upper BalulangCagayan de Oro Telefax:((08822)855-0048
E-mail Address:

You might also like