You are on page 1of 5

Department of Education

National Capital Region


Schools Division Office
ANDRES BONIFACIO INTEGRATED SCHOOL
Addition Hills, Welfareville Compound, City of Mandaluyong

FILIPINO SA PILING LARANGAN (TECH VOC)

Anunsyo

Taon/Pangkat/Oras: Grade 12- TVL ICT1 ________________________

I. LAYUNIN
A. PAMANTAYANG Natutukoy ang kahulugan at kalikasan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo
ng sulatin
PANGNILALAMAN

B. PAMANTAYANG Nasusuri ang kahulugan at kalikasan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo ng


sulatin
PAGGANAP

C. KASANAYANG Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto, at angkop na


paggamit ng wika CS_FTV11/12WG-0m-o-95
PAMPAGKATUTO
Matapos ang aralin, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang
D. DETALYADONG sumusunod:
A. Naiisa-isa ang mga pamantayan sa pagsulat ng anunsyo
KASANAYANG
B. Naipaliliwanag ang layunin ng anunsyo bilang komunikasyong teknikal
PAMPAGKATUTO
C. Nailalapat sa pamamagitan ng pagsulat ang katangiang taglay ng
isang epektibong anunsyo
II. NILALAMAN Anunsyo
KAGAMITANG
netbook, projector, manila paper
PANTURO
Filipino sa Piling Larangan (Tech-Voc)
SANGGUNIAN
 Christian George C. Francisco et.al.

III. PAMAMARAAN

A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin

Panuto: Tukuyin ang paksang inilalarawan sa bawat bilang. Piliin titik ng wastong sagot.

1. Ang ________________________ ay isang ebalwasyon ng mga inihaing proposal o aksyon


kaugnay sa mga proyekto ng pagpapaunlad sa mga sitwasyon o mga bagay sa trabaho.
A. Feasibility Study C. Naratibong Ulat
C. Menu ng Pagkain D. Katitikan ng Pulong

2. Sinusuri sa feasibility study na ito ang laki at uri ng mga pasilidad pamproduksyon, mga gusali,
kagamitan, teknolohiya at hilaw na materyal na kailangan ng negosyo.
A. Financial Feasibility C. Technical Feasibility
B. Organizational Feasibility D. Product Description
3. Ang tuon sa feasibility study na ito ay ang pamamahala at legal na estruktura ng negosyo.
A. Financial Feasibility C. Technical Feasibility
B. Organizational Feasibility D. Product Description

4. Tinataya sa feasibility study na ito ang kakayahan ng puhunan, mga pangangailangan sa


pag-utang, mga halagang kailangan upang makabawi (break-even) ang negosyo at iba pang
aspektong pinansyal.
A. Financial Feasibility C. Market Feasibility
B. Organizational Feasibility D. Product Description

5. Binibigyang-pansin sa pag-aaral na ito ang merkado (mga posibleng customer), ang laki at
lawak nito, potensyal nito at/o akses dito.
A. Financial Feasibility C. Technical Feasibility
B. Market Feasibility D. Product Description

B. Paghahabi ng layunin

Gamit ang larong Wheel of Fortune, tatalakayin ng klase ang gamit at halaga ng
Anunsyo bilang isang teknikal na sulatin.

Mga Tanong:

1. Ano ang anunsyo?


2. Magbigay ng halimbawang anunsyo na iyong nalalaman at ilahad ang layunin nito.
3. Paano nakatutulong ang anunsyo sa maayos na daloy ng komunikasyon sa iba’t
ibang institusyon?
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

Pagsusuri sa halimbawang anunsyo.

ANUNSYO

Ipinababatid sa lahat ng empleyado ng MV Coporation na


ipagpapaliban ang operasyon ng kompanya sa Martes,
Disyembre 24, 2017 upang bigyang-daan ang paghahanda
ng lahat sa darating na Kapaskuhan.

Magbabalik ang lahat ng empleyado at ang operasyon ng


kompanya sa Disyembre 27, 2017.

Maraming salamat.

Tanong ng guro:
1. Anong impormasyon ang ibinabahagi sa binasang anunsyo?

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1

ANUNSYO

 Sinusulat ang anunsyo upang makapagbigay at makapagbahagi ng impormasyon.


 Sa pagsulat ng anunsyo, ipinapaalam ng isang tao ang isang balita para sa mga
kasama sa negosyo o sa mga katrabaho, gayundin sa mga tumatangkilik ng negosyo o
sa mga partikular na tao o sektor na maaapektuhan ng anunsyong kaugnay sa trabaho.
 Layunin ng anunsyo na makapagbigay ng komunikasyon tungkol sa mahahalagang
detalye sa mga taong kailangang makaalam sa mga ito.
 Katangian ng isang anunsyo ang pagiging malinaw at maikli.
 Sa sulating teknikal, karaniwan itong nasa anyo ng liham o memorandum lalo na kung
ito ay ipinapadala sa mga empleyado sa loob ng isang kompanya o organisasyon o
kaya ay isang patalastas na ipinapaskil.
 Ilan sa mga paksa ng anunsyo sa trabaho ay tungkol sa:
o Bagong negosyo, tindahan o sangay ng opisina
o Bagong lokasyon ng negosyo
o Pagtatanggal sa trabaho o pagbabawas ng tauhan
o Pagbubukas para sa pagtanggap ng mga bagong empleyado
o Masamang panahon o plano kapag may di-inaasahang sitwasyon
o Anibersaryo ng negosyo o kompanya
o Pagpapalit ng pangalan ng negosyo

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2

Pamantayan sa Pagsulat ng Anunsyo

1. Mangalap ng impormasyon.
2. Gawing direkta at maikli ang anunsyo upang madaling maunawaan ng
pinatutungkulang tao o sektor kung para saan ang anunsyo.
3. Maging magalang sa paglalahad ng impormasyon.
4. Ipresenta ang impormasyon sa paraang kumpleto at payak upang maiwasan ang
paulit-ulit o maraming tanong mula sa mga mambabasa.
5. Kilalanin ang natamo ng ibang tao sa anunsyo.
6. Tiyaking tama ang gramatika, bantas, at baybay ng anunsyo.

Pagsulat ng halimbawang anunsyo:


Ang pamunuan ng inyong paaralan ay magsasagawa ng pulong para sa mga guro nito sa
darating na Setyembre 30, 2019 sa ganap na ika-1:00 ng hapon. Ipabatid sa mga mag-aaral sa
pamamagitan ng anunsyo na magtatapos ang kanilang klase sa ganap na ika-2:00 ng hapon
sa araw na iyon.

F. Paglinang sa Kabisaan (Tungo sa Formative Assessment)

Panuto: Sumulat ng anunsyo kaugnay sa sitwasyong nakaatang sa bawat pangkat.

Pangkat 1:
Pagbubukas sa pagtanggap ng mga bagong empleyado sa kompanya

Ang inyong itinayong kompanya ay handa nang tumanggap ng mga bagong


empleyadong magiging bahagi nito. Sumulat ng anunsyo na layuning makapagbigay-
impormasyon hinggil sa isasagawang pagtanggap ng aplikasyon sa inyong kompanya.

Pangkat 2:
Pagdiriwang ng anibersaryo ng negosyo

Ang inyong kompanya ay magdiriwang ng ika-25 taong pagkakatatag. Kaugnay nito,


magsasagawa ng Anniversary Sale ang kompanya para sa inyong mga mamimili.
Makatatanggap ng 50% diskuwento ang unang 500 mamimili sa iba’t ibang piling
produktong kanilang mabibili.

Pangkat 3:
Pagbibigay ng papuri sa natatanging empleyado ng kompanya

Ang inyong kompanya ay magbibigay ng pagpapahalaga sa isang natatanging


empleyado. Kaugnay nito, sumulat ng anunsyo hinggil sa pagkilala ng inyong
kompanya sa katangi-tanging kontribusyong nagawa ng inyong kasamahan sa
kompanya.

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay


Tanong ng Guro:
1. Paano makatutulong ang kaalaman sa pagsulat at pagbabasa ng mga anunsyo sa
iyong magiging karera sa hinaharap?

Bilang Negosyante Bilang Empleyado


H. Paglalahat ng aralin
Tanong ng Guro:
1. Ano ang anunsyo?
2. Isa-isahin ang mga mahahalagang gabay sa pagsulat ng anunsyo.

I. Pagtataya ng aralin

Panuto: Sumulat ng epektibong anunsyo kaugnay sa nalalapit na mga aktibidades o


gawain sa paaralan. Isaalang-alang ang mga gabay sa pagsulat ng anunsyo.

Gawaing Pampaaralan:

Ano: Pagpupulong hinggil sa Cheerdance Competition


para sa 4th SHS Sports Fest
Sino: Bawat pangkat ng mag-aaral ng Baitang 12
Saan: ABIS-MAPEH SHS Faculty Center
Kailan: Oktubre 12, 2019
Bakit: Upang mapag-usapan ang mga panuntunan ng kompetisyon

J. Karagdagang gawain para sa takdang aralin at remediation


Takdang Aralin
1. Ano ang menu ng pagkain?
2. Isa-isahin ang mga gabay sa pagsulat ng menu ng pagkain.

Filipino sa Piling Larangan (Tech-Voc)  Christian George C. Francisco at Mary Grace

IV. MGA TALA


_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________

V. PAGNINILAY

_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________

Inihanda ni:
MARVIN A. VALIENTE, MT1 - ABIS

Sinuri ni:
CLARISSA P. TIBAR, LR Coordinator-HS

You might also like