You are on page 1of 32

KAGAWARAN NG EDUKASYON

SANGAY NG LUNGSOD NG JOSE DEL MONTE


San Ignacio St., Poblacion, City of San Jose del Monte 3023
10

Filipino
Kwarter 2 – Modyul: 5
Paglalahad ng Kultura
ng Lugar na Pinagmulan ng
Kuwentong- Bayan sa mga
Usapang nasa Loob ng Dula
(F10PU-lla-b-72)
Filipino – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 5: Paglalahad ng Kultura ng Lugar na Pinagmulan ng
Kuwentong- Bayansa mga Usapang nasa Loob ng Dula

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
10

Filipino
Kwarter 2 – Modyul :5

Paglalahad ng Kultura
ng Lugar na Pinagmulan ng
Kuwentong- Bayan sa mga
Usapang nasa Loob ng Dula
(F10PU-lla-b-72)

Kagawaran ng Edukasyon • Republika ng Pilipinas


Paunang Salita
Isang malugod na pagbati ang ipinaabot sa iyo ng mga tagapagtaguyod ng edukasyon.
Bahagi ng hakbanging maging mapanuri, malikhain, may katatasan sa pakikipagtalastasan at
ganap ang pagkatao ng isang mag-aaral, inihanda ang kagamitang pampagkatutong ito
upang makaagapay ka sa ika-21 siglong kasanayan.
Maingat na inihanda at sinuri ng mga guro at tagapagtaguyod ng edukasyon sa
pampublikong paaralan ng Sangay ng Lungsod ng San Jose del Monte ang mga
gawain/pagsasanay sa kagamitang pampagkatutong ito upang malinang ang kritikal na
kaalaman na magagamit sa aktuwal na buhay at matamo ang konkretong pagkatuto na
maghahatid sa isang tematikong pagtanaw hinggil sa paggamit ng natutuhan.
Ang bawat gawain na inilahad sa modyul ito ay ibinatay sa pamantayang
pangkasanayan upang sanayin ang mag-aaral na tulad mo na makalikha ng isang
produktibong bunga ng iyong mga natutuhan. Bawat gawain ay iniuugnay batay sa
kakanyahang mailapat at mailipat ang mga natutuhan sa isang kapaki-pakinabang na literasi.
Hangad ng mga tagapagtaguyod na maikintal sa iyong isipan ang kapakinabangang
matutuhan mo mula sa kagamitang ito upang maging handa ka sa pagharap sa hamon ng
buhay.
Handa ka na bang harapin ang pakikipagsapalaran sa pagbungkal ng mga
karunungan at kaalaman? Kung handa ka na, halika sabayan mo ako sa pag-aaral ng mga
aralin sa Asignaturang Filipino 10 upang sabay tayong matuto. Maligayang Pag-aaral!
Naglalahad ang modyul na ito ng mga bahagi na may katumbas na icon upang
maunawaan mo ang araling iyong pag-aaralan at ang mga gawain o pagsasanay na lubos na
magpapatatag sa iyong kasanayan.

Alamin Mababasa at mauunawaan mo sa bahaging ito ang kasanayang


bibigyang diin sa modyul na ito upang mapaunlad.
Ito ay naglalaman ng pagsasanay na susukat ng iyong
Subukin natatagong kaalaman na may kaugnayan sa iyong karanasan.

Binibigyang pansin dito ang mga impormasyong napag-aralan


Balikan mo na mag-uugnay sa araling pag-aaralan mo sa modyul na ito.

Tuklasin Ipakikilala sa iyo sa bahaging ito ang bagong aralin sa tulong ng


lunsarang akdang pampanitikan.
Ang mga impormasyong dapat mong maunawaan at malinawan
Suriin ay nasa bahaging ito upang mapalawak at mapalalim mo ang
iyong pagkatuto sa aralin.

ii
Ang pagpoproseso sa mga kaalamang nailagak mo sa iyong
Isaisip isipan ay matutunghayan mo dito upang malaman mo ang
natamong kaalaman.

Ang pagtitiyak sa kasanayang nalinang ay masusukat sa


Isagawa bahaging ito sa pamamagitan ng paglilipat ng iyong natutuhan
upang magamit mo sa pakikipag-ugnayan sa kapwa.

Titiyakin sa bahaging ito ang iyong mga natutuhan bilang


Tayahin pagtatasa upang mabigyan nang ibayong pansin ang mga
bahagi ng aralin na dapat pang paunlarin

Karagdagang Ang gawaing inihanda sa bahaging ito ay lalo pang


Gawain magpapaunlad ng mga natutuhan mula sa araling nakapaloob
sa modyul na ito

Malalaman mo ang iyong mga kamalian at wastong kasagutan


Susi sa sa tulong ng bahaging ito upang mapagnilayan ang iyong
Pagwawasto kalakasan at kahinaan sa pagtuklas ng kaalaman

Paalala
Nais kong ipaalala na ang modyul na ito ay isang mahalagang pamana sa iyo ng
Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) na dapat mong pakaingatan. Narito ang ilang tagubilin na
iyong gagawin upang ito ay maingatan.

1. Panatilihing malinis at maayos ang modyul. Sagutin ang mga gawain na inihanda sa
modyul na ito.

2. Ugaliing basahin at unawain ang bawat panuto sa mga gawain bago sagutan. Huwag iiwan
ang gawain o pagsasanay na hindi natapos sagutan.

3. Itabi ang modyul sa isang maayos na lalagyan kapag hindi na ginagamit o gagamitin. Isauli
sa guro ang modyul matapos na masagutan ang mga gawain o pagsasanay kasabay ang
inihanda mong portfolio. Gawin mo itong malikhain at maayos ang paghahanay ng mga
sinagutang gawain/pagsasanay.

4. Iwasan na mabahiran ng anumang mantsa, dumi o mabasa na magiging sanhi ng


pagkupas ng kulay nito.

5. Balikan ang mga naging kasagutan sa bawat pagsasanay o gawain. Itama ito sa tulong ng
susi sa pagwawasto. Pagnilayan ang mga maling sagot.

iii
6. Maghanda ng hiwalay na sagutang papel para sa mga pagsasanay at gawain na iyong
sasagutan sa bawat bahagi ng paketeng ito. Ipunin ang mga sagutang papel at ilagak mo sa
iyong portfolio.

Narito ang iyong gabay sa paghahanda ng Portfolio:

Portfolio para sa Filipino

Pangalan:
Baitang at Pangkat:
Petsa ng Pagpasa:
Guro:
Paaralan:
Punong guro:

iv
Alamin

Matutunghayan mo sa modyul na ito ang isang panitikang nahahati sa yugto


na maraming tagpo. Pinakalayunin nito na itanghal sa isang tanghalan o entablado.
Ang modyul na ito ay magsisilbing daan upang tulungan kang mailahad ang kultura
ng lugar na pinagmulan ng kuwentong- bayan sa mga usapang nasa loob ng dula.
(F10PN-lla-b-72)

KASANAYANG PAMPAGKATUTO

Dula: Nailalahad ang kultura ng lugar na pinagmulan ng kuwentong-bayan sa


napakinggang usapan ng mga tauhan (F10PN-lla-b-72)

LAYUNIN:

1. Natutukoy ang kahulugan ng dula;


2. Naihahambing ang dula sa iba pang akdang pampanitikan;
3. Nasusuri ang kaugalian o kulturang nakapaloob sa usapan ng mga tauhan sa
dula.
4. Nakabubuo ng isang diyalogong naglalahad ng kultura ng lugar na pinagmulan
ng dula.

Subukin

Gawain A
Panuto: Basahin at suriing mabuti ang sumusunod na kultura. Isulat ang titik P sa
patlang kung ito ay isang halimbawa ng kultura ng mga Pilipino at D naman kung
mula sa mga dayuhan. Isulat sa malinis na papel ang iyong sagot.

_____ 1. pagmamano
_____ 2. pagyuko ng ulo bilang pagbibigay-galang sa kapwa
_____ 3. paggamit ng “po” at “opo”
_____ 4. mainit na pagtanggap sa mga panauhin
_____5. pagbebeso-beso
_____6. panliligaw
_____7. bayanihan
_____8. panghaharana
_____9. pamamanhikan
_____10. paghalik sa kamay

1
Gawain B

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag. Piliin ang tamang kultura
ng mga Pilipino na inilalahad sa bawat bilang. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel.
1. Dumating sa tahanan nila Utoy ang kanyang mga tiyo at tiya. Naipakita ang
paggalang sa kanila sa pamamagitan ng ______________________
a. pagmamano c. pagsunod sa utos
b. paghalik sa kamay d. paggamit ng Po at Opo

2. Pinatuloy ng mga magulang ni Utoy ang kanilang mga bisita sa kanilang tahanan.
Sila ay pinaupo sa maayos na upuan at binigyan ng miryenda. Ang kultura ng mga
Pilipino na masasalamin dito ay __________________.
a. pagbibigay-galang sa bisita c. mainam na pakikitungo sa bisita
b. pagsisilbi sa bisita d. mainit na pagtanggap sa bisita

3. Naghain ng pagkain sa lamesa ang ina ni Utoy, pagkatapos ay tinawag na niya


ang lahat upang maupo sa tabi at kumain. Mahihinuha sa pahayag ang kulturang
________________
a. pagiging masunurin c. paggalang sa pagkain
b. pagsasalo-salo sa pagkain d. pagiging maalalahanin sa kapwa

4. “Kuya, maari mo po bang iabot ang kanin?” wika ni Utoy sa nakatatandang


kapatid. “Ditse, ikaw na ang kumuha at ikaw ang malapit”, tugon niya. Iniabot ito at
agad na ibinigay sa kapatid. Salamat po!” Ang sagot ni Utoy. Ang kulturang
ipinamalas ng magkakapatid upang mabigyang galang ang isa’t isa ay
___________________.
a. paggamit ng “po” at “opo” c. pagtawag ng kuya at ditse
b. pagsunod sa utos d. pakikipag-usap ng mahinahon

5. Malapit ng mag-ikapito ng gabi, lumabas si Utoy at dinama ang lamig ng simoy


ng hangin. “Tara na anak, tutungo na tayo sa simbahan”. Wika ng kaniyang ina.
Ipinahihiwatig ng pahayag na ito ang kultura ng mga Pilipino na __________
a. pagiging madasalin c. pagdalo sa Simbang Gabi
b. may matibay na pananampalataya d. pagdalo sa Banal na Misa

2
Balikan

Panuto: Magtala ng mga pamagat nang binasa o pinanood na dula/pelikula at


magbigay ng isang kaugalian o gawi na nakita rito. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel. Gamitin ang talahanayan sa pagsagot.

Dula /Pelikula Pinagmulang Bansa Kaugalian o Gawi

Gabay na Tanong

1. Paano nakatutulong ang akdang pampanitikan sa pagpapakilala ng bansang


pinagmulan?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
__________________

2. Ilahad ang naidulot ng pagbabasa o panonood ng dula/pelikula sa iyo bilang


kabataan. Ipaliwanag ang sagot.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
__________________

3
Tuklasin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang akda.

“Dalisay”

Prologo:
Sa isang silid ay bubungad sa iyo ang nagniningning na ilaw ng chandelier na tila
mga brilyanteng nakalutang sa hangin. Sa iyong paglalakad naman sa kahabaan ng
silid ay gagabayan ka ng kulay rosas na telang yari sa pinakamainam na materyales.
Sa kanang bahagi ay makikita ang lamesang puno ng pagkain tulad ng Cumberland
Sausage, Roast Beef, Shepherd’s Pie at iba’t ibang uri ng panghimagas at
mamahaling inumin. Kapansin-pansin din ang mga kubyertos na gawa sa ginto at
pilak, mga mamahaling muwebles na nakaayos sa buong paligid. Tila isang palasyo
ang pagkakaayos, elegante at magarbong tunay.

Mga Tauhan:

Rosita – Ina ni Rosario, may kilalang pamilyang pinagmulan dahil sa yamang taglay
nila.

Domingo – Ama ni Rosario na may matagumpay na negosyo sa Bulacan.

Rosario – Ang dalagang may malubhang karamdaman sa puso, nag-iisang anak ni

Domingo at Rosita.

Ramon- Gobernador ng Bulacan

Alberto – Anak ng gobernador na lubos na umibig kay Rosario.

Danilo – Tsuper ng dyip, pamamasada ang pangunahing hanapbuhay.

4
Unang Tagpo

(Sa loob ng simbahan ng St. Joseph Parish Church kung saan nakatayo si Danilo habang
hawak at tinitingnan ang singsing).

Danilo: Nais ko sanang ikaw ang makasama ko sa aking pagtanda (kinakabahan),


ang maging ina ng aking magiging mga anak (nauutal at huminga nang malalim) Paano ko ba
sasabihin sa kanya? Kinakabahan ako baka hindi niya tanggapin.
Ikalawang Tagpo

Ikalawang Tagpo

(Sa Bulwagan kung saan ay masayang nagtipun-tipon ang angkan ng mga maharlika.

Ramon: Kumpare! Kumusta ang iyong pamamalagi rito? Mukhang nasisiyahan


ka ha?

Domingo: Siyang tunay! Nakabibighani ang lugar na ito, tila ako ay nasa palasyo
ng Englatera, idagdag mo pa ang mga magagandang dilag at magagarang kasuotan ng bawat
isa. Maging ang mga pagkain ay walang kasing sarap, lalo na yung Roast beef at Shepherd’s
pie.

Ramon: Mabuti naman, s’ya nga pala nasaan na ang iyong anak?

Domingo: Oo nga pala, Bert halika rito at magpakilala ka. Hindi na rin naman
magtatagal ang pamilya nati’y magiging isa.
(Sabay tawa ng dalawang amang nag-uusap)

Alberto: Isang karangalan na kayo’y makadaupang-palad sa bulwagang ito. Sa


katunayan ay kanina ko pa nais lumapit. Nasasabik at nagagalak akong
makilala ang dalagang inyong kasama. (Sabay halik sa kamay ng dalaga).

Rosita: Napakagandang pagkakataon! (Hinawakan sa bewang ang anak na si Rosario) Hindi


ba Rosario? Siya si Alberto ang iyong mapapangasawa.

Rosario: Ngunit ina…(hindi naituloy ang nais sabihin)

Rosita: H’wag kang mag-alala, batid ni Bert ang kundisyon mo at handa niya itong tanggapin,
Sa katunayan ay nakapag-usap na kami at naumpisahan na niya ang pag-aasikaso sa
nalalapit ninyong pag-iisang-dibdib.

Rosario: Pero … (hindi muli naituloy ang sasabihn sapagkat bigla siyang nahirapang
huminga)

Ramon: Marahil dapat na muna nating ipagpaliban ang pag-uusap na ito.

Alberto: Mabuti pa nga po at ng makapagpahinga muna si Rosario.

Rosita: Oo nga, batid n’yo naman na mahina ang kanyang puso. Marahil ay napagod na siya
sa pagsasayaw sa kasiyahan at nabigla sa mga narinig niya.

5
Domingo: Ipagpaumanhin n’yo na, ngunit kami’y mauuna na muna upang makapagpahinga
ang aming anak. Hanggang sa muli nating pagkikita balae.
(Pagbibiro niya at tuluyag lumabas ng bulwagan sina Domingo).

Ikatlong Tagpo

(Sa likod ng Grotto of Our Lady Lourdes, isang kilalang pasyalan sa Lungsod ng San Jose del
Monte Bulacan ay lihim na nagtatagpo si Rosario at Danilo upang mag-usap).

Rosario: Mahal, nais ko sanang magpakalayo na tayo.

Danilo: Bakit? May probelma ba? May gumugulo ba sa iyo?

Rosario: Ipinagkasundo ako ni ama at ina sa ibang lalaki, ngunit batid mong ikaw
ang tunay kong mahal. Handa akong sumugal makasama ka lamang. Kaya ito ang naisip
kong solusyon upang di mawalay sa iyo.

Danilo: Ang lumayo? Ngunit mahal hindi ba nabibigla ka lamang? Hindi ba mas
mabuting kausapin natin ang iyong mga magulang?

Rosario: Hindi sila makikinig! (tumulo ang mga luha sa mata ng dalaga at napuno
ng kalungkutan ang parke) kung hindi natin gagawin ito, baka tuluyan na nila akong ilayo sa
iyo.

(Niyakap lamang ni Danilo si Rosario at walang salitang narinig mula sa kanyang mga labi).

Ikaapat na Tagpo

(Sa tahanan ni Alberto)

Alberto: Rosario, tuloy ka. Kumusta ang iyong kalagayan? Nagagalak akong makita
kang muli.

Rosario: Nais kitang kausapin tungkol sa plano ng ating mga magulang.

Alberto: Malinaw naman ang lahat sa akin. Alam kong hindi magiging madali ngunit handa
‘kong gawin ang lahat upang mahalin mo rin ako.

Rosario: Ngunit may kasintahan ako, si Dan. Siya ang mahal ko. Ayaw kitang masaktan kaya
minabuti ko na ipagtapat ito sa iyo. Sa katunayan ay nagpaplano kaming umalis bago ang
takdang araw ng ating pag-iisang dibdib.

Alberto: Ngunit Rosario, ipinagkasundo na tayo. Hindi natin maaring suwayin ang
ating mga magulang at ako’y lubos na umiibig na rin sa iyo. Hindi mo ba ko maaring bigyan
ng pagkakataon?

Rosario: Paumanhin Bert, ngunit si Dan lamang ang nais kong makasama.Maikling sandali
nalang ang itatagal ko sa mundo dala ng karamdaman ko sa puso. Nais kong igugol ang
buhay ko sa mga bagay na magpapasaya sa akin at sa mga taong tunay kong mahal. Sana
ay maintindihan mo.(At tuluyan na ngang umalis ang dalaga).

6
Alberto: Aanhin ko pa ang buhay sa mundo kung ang taong mahal ko’y masaya sa
piling ng iba. Ito ba ang pag-ibig? Nasasaktan ka na ngunit patuloy mo pa ring nararamdaman
ang pagmamahal sa kanya. (Bulong niya sa sarili)

Ikalimang Tagpo

(Sa tahanan nila Rosario)

Alberto: Magandang araw po! Nais ko po sana kayong makausap tungkol sa amin
ni Rosario.

Domingo: Bakit may problema ba sa inyo? (pagtataka ng ama)

Alberto: Wala naman po.

Domingo: Kung ganoon, ano ang iyong gustong sabihin?

Alberto: Labis na ako’y napaibig sa inyong anak, kung kaya hangad ko ang maging masaya
siya at ang mga bagay na makabubuti sa kanya. Kung inyong mararapatin nais ko sanang …

(Hindi na naituloy ng binata ang sinasabi sapagkat biglang dumating na humahangos ang ina
ni Rosario, si Rosita)

Rosita: Dalhin na natin sa Ospital si Rosario, naninikip na naman ang kanyang dibdib.
(Nagmadaling gumayak ang lahat upang tumungo sa ospital)

Ikanim na Tagpo
(Sa Ospital)

Doktor: Sa ngayon, kinakaya pa ng puso ni Rosario pero sa susunod na makaramdam muli


siya ng matinding emosyon ay maari na niyang ikamatay ito. Kaya mas mabuting makahanap
na tayo ng angkop na puso para sa kanyang operasyon upang maisagawa na ito sa
pinakamadaling panahon.

Rosita: (Umiiyak) Matagal na panahon na kaming naghahanap, ngunit wala talaga!


(Hagulgol pa niya, sabay yakap sa asawa)

Doktor: Sa ngayon, habang naghahanap pa tayo ng donor na maaring magamit sa kanyang


operasyon, mabuti ay iwasan muna ang makaramdam siya ng masidhing emosyong tulad ng
sobrang kasiyahan, kalungkutan at iba pa.
(Naririnig ni Alberto ang pag-uusap ng doktor at magulang ni Rosario)

Alberto: Nais ko siyang tulungan, ngunit paano? Kailangang may gawin ako.
(At mabilis na umalis ang binata papalayo sa ospital).

7
Ikapitong Tagpo

(Sa loob ng simbahan ng St. Joseph Parish Church kung saan nakatayo si Danilo habang
hawak at tinitingnan ang singsing.
Ito na ang ang araw ng pagtatagpo ni Rosario at Danilo upang tuluyang lumayo at makasama
ang isa’t isa).

Danilo: Nais ko sanang ikaw ang makasama ko sa aking pagtanda (kinakabahan),


ang maging ina ng aking magiging mga anak (nauutal at huminga ng
malalim) Paano ko ba sasabihin sa kanya? Kinakabahan ako at baka hindi
niya tanggapin.

(At dumating nga si Rosario)

Rosario: Dan! (sigaw nito sabay yakap sa binata)

Danilo: Mabuti naman at nakarating ka. Bago ang lahat may gusto sana akong sabihin sa iyo.

Rosario: Ano iyon?


(Dahan-dahang lumuhod si Danilo at hinawakan ang kamay ng dalaga)

Danilo: Hindi magiging madali ang lahat, pero alam kong basta magkasama tayo ay
makakaya nating lagpasan ang anumang darating na pagsubok. Kaya naman mahal nais ko
sanang… (naputol ang nais sabihin sapagkat biglang may tinig ng isang lalaki siyang narinig)

Alberto: Rosario!
(Lumingon si Rosario at nabaling kay Alberto ang atensyon)

Rosario: Bakit ka naririto? Hindi ba’t nag-usap na tayo?

(Lumapit si Alberto sa magkasintahan ngunit agad-agad namang tumayo si Danilo upang


palayuin ito sa kanila).

Danilo: Umalis ka na! Nagmamahalan kami at handa na kaming lumayo sa magulong


mundong ito.

Alberto: May nais lamang akong sabihin kay Roasario

Rosario: Bert, wala na tayong dapat pag-usapan pa. Batid mo naman ang lahat.

Danilo: Mabuti pa at umalis ka na bago pa tayo may kahantungan.

Alberto: Sandaling panahon lang, ipinapangako ko na huli na ito.

(Hanggang sa dumampi ang kamao ni Danilo kay Alberto. Nagpang-abot ang dalawa,
nagsuntukan, nagkasakitan at nagkatulakan.)

Rosario: Dan at Bert tumigil na kayo!

(Umiiyak na pagsigaw ni Rosario ngunit patuloy parin ang dalawa hanggang naitulak nang
malakas ni Danilo si Alberto sa isang sirang upuan na may nakausling bakal at ilang sandali
pa ay umagos ang pulang likido sa sahig ng simbahan

8
Rosario: Mahal! ah…ah! anong ginawa mo? (nauutal na pagtatanong niya)

George: Naitulak ko lamang s’ya, hindi ko sinasadya!

(Tinawag ni Alberto si Rosario at nilapitan naman siya ng dalaga habang umiiyak na


nahihirapan sa paghinga).

Alberto: Rosario, (naghahabol ng hininga) tunay na iniibig kita noong una pa


lamang. Ngunit tanggap ko na hindi ako ang laan para sa iyo. Hangad ko sana ang
kaligayahan at ang madugtungan pa ang buhay mo. Handa akong ipagkaloob ang puso ko
upang magtagal pa ang pagsasama ninyo ni Danilo, ngunit… (nahihirapan na sa paghinga
kung kaya hindi na natapos ang sinasabi).

(Labis na nabigla si Rosario sa mga narinig. Buong akala niya ay pipigilan sila ni Alberto,
wala siyang masabi habang pinagmamasdan ang pagkalat ng dugo sa paligid.)

Rosario: (Hinawakan ng dalaga ang kanyang dibdib) Dan! Tulungan mo ako, na…
na…naninikip ang aking dibdib (ang huling mga salitang namutawi sa bibig ni Rosario bago
ito tuluyang mawalan ng malay at humandusay sa pulang likidong kumalat sa paligid).

Pag-unawa sa Binasa

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong mula sa dulang binasa. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.

1. Ilarawan ang pag-iibigan ni Danilo at Rosario. Ano ang naging suliranin sa kanilang
pagmamahalan?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
2. Sang-ayon ka ba sa naging desisyon ni Rosario na lumayo upang makasama ang taong
iniibig? Pangatwiranan.
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
___________________________
3. Ilahad ang damdaming namayani kay Alberto matapos magtapat sa kanya ni Rosario.
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

4. Masasalamin ba sa dulang binasa ang kultura ng mga taga-Englatera? Ipaliwanag.


_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
5. Sa kasalukuyan, nagaganap pa rin ba sa tunay na buhay ang ilang pangyayari sa dula?
Ipaliwanag.
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

9
Suriin

Alam mo ba na…….

Ang dula ay isang uri ng panitikang tuluyan na nahahati sa ilang yugto na maraming
tagpo. May mga pag-uusap o diyalogo. Pinakalayunin nito ay ang itanghal sa tanghalan
o entablado. Sa pamamagitan ng dula, nailalarawan ang buhay ng tao na maaaring
malungkot, masaya, mapagbiro, masalimuot at marami pang iba. Ang pagpapahalaga
sa dula ay matatamo sa pamamagitan ng panonood nito. Ang dula ay maaaring hango
sa tunay na buhay o bunga ng malaya at malikhaing kaisipan ng manunulat.

Mga Uri ng Dula


1. Trahedya- karaniwang nagwawakas ang dulang ito na ang pangunahing tauhan ay
nasasadlak sa kamalasan, kabiguan o pagkasawi.

2. Komedya- ito ay kasiya-siya sa mga manonood dahil ang mga tauhan ay nagbibiro o
gumagawa ng mga nakatatawang kilos at ito ay nagtatapos na masaya sapagkat ang
mga tauhan ay magkakasundo.

3. Melodrama- may malungkot na bahagi ngunit natatapos nang kasiya-siya para sa


mga pangunahing tauhan.

4. Parsa- ang layunin nito’y magpatawa sa pamamagitan ng mga eksaheradong


pananalitang nakatatawa.

5. Saynete- ang karaniwang paksa rito ay patungkol sa pag-uugali ng tao na nauukol sa


mga popular na tauhan.

6. Sarsuwela- isang komedya o melodramang may kasamang awit at musika na


nahihingil sa mga damdamin ng tao.

10
Ang sumusunod ay halimbawa ng dula

1. Romeo at Juliet – isang dulang trahedya na isinulat ni William Shakespeare


tungkol sa dalawang maharlikang mga angkan na nagkaroon ng alitan kung kaya’t
naging magkaaway. Isinalaysay rito ang wagas na pag-iibigan hanggang kamatayan
ni Romeo at Juliet.

2. Moses, Moses – ay isang sikat na dulang trahedya na isinulat ni Rogelio R. Sikat.


Layunin nito na maipakita ang masasaklap na katotohanan tungkol sa lipunan.
Kasama rin ang kabuktutan ng pamahalaan at mga opisyal nito. Ipinakikita rin dito
ang kasawian sa buhay na hindi dapat takasan.

3. Walang Sugat – ito ay dulang sarsuwela na ibinatay ng manunulat na si Severino


Reyes sa panahon ng rebolusyon noong 1896. Tungkol ito sa kawalan ng
hustisyang tinatamasa ng mga Pilipino noong panahon ng mga Kastila. Ang mga
temang ginamit dito ay pagmamahalan sa gitna ng digmaan, sakripisyo, pagkawalay
at kontradiksyon ng indibidwal sa pamilya. Isinulat ito ni Severino Reyes upang
ipakita sa lahat ang kanyang pahayag laban sa imperyalismo.

11
Pagyamanin

Gawain 1

Panuto: Ilarawan ang katangian ng mga tauhan sa dula. Masasalamin ba sa kanila


ang kultura ng bansang kanilang pinagmulan? Ipaliwanag. Isulat sa papel ang sagot
at gawing gabay ang tsart sa ibaba.

Katangian Rosario Kultura


_______________________________ _______________________________
_______________________________ _______________________________
_______________________________ _______________________________

Katangian Katangian

__________________ Dalisay __________________


__________________ __________________
__________________ __________________
__________________ __________________
__________________ __________________
___ ___
Alberto Danilo

Kultura Kultura

_______________________________ _______________________________
_______________________________ _______________________________
_______________________________ _______________________________

12
Gawain 2:

Panuto: Mula sa dulang binasa magbigay ng mga impormasyon sa bansang


Englatera batay sa sumusunod na aspekto. Gamitin ang grapikong representasyon
sa pagsagot sa gawain. Ilagay ang sagot sa sagutang papel.

Kilos o Gawi

Pagkain Mamamayan

Englatera

Pamahalaan

13
PINATNUBAYANG PAGSASANAY 1

Panuto: Sagutin ang tanong sa tulong ng concept organizer technique. Gawin ito sa
iyong sagutang papel.
A. Paano naiiba ang dula sa iba pang akdang pampanitikan?

Isa sa mabisang
katangian ng dula ay …

Ang ula day Naiiba ang dula sa iba Ang dula ay Ang banghay ng dula
maaring pang akdang may iba’t ay maaring …
mula sa … pampanitikan dahil … ibang uri
tulad ng …

PINATNUBAYANG PAGTATASA 1

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na pag-uusap mula sa dula. Piliin ang
augalian o kulturang makikita na inilalahad dito. Isulat sa iyong sagutang papel ang
titik ng tamang sagot.

1. “Siyang tunay! Nakabibighani ang lugar na ito, idagdag mo pa ang mga


magagandang dilag at magagarang kasuotan ng bawat isa. Maging ang mga
pagkain ay walang kasing sarap, lalo na yung Roast beef at Shepherd’s pie”.
Ipinapakita sa pahayag na ang mga mamayan ng Englatera ay ___________.
a. mahilig dumalo sa kasiyahan
b. mapanuri sa paligid at pagkain
c. mahusay sa pakikipagkapwa-tao
d. may mataas na antas ng pamumuhay

2. “Ipinagkasundo ako ni ama at ina sa ibang lalaki, ngunit batid mong ikaw ang
tunay kong mahal. Handa akong sumugal makasama ka lamang. Kaya ito ang naisip
kong solusyon upang di mawalay sa iyo”. Anong kultura ang masasalamin sa
pahayag?
a. pagtakas sa suliranin
b. pagsuway sa magulang
c. pagkakaroon ng sariling desisyon sa pamimili ng mapangangasawa
d. pagdedesisyon ng magulang sa mapangangasawa ng anak

3. “Ngunit, may kasintahan ako, si Dan. Siya ang mahal ko. Ayaw kitang masaktan
kaya minabuti ko na ipagtapat ito sa iyo. Sa katunayan ay nagpaplano kaming
umalis bago ang takdang araw ng ating pag-iisang dibdib.”. Taglay ni Rosario ang
kaugaliang _______________.
a. pagiging matapat sa kapwa
b. pagiging totoo sa sarili
c. pagmamalasakit sa kapwa
d. pagmamahal sa sarili

14
4. “Nais ko sanang ikaw ang makasama ko sa aking pagtanda (kinakabahan), ang
maging ina ng aking magiging mga anak (nauutal at huminga ng malalim) Paano ko
ba sasabihin sa kanya? Kinakabahan ako at baka hindi niya tanggapin. Anong
kaugalian ang ipinamalas ng tauhan sa pahayag?
a. pagpapatotoo sa pagmamahal sa kasintahan
b. pag-alok ng kasal sa kasintahan
c. pagpapakita ng pagmamahal sa kasintahan
d. paghahanda ng sasabihin sa kasintahan

5. “Rosario, tunay na iniibig kita noong una pa lamang. Ngunit tanggap ko na hindi
ako ang laan para sa iyo. Hangad ko sana ang kaligayahan at ang madugtungan pa
ang buhay mo. Handa akong ipagkaloob ang puso ko upang magtagal pa ang
pagsasama ninyo ni Danilo”. Masasalamin sa mga pahayag ang
__________________________.
a. pag-ibig na walang hinihinging kapalit
b. pag-ibig na tapat
c. tunay na pag-ibig
d. wagas na pag-ibig

15
PINATNUBAYANG PAGSASANAY 2

Panuto: Sa tulong ng dayagram sa ibaba ilahad ang mahahalagang kaisipang


ibinigay ng akda. Magbigay ng tiyak na mga halimbawa kung paano mo ito
isasabuhay. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Dalisay

Mahalagang kaisipan Paano isasabuhay

PINATNUBAYANG PAGTATASA 2

Panuto: Lagyan ng tsek ( √ ) ang patlang kung ito ay nagpapahayag ng kaugnayan


tungkol sa dula at ( X) kung ito ay walang kaugnayan. Gamitin ang mga pahayag na
may kaugnayan sa dula upang makabuo ng makabuluhang kahulugan nito. Gawin
ito sa iyong sagutang papel.

____1. nahahati sa ilang yugto at maraming tagpo


____2. naglalahad ng impormasyon hinggil sa isang paksa
____3. karaniwang ang kuwento ay hinahango sa totong buhay
____4. nagsasalaysay ng mga kawing-kawing na pangyayari
____5. naglalayon na itanghal sa tanghalan o entablado

Ang dula ay nangangahulugan na …


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
____________________.

16
MALAYANG PAGSASANAY 1

Panuto: Gumawa ng Venn Diagram at tukuyin ang masasalaming kultura ng mga


taga-Englatera sa dulang binasa. Suriin ang pagkakaiba at pagkakatulad nito sa
kultura ng mga Pilipino. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.

Pilipinas
Englatera

MALAYANG PAGTATASA 1

Panuto: Basahin ang isang sitwasyong nasa ibaba, gawing gabay ang dayagram sa
pagsagot nito. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Sitwasyon: Isa kang kabataang lubhang umiibig sa isang tao, ngunit hindi ka gusto
ng mga magulang niya. Anong plano o paraan ang gagawin mo upang maipakilala
ang wagas na hangarin mo para sa kanya? Anong kultura ang naging batayan mo
sa pagbuo ng plano?

Plano o Paraan Kulturang Pinagbatayan

17
Isaisip

Panuto: Basahin at dugtungan ang sumusunod na pahayag sa ibaba. Isulat ang


sagot sa sagutang papel.

Natutunan ko sa araling ito ang …


_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________

Natuklasan ko ang …
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________

Masasabi ko na …
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________

18
Isagawa

Panuto: Sa iyong sagutang papel dugtungan at bigyang wakas ang dulang “Dalisay”.
Ituon ang diyalogo sa paglalahad ng mga kulturang may kaugnayan sa
pananampalataya ng mga taga-Englatera.

Rubric sa Pagsulat ng Diyalogo

Pamantayan 5 4 3 2 1
A. Kaangkupan sa tema/ paksa

B. Pagkilala sa kultura

C. Paglalahad ng kaisipan

D. Kalinawan sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari

Interpretasyon

■ 15-20 Napakahusay ■ 6-9 Katamtamang husay


■ 10-14 Mahusay ■ 1-5 Kailangan pa ng pagsasanay

19
Tayahin

Panuto: Basahin at suriin ang sumusunod na pahayag. Piliin ang tamang sagot na
naglalahad ng kulturang masasalamin dito. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel.

1. “Bawat isa ay umuwi sa kanilang mga kubo at kumuha ng pinakamaiinam nilang


ani at pinakamatatabang alagang hayop upang ialay sa diyosa ng kabundukan”.
a. magandang pakikitungo sa diyosa
b. pagbibigay halaga sa diyosa
c. pag-aalay ng mga pinakamaiinam na bagay sa diyosa
d. pagmamahal sa diyosa

2. “O dyosa ng kabundukan, alam naming nagmamasid ka lang. Saksi ka sa


kalupitan ng aming pinuno. O diyosa ng kabundukan kahilingan naming lumaya sa
kanya’y pakinggan.” Sigaw ng mga tao.
a. pagiging madasalin
b. paniniwala sa mga diyos at diyosa
c. pananampalataya sa mga diyos at diyosa
d. pagtitiwala sa mga diyos at diyosa

3. “Hindi ako natatakot masawi sa mga kamay mo, sapagkat kilala kang malakas at
wala pang nakatatalo sayo. Ang makatunggali ka at masawi sa gitna ng labanan ay
isang karangalan”.
a. pagtanggap sa kabiguan
b. pagharap sa pagsubok
c. pagiging matapang
d. positibong pananaw sa buhay

4. “Salamat kaibigan, iniligtas mo ako sa pagkalunod sa ilog,” wika ni Rumakad.


“Binigyan mo ako ng pagkakataong mabuhay muli. Nais ko lamang suklian ang
kabutihang iyong ipinagkaloob sa akin” sagot naman ni Daragat.
a. pagtanaw ng utang na loob
b. pagmamahal sa kapwa
c. pagtulong sa nangangailangan
d. pagmamalasakit sa kapwa

5. “Ang pagtutulungan natin ang naging susi ng ating tagumpay kaya marapat
lamang na dalawa tayong mamuno sa kabundukang ito”, wika ni Rumakad. Buong
galak naman itong tinanggap ni Daragat. Pinamunuan nilang dalawa ang
kabundukan at bumuo ng panibagong hukbo at mula sa pinagsama nilang pangalan
ay tinawag nila itong Dumagat.
a. pagkakaisa
b. pagsasama-sama
c. pakikipagkapwa-tao
d. pagtutulungan

20
Gawain 2
Panuto: Sa iyong sagutang papel, gumawa ng isang diyalogo na naglalalahad ng
kulturang namamayani sa inyong pamilya. Sundin ang pamantayan sa ibaba upang
mabigyan ng wastong marka ang iyong sagot.

Rubric sa Pagmamarka

May diyalogo 3 puntos

Nagtataglay ng mga kulturang


4 puntos
namamayani sa inyong pamilya
May kalinawan sa paglalahad ng mga
3 puntos
kaisipan

Kabuuan 10 puntos

21
Karagdagang Gawain

Panuto: Pumili ng isang dula na iyong pinanood o binasa. Suriin ang dula at sagutan
ang mga sumusunod na katanungan sa iyong sagutang papel.

Pinanood o binasang dula

TANONG SAGOT

Ilahad ang mga katangian ng iyong


nabasa/napanood na
magpapatunay na ito ay isang dula.

Masasalamin ba rito ang kulturang


pinagmulan ng dula? Ihambing ito
sa sariling kultura.

Isulat ang iyong opinyon o saloobin


hinggil sa pinanood o binasang
dula.

22
23
Pinatnubayang Pagtatasa 1 Subukin
Gawain A
1. A.
1. P
2. D.
2. D
3. A. 3. P
4. B. 4. P
5. D
5. D.
6. P
Pinatnubayang Pagtatasa 2 7. P
1. √ 8. P
9. P
2. X
10. D
3. √ Gawain B
4. √ 1.A.
2.D.
5. √
3.B.
Tayahin
4.C.
1. C
5.C.
2. B
3. C
Balikan
4. A
Ang sagot ay hango sa
5. D imporamsyong napag-aralan na ng
mag-aaral.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Ambat, Vilma C., Barcelo, Ma. Eresa B., Cariño, Eric O, Et al. Filipino Modyul para
sa Mag-aaral Panitikang Pandaigdig, Gorrospe, Florentina S., Pilipinas: Vibal Group.
2015
Barrow, Mandy,”Project Britain”. Typical Traditional British Dishes. Last modified
2013. http://projectbritain.com/food/dishes.htm

24
This material was contextualized and localized by the
Learning Resource Management Section (LRMS)
SCHOOLS DIVISION OF SAN JOSE DEL MONTE

MERLINA P. CRUZ PhD, CESO VI


Officer-in-Charge
Office of the Schools Division Superintendent

ERICSON S. SABACAN EdD, CESO VI


Assistant Schools Division Superintendent

ROLANDO T. SOTELO DEM


Chief Education Curriculum
Curriculum and Implementation Division

ANNALYN L. GERMAN EdD


Education Program Supervisor, LRMS

AMELITA A. CAMPO
Education Program Supervisor, Filipino

GLAIZA P. FABROS
Sapang Palay National High School
Writer

GLAIZA P. FABROS and JUDY E. DIAZ


Sapang Palay National High School
Lay-out Artist

SANDY C. FAJARDO
Schools Division Office
Layout Artist

MICHAEL L. SANTOS
Bagong Buhay G Elementary School
Cover Art Designer

MOISES S. TEVES
Sapang Palay National High School
Content Editor

MA. CLARISSA C. MIRANDA


Sapang Palay National High School
Language Reviewer

KAY ANNE L. BERNABE


Sapang Palay National High School
Illustrator

25
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Division of San Jose Del Monte City –


Learning Resource Management and Development Section (LRMDS)

San Ignacio Street, Poblacion, City of San Jose Del Monte, Bulacan

Email Address: lrmssdosjdmc@gmail.com

26

You might also like