Fil 10 Q1 Modyul 6 Final

You might also like

You are on page 1of 33

10

Filipino
Unang Markahan – Modyul 6
A. Mga Katangian ng Tauhan sa Epiko
B. Ang Sariling Interpretasyon sa mga Kiharap na
Suliranin ng Tauhan
C. Ang kahalagahan ng Epiko bilang Akdang Pandaigdig na
Sumasalamin ng Isang Bansa
D. Ang mga Alegoryang Ginamit sa Binasang Akda
Unang Markahan-Modyul 6:
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Pangkat na Bumubuo sa Modyul

Manunulat : Luzviminda S. Medellin, Anne B. Aparre, Rinlyn T. Balacy,

Maria Elena R. Namia

Tagasuri : Ruel C. Arranchado


Tagapag-ugnay : Dr. Necifora M. Rosales
Tagapamahala : Dr. Marilyn S. Andales, SDS, Cebu Province
Dr. Leah B. Apao, ASDS, Cebu Province
Dr. Cartesa M. Perico, ASDS, Cebu Province
Dr. Ester A. Futalan, ASDS, Cebu Province
Dr. Mary Ann P. Flores, Chief, CID
Mr. Isaiash T. Wagas, EPSVR, LRMDS
Mrs. Araceli A. Cabahug, ESPVR, Filipino
Inilimbag sa Pilipinas 2020
Department of Education- Region VII
Office Address: IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu City
Telefax: 520-3216 – 520-3217; SDS Office: (032) 255-6405; ASDS Apao: (032) 236-4628

ii
Filipino 10
Unang Markahan – Modyul 6
A. Mga Katangian ng Tauhan sa Epiko
B. Ang Sariling Interpretasyon sa mga Kiharap na
Suliranin ng Tauhan
C. Ang kahalagahan ng Epiko bilang Akdang Pandaigdig na
Sumasalamin ng Isang Bansa
D. Ang mga Alegoryang Ginamit sa Binasang Akda

iii
Paunang Mensahe!

Ang edukasyon ay proseso ng walang humpay na pagtuklas ng


kamangmangan. Kapag hayaang maudlot ang prosesong ito ay maituring na
malaking kapabayaan dahil tungkulin ng kagawaran ang pagpapanatili ng balanse
sa anumang sitwasyon at pagkakataon. Mahirap mang kalabanin ang puwersa ng
kalikasan at pamahalaan subalit ang Kagawaran ng Edukasyon ay hindi tumigil sa
paghahanap ng mga paraan matugunan lamang ang problema at maipagpatuloy ang
proseso ng pagtuturo at pagkatuto.
Taglay ang hindi matatawarang dedikasyon at pagpapahalaga sa karapatang
pampagkatuto ng mga kabataan, ang Kagawaran ng Edukasyon ay pursegidong
ipagpatuloy ang tungkuling ito alinsunod sa nailatag na Learning Continuity Plan na
ibinatay sa isigawang sarbey. Batay na rin sa resulta ng sarbey natunton ang
paggamit ng Blended Learning Modality at saklaw rito ang Teacher-made Educational
Module na kinikilalang isa sa mabisang alternatibong tugon sa sistemang New
Normal sa edukasyon ng bansa.
Binabasa mo ang Filipino - Baitang 10: Unang Kwarter Alternative Delivery
Mode (ADM) na modyul sa “Nahihinuha ang katangian ng tauhan sa napakinggang
epiko– (F10PN-Ie-f-65), Naibibigay ang sariling inerpretasyon sa mga kinakaharap na
suliranin ng tauhan(F10PB-le-f-65), Napapangatuwiranan ang kahalagahan ng epiko
bilang akdang pandaigdig na sumasalamin ng isang bansa(F10PB-le-f-66),
Naipapaliwanag ang mga alegoryang ginamit sa binasang akda (F10PT-le-f-65), na
nailathala at nakikita sa K-12 Most Essential Learning Competencies.
Ang nabuong modyul na ito ay bunga sa pinagsamang puwersa ng mga
bihasang edukador mula sa iba’t ibang lebel ng mga paaralan ng Kagawaran
Edukasyon - Sangay Cebu Province. Bilang karagdagan, ang modyul na ito ay
masusing pinaplano, inoorganisa, at sinusuri ng mga dalubhasang edukador upang
mapatnubayan ang mag-aaral sa mga aralin habang ipinapatupad ang pisikal, sosyal
at ekonomikal na paglilimita sa proseso ng pagtuturo.
Ang paggamit ng Teacher-made Educational Module ay naglalayong matugunan
ang hamon sa gitna ng new normal education set-up ng bansa. Sa pamamagitan ng
modyul na ito, ang mga mag-aaral ay magkaroon ng sariling gawaing aralin, na
kinapalooban ng Most Essential Learning Competencies based galing the K-12
Curriculum Competencies, na inangkop sa kakayahan, kabihasaan at gayundin sa
inilaang oras at panahon. Kaya, malaking tulong para sa mga mag-aaral na
magkaroon ng sapat na kahandaan para sa minimithing Ika-dalawamput Isang
Siglong Kakayahan at upang masisiguro ang pinakamabisang paraan na susunod sa
kabuuang pangangalaga sa kapakanan at kalusugan ng mga mag-aaral.Bilang
karagdagan sa mga kagamitan ng susing teksto, makikita mo sa loob ng kahon ang
katawan ng modyul.
iv
Bukod dito, inaasahang mahihikayat ang mga mag-aaral na maisagawa at
matapos ang modyul sa takdang panahon.
Para sa Mag-aaral
Bilang napakahalagang steykholder sa larangan ng pagkatuturo, ang
Kagawaran ng Edukasyon ay sumaliksik at tumuklas ng mga inobatibong pagdulog
sa pagtugon ng inyong mga pangangailangan sa isang mataas na pagsasaalang-alang
ng sosyal, ekonomik, pisikal at emosyonal na aspeto ng iyong buhay. Sa
pagpapatuloy ng proseso ng edukasyon, ang kagawarang ito ay nakaisip ng
Alternative Delivery mode of teaching using Teacher-Made Educational Modules.
Binabasa mo ang Filipino - Baitang 10: Unang Kwarter Alternative Delivery
Mode (ADM) na modyul sa “Nahihinuha ang katangian ng tauhan sa napakinggang
epiko" – (F10PN-le-f-65), Naibibigay ang sariling inerpretasyon sa mga kinakaharap
na suliranin ng tauhan - (F10PB-le-f-65), Napapangatuwiranan ang kahalagahan ng
epiko bilang akdang pandaigdig na sumasalamin ng isang bansa - (F10PB-le-f-66),
Naipapaliwanag ang mga alegoryang ginamit sa binasang akda - (F10PT-le-f-65) na
nailathala at makikitasa sa K-12 Most Essential Learning Competencies.
Ang modyul na ito ay espesyal na kinatha upang magkaroon ka ng
oportunidad na maipagpatuloy ang pagkatuto kahit nasa bahay ka lang. Gamit ang
pinatnubayan at malayang gawaing pampagkatuto, tiyak na masisiyahan ka sa
pagsagawa ng mga gawain bukod sa malalim at masinsinang pagkatuto sa mga
kaalamang inilahad sa mga aralin; at pagkilala ng sariling kakayahan sa pagkamit
ng kaalaman.
Ang modyul na ito ay mayroong tiyak na bahagi at nakalaang icons:

Ang bahaging ito ng modyul ay gagabay sa iyo sa


Alamin Mo mga Kompetensi, Layunin at Kasanayan na
inaasahang mapaunlad at matutuhang mabuti.

Subukin Mo Ang bahaging ito ay naglalayong masusuri ang dati


mong kaalaman sa araling ito.

Ang bahaging ito ay tutulong sa pag-uugnay ng


Balikan Mo unang aralin sa kasalukuyan aralin sa
pamamagitan ng maikling pagsasanay.

v
Ang araling inaasahang matutuhan ay malikhaing
ipinakilala sa bahaging ito ng modyul. Maaring sa
Tuklasin Mo pamamagitan ng isang maikling kuwento, awit,
tula, problem-opener, pagsasanay, sitwasyon at
iba pa.

Ang maikling pagtalakay hinggil sa aralin ay


Suriin Mo mababasa sa bahaging ito. Ito ay gagabay at
tutulong sa inyo sa pagtuklas ng araling inilahad.

Isang komprehensibong aralin/mga aralin para sa


malayang pagsasanay ay nasa bahaging ito upang
Pagyamanin Mo
matiyak/malagom ang iyong kaalaman at
kasanayan sa partikular na paksa.

Isaisip Mo Ang bahaging ito ng modyul ay ginagamit sa


pagproseso sa nalalaman at kaalaman sa paksa.

Ang paglilipat ng bagong natamo na kaalaman at


Isagawa Mo kasanayan sa totoong pangyayari sa tunay na
buhay ay inilahad sa bahaging ito ng modyul.

Tayain Mo Ito ang gawaing tataya/tatasa sa kabihasaang


natamo mula sa paksang pinag-aralan.

Karagdagang Sa seksiyong ito, ay mga aralin sa pagpapalalim ng


Gawain paksa upang magkaroon ng higit pang malawak na
kaalaman sa paksa.

Mga Sagot Ito ang naglalaman ng sagot sa lahat na


pagsasanay sa loob ng modyul na ito.

Tala para sa Guro/Magulang/Tagapagdaloy:


Ang bahaging ito ng modyul ay nagbibigay sa
inyo ng mahalagang suhestiyon at istratehiyang
nakatutulong sa madalian at epektibong proseso ng
pagkatuto ng mga mag-aaral.

vi
Bilang pangunahing kagamitan at batayan ng pagkatuto, prayoridad nitong
maipaliwanag nang malinaw kung paano gagamitin ng mag-aaral ang modyul na ito.
Sa pamamagitan nito, tiyak aangat at uunlad ang kanilang kaalaman at kakayahan.
Habang inaaral nila ito ay kailangang maitala ang kanilang mga gawain upang
mataya ang kalakasan at kahinaan ng mga isinagawa nang maingat at malaya sa
panganib na dulot ng pandemic.
Sa paggamit ng modyul, tandaan ang pangunahing mga paalaala sa ibaba:
1. Ang modyul na ito ay pagmamay-ari ng gobyerno. Gamitin ng maayos
at iwasan ang kahit anumang marka rito. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot ng mga gawain at pagsasanay.
2. Ginawa ang modyul na ito ayon sa lebel ng pag-unawa ng mag-aaral.
Mahigpit na ipinagbawal ang pagliban ng kahit anong bahagi nito
upang maiwasan ang pagkalitong dulot sa mga nawawalang bahagi
kung mangyari man.
3. Ang panuto ay maingat at malinaw na binuo para sa madaling pag-
unawa ng mga aralin. Basahing mabuti ang bawat isa nito.
4. Ito ay Home-Based na klase, ang tiwala at katapatan sa pagsasagawa
ng mga gawain at pagwawasto ng mga sagot ay lubos na inaasahan.
5. Ang modyul na ito ay makatutulong sa iyo upang makamit at
matutuhan ang mga aralin kahit nasa bahay lamang. Tiyaking
malinaw at lubos na maunawaan ang unang gawain bago magpatuloy
sa susunod.
6. Ang modyul na ito ay kinakailangang isauli sa maayos na kondisyon
sa iyong guro/faciliteytor kung tapos ng sagutin ang mga gawain.
7. Ang mga sagot ay isulat sa hiwalay na papel o kuwadernong nakalaan
para sa asignaturang Filipino.
Kung gusto mong makipag-usap sa iyong guro/edukador, huwag mag-alinlangang
makipag-ugnayan sa kanila para sa karagdagang diskusyon. Tandaan na kahit
home-based class ito, ang guro mo ay isang tawag o text lang kung kinakailangan.
Ang magandang ugnayan ng guro at mag-aaral ay ang pinakaprayoridad upang
mapaigting ang pagkatatuto sa mga aralin.
Nananalig kami na sa pamamagitan ng kagamitang ito, magkaroon ka ng sapat
na kaalaman at kasanayan upang maging handa sa pagtugon sa mga hamon at
makasabay sa pandaigdigang kompetisyon. Kampante kaming magawa mo ito!
Rurukin mo ang iyong tagumpay!

vii
Alamin Mo

Magandang buhay mahal kong mag-aaral!

Ang modyul na ito ay masusing nilikha upang maging gabay sa


inyong matagumpay na pagkatuto sa mga aralin sa loob ng inyong
mga tahanan kung saan kayo ay mas ligtas. Ito ay binuo ayon sa baitang at antas ng
pag-unawa. Natatangi ito para sa lubos na kamalayan sa araling “Nahihinuha ang
katangian ng tauhan sa napakinggang epiko.” Sa iyong makakaya, isa-isahin mo ang
magkakasunod na mga gawain. Magagawa mo ng maayos ito kahit nag-iisa lang
dahil may kaakibat itong gabay at mga panuto kung paano mo sasagutan ang bawat
gawain na inilatag para sa maayos na pagkatuto.

Sa paggamit ng modyul na ito, inaasahang “Nahihinuha ang katangian ng


tauhan sa napakinggang epiko.” (F10PN-Ie-f-65), Naibibigay ang sariling inerpretasyon
sa mga kinakaharap na suliranin ng tauhan - (F10PB-le-f-65), Napapangatuwiranan
ang kahalagahan ng epiko bilang akdang pandaigdig na sumasalamin ng isang bansa
- (F10PB-le-f-66), Naipapaliwanag ang mga alegoryang ginamit sa binasang akda -
(F10PT-le-f-65) na na nailathala at makikitasa sa K-12 Most Essential Learning
Competencies.

Pagkatapos mong mabasa at masagot ang mga gawain sa modyul na ito,


inaasahang matamo ang layunin sa sesyong ito:

“Nahihinuha ang katangian ng tauhan sa napakinggang epiko.”


“Naibibigay ang sariling inerpretasyon sa mga kinakaharap na suliranin ng tauhan”
“Napapangatuwiranan ang kahalagahan ng epiko bilang akdang pandaigdig na
sumasalamin ng isang bansa”
“Naipapaliwanag ang mga alegoryang ginamit sa binasang akda”

1
Simulan natin ang iyong
SUBUKIN MO paglalakbay sa modyul na ito
sa isang pagsubok. Sukatin
natin ang iyong kaalaman sa
pamamagitan ng pagkilala sa
mga katangian ng tauhan sa
napakinggang epiko!
Handa ka na ba?

Opo, handa na!


Nasasabik na
akong magsimula!
Tayo na po
mamang driver!
(Click!) https://nacierbesa.wordpress.com/2011/04/
30/ang-dapat-mabatid-sa-kulturang-pilipino/

https://www.deviantart.com/yureisan/art/Biag-ni-Lam-ang-si-
Lam-ang-369699010

Gawain 1. Panuto. Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Katutubong panitikan sa Pilipinas na nagsasalaysay ng kabayanihan at supernatural na
mga pangyayari
a. mito c. alamat
b. epiko d. mitolohiya
2. Ang pinakamatandang epiko sa mundo at kinikilala bilang kaunaunahang dakilang likha
ng panitikan.
a. Ibalon c. Gilgamesh
b. Illiad at Odyssey d. Beowulf
3. Ang salitang epiko ay mula sa salitang Griyego na
a. muthos c. epos
b. mito d. Anu
4. Ang katangian ni Gilgamesh bilang isang pinuno ay
a. mabait at mapagkumbaba c. maawain at matulungin
b. mayabang at abusado d. matipuno at makapangyarihan

2
5. Si Enkidu ay nilikha mula sa putik at laway ni Aruru na diyosa ng Paglikha upang
alisin ang ________ ni Gilgamesh.
a. kabaitan c. paggalang
b. kayabangan d. kababaang loob
6. Anong mga bagay ang masassalamin sa epiko?
a. lahi c. relihiyon
b. bansa d. lahat ng nabanggit
7. Bakit maituturing na mahalagang akdang pandaigdig ang epiko
a. dahil sa ipinamalas nito na kagandahan hinggil sa isang bansa
b. dahil ito ang nagsisilbing kasaysayan ng bansa na nagpapakita sa kung anong
uri ng bansa nila.
c. dahil ipinapakita sa kung anong uri ng bansa sila.
d. dahil ito ang patunay ng mga sinauang tao na sagana sila hindi lamang sa
kanilang mga dakilang pinuno kundi pati narin kapangyarihan.
8. Hindi pinahintulutan ng mga diyos ang kawalan ng ___________ nina Gilgamesh at
Enkido kaya itinakdang mawala ang isa sa kanila.
a. katinuan c. paggalang
b. utang na loob d. kababaang loob
9. Diyosa ng pag-ibig at digmaan; ang reyna ng mundo
a. Enlil c. Ishtar
b. Urshanabi d. Anu
Ano ang inyong sariling interpretasyon sa mga kinakaharap na mga suliranin ng
mga tauhan sa mga sumusunod na interpretasyon. Isang pangungusap bawat sagot.
10. Si Gilgamesh ay isang haring matipuno, matapang at makapangyarihan. Ngunit
mayabang siya at abusado sa kaniyang kapangyarihan. Dahil, ditto ayaw ng mga
nasasakupan niya sa kanya.
11. Di naglaon naging magkaibigan na sina Gilgamesh at Enkido, Magkakasama sila
kahit saan man magpunta at nakikipaglaban, wala silang sinasanto.

3
12. Pinunit ni Gilgamesh ang kaniyang damit, at pinunasan niya ang kaniyang luha.
Umiyak siya ng umiyak. Ayaw niyang marinig ang mga sinasabi ni Enkido.
13. “kaibigan, pinarusahan ako ng mga dakilang diyos at mamamatay akong kahiya-
hiya. Hindi ako mamamatay tulad ng mga namatay sa pakikipaglaban, natatakot akong
mamatay, ngunit maligaya ang taong namatay sa pakikipaglaban, kaysa katulad kong
nakakahiya ang pagkamatay,” wika ni Enkido.
Isulat at Ipaliwanag ang sinisimbolo ng mga sumusunod at isulat ang sagot sa sagutang
papel:
14. kalapati
Sagot___________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
15. krus
Sagot:___________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________

nakabatay sa sariling interpretasyon ng mga-aaral sa kinaharap na suliranin


Answer Key: 1.b 2.c 3.c 4.b 5.b 6.d 7.c 8.d 9.c 10.-13 ang sagot ay

ng tauhan 14.. kapayapaan 15. Pananampalatayay/kabanalan (Ang


paliwanag ay maaaring mgakaiba-iba.)

4
BALIKAN

Hanapin Mo!
Suriin ang sumusunod na epiko sa
Kolum A. Tukuyin kung sino ang
pangunahing tauhan ng mga ito at isulat
ang sagot sa Kolum B. Alamin din kung ano
ang supernatural na kapangyarihan nito at https://www.flickr.com/photos/n
isulat sa kolum C. ccaofficial/18250558789

Pamagat ng Epiko Pangunahing Tauhan Supernatural na


Kapangyarihan

1. Indrapatra at Sulayman
2. Ibalon

3. Tuwaang
4. Illiad at Odyssey
5. Divine Comedy
6. Song of Roland

5
➢ Lahat ba ng
tauhan ng epiko ay
may supernatural
na kapangyarihang
taglay?

➢ Anu-ano ang
malimit na mga
kapangyarihang
taglay ng mga
tauhan sa epiko?

http://elampara.weebly.com/home/july-13th-2015

6
Alam mo ba na…

Ang Epiko ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan


na nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao na kadalasan ay buhat sa lipi ng
mga Diyos at Diyosa.
Ang paksa ng epiko ay mga kabayanihan ng pangunahing tauhan sa kanyang
paglalakbay at pakikidigma.
Ang salitang Epiko ay mula sa salitang Griyego “Epos” na ang salawikain o awit ngunit
ngayon ito’y tumutukoy sa kabayanihan na isinasalaysay.

Ang pangkalahatang layunin ng tulang epiko, samakatuwid ay gumising sa damdamin


upang hanggaan ang pangunahing tauhan. Anupa’t naiiba ito sa trahedya na naglalayong
pumukaw sa pagkasindak at pagkaawa ng tao.
Pinakamahalaga rito ay ang pagtatagumpay laban sa mga suliraning kinakaharap, lalong
magaling kung ganap ang pagtatagumpay laban sa matinding mga suliranin, dahil ito’y lalong
makapagbibigay-buhay sa layunin ng tula. (Crisanto C. Rivera, 1982)

7
➢ Paano nagsimula ang
epiko?

➢ Saang bansa ito nagmula

➢ Anu-ano ang tanyag na


epiko sa buong mundo?

➢ Sinu-sino ang sumulat ng


mga ito?

https://www.wattpad.com/150304082-lectures-in-filipino-for-
g10-students-mitolohiya

Nagsimula kay Homer ng Greece ang tradisyon ng epiko sa Europa noong 800 BC.
Mahalagang mabasa ng mga mag-aaral ng literaturang Ingles ang The Iliad and Odyssey.
Makikita sa isinulat ni Homer ang porma ng isang epiko, ang halimbawang uri ng mga
tauhan, ang banghay, ang mga talinghaga, at iba pa. Ito’y naging inspirasyon ng iba pang
kilalang manunulat ng epiko. Samantala, kilalang manunulat ng epiko sina Hesiod,
Apollonius, Ovid, Lucan, at Statius.

Dactylic hexameter ang estilo ng pagsulat ng epiko. Ito’y karaniwang nagsisimula


sa isang panalangin o inbokasyon sa isang musa at naglalaman ng masusing paglalarawan,
mga pagtutulad at talumpati. Kabilang din dito ang mahahalagang pangyayari sa
kasaysayan tulad ng The Fall of Troy, The Foundation of Rome, The Fall of Man, at iba pa.
Ang mga tauhan nito ay maharlika.

Si Virgil (70-19 BC) ay lumikha ng mahahalagang epiko ng Emperyong Romano.


Kinuha ang pangalan ng The Aeneid sa isa sa mga tauhan ng Iliad ni Homer na umalis sa
Troy at nagtungo sa Italy upang hanapin ang Rome. Binasa ng mga kilalang manunulat
noong Medieval at Renaissance ang The Aeneid. Ito ang ginawang modelo ni Milton nang
sulatin niya ang Paradise Lost.

Napakaraming epikong naisulat noong Medieval, bagaman ito’y hindi madalas


basahin. Nakalikha ng kanilang mga dakilang manunulat ng epiko ang bawat bansa. Sa Italy
ay hindi lamang si Virgil, mayroon din silang Dante. Ang kilalang epiko ni Dante ay ang The
Divine Comedy. Ito’y naging inspirasyon ng maraming makata at pintor sa loob ng
maraming dantaon. Si T.S. Eliot ay sinasabing nagdala ng kopya nito sa bulsa ng kaniyang
amerikana. Ang Divine Comedy ay dinisenyuhan ni
Gustave Dore noong ikalabinsiyam na siglo.

8
Isa sa mga kilalang epikong Espanyol ng Middle Ages ay ang El Cid o El Cantar
Mio Cid na sinulat noong 1207 ni Per Abbat. Ito ay kuwento ng pagsakop sa Valencia ni
Rodrigo Diaz de Vivar na nabuhay noong panahon ng Norman Invasion (pagtatapos ng
Old English period).

Isa sa mga kilalang epikong French noong Middle Ages ay ang Chanson de
Roland. Ito ay kuwento ni Charlemagne at ang pag-atake sa kaniyang tropa ni Basques
at Roncevaux noong 778. Ang tula ay maaaring isinulat ni Turold noong 1090.

Ang dalawang kilalang epikong German ay ang The Heliad, ikalabinsiyam na


siglong bersyon ng Gospels sa Lumang Saxon; at ang The Nibelungenlid. Ang huli ay
kuwento ni Seigfried, Brunhild, Dietrich, Gunther, Hagen, at Attila the Hun. Ito ay
nagbigay ng kakaibang impluwensya sa literaturang German.

Ang Epikong Ingles ay nagsimula sa Beowulf. Samantalang marami rin ang nasa
Anglo-Norman na ang karamihan ay hindi na nababasa ngayon. Marami sa mga
kuwento ng pag-iibigan ay umabot sa haba ng isang epiko, subalit hindi mauuring
epiko. Ang Piers Plowman ay mahaba, subalit hindi isang epiko. Si Chaucer ay nagsulat
ng epiko, ang Troilus & Criseyde, na lubhang tinangkilik sa ikalabing-apat at
ikalabinlimang siglo.

Sa Pilipinas, tinatayang umaabot sa 28 ang kilalang epiko. Karamihan sa mga


epiko ay natagpuan sa grupo ng mga tao na hindi pa nagagalaw ng makabagong
proseso ng pagpapaunlad ng kultura tulad ng mga katutubo at etnikong `grupo sa
Mountain Province at sa Mindanao, sa grupo ng mga Muslim. Ang mangilan-ngilan ay
makikita sa mga mamamayang Kristiyano.

Ang mga epiko sa Pilipinas ay kumakatawan sa mga paniniwala, kaugalian at


mabubuting aral ng mamamayan. Ilan sa mga ito ay ang Ibalon ng Bikol, Hudhud ni
Aliguyon ng mga Ifugao, Biag ni Lam-Ang ng Ilocos at Tuwaang ng mga Bagobo at
marami pang iba.

Epic Literature, kinuha noong Disyembre 3, 2014


Mula sa ancienthistory.about.com/od/literat3/qt/EpicPoetry.htm

9
TUKLASIN

Ang epiko ni Gilgamesh, isang epiko mula sa Mesopotamia ay kinikilala bilang kauna-
unahang dakilang likha ng panitikan. Ang kasaysayan ng Gilgamesh ay nagsimula sa limang
tulang Sumerian tungkol kay “Bilgamesh” (salitang Sumerian sa “Gilgamesh”), hari g Uruk.
Mula sa magkakahiwalay na kuwentong ito ay nabuo ang iisang epiko. Ang kaunaunahang
buhay na bersyon nito, kilala bilang “Old Babylonian” na bersyon, ay noong ika-18 siglo BC at
pinamagatan mula sa kaniyang incipit (unang salita ng manuskrito na ginamit bilang pamagat),
Shutur eli sharri (“Surpassing all Other Kings”). Ilan lamang sa mga tablet (manuskritong
nakasulat sa isang piraso ng bato, kahoy o bakal) ang nabuhay. Ang huling bersyon ay nasulat
noong ika-13 hanggang ika-10 siglo BC at may incipit na Sha naquba imuru (“He who saw the
Deep”) sa makabagong salita: (“He who Sees the Unknown”). Tinatayang dalawang katlong
bahagi ng labindlawang tablet na bersyon ang nakuha. Ang ilan sa magagaling na kopya ay
natuklasan sa guho ng aklatan ng 7th century BC na hari ng Assyrian na si Ashurbanipa
- The epic of Gilgamesh, kinuha noong Nobyembre
30, 2014 mula sa Wikipedia, Org/wiki/Epic of Gilgamesh

Talasalitaan

Piliin sa Kolum B ang kahulugan ng mga alegoryang nakapaloob sa Kolum A mula sa babasahing
epiko. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

Kolum A Kolum B

___ 1.Kalangitan a. maaasahan, mas malapit pa sa isang kapatid


___ 2. Kaibigan b. pang-araw-araw na karanasan ng isang tao
___ 3. Buhay c. napakakomportable/napakagandang lugar o pangyayari
___ 4. Kadiliman d. ito ang sumisimbolo sa pagmamahal
___ 5. Puso e. maaring pagkakakulong, kawalan ng hustisya, nababalot ng
kasamaan

10
Basahin ang epiko ni Gilgamesh kasama ang miyembro ng pamilya at unawain upang mapatunayan na
ang pangunahing tauhan sa epiko ay may supernatural na kapangyarihan.

https://panitikan101.wordpress.com/2016/08/18/panit
ikang-mediterranean-at-pilipino/

Mula sa Epiko ni Gilgamesh

salin sa Ingles ni N.K. Sandars

saling-buod sa Filipino ni Cristina S. Chioco

Mga Tauhan:

Anu - Diyos ng kalangitan; ang Diyos Ama


Ea - Diyos ng karunungan; kaibigan ng mga tao
Enkido - Kaibigan ni Gilgamesh; matapang na tao na nilikha mula sa
luwad
Enlil - Diyos ng hangin at ng mundo
Gilgamesh - Hari ng Uruk at ang bayani ng epiko
Ishtar - Diyosa ng pag-ibig at digmaan; ang reyna ng mundo
Ninurta - Diyos ng digmaan at pag-aalitan
Shamash - Diyos na may kaugnayan sa araw at sa mga batas ng tao
Siduri - Diyosa ng alak at mga inumin
Urshanabi - Mamamangkang naglalakbay araw-araw sa dagat ng
kamatayan patungo sa tahanan ng Utnapishtim
Utnapishtim - Iniligtas ng mga diyos mula sa malaking baha upang sirain
ang mga tao; binigyan ng mga diyos ng buhay na walang hanggan.

11
1. Nagsimula ang epiko sa pagpapakilala kay Gilgamesh, ang hari ng lungsod ng Uruk, na ang
dalawang katlo ng pagkatao ay diyos at ang sangkatlo ay tao. Matipuno, matapang, at
makapangyarihan. Ngunit mayabang siya at abusado sa kaniyang kapangyarihan. Dahil sa
kaniyang pang-aabuso, patuloy na nananalangin ang kaniyang mga nasasakupan na nawa’y
makalaya sila sa kaniya.

2. Tinugon ng diyos ang kanilang dasal. Nagpadala ito ng isang taong kasinlakas ni Gilgamesh,
si Enkido, na lumaking kasama ng mga hayop sa kagubatan. Nagpang-amok ang dalawa nang
sila ay magkita. Nanalo si Gilgamesh. Ngunit sa bandang huli ay naging matalik na
magkaibigan sila. Di naglaon ay naging kasa-kasama na ni Gilgamesh si Enkido sa kaniyang
mga pakikipaglaban. Una, pinatay nila si Humbaba, ang demonyong nagbabantay sa kagubatan
ng Cedar. Pinatag nila ang kagubatan. Nang tangkain nilang siraan ang diyosang si Ishtar, na
nagpahayag ng pagnanasa kay Gilgamesh, ipinadala nito ang toro ng Kalangitan upang wasakin
ang kalupaang pinatag nila bilang parusa. Nagapi nina Gilgamesh at Enkido ang toro. Hindi
pinahintulutan ng mga diyos ang kanilang kawalan ng paggalang kaya itinakda nilang dapat
mamatay ang isa sa kanila, at iyon ay si Enkido na namatay sa matinding karamdaman.

3. Habang nakaratay si Enkido dahil sa matinding karamdaman, sa sama ng loob ay nasabi


niya sa kaniyang kaibigan ang ganito: “Ako ang pumutol sa punong Cedar, ako ang nagpatag ng
kagubatan, ako ang nakapatay kay Humbaba, at ngayon, tingnan mo kung ano ang nangyari sa
akin. Makinig ka kaibigan, nanaginip ako noong isang gabi. Nagngangalit ang kalangitan at
sinagot ito ng galit din ng sangkalupaan. Sa pagitan ng dalawang ito ay nakatayo ako at sa
harap ng isang taong ibon. Malungkot ang kaniyang mukha, at sinabi niya sa akin ang kaniyang
layon. Mukha siyang bampira, ang kaniyang mga paa ay parang sa leon, ang kaniyang mga
kamay ay kasintalim ng kuko ng agila. Sinunggaban niya ako, sinabunutan, at kinubabawan
kaya ako ay nabuwal. Pagkatapos ay ginawa niyang pakpak ang aking mga kamay. Humarap
siya sa akin at inilayo sa palasyo ni Irkalla, ang Reyna ng Kadiliman, patungo sa bahay na ang
sinumang mapunta roon ay hindi na makababalik

4. Sa bahay kung saan ang mga tao ay nakaupo sa kadiliman, alikabok ang kanilang kinakain at
luad ang kanilang karne. Ang damit nila’y parang mga ibon na ang pakpak ang tumatakip sa
kanilang katawan, hindi sila nakakikita ng liwanag, kundi pawang kadiliman. Pumasok ako sa
bahay na maalikabok, at nakita ko ang dating mga hari ng sandaigdigan na inalisan ng korona
habang buhay, mga makapangyarihan, mga prinsipeng naghari sa mga nagdaang panahon. Sila
na minsa’y naging mga diyos tulad nina Anu at Enlil ay mga alipin ngayon na tagadala na
lamang ng mga karne at tagasalok ng tubig sa bahay na maalikabok. Naroon din ang mga
nakatataas na pari at ang kanilang mga sakristan. May mga tagapagsilbi sa templo, at nandun
si Etana, ang hari ng Kish, na minsa’y inilipad ng agila sa kalangitan.

12
Nakita ko rin si Samugan, ang hari ng mga tupa, naroon din si Ereshkigal, ang Reyna ng
Kalaliman, at si Belit-Sheri na nakayuko sa harapan niya, ang tagatala ng mga diyos at
tagapag-ingat ng aklat ng mga patay. Kinuha niya ang talaan, tumingin sa akin at nagtanong:
“Sino ang nagdala sa iyo rito? Nagising akong maputlang-maputla, naguguluhan, tila nag-
iisang tinatahak ang kagubatan at takot na takot.”

5. Pinunit ni Gilgamesh ang kaniyang damit, at pinunasan niya ang kaniyang luha. Umiyak siya
nang umiyak. Sinabi niya kay Enkido, “Sino sa mga makapangyarihan sa Uruk ang may
ganitong karunungan? Maraming di-kapani-paniwalang pangyayari ang nahayag. Bakit ganyan
ang nilalaman ng iyong puso? Hindi kapani-paniwala at nakatatakot na panaginip. Kailangan
itong paniwalaan bagaman ito’y nagdudulot ng katatakutan, sapagkat ito’y nagpapahayag na
ang matinding kalungkutan ay maaaring dumating kahit sa isang napakalusog mang tao, na
ang katapusan ng tao ay paghihinagpis.” At nagluksa si Gilgamesh. “Mananalangin ako sa mga
dakilang diyos dahil ginamit niya ang aking kaibigan upang mahayag ang kasasapitan ng
sinoman sa pamamagitan ng panaginip.”

6. Natapos ang panaginip ni Enkido at nakaratay pa rin siya sa karamdaman. Araw-araw ay


palala nang palala ang kaniyang karamdaman. Sinabi niya kay Gilgamesh, “Minsan ay binigyan
mo ako ng buhay, ngayon ay wala na ako kahit na ano.” Sa ikatlong araw ng kaniyang
pagkakaratay ay tinawag ni Enkido si Gilgamesh upang siya’y itayo. Mahinang-mahina na siya,
at ang kaniyang mga mata ay halos di na makakita sa kaiiyak. Inabot pa ng sampung araw ang
kaniyang pagdadalamhati hanggang labindalawang araw. Tinawag niya si Gilgamesh,
“Kaibigan, pinarusahan ako ng mga dakilang diyos at mamamatay akong kahiya-hiya. Hindi
ako mamamatay tulad ng mga namatay sa labanan; natatakot akong mamatay, ngunit
maligaya ang taong namatay sa pakikipaglaban, kaysa katulad kong nakahihiya ang
pagkamatay.” Iniyakan ni Gilgamesh ang kaniyang kaibigan.

7. Pinagluksa ni Gilgamesh ang pagkamatay ng kaniyang kaibigan sa loob ng pitong araw at


gabi. Sa huli, pinagpatayo niya ito ng estatwa sa tulong ng kaniyang mga tao bilang alaala.

Sagot sa Talasalitaan: 1.c 2. a. 3.b 4. e 5.d

13
Gawain 1.
Bakit kaya kahiya-hiya para kay
Ilarawan si Gilgamesh, ang Enkido ang kaniyang
Kung ikaw si Enkido, nanaisin mo
pangunahing tauhan sa epiko kamatayan?
bang maging kaibigan ang isnag
tulad ni Gilgamesh? Bakit?

________________________ _________________________
________________________ ___________________________ _________________________
________________________ ___________________________ _________________________
________________________ ___________________________ _________________________
___________________________ _________________________
___________________________

Kung ikaw si Gilgamesh at


namatay si Enkido, ano ang iyong Ipaliwanag ang mensaheng
Anong mahalagang
mararamdaman? Bakit? ibinabahagi ng akda tungkol
kaalaman tungkol sa buhay
sa pagkakaibigan.
ang ipinahihiwatig ng akda?

____________________________ _________________________
____________________________ ___________________________ _________________________
____________________________- ___________________________ _________________________
____________________________ ___________________________ _________________________
____________________________ ___________________________

Nasasalamin ba sa epiko ang


Kung bibigyan ka ng
Sa inyong palagay, bakit paniniwala ng mga taga-Ehipto
pagkakataong baguhin ang
kailangang iparanas ng may-akda tungkol sa buhay na walang
wakas ng kuwento, paano
ang mga suliranin sa pangunahing hanggan? Patunayan. Ano ang
mo ito wawakasan?
tauhan ng epiko? Maituturing ba kaibahan nito sa paniniwala
silang mga bayani ng kanilang nating mga Pilipino?
panahon? Bakit?
_________________________
_____________________________ ______________________________ _________________________
_____________________________ ______________________________ _________________________
_____________________________ ______________________________ _________________________
_____________________________ ______________________________ _________________________
_____________________________ ______________________________ _________________________
_

14
Gawain 2.

Kapangyarihan
Mo, Ipakita Mo!

https://pinoywritings.blogspot.com/2012/01/ibalon-epiko.html

Isa sa mga katangian ng mga tauhan ng epiko ay ang pagkakaroon nga supernatural na
kapangyarihan. Bagaman ang binasang epiko ay isang buod lamang, sikaping matukoy ang
supernatural na katangian ng bawat tauhan. Sipiin sa iyong sagutang papel ang lobo ng diyalogo
at isulat ang hinihinging impormasyon.

Ako si Gilgamesh. Ako ay may


kapangyarihang
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________

http://architecturalwatercolors.blogspot.com/2011/10/gilgamesh-
new-interpretation.html

15
Ako si Enkido. Sa taglay kung supernatural
na kapangyarihan, kaya kong
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
http://earlyworldhistory.blogspot.com/2012/03/gilgamesh.html ______________________

Ako si Urshanabi. Ako ay isang


mamamangkang may kapangyarihang
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________
https://www.neildalrymple.com/ceramic-stoneware-
sculptures/gilgamesh/

Ako si Utnapishtim. Mula sa mga diyos,


taglay ko ang kapangyarihang
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________
https://phillipkay.wordpress.com/2010/08/25/gilgameshiad/

Ako si Ishtar, diyosang umibig kay


Gilgamesh. Taglay ko ang kapangyarihang
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________

https://inanna.virtualave.net/ishtar.htm
l 16
SURIIN

Ipagtanggol mo!

https://www.wikakids.com/filipino/epiko/hudhud-epiko-ng-ifugao/

Ang ating buhay ay bahagi ng isang malawak na plano ng Panginoon. Minsan, ipinararanas Niya ang mga
suliranin dahilsa kadahilanang Siya lamang ang nakakaalam at nauunawaan lamang natin kapag ang suliranin
ay nalutas na. Suriin ang suliraning pinagdaan ng mga pangunahing tauhan sa epiko at isulat sa sagutang
papel ang sagot ng mga katanungan saibaba.

Kailangan bang maranasan ng


pangunahing tauhan sa epiko ang mga
suliraning ito? Pangtawiran.

Sagot:______________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
Ihalintulad ang kinaharap na suliranin ng
________
mga tauhan sa epiko sa inyong buhay. Bakit
kaya ito nangyari? Paano mo ito
nalampasan? Anong aral ang hatid nito
saiyo?

Sagot:_______________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
https://b557038591.wordpress.com/2018/01/08/21st-
century-literature/

17
PAGYAMANIN

Illiad ni Homer
Ang epikong ito na itinuturing na kauna-unahan at pinakatanyag sa panitikang Griyego ay isinulat ni Homer. Nagkaroon
ito ng malaking impluwensiya hindi lamang sa mga Griyego kundi maging sa pantikan din ng buong mundo. Isinalaysay
sa epikong ito ang pagsakop ng mga Griyego sa lungsod ng Troy at tampok ang pangunahing tauhang si Achilleus, ang
pinakamahusay na mandirigma ng mga Achaian. Nagtanim siya ng galit kay Agamemmon nang agawin nito ang babaeng
pinakamamahal ni Achilleus na si Breseis kapalit ng pagpapalaya sa batang babaeng anak ni Chryses na bihag nina
Agamemnon. Bagama’t nagbigay ay patuloy ang pagdaramdam ni Achilleus sa pag-agaw sa kanyang kasintahan kaya
minabuti niyang huwag nang lumaban. Pinakiusap din niya ang inang si Thetis, isang diyosa na gumawa ng makakya
upang matalo ang mga Achaian at nang maramdaman nia ang kanyang kawalan. Gayunpama’y nagdulot pa rin ng
kasawian kay Achilleus ang ginawa niyang ito nang matalo ng mga Trojan kasama ang pinuno nilang si Hector. Sa galit ay
hindi niya ibinigay ang bangkay ni Hector maliban lang nang mismong Haring Priam na ama ni Hector na pumunta sa
kanya at nakiusap na ibalik ang kaharian ni Troy. Dito rin nagkaroon ng pansamantalang pagtigil ng digmaan upang
mabigyan ng marangal na libing si Hector.

Ngayong nabasa mo na ang mga iilang halimbawa ng epikong tanyag sa buong mundo. Ipakita
mo naman ngayon ang kahalagahan nito bilang sumasalamin ng isang bansa sa pamamagitan
epikong epikong ito ay masas
ng pagsagot mo sa mga katanungan.
1. Sa pangkalahatan, 2. Bakit maituturing na 3. Bakit maituturing na
sa anong panahon mahalaga ang panahong ito mahalagang akdang
naisulat o nabuo sa larangan ng panitikan? pandaigdig ang epiko?
ang mga Epiko?

18
4. Bakit kailangang pag- 5. Ano-anong bagay ang
aralan ang mga ito maging masasalamin sa mga epiko
sa makabago o modernong patungkol sa pinagmulan
panahon? nitong lahi, bansa o
relihiyon?

Itala ang mga impluwensiya ng mga panitikang Mediterannean sa panitikan, pamumuhay,


kaugalian, paniniwala at kultura sa ating bansa at mundo.

Panitikang
Mediterannean

Impluwensiya sa Pilipinas Impluwensiya sa mundo

19
ISAISIP

“Ang sipag na tinumbasan ng tiyaga ay hahantong sa ibayong biyaya.” Ang


karunungang naangkin mo sa aralin sa itaas ay isang biyaya na higit pa sa ginto
sapagkat hindi ito mananakaw ninuman. Binabati kita sa iyong sipag at tiyaga sa
pagsagot ng modyul na ito, kaya ngayon isaisip natin ang lahat ng iyong natutunan.
Handa ka na ba? Lalagumin natin ang lahat ng iyong natutuhan sa araling pinag-
aralan sa pamamagitan ng pagsagot sa mga katanungan sa ibaba.
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan at isulat ang sagot sa
sagutang papel.
1. Ano ang epiko?
Sagot:____________________________________________________________________.
2. Magbigay ng akda na isang halimbawa ng epiko.
Sagot: _____________________________
3. Ano ang isa sa mga katangian ng mga tauhan sa epiko?
Sagot: _____________________________
4. Ipaliwanag ang mensaheng ibinabahagi ng akda tungkol sa pagkakaibigan.
Sagot:_______________________________________________________________________.
5. Ipaliwanag ang ipinapahiwatig ng mga sumusunod na pahayag. Bigyang
kahulugan ang mga sumusunod:
A. “Kaibigan, pinarurusahan ako ng mga dakilang diyos at mamamatay akong
kahiya-hiya.”
Sagot:_______________________________________________________________________.
B. “Minsan ay binigyan mo ako ng buhay, ngayon ay wala na ako kahit na ano.”
Sagot:________________________________________________________________________.

20
ISAGAWA

Bilang pagpapahalaga sa isang taong itinuturing mong bayani sa iyong buhay, sumulat ng
isang tulang tradisyunal na may 4-5 saknong, apat na taludtud, 12 sukat at may tugma.
Isulat ito sa isang malinis na blankong papel o sa short bond paper. Maaaring lagyan ng
disenyo ayon sa katauhan ng napili mong bayani. Sundin ang pamantayan sa ibaba.

Nangangailangan ng
Napakagaling (30) Magaling (25) Katamtaman (20)
pagsasanay (15)
Napakalalim at Malalim at Bahagyang may lalim Mababaw at literal
makahulugan ang makahulugan ang ang kabuuan ng tula. ang kabuuan ng tula.
kabuuan ng tula. kabuuan ng tula.
Gumamit ng Gumamit ng ilang Gumamit ng 1-2 Wala ni isang
simbolismo/ simbolismo/ simbolismo na pagtatangkang
pahiwatig na pahiwatig na nakalito sa mga ginawa upang
nakapag-paisip sa bahagyang nagpaisip mambabasa. Ang mga makagamit ng
mga mambabasa. sa mga mambabasa. salita ay di gaanong simbolismo.
Piling-pili ang mga May ilang piling pili.
salita at pariralang salita at pariralanng
ginamit. ginamit.
Gumamit ng May mga sukat at May pagtatangkang Walang sukat at
napakahusay at tugma ngunit may gumamit ng sukat at tugma kung may
angkop na angkop na bahagyang tugma ngunit halos naisulat man.
sukat at tugma. inkonsistensi. inkonsistent lahat.

21
TAYAIN MO

Suriin nating muli ang iyong


natutunan mula sa modyul na
ito. Basahin ng mabuti ang
panuto sa ibaba.

https://www.deviantart.com/yureisan/art/Biag-ni-Lam-ang-si-Lam-ang-
369699010

Gawain 1. Panuto. Piliin at isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.
1. Katutubong panitikan sa Pilipinas na nagsasalaysay ng kabayanihan at supernatural na mga pangyayari

a. mito c. alamat

b. epiko d. mitolohiya

2. Ang pinakamatandang epiko sa mundo at kinikilala bilang kaunaunahang dakilang likha ng panitikan.

a. Ibalon c. Gilgamesh

b. Illiad at Odyssey d. Beowulf

3. Ang salitang epiko ay mula sa salitang Griyego na

a. muthos c. epos

b. mito d. Anu

4. Ang katangian ni Gilgamesh bilang isang pinuno ay

a. mabait at mapagkumbaba c. maawain at matulungin

b. mayabang at abusado d. matipuno at makapangyarihan

22
5. Si Enkidu ay nilikha mula sa putik at laway ni Aruru na diyosa ng Paglikha upang alisin ang ________ ni Gilgamesh.

a. kabaitan c. paggalang

b. kayabangan d. kababaang loob

6. Anong mga bagay ang masassalamin sa epiko?

a. lahi c. relihiyon

b. bansa d. lahat ng nabanggit

7. Bakit maituturing na mahalagang akdang pandaigdig ang epiko

a. dahil sa ipinamalas nito na kagandahan hinggil sa isang bansa

b. dahil ito ang nagsisilbing kasaysayan ng bansa na nagpapakita sa kung anong uri ng bansa nila.

c. dahil ipinapakita sa kung anong uri ng bansa sila.

d. dahil ito ang patunay ng mga sinauang tao na sagana sila hindi lamang sa kanilang mga dakilang pinuno

kundi pati narin kapangyarihan.

8. Hindi pinahintulutan ng mga diyos ang kawalan ng ___________ nina Gilgamesh at Enkido kaya itinakdang mawala
ang isa sa kanila.

a. katinuan c. paggalang

b. utang na loob d. kababaang loob

9. Diyosa ng pag-ibig at digmaan; ang reyna ng mundo

a. Enlil c. Ishtar

b. Urshanabi d. Anu

Ano ang inyong sariling interpretasyon sa mga kinakaharap na mga suliranin ng mga tauhan sa mga sumusunod na
interpretasyon. Isulat sa sagutang papel ang sagot.

10. Si Gilgamesh ay isang haring matipuno, matapang at makapangyarihan. Ngunit mayabang siya at abusado sa

kaniyang kapangyarihan. Dahil, ditto ayaw ng mga nasasakupan niya sa kanya.

11. Di naglaon naging magkaibigan na sina Gilgamesh at Enkido, Magkakasama sila kahit saan man magpunta at

nakikipaglaban, wala silang sinasanto.

12. Pinunit ni Gilgamesh ang kaniyang damit, at pinunasan niya ang kaniyang luha. Umiyak siya ng umiyak. Ayaw niyang

marinig ang mga sinasabi ni Enkido.

13. “kaibigan, pinarusahan ako ng mga dakilang diyos at mamamatay akong kahiya-hiya. Hindi ako mamamatay tulad

ng mga namatay sa pakikipaglaban, natatakot akong mamatay, ngunit maligaya ang taong namatay sa pakikipaglaban,
kaysa katulad kong nakakahiya ang pagkamatay,” wika ni Enkido.

23
Isulat at Ipaliwanag ang sinisimbolo ng mga sumusunod at isulat ang sagot sa sagutang papel:

14. kalapati

Sagot_____________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________

15. krus

Sagot:_____________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________

nakabatay sa sariling interpretasyon ng mga-aaral sa kinaharap na suliranin


Answer Key: 1.b 2.c 3.c 4.b 5.b 6.d 7.c 8.d 9.c 10.-13 ang sagot ay

ng tauhan 14.. kapayapaan 15. Pananampalatayay/kabanalan (Ang


Binabati kita! Matagumpay mong natapos ang mga Gawain sa araling ito.
Kung may mga bahagi ng aralin na hindi pa rin malinaw sa iyo, maaari mo

paliwanag ay maaaring mgakaiba-iba.)


itong balikan. Magtanong sa iyong guro upang lalo mo itong maunawaan.
Kung ang lahat ay malinaw na sa iyo, maari ka nang magpatuloy sa
sususnod na aralin.

Mag-ingat Palagi!

24
Sanggunian

Alma M. Dayag, Emily V. Marasigan at Mary Grace Del Rosario (2015). Pinayamang Pluma
10, Phoenix Publishin House Inc.
Magdalena O. Jocson at Aura Berta A. Abiera (2015).Filipino 10 Modyul Para sa mga Mag-
aaral Unang Edisyon 2015, Pasig City, Vibal Group, Inc., DepEd- Instructional
Materials Secretariat (Dep-Ed- IMCS)
https://www.slideshare.net/JenitaGuinoo/epiko-ni-gilgamesh-powerpoint-presentation-ng-
aralin?from_action=save
https://filipino10niwarville.blogspot.com/2015/08/kasaysayan-ng-epiko.html
https://chroniclesandfrustrations.blogspot.com/2013/06/tuwaang-epiko-ng-manobo.html
http://architecturalwatercolors.blogspot.com/2011/10/gilgamesh-new-interpretation.html
https://roniel12345.weebly.com/blog/mga-bayani-ng-epiko

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education: DepEd-Cebu Province


Office Address: Sudlon, Cebu City, 6000 Cebu
Telefax: (032) 255-6405
Email Address: cebu.province@deped.gov.ph

25

You might also like