You are on page 1of 34

4

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 5:
Pagkakakilanlang Heograpikal ng
Pilipinas: Pisikal at Pantao
Araling Panlipunan – Ikaapat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 5: Pagkakakilanlang Heograpikal ng Pilipinas: Pisikal at
Pantao
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Mga Bumuo ng Modyul

Manunulat : Canticle Niño R. Mejia


Tagasuri ng Nilalaman : Rebecca K. Sotto, PhD / Rosanna P. Querijero
: Helen G. Laus, EdD / Marie Ann C. Ligsay, PhD
Tagasuri ng Wika : Lily Beth B. Mallari
: Angelica M. Burayag, PhD
Tagasuri ng Pagguhit / Paglapat : Jeremy Daos / Jay Ahr E. Sison
Tagaguhit : Gizelle R. Libed
Tagalapat : Jenn Eicel S. Lopez

Tagapamahala:
Nicolas T. Capulong, PhD
Librada M. Rubio, EdD
Ma. Editha R. Caparas, EdD
Angelica M. Burayag PhD
Nestor P. Nuesca, EdD
Robert E. Osongco, EdD
Lily Beth B. Mallari
Rebecca K. Sotto, PhD

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III


Office Address: Matalino St., Government Center, Maimpis, City of San Fernando
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
4

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 5:
Pagkakakilanlang Heograpikal ng
Pilipinas: Pisikal at Pantao
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 4 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling
Pagkakakilanlang Heograpikal ng Pilipinas: Pisikal at Pantao
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at
sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral
sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang
pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita
ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tal a para sa Guro

Ang sumusunod na aralin ay may kinalaman sa


heograpiyang pisikal at pantao ng Pilipinas.
Inaasahang mabigyan ng wastong gabay at maituro
ang pagiging tapat sa mga mag-aaral sa pagsagot ng
modyul na ito.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang


kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling

ii
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 4 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling
Pagkakakilanlang Heograpikal ng Pilipinas: Pisikal at Pantao
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo


Alamin
ang mga dapat mong
matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita


Subukin natin kung ano na ang
kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang
lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o


Balikan balik-aral upang matulungan
kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa
naunang leksyon.

iii
Sa bahaging ito, ang bagong
Tuklasin
aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng
isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain
o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng


Suriin maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing


Pagyamanin para sa mapatnubay at
malayang pagsasanay upang
mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang
mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto
sa huling bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga


Isaisip katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung
anong natutuhan mo mula sa
aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing


Isagawa makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

iv
Ito ay gawain na naglalayong
Tayahin matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa


Karagdagang iyong panibagong gawain upang
Gawain pagyamanin ang iyong
kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.
Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang
Pagwawasto sagot sa lahat ng mga gawain sa
modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng


modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan
ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng
modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng
mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.

v
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy
kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa


modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong
guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay
o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas
ka ng makahulugang pagkatuto at makakukuha ka ng malalim
na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga gawain at


aktibidad upang maunawaan ng mga mag-aaral ang mga paraan
upang mabawasan ang epekto ng kalamidad. (AP4AABIc- 4)

Sa katapusan ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:

1. Naipaliliwanag ang konsepto ng heograpiyang pisikal at


heograpiyang pantao;

2. Naiisa-isa ang mga elemento o salik na bumubuo sa


heograpiyang pisikal at pantao; at

3. Naiuugnay ang klima sa uri ng pamumuhay ng tao.

Mga Tal a para sa Guro

Ang sumusunod na aralin ay may kinalaman sa


heograpiyang pisikal at pantao ng Pilipinas.
Inaasahang mabigyan ng wastong gabay at
maituro ang pagiging tapat sa mga mag-aaral sa
pagsagot ng modyul na ito.

1
Subukin

Panuto: Ilagay ang mga nawawalang titik upang makumpleto


ang diwa ng bawat pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

Ang _______________ay ang pag-


1. H e _ g r _ p _ y a aaral tungkol sa mga katangiang
pisikal ng daigdig.

May kaugnayan ang ____________


2. L o k _ s y _ n ng isang bansa sa uri ng klima at
panahon nito

Tumutukoy ito sa bilang ng mga


3. P o p _ l _ s _ o n tao na naninirahan sa isang tiyak
na lugar o rehiyon.
Pangunahing pinagmulan ng
hanapbuhay, pinagkukunan ng
4. A g _ r i k _ l t _ r a
pagkain, at gamit materyal sa
industriya
Ito ay tumutukoy naman sa
kalagayan ng kapaligiran,
5. P _ n a h _ _
halimbawa ng taglamig, at tag-
init.
Ito ang pangkalahatang kalagayan
6. K l _ m _
ng panahon sa isang lugar.

7. T a g – _ n _ t Ito ay uri ng panahon na


8. T _ g l a m _ g nararanasan sa Pilipinas.

9. T e _ p e r _ t u r _ Ito ang mga salik na nakaaapekto


10. D a m _ ng u l _ n sa klima ng bansa.

2
Balikan

Balikan ang nakaraang aralin.


A. Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

a. Timog-silangang Asya d. relatibong lokasyon


b. tropikal e. tubig
c. teritoryo

________1. Ito ang klimang nararanasan sa Pilipinas dahil


malapit sa ekwador at nasa mababang latitud.
________2. Tumutukoy ito sa sukat ng lupaing sakop ng isang
lugar.
________3. Ang Pilipinas ay kapuluang napaliligiran ng _________.
________4. Saan matatagpuan ang Pilipinas?
________5. Ang tawag sa direksiyon o lokasyon ng isang lugar
batay sa kinalalagyan ng mga kalapit nitong lugar.
B. Panuto: Kumpletuhin ang mga direksiyon.
Pangunahing Direksiyon
Hilaga

Pangalawang Direksiyon
Hilagang
Kanluran

Timog
Silangan

3
Tuklasin

Ano-anong lugar ang napasyalan mo na sa


Pilipinas?
Paano mo mailalarawan ang klima sa mga
lugar na ito?
Mayroon bang mga anyong lupa at anyong
tubig sa mga lugar na ito?

Ano ang hanapbuhay ng mga nakatira sa lugar na iyong


napuntahan?

Tunay na napakasagana sa mga natural na yaman ang ating


bansa.

Sa araling ito, malalaman mo ang kaugnayan ng heograpiya ng


Pilipinas sa pamumuhay ng tao at ang mga iba’t ibang salik nito.
Halika at ating alamin.

4
Suriin

Heograpiyang Pisikal ng Pilipinas

 Klima at Panahon

Ang Pilipinas ay isang bansang tropiko. May epekto ang


lokasyon ng isang bansa sa uri ng klima at panahon nito. Ang
klima ay ang pangkalahatang kalagayan ng panahon sa isang
lugar na may kinalaman sa atmospera o hanging nakapaligid sa
mundo, temperatura o ang sukat ng init o lamig ng paligid, at iba
pang nakaaapekto sa pamumuhay ng mga nilalang dito.

Nagkakaroon din ng pagbabago ng temperatura dahil sa may


matataas at mababang pook sa Pilipinas. Ito ang dahilan kung
bakit mas malamig sa Baguio at Tagaytay kaysa sa Maynila.

Ang panahon ay tumutukoy naman sa kalagayan ng


kapaligiran, halimbawa ng taglamig at tag-init. Samantala, ang
dami ng ulan ay isa rin sa mga salik na may kinalaman sa klima
ng bansa. Nakabatay sa dami ng ulang tinatanggap ng isang
lugar ang uri ng klimang nararansan sa bansa.

 Apat na Uri ng Klima sa Pilipinas

Unang Uri - may anim na buwan ng tag-araw at anim na buwan


ng tag-ulan.
Ikalawang Uri - umuulan sa buong taon.
Ikatlong Uri - maulan at may maikling panahon ng tag-araw.
Ikaapat na Uri - pantay-pantay ang dami at pagkakabahagi ng
ulan sa buong taon

5
Malaki ang kaugnayan ng klima sa pamumuhay ng tao dahil
dito nakasalalay ang kanilang mga ikinabubuhay, halimbawa
ang mga magsasaka at mangingisda sa panahon o klima nila
ibinabase ang kanilang hanapbuhay.
 Heograpiyang Pantao ng Pilipinas

Ang populasyon ayon sa sosyolohiya ay katipunan ng mga


tao. Tumutukoy ito sa bilang ng mga tao na naninirahan sa isang
tiyak na lugar o rehiyon. Ang Pilipinas ay binubuo ng 17 na
rehiyon na may iba’t ibang bilang ng populasyon.
Rehiyon Populasyon
LUZON
I- Rehiyon ng Ilocos 5 026 128
II- Lambak ng Cagayan 3 451 410
III- Gitnang Luzon 11 218 177
IV A- CALABARZON 14 414 774
IV B- MIMAROPA 2 963 360
V- Rehiyon ng Bicol 5 796 989
CAR- Cordillera Administrative 1 722 006
Region
NCR- National Capital Region 12 877 253
VISAYAS
VI- Kanlurang Visayas 7 536 247
VII-Gitnang Visayas 7 396 903
VIII-Silangang Visayas 4 40 150
MINDANAO
IX- Tangway ng Zamboanga 3 629 783
X- Hilagang Mindanao 4 689 302
XI- Rehiyon ng Davao 4 893 318
XII- SOCCSKSARGEN 4 545 276
XIII- Caraga 2 596 709
ARMM- Autonomous Region in 3 781 387
Muslim Mindanao

6
 Anyong Lupa at Anyong Tubig

Sa mga pulo sa bansa ay makikita ang mga pangunahing


anyong lupa. Ang mga hanay ng bundok ay may makakapal na
kagubatan na pumipigil sa baha at pagguho ng mga lupa. Ang
ating bansa ay mayroon ding malawak na kapatagan at
masasaganang lambak, tulad ng Lambak ng Cagayan. Ang
Bundok Apo sa Mindanao ay may pinakamataas na taluktok
samantalang ang Bulkang Taal sa Batangas ang may
pinakamababa.

Ang Pilipinas din ay biniyayaan ng mahahabang baybaying-


dagat. Ito ang dahilan kung bakit ang mga naninirahan sa
malalapit sa mga ilog at dagat ay pangingisda ang ikinabubuhay.
Bukod sa mga dagat, mayroon din itong mga lawa, look, at golpo
na pinanggagalingan ng iba't ibang pagkaing-dagat.

 Agrikultura

Ang agrikultura ay isang agham, sining, at gawain ng


pagpoprodyus ng pagkain at hilaw na mga produkto na
tumutugon sa pangangailangan ng tao.
Ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural. Malaking
bahagi ng ekonomiya ay nakadepende sa mga sektor nito tulad
ng pagsasaka, paghahalaman, pangingisda, paghahayupan, at
panggugubat upang matugunan ang mga pangunahing
pangangailangan ng mga mamamayan.

7
 Industriya

Sa pamamagitan ng Industriya
nagkakaroon ng hanapbuhay ang
mga tao tulad sa mga pabrika at
iba’t ibang pagawaan ng mga hilaw
na materyales na nakatutulong sa
pag-unlad ng ating ekonomiya.
Nagkakaroon ng kasanayan
ang mga tao dahil sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay
at nagiging uri ito ng kanilang hanapbuhay batay sa mga
gawaing dulot ng kanilang kalikasan at kapaligiran.
Ito ang sektor na nagtataguyod sa malaking bahagi ng
ekonomiya dahil ang lahat ng sektor ay umaasa sa agrikultura
upang matugunan ang suplay ng pagkain ng bansa at mga hilaw
na kagamitan na kailangan sa
industriya.
Ang agrikultura ay
pangunahing pinagmumulan ng
hanapbuhay, pinagkukunan ng
pagkain, at gamit materyales sa
industriya.

Pagyamanin
A. Panuto: Iguhit ang puno kung ang mga sumusunod ay
tumutukoy sa anyong lupa at isda naman kung anyong
tubig. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Chocolate Hills

2. Bundok Apo

8
3. Look ng Maynila

4. Golpo ng Albay

5. Lawa ng Taal

6. Bundok Arayat

7. Pansol Hot Spring

8. Bulkang Mayon

9. Lambak ng Cotabato

10. Ilog Cagayan


B. Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.

1. Ito ang uri ng klima na may pantay-pantay ang dami at


pagkakabahagi ng ulan sa buong taon?
a. Ikalawang Uri
b. Ikatlong Uri
c. Ikaapat na Uri

2. Alin sa mga sumusunod ang mga salik na may kinalaman sa


klima ng bansa?
a. Anyong Lupa at Anyong Tubig
b. Temperatura at dami ng ulan
c. Populasyon at Lokasyon

3. Ito ay ang pangkalahatang kalagayan ng panahon sa isang


lugar na may kinalaman sa atmospera, temperatura, at iba pang
nakaaapekto sa pamumuhay ng mga nilalang dito.
a. Araw at Ulan
b. Klima
c. Teritoryo

9
4. Kabundukan, kapatagan, at mga talampas ay mga halimbawa
ng _______________.
a. Anyong Tubig
b. Anyong Lupa
c. Klima

5. Karagatan, ilog, at mga lawa ay mga halimbawa ng


_______________.
a. Anyong Tubig
b. Anyong Lupa
c. Klima
6. Ito ay tumutukoy sa katipunan ng mga tao o bilang ng mga
tao na naninirahan sa isang tiyak na lugar o rehiyon.

a. Industriya
b. Agrikultura
c. Populasyon
7. Ang _______________ay ang pag-aaral tungkol sa mga katangiang
pisikal ng daigdig.

a. Sosyolohiya
b. Agrikultura
c. Heograpiya
8. Dapat pangalagaan ang anyong lupa at tubig
sapagkat_________.

a. Natutugunan at napagkukuhanan ito ng ating


pangunahing pangangailangan.
b. Hindi nakapagdudulot ng mabuting epekto sa
kapaligiran.
c. Wala sa nabanggit
9. Nakatutulong nang malaki ang agrikultura sa buhay ng tao
sapagkat___________.

a. Nawawalan ang mga tao ng hanapbuhay.


b. Napagkukunan ito ng hanapbuhay.
c. Wala sa nabanggit

10
10. Isinasaalang-alang ang klima ng isang lugar sa uri ng
pamumuhay ng mga tao sapagkat____________.

a. Magiging mahina ang negosyo.


b. Maiaangkop nito ang mga pangunahing
pangangailangan ng tao.
c. Wala sa nabanggit

C. Panuto: Itala ang mga pakinabang na naibibigay ng sektor ng


agrikultura sa mga mamayan ng Pilipinas. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

1.

2.

3.

4.

5.

1.2 Ano-ano ang mga hanapbuhay na naibibigay ng agrikultura?

6.

7.

8.

9.

10.

11
D. Panuto: Itala ang epekto ng malamig at mainit na klima at
panahon sa pamumuhay ng tao. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

1.

2.

3.

4.

5.

1.

2.

3.

4.

5.
5

12
E. Panuto: Gamitin ang tsart sa ibaba bilang gabay at sagutin
nang wasto ang mga tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

(source: 2015 Census of Population. Philippine Statistics Authority. May 19, 2016. Retrieved May
20, 2016)

_____________ 1. Anong rehiyon ng Pilipinas ang may


pinakamalaking
populasyon?
_____________ 2. Ang rehiyon na may tinatayang 7,396,903 na
populasyon.
_____________ 3. Anong rehiyon ng Pilipinas ang may pinakamaliit
na
populasyon?
_____________ 4. Ilan ang bilang ng naitalang populasyon sa
Rehiyon
ng Davao?
_____________ 5. Ang rehiyon na may tinatayang 4,545,276 na
populasyon.

13
1.2 Panuto: Magbigay ng mga dahilan kung paano makaaapekto
sa pamumuhay ng tao ang laki o bilang ng populasyon sa isang
lugar. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Maganda at hindi magandang epekto

1.

2.

3.

4.

5.

14
F. Panuto: Piliin sa ibaba ang angkop na salita upang mabuo
ang bawat pahayag. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

populasyon 17 rehiyon agrikultural panahon pagkain

dami ng
temperatura klima ulan pagsasaka tropiko

1. Ang Pilipinas ay isang bansang ________________.


2. Ang________________ay tumutukoy naman sa kalagayan ng
kapaligiran, halimbawa ng taglamig at tag-init.
3. Nagkakaroon din ng pagbabago ng________________dahil sa
may matataas at mababang pook sa Pilipinas.
4. Ang________________ay ang pangkalahatang kalagayan ng
panahon sa isang lugar.
5. Ang Pilipinas ay binubuo ng________________na may iba’t ibang
bilang ng populasyon.
6. Ang bilang o dami ng tao sa isang tiyak na lugar o rehiyon ay
tinatawag na________________.
7. Ang ________________ ay isa sa mga salik na may kinalaman sa
klima ng bansa.
8. Ang ________________ isang agham, sining, gawain ng
pagpoprodyus ng pagkain, at hilaw na mga produkto, na
tumutugon sa pangangailangan ng tao.
9. Ang ________________ ay maaaring maging hanapbuhay sa mga
lugar na may mainit na klima.
10. Ang sektor ng agrikultura ang nagsusuplay ng mga _________
at hilaw na materyales at sangkap sa mga industriya.

15
Isaisip

Panuto: Punan ng angkop na salita ang bawat patlang upang


mabuo ang diwa ng mga pahayag. Basahin ang mga salita sa
ibaba upang maging gabay. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

lokasyon panahon temperatura


katangian klima agrikultura
populasyon paligid heograpikal

Karagatan bundok

Ang pagkakakilanlang _________________ ng Pilipinas,


pisikal man o pantao ay tumutukoy sa katangian ng isang
lugar na kung saan makikita ang kaanyuang panlabas ng
lupa, tulad ng mga _________________, burol, at kapatagan,
Maging ang mga anyong tubig tulad ng _________________,
dagat at ilog na pinanggagalingan ng iba't ibang pagkaing-
dagat.

Ang _________________ ng isang bansa ay nakaaapekto sa


uri ng klima at _________________ nito. Ang _________________
ay ang pangkalahatang kalagayan ng panahon sa isang lugar
na may kinalaman sa atmospera o hanging nakapaligid sa
mundo, _________________ o ang sukat ng init o lamig ng
_________________, at iba pang nakaaapekto sa pamumuhay ng
mga nilalang dito.

Ang _________________ na tumutukoy sa dami o bilang ng


tao sa isang lugar o rehiyon ay may malaking ambag din sa
ating masaganang _________________ at industriya ng Pilipinas.

16
Isagawa

A.Panuto: Kumpletuhin ang mga sumusunod na pahayag ayon


sa iyong natutuhan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Mahalaga ang pagkakakilanlan heograpikal ng


Pilipinas sapagkat
_____________________________________________________
____________________________________________________.

Mahalaga ang pagiging isang kapuluan ng Pilipinas


dahil
_____________________________________________________
_________________________________________._____

Maipakikita ko ang pagpapahalaga sa heograpiya ng


bansa sa paraan na
____________________________________________________
__________________________________________.

Makatutulong ako sa pangangalaga ng mga


kaanyuang panlabas ng Pilipinas sa pamamagitan ng
____________________________________________________
__________________________________________.

Mayroong kaugnayan ang klima sa uri ng


pamumuhay ng tao sa paraan na
____________________________________________________
__________________________________________.

17
Tayahin
Panuto: Itala ang mga mahahalagang salik sa heograpiyang
pisikal at pantao ng Pilipinas: Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. ____________________________________________
2. ____________________________________________
3. ____________________________________________
4. ____________________________________________
5. ____________________________________________

Magbigay ng epekto o kaugnayan ng klima at panahon sa uri ng


pamumuhay ng tao:

1. ____________________________________________
2. ____________________________________________
3. ____________________________________________
4. ____________________________________________
5. ____________________________________________

18
Karagdagang Gawain

A. Panuto: Magbigay ng mga halimbawa ng Anyong Lupa at


Anyong Tubig sa Pilipinas. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Anyong Lupa Anyong Tubig

B. Panuto: Itala ang nararanasang klima ng mga sumusunod na


lugar sa Pilipinas. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Lugar Klima

Baguio

Tuguegarao

Tagaytay

Nueva Ecija

Cordillera

19
20
Karagdagang Gawain
Tayahin
Maaaring magkakaiba
ang sagot ng mga mag- Salik: klima
aaral Populasyon Isagawa
Dami ng ulan
Temperatura Maaaring magkakaiba
Maaaring magkakaiba Anyong tubig at anyong ang sagot ng mga mag-
ang sagot ng mga mag- lupa aaral
aaral
Maaaring magkakaiba
ang sagot ng mga mag-
aaral
Isaisip F E
1. tropiko 1.1
1. heograpikal 2. panahon 1. CALABARZON
2. bundok 3. temperatura 2. Gitnang Visayas
3. karagatan 4. klima 3. CAR
4. lokasyon 5. 17 rehiyon 4. 4, 893, 318
5. panahon 6. Populasyon populasyon
6. klima 5.SOCCSKSARGEN
7. dami ng ulan
7. temperatura 8. agrikultural
8. paligid 1.2 Maaaring
9. pagsasaka magkakaiba ang sagot
9. populasyon 10. pagkain ng mga mag-aaral
10. katangian
B
C 1. C
2. B
1 at 1. 2. Maaaring 3. B
magkakaiba ang sagot ng 4. B
D.
mga mag-aaral 5. A
6. C
Maaaring magkakaiba 7. C
ang sagot ng mga mag- 8. A
aaral Balikan 9. B
A. 10. B
1. B
2. C
3. E
4. A
5. D Subukin
Pagyamanin
A B. 1. Heograpiya
Pangunahing Direksiyon 2. Lokasyon
1. Puno Hilaga 3. Populasyon
2. Puno Kanluran 4. Agrikultura
3. Isda Silangan 5. Panahon
4. Isda Timog 6. Klima
5. Isda 7. Tag-init
6. Puno Pangalawang Direksiyon 8. Taglamig
7. Isda Hilagang Kanluran 9. Temperature
8. Puno Hilagang Silangan 10. Dami ng ulan
9. Puno Timog Kanluran
10. Isda Timog Silangan
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Adriano, Ma. Corazon V., Caampued, Marian A., Capunitan,


Charity
A., Galarosa, Walter F., Miranda, Noel P., Quintos, Emily R.,
“Mga Salik na May Kinalaman sa Klima ng Bansa,
Pangunahing Anyong Lupa at Tubig sa Bansa” Araling
Panlipunan 4 (Department of Education-Instructional
Materials Council Secretariat(DepEd-IMCS), Unang
Edisyon, 2015), 27-37, 53- 66

Adriano, Ma. Corazon V., Caampued, Marian A., Capunitan,


Charity
A., Galarosa, Walter F., Miranda, Noel P., Quintos, Emily R.,
“Mga Salik na May Kinalaman sa Klima ng Bansa,
Pangunahing Anyong Lupa at Tubig sa Bansa” Araling
Panlipunan 4 Patnubay ng Guro (Department of Education-
Instructional Materials Council Secretariat(DepEd-IMCS),
Unang Edisyon, 2015),16-17, 24-27

Google. 2020. “heograpiya”. Last modified. September 05, 2006.


https://seasite.niu.edu/tagalog/modules-in
Tagalog/heograpiya.html

Google. 2020. “Heograpiya ng Pilipinas”. Last modified July 07,


2016.
https://socialstudiesadi.wordpress.com/2016/07/19-ang-
mahiwagang-heograpiya-ng-Pilipinas

21
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education Region III – Learning Resources


Management Section (DepEd Region III – LRMS)

Office Address: Diosdado Macapagal Governement Center


Maimpis, City of San Fernando (P)

You might also like