You are on page 1of 32

7

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 7:
Yamang Tao sa Asya

-
Araling Panlipunan– Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 7: Yamang Tao sa Asya
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nicolas T. Capulong, PhD.,CESO V
Ronilo AJ K. Pirmo, PhD, CESO V
Librada M. Rubio, PhD.
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Gilbert C. Francisco
Tagasuri ng Nilalaman: Angelica M. Burayag PhD / Virgilio L. Laggui PhD /
Eva Fe Taclibo PhD / Rizaldy Aglipay
Tagasuri ng Wika: Edwin T. Marcos EdD / Marie Anne Ligsay PhD /
Benedict Viola / Anastacia M. Victorino PhD
Tagasuri sa ADM: Jovannie B. Belmonte
Tagasuri ng Paglapat/Pagguhit: Jovannie B. Belmonte
Tagaguhit: John Lexter R. Payumo /Maesie T. Dela Peña
Tagalapat: John Joseph V. Barrientes / Lawrence A. dela Cruz
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong PhD, CESO V
Librada M. Rubio PhD
Angelica M. Burayag PhD
Nestor Nuesca EdD
Gregorio C. Quinto, Jr. EdD
Rainelda M. Blanco PhD
Agnes R.Bernardo PhD
Virgilio L. Laggui PhD

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III


Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph

ii
7

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 7:
Yamang Tao sa Asya

III
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 7 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Yamang Tao sa Asya.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 7 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul ukol sa Yamang Tao sa Asya.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.


Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

IV
Ang modyul na ito ay ginawabilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

V
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

VI
Alamin

Ang Modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong kapakinabangan. Ito


ay upang matulungan kang unawain ang mga araling tinatalakay sa Araling
Panlipunan Baitang 7.

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:

• Nasusuri ang komposisyon ng populasyon at kahalagahan ng yamang tao sa


Asya sa pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan sa kasalukuyang panahon.

Sa Modyul na ito, pag-aaralan mo ang konsepto ng yamang tao sa Asya at


ang maidudulot nito sa kaunlaran ng kabuhayan at lipunan ng mga Asyano.
Nahahati ito sa tatlong aralin:

• Leksyon 1 – Komposisyon ng Populasyon sa Asya


• Leksyon 2 – Kahalagahan ng Yamang Tao sa Asya
• Leksyon 3 – Tungkulin ng Yamang Tao sa Pagpapaunlad ng Kabuhayan at
Lipunan ng Isang Bansa

Kapag natapos mo na ang Modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


1. nasusuri ang komposisyon ng populasyon sa Asya;
2. natutukoy ang kahalagahan ng yamang tao sa Asya; at
3. naipaliliwanag ang kahalagahan ng yamang-tao sa Asya sa pagpapaunlad ng
kabuhayan at lipunan sa kasalukuyang panahon.

Mga Tala para sa Guro


Kailangang gumamit ng mga pamprosesong tanong upang
maiugnay ang natapos na aralin tungo sa bagong aralin. Ituro ang
konsepto ng araling ito sa pamamagitan ng mga malikhaing
pamamaraan na makikita sa mga gawain sa modyul na ito.
Makikita rin sa huling bahagi ng modyul na ito ang mga rubric na
gagamitin sa pagmamarka sa ilang mga gawain.

1
Subukin

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa inilaang sagutang papel.

1. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa dami ng tao sa isang lugar o bansa?
A. populasyon C. komposisyon
B. sensus D. distribusyon
2. Alin sa mga sumusunod na bansa ang may pinakamaraming tao sa Asya maging
sa Daigdig?
A. Pilipinas C. Indonesia
B. China D. India
3. Alin sa mga sumusunod na bansa ang pangalawa sa may pinakamaraming tao
sa kontinente ng Asya?
A. Pilipinas C. Indonesia
B. China D. India
4. Alin sa mga sumusunod na bansa ang may pinamaliit na bilang ng mga taong
naninirahan sa kontinente ng Asya?
A. Bhutan C. Macao
B. Brunei D. Maldives
5. Pang-ilan ang Pilipinas sa listahan ng mga bansa sa Asya na may
pinakamaraming taong naninirahan?
A. pangatlo C. pangpito
B. panglima D. pangsiyam
6. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa bahagdan ng dami ng anak na
maaaring isilang ng isang babae?
A. population density C. fertility rate
B. population growth rate D. migration
7. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa dami o kapal ng bilang ng tao na
naninirahan sa isang lugar?
A. population density C. fertility rate
B. population growth rate D. migration
8. Alin sa mga sumusunod na rehiyon sa Asya ang may pinakamataas na bilang ng
populasyon?
A. Timog Asya C. Gitnang Asya
B. Silangang Asya D. Timog Silangang Asya

2
9. Alin naman sa mga sumusunod ang tumutukoy sa rehiyon sa Asya na may
pinakamababang bilang ng populasyon?
A. Hilagang Asya C. Gitnang Asya
B. Silangang Asya D. Timog-Silangang Asya
10. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa bahagdan ng bilis ng pagdami ng
tao sa isang bansa sa loob ng isang taon?
A. population density C. fertility rate
B. population growth rate D. migration
11. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa paglipat ng isang tao ng lugar o
kanyang panirahan?
A. population density C. fertility rate
B. population growth rate D. migration
12. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa bahagdan ng populasyon na
marunong bumasa o sumulat?
A. land area C. urban population
B. median age D. literacy rate
13. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa lawak ng lupain na sakop ng isang
lugar o bansa?
A. land area C. urban population
B. median age D. literacy rate
14. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa porsyento ng populasyon na
naninirahan sa urban areas o mga lungsod?
A. land area C. urban population
B. median age D. literacy rate
15. Sino sa mga sumusunod ang nagsabing “ang yamang tao ang
pinakamahalagang kayamanan ng isang bansa?
A. Ho Chi Minh C. Jose Rizal
B. Dalai Lama D. Mao Zedong

Mahusay! Kung marami kang nasagot sa bahaging ito ng modyul ay


madali mong maiintindihan ang nakapaloob ditong aralin. Kung mababa
naman ang nakuha mong marka ay dapat pagsumikapang mas maintindihan
pa ang aralin sa pamamagitan ng pagbabasang mabuti sa mga teksto at
pagsasagawa ng mga dinesenyong gawin.

3
Aralin

1 Yamang Tao sa Asya

Mahalaga ang mga likas na yaman ng Daigdig. Kabilang sa


mga likas na yaman na ito ang yamang tao. Ang kontinente
ng Asya ay nabiyayaan ng maraming yamang tao na maaari
nitong magamit upang mapaunlad ang kabuhayan at
lipunan ng mga Asyano. Halina at ating tuklasin ang
yamang tao sa Asya.

Balikan

Mahal Kita, Asya!

Panuto: Alamin natin kung paano sabihin ng mga pangkat etnolinggwistiko ang
salitang “mahal kita”. Narito ang talahanayan na nagpapakita ng ilang mahalagang
kaalaman sa mga pangkat. Ilagay sa unang kolum ang pangalan ng pangkat na
akma sa pinagmulang rehiyon, kontribusyon at wika. Pumili ng sagot mula sa loob
ng kahon. Isulat ang inyong sagot sa inyong sagutang papel.

Arabo Indonesian Tajik


Kyrgyz Indo-Aryan Manchu
Korean Eskimo Japanese

Pangkat Pinagmulang Mga Kontribusyon Paano nila sabihin


Etnolinggwistiko Rehiyon ang “mahal kita”?
Pag-gawa ng Hanji, ang
Silangang
1. pinakamahal na papel Saranghamnida
Asya
sa mundo
Hinduismo,
Main tumase pyaar
2. Timog Asya Matematika, Algebra at
karata hoon
Astronomiya
Timog- Wayang kulit na papet
3. Silangang at telang batik Aku cinta kamu
Asya
Kanlurang Kape, pag-imbento sa
4. uHibbuka/uHibbuki
Asya zero at bumuo sa

4
sistema ng decimal.

Pag-iimprenta,
5. Silangan porselana, tsaa at sutla Bi shimbe hairambi

Pagpapastol at pag-
6. Gitna gawa ng alak na mula Men seni suyom
sa binurong gatas

Sa Asya ang salitang “mahal kita” ay maaaring maisalin sa halos


dalawang-libong magkakaibang wika. Kung gaano kadami ang mga
pangkat-etnolinggiwistiko, ganoon din kayaman ang wika. Sa Pilipinas
pa lamang ay mayroon na tayong walong (8) mga pangunahing
dayalekto. Hindi ito nakapagtataka sapagkat malaki ang kabuuang
populasyon ng Pilipinas na umabot na sa lagpas isang daang milyon.

Ang Asya ay tahanan ng napakaraming mga pangkat


etnolinggwistiko na mayroong ibat-ibang wika at etnisidad. Bawat
pangkat ay may rehiyong pinagmulan at mga kontribusyon sa
pamayanan. Ang mga pangkat-etnolinggwistiko ay ang bumubuo sa
populasyon sa Asya.

Tuklasin

Panuto: Basahin at unawain ang tula. Maaari din itong bigkasin nang malakas
upang maramdaman ang ipinararating na mensahe. Matapos nito ay sagutin ang
mga tanong at isulat ito sa inyong sagutang papel.

“Ang mga Asyano, Kayamanan ng Asya”


Ang Asya ay katulad ng malawak na langit,
Gilbert C. Francisco
Ang bituin ay mga taong iba-iba ang mga lahi,
Tayong mga
AngPilipino ay mga Asyanong
pinakamalaking kayumanggi,
kontinente, ang ngalan ay Asya,
Mayaysamu’t
Kulay man saring
iba-iba, may tradisyon at mayamang kultura,
layuning minimithi.
Dito nagsimula ang mga unang sibilisasyon,
Dito din umusbong, mga pangunahing relihiyon.

May limang rehiyon din na sa Asya matatagpuan,


Ang Silangan, Gitna, Timog at Kanluran,
At ang bansang Pilipinas, kung ang mapa ay titingnan,
Ito ay bahagi ng magandang Timog Silangan.

5
Ang Asya ay katulad ng malawak na langit,
Ang bituin ay mga taong iba-iba ang mga lahi,
Tayong mga Pilipino ay mga Asyanong kayumanggi,
Kulay man ay iba-iba, may layuning minimithi.

Sa Timog ng Asya, ang mga tao’y pinakamarami,


Naroon ang mga Hindu, Sri Lankan at Pakistani,
Pangalawa ang Silangan sa may maraming populasyon,
Koreano, Mongol, Tsino at Hapones ay naroon.

Ang lupang Timog-Silangan, pangatlo sa listahan,


Pilipino, Thai, Malaysian, dito matatagpuan,
Kanlurang Asya ang pang-apat sa dami ng mga tao,
Tahanan ng mga Iraqi, Arabo, Lebanese at Palestino.

Gitnang Asya’y may pinakakaunting bilang ng naninirahan,


Kazakhs, Tajiks, Uzbeks, Kyrgyz at Turkmen ay nariyan,
Sa wika, itsura at mga gawi ay nagkakaiba,
Mga Asyano na pinagbuklod ng lakas at pagkakaisa.

Sa limang mga rehiyon, yamang tao ay mahalaga,

Pag-unawa sa Binasa
Panuto: Ating suriin ang tula, Subukin nating sagutin ang mga katanungan ukol sa
nilalaman nito. Isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong sagutang papel.
1. Anu-anong mga lahi ang nabanggit na mula lahat saTimog Asya?
A. Sri Lankan, Hapones at Pakistani
B. Arabo, Lebanese at Palestino
C. Hindu, Mongol, Kazakhs
D. Sri Lankan, Pakistani, Hindu
2. Ano ang pagkakasunod-sunod ng mga rehiyon sa Asya ayon sa ayos na may
pinakamaliit hanggang sa may pinakamalaking populasyon?
A. Gitna, Kanluran, Silangan, Timog-Silangan, Timog
B. Gitna, Kanluran, Timog-Silangan, Silangan, Timog
C. Gitna, Timog-Silangan, Kanluran, Silangan, Timog
D. Gitna, Silangan, Timog-Silangan, Kanluran, Timog
3. Saan inihalintulad ang dami ng populasyon ng Asya?
A. Mga buhangin sa dalampasigan
B. Mga bilang ng rehiyon sa Asya
C. Mga manggagawa at pamilya
D. Mga bituin sa langit

6
4. Sa binasang tula, bakit sa isang langit inihalintulad ang Asya?
A. Dahil ang Asya ang pinakamalawak na kontinente
B. Dahil ang Asya ay binubuo ng maraming lahi at pangkat etniko.
C. Dahil ang Asya ay nahahati sa limang rehiyon pang-heograpiya.
D. Dahil ang Asya ang pinagmulan ng ibat-ibang sibilisasyon.
5. Sinabi sa tula na ang yamang tao ay mahalaga, sa paanong paraan ito
ipinaliwanag ng tula?
A. Ang yamang tao at ang kanilang lakas pag-gawa ang susi sa pagkakaroon
ng kaunlaran sa Asya.
B. Ang yamang tao ay mahalaga sapagkat mataas ang bilang ng populasyon
sa Asya.
C. Ang yamang tao at ang kanilang lakas pag-gawa ang gagamitin ng Asya
upang maging pinakamakapangyarihang kontinente.
D. Ang yamang tao ay mahalaga sapagkat pinamataas ng mga tao ang
demand sa pagkain.

Suriin

Ayon kay Mao Zedong, ang tao ang pinakamahalagang


kayamanan ng isang bansa. Ang yamang tao ay katulad rin ng mga likas
na yaman na nagbibigay ng kalinangan at kontribusyon sa isang estado.

Ang populasyon ay tumutukoy sa dami ng tao sa isang lugar o bansa. Ang


proseso ng census ay isang kapaki-pakinabang na instrumento. Ito ay paraan ng
pag-alam at pagtatala sa laki ng populasyon ng mga bansa, kabilang na ang
komposisyon nito at ang distribusyon.

Batay sa pagsasaliksik ng United Nations, Department of Economic and Social


Affairs, ang Asya ang nangunguna sa mga kontinente bilang may pinakamaraming
yamang tao. Ang Asya ay may kabuuang populasyon na 4,631,054,775 sa taong
2020. Tinataya na ayon sa datos ng UN (World Population Prospects 2019) ay
nadagdagan noong taong 2019 ng 39,683,577 ang kabuuang populasyon sa Asya.
Ang buong kontinente ay may antas ng pagtaas ng populasyon na 0.86% bawat taon.

7
Sa limang rehiyon, ang Timog Asya ang may pinakamaraming populasyon.
Sinusundan ito ng Silangan, Timog Silangan, Kanluran at pinakamaliit ang
populasyon sa Gitnang Asya.

Isinasaad din sa ulat na 59.54% ng kabuuang populasyon ng daigdig ay


nanggaling sa Asya. Sa sampung tao sa daigdig, halos anim sa kanila ay Asyano.
Patunay dito ay ang dalawang (2) bansa na may pinakamalaking populasyon na
matatagpuan sa Asya, ito ay ang China at India.

Mahalagang mapag-aralan at masuri ang katangian ng populasyon ng mga


bansa sa Asya. Sa pag-aaral na gagawin ay kinakilangang mabigyang kahulugan
ang mga pangunahing salita na karaniwang ginagamit sa pagtatayang implikasyon
ng populasyon sa pag-unlad ng kabuhayan ng isang lugar.

Narito ang mga mahahalagang salitang dapat matutunan:

1. Ang population growth rate ay ang bahagdan ng bilis ng pagdami ng tao


sa isang bansa bawat taon. Ang karaniwang growth rate sa Asya ay 1.2 %.
2. Ang population density ay tumutukoy sa dami o kapal ng populasyon.
Nakukuha ito sa pamamagitan ng paghahati ng kabuuang bilang ng
populasyon sa kilometro kwadradong lawak ng teritoryo ng bansa. Ang
karaniwang population density sa Asya ay 150 tao kada kilometro kwadrado
3. Ang land area naman ay ang lawak ng lupain o teritoryo ng isang bansa. Ito
ay masusukat gamit ang unit na kimlometro kwadrado (km²).
4. Ang mga migrants ay tumutukoy sa mga taong lumilipat ng lugar
panirahan habang ang migrasyon ay ang pandarayuhan o paglipat ng lugar
o tirahan.
5. Ang fertility rate ay ang bahagdan ng dami ng anak na maaaring isilang
ng isang babae. Ang global average fertility rate sa buong mundo ay 2.5.

8
6. Ang median age ay ang edad na naghahati sa populasyon sa dalawang
magkapantay na grupo. Ang kalahati ng buong populasyon ay mas bata sa
median age at ang kalahati ay mas matanda sa median age. Ang karaniwang
median age sa buong Asya ay edad na 32.
7. Ang urban population ay ang porsiyento ng populasyon na naninirahan sa
urban areas o mga lungsod. Ang karaniwang urban population sa mga
bansa sa Asya ay 50.9 %.
8. Ang life expectancy ay tumutukoy naman sa inaasahang haba ng buhay
ng tao.
9. Ang Gross Domestic Product o GDP naman ay ang kabuuang panloob na
kita ng isang bansa sa loob ng isang taon. Ang unemployment rate ay
tumutukoy sa bahagdan ng populasyon na walang hanapbuhay o
pagkakakitaan.
10. Literacy rate naman ang tawag sa bahagdan ng populasyon na marunong
bumasa at sumulat.

ANG TALAHANAYAN NG POPULASYON SA ASYA

Ang talahanayan sa ibaba ay naglalaman ng mahahalagang


impormasyon sa katangian ng populasyon sa ilang bansa sa Asya.
Inihanay ang sampung bans ana may pinakamalaking populasyon at
sampung bans ana may pinakamaliit na populasyon.

Pag-aralan kung paano nagkaiba- iba ang mga populasyon sa


ibat-ibang bansa at alamin ang mga katangian nito.

SAMPUNG BANSA SA ASYA NA MAY PINAKAMALAKING POPULASYON

Country Population Yearly Density Land Migrants Fert. Med. Urban


(2020) Change (P/Km²) Area (net) Rate Age Pop %
(Growth (Km²)
rate)

1. China 1,439,323,776 0.39 % 153 9,388,211 -348,399 1.7 38 61%


2. India 1,380,004,385 0.99 % 464 2,973,190 -532,687 2.2 28 35%
3. Indonesia 273,523,615 1.07 % 151 1,811,570 -98,955 2.3 30 56%
4. Pakistan 220,892,340 2.00 % 287 770,880 -233,379 3.6 23 35%
5. Bangladesh 164,689,383 1.01 % 1,265 130,170 -369,501 2.1 28 39%
6. Japan 126,476,461 -0.30 % 347 364,555 71,560 1.4 48 92%
7. Philippines 109,581,078 1.35 % 368 298,170 -67,152 2.6 26 47%
8. Vietnam 97,338,579 0.91 % 314 310,070 -80,000 2.1 32 38%
9. Turkey 84,339,067 1.09 % 110 769,630 283,922 2.1 32 76%
10. Iran 83,992,949 1.30 % 52 1,628,550 -55,000 2.2 32 76%

9
SAMPUNG BANSA SA ASYA NA MAY PINAKAMALAKING POPULASYON
Country Population Yearly Density Land Migrants Fert. Med. Urban
(2020) Change (P/Km²) Area (net) Rate Age Pop %
(Growth (Km²)
rate)

1. Brunei 437,479 0.97 % 83 5,270 0 1.8 32 80%


2. Maldives 540,544 1.81 % 1,802 300 11,370 1.9 30 35%
3. Macao 649,335 1.39 % 21,645 30 5,000 1.2 39 N.A.
4. Bhutan 771,608 1.12 % 20 38,117 320 2.0 28 46%
5. Cyprus 1,207,359 0.73 % 131 9,240 5,000 1.3 37 67%
6. Timor-Leste 1,318,445 1.96 % 89 14,870 -5,385 4.1 21 33%
7. Bahrain 1,701,575 3.68 % 2,239 760 47,800 2.0 32 89%
8. Qatar 2,881,053 1.73 % 248 11,610 40,000 1.9 32 96%
9. Armenia 2,963,243 0.19 % 104 28,470 -4,998 1.8 35 63%
10. Mongolia 3,278,290 1.65 % 2 1,553,560 -852 2.9 28 67%
Source: Worldometer (www.worldometers.info)
Elaboration of data by United Nations, Department of Economic and Social Affairs, Population
Division. World Population Prospects: The 2019 Revision. (Medium-fertility variant).

PAGSUSURI SA KATANGIAN NG POPULASYON NG ISANG BANSA


Sa pagsusuri ng datos mula sa talahanayan, kinakailangang
maintindihan ang lahat ng mga bahagi nito. Ang populasyon ay may
kaugnayan sa growth rate, density, land area, migrasyon, fertility rate,
median age at urban population. Gamitin nating halimbawa sa
pagsusuri ang mga datos ng populasyon patungkol sa Pilipinas.

1. Population growth rate o yearly change growth rate


Ipinapakita sa talahanayan na ang Pilipinas ang pampito sa may
pinakamataas na populasyon sa Asya sa taong 2020. Ang kabuuang bilang ng mga
tao rito ay 109,581,078. Ang bahagdan ng bilis ng pagdami ng tao sa bawat taon
(population growth rate) ay 1.35 %. Mas mataas ito kung ikukumpara sa
pangkaraniwan na estimated annual growth rate na 1.2 %.

Ang populasyon ay magiging mataas kapag ang population growth rate o


yearly change growth rate ay mananatiling mataas sa mga susunod na taon. Ang
mataas na bahagdan ng growth rate ay nangangahulugan na mas mabilis ang
pagdami ng mga tao.
2. Sukat ng lupain o land area

Ang kabuuang sukat ng teritoryo ng Pilipinas ay 298,170 km². Pang


dalawamput-dalawang pwesto ito sa limamput-isang bansa sa Asya.
Ang populasyon ng mga bansang may malaking sukat ng lupain ay higit na
may mas mataas na posibilidad na magkaroon ng mataas na populasyon kaysa sa
mga bansang may maliit na sukat ng lupain. Kapag mas malawak ang sukat ng
lupain, mas maraming tao ang maaaring manirahan.

10
3. Population density

Kung pantay-pantay na ikakalat ang 109,581,078 na mga tao sa Pilipinas ay


masasabing may 368 na tao sa bawat isang kilometro kwadrado (km²). Ito ang
tinatawag na population density

Kapag mataas ang populasyon at maliit ang sukat ng lupain ng bansa, ang
population density ay mataas. Ang mas makapal na populasyon ay
nangangahulugan na dumarami ang mga taong matatagpuan sa isang kilometro
kwadrado ng lupain. Kapag mataas ang populasyon at malaki ang sukat ng lupain
ng bansa, ang population density ay mababa. Ang maliit na populasyon ay maaari
ding magresulta sa mababang population density. Ang lawak ng lupain ay may
malaking epekto dito.
4. Migrasyon

Ang Pilipinas ay may datos na -67,152 migrants. Ang negatibong bilang na ito
ay nangangahulugan na mas marami ang mga taong lumabas kaysa sa pumasok sa
loob ng bansa nitong taong 2019. Karamihan sa mga taong lumalabas ng Pilipinas
ay upang magtrabaho sa ibayong dagat.
Ang populasyon ay mas magiging mataas kapag malaki ang bilang ng mga
dumadating na migrante sa isang bansa. Ang bilang ng mga migranteng
permanenteng maninirahan sa isang bansa ay madaragdag sa populasyon nito.

5. Fertility Rate
Ang fertility rate sa mga Pilipinas ay 2.6. Malapit ang numero sa batayan na
2.5 na global average fertility rate. Nangangahulugan ito na katulad sa karaniwan
ang dami ng mga anak ng mga kababaihan sa Pilipinas.
Ang populasyon ng isang bansa ay mas magiging mataas sa paglipas ng mga
taon kapag nanatili ding mataas ang fertility rate ng kababaihan sa bansa

6. Median Age
Ang median age sa Pilipinas ay 26. Ang numero ay nangangahulugan na ang
kalahati ng populasyon ay mas bata sa edad na 26 at ang kalahati pa ay mas
matanda sa edad ding ito. Nais ipahiwatig ng datos na ang kabuuang populasyon ng
Pilipinas ay bata pa.

Ang pagkakaroon ng batang populasyon ay nangangahulugan na mas marami


ang magiging bilang ng lakas paggawa ng bansa. Mas marami din ang mga bubuo
ng pamilya para sa susunod na henerasyon ng populasyon.

7. Urban population

Sa pagsusuri ng urban population, 47 % ng mga tao sa Pilipinas ang


naninirahan sa mga siyudad na industriyalisadong lugar. 53% ng populasyon ang
nakatira sa mga rural at liblib na mga pook. Kaunti na lamang at magiging kalahati
na ng buong populasyon ang nasa pook urban at kalahati sa pook rural.

Ang populasyon na may mataas na porsyento ng urban population ay


nangangahulugan na naaakit ang karamihan ng mga tao sa mga trabaho,
oportunidad at paraan ng pamumuhay sa mga siyudad.

11
PAGSUSURI SA KATANGIAN NG POPULASYON NG MARAMING BANSA GAMIT
ANG GRAPH
Sa pagsusuri sa talahanayan, kailangan din na maihambing
natin ang katangian ng populasyon ng isang bansa mula sa iba pang
bansa ng Asya. Ang paghahambing ng mga datos ay mahalaga upang
higit na makita ang kaugnayan ng mga datos sa isat-isa. Kadalasan,
mas madaling paghambingin ang mga datos kung ito ay gagamitan
ng isang graph. Narito ang tatlong hakbang sa epektibong pagsusuri
ng graph.

Unang Hakbang. Obserbasyon sa nilalaman ng graph.

Mula sa graph ay makikita ang magkakaibang population growth rate ng


sampung bansa. (Paalala: ang karaniwang growth rate sa Asya ay nasa 1.2%)

Ikalawang Hakbang. Paghahambing sa mga datos.


Ang Japan na pang-anim sa may pinakamalaking populasyon ay ang may
pinakamaliit na population growth rate na -0.3 %. Ang China na nangunguna sa
may pinakamalaking populasyon ay siya namang pangalawa sa may pinakamaliit na
population growth rate na umaabot lamang sa 0.39 %. Sa kabilang dako, ang
Pakistan na pang-apat sa may pinakamalaking populasyon ang siyang may
pinakamataas na population growth rate na 2 %, ito ay mas mataas sa
pangkaraniwang population growth rate sa Asya.

Ikatlong Hakbang. Pagbuo ng konklusyon


Konklusyon mula sa graph: May mga bansang may parehong mataas na
populasyon at population growth rate kagaya ng Pakistan. Samantala, may mga
bansa din sa Asya katulad ng Japan at China na sa kabila ng mataas na populasyon
ay may mababa naman na porsyento ng population growth rate

12
Kailangan nating malaman ang bilang ng populasyon sa Asya at
mga bansa nito sapagkat tayong mga Pilipino ay mga Asyano rin. Ang
population growth rate, land area, median age, fertility rate, migrasyon
at urban population ay may kaugnayan sa pagdami ng kasalukuyang
populasyon. Ang bilang ng populasyon ay nakaaapekto naman sa pag-
unlad ng isang bansa.
Ang mga bagay na nagaganap sa kabuuan ng populasyon kagaya
ng pagtaas ng estado ng pamumuhay at kahirapan ay maaaring
maranasan rin ng isang indibidwal na katulad mo.

Pagyamanin

A. Datos na Kailangan, Ibibigay ang Kasagutan

Panuto: Siyasatin ang mga datos na nakaulat sa talahanayan tungkol sa katangian


ng populasyon sa Asya. Gamit ang talahanayan, ibigay ang mga hinahanap na
kasagutan sa bawat bilang.

1. Ibigay ang tatlong bansa sa Asya 2. Ibigay ang tatlong bansa sa Asya
na may pinakamalawak na sukat na may pinakamaliit na
ng lupain o land area. population density.
______________________________________ _____________________________________
______________________________________ _____________________________________

3. Ibigay ang tatlong bansa sa Asya 4. Ibigay ang tatlong bansa sa Asya
na may pinakamataas na fertility na may pinakamababang growth
rate. rate.
______________________________________ ______________________________________
______________________________________ ______________________________________
_________________ _________________

B. Fill in the Blanks!


Panuto: Buuin ang mga pangungusap at gawin itong impormatibo sa pamamagitan
ng paglalagay ng nawawalang salita sa bawat patlang. Piliin ang tamang sagot sa
loob ng kahon sa ibaba. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel.

China Pilipinas Asya


Brunei Japan

13
1. Ang kontinente ng _______________ ay may kabuuang populasyon na
4,631,054,775 ngayong taong 2020.
2. Ang bansang _______________ may negatibong population growth rate.
3. Ang Asya ay may 51 na mga bansa. Sa lahat ng mga ito, _______________ ang
may pinakamalaking populasyon.
4. Ang bansang _______________ ang may pinakamaliit na populasyon sa buong
kontinente ng Asya.
5. Ang _______________ ay nasa ika-pitong na pwesto sa mga bansang may
pinakamataas na populasyon sa Asya.

C. I-K.M.B.S. Mo Na Iyan (Kunin Mo ang Balita at Suriin)

Panuto: Sa pag-aaral na iyong ginawa sa katangian ng populasyon ng Asya, nabatid


mo ang kalagayan ng mga bansa at ang kasalukuyang lagay ng populasyon nito. Sa
kabila ng mataas na bilang ng yamang tao sa kontinente, mayroong mga suliranin na
kinakaharap ang mga bansa nito sa patuloy na paglaki ng populasyon. Ang Timog
Asya ang tinaguriang pinakamataong rehiyon sa kontinente. Sa pagkakataong ito,
basahin at suriin mo ang balita tungkol sa kalagayan ng Timog Asya.

Suliranin sa Populasyon sa Timog Asya

Ang Timog Asya ay tahanan ng humigit sa 1.3 bilyong katao. Sa India pa


lamang ay mayroon ng bilyong mga naninirahan. Ang Pakistan ay may
populasyon na 152 milyon at ang Bangladesh naman ay 127 milyon. Walang iba
pang rehiyon sa mundo ang may mabigat na suliranin sa populasyon bukod sa
Timog Asya, at ang rehiyong ito ay dumaranas din ng matinding kahirapan. Ang
paglobo ng bilang ng tao sa rehiyong ito ay nagdudulot na ng maraming
suliranin.
Ang fertility o kakayahang magbuntis ng mga kababaihan sa Sri Lanka,
India at Pakistan ay nananatiling mataas. Naging tradisyon na rin ang
pagkakaroon ng maraming anak sa mga pamilya. Nang dahil sa mga ito, patuloy
na dumami ang bilang ng mga isinisilang at nabawasan naman ang bilang ng
mga nasasawi. Tumaas din ang life expectancy sa rehiyon. Sa hinaharap,
maaaring madoble pa ang populasyon ng Timog Asya sa loob lamang ng 30 taon
kung magpapatuloy ang pagdami ng mga pamilyang may maraming myembro.
Natuklasan din sa mga pag-aaral na ang karamihan sa bumubuo ng
populasyon sa Timog Asya ay mga kabataan. 40 % ng populasyon ay may edad na
mas mababa sa edad na 15. Kapag ang mga kabataang ito ay umabot sa sapat na
gulang ng paghahanap-buhay, inaasahang magkakaroon ng malaking
kakapusan sa mga likas na yaman, pagkain at trabaho. Kapag nangyari ito,
marami ang magugutom at tataas ang unemployment rate.
Kapag nagpatuloy ang kahirapan sa mga pamilya, mas kakaunti ang mga batang
makakapasok sa paaralan at bababa naman ang literacy rate. Ang kinabukasan
para sa Timog Asya ay nananatiling puno ng suliranin. Marami sa mga bansa
dito ay batid ang mga problemang dulot ng lumalaking populasyon subalit bigo
ang mga pamahalaan na gumawa at magpatupad ng mga epektibong polisiya.

14
Sa Pakistan, Sri Lanka at Bangladesh, hinihikayat ang mga milyong mag-
asawa na gumamit ng mga contraceptive devices at itinuturo din ang family
planning o maayos na pagpaplano sa pamilya. Maraming mga programa ang
ginagawa ng gobyerno sa mga bansa sa Timog Asya, kadalasan ay naisasagawa
ito sa tulong na rin ng mga pandaigdigang organisasyon, subalit sa
kasalukuyan ay nananatiling papataas pa rin ang populasyon sa mga bansang
nabanggit.

https://www.globalissues.org/issue/198/human-population

Ang mga sumusunod na katanungan ay mula sa balitang iyong binasa.


Unawain ng mabuti ang mga pahayag mula sa unang kolum. Ilagay kung ikaw ay
sang-ayon o hindi-sang- ayon. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel.

Sang-ayon
Pahayag ukol sa populasyon ng Timog Asya o hindi
sang-ayon?
1. Ang mga bansa sa Timog Asya ay may mataas na fertility rate
na naging dahilan ng patuloy na pagtaas ng kanilang populasyon.
2. Karamihan sa bumubuo ng populasyon sa Timog Asya ay mga
kabataan. 40 % ng populasyon ay may edad na mas mababa sa
edad na labing-lima (15).
3. Ang mataas na life expectancy sa Timog Asya ay isang dahilan ng
paglaki ng populasyon nito.
4. Ang malaking bilang ng populasyon sa Timog Asya ay naging
daan upang maraming tao ang magkaroon ng trabaho at naging
mas mababa ang unemployment rate sa rehiyon.
5. Ang literacy rate ng mga kabataan ay hindi apektado ng
kahirapan at mataas na bilang ng populasyon.

D. Pag-ugnayin Mo: Mababa o Mataas?


Panuto: Tukuyin ang kaugnayan ng populasyon sa ibat-ibang katangian nito.
Kumpletuhin ang ugnayan sa pamamagitan ng paglalagay ng salitang mababa o
mataas sa mga patlang.
1. Kapag kakaunti ang bilang ng mga anak ng kababaihan, _______________
ang fertility rate ng populasyon.
2. Kapag maraming tao sa isang bansa ang may hanap-buhay, _______________
ang unemployment rate.
3. Kapag mabilis dumarami ang populasyon, _______________ ang growth rate ng
populasyon ng isang lugar o bansa.
4. Kapag malaki ang populasyon at maliit lamang ang sukat ng lupain ng bansa,
_______________ ang population density.
5. Kapag mataas ang populasyon sa mga siyudad ng isang bansa, _______________
ang porsyento ng uban population.

15
E. Tao’y Kayamanan, Ating Pahalagahan
Panuto: Basahin ang maikling sanaysay sa susunod na pahina na tumatalakay sa
Pilipinas at sa populasyon nito. Pagkatapos ng pagbasa ay sagutin ang mga
katanungan sa pamprosesong tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Ang Mga Pilipino

Sabi ng marami, kahit saang bahagi ka ng mundo magpunta ay makakakita


tayo ng Pilipino. Mula sa maunlad na lupain ng Hilagang Amerika, sa mga abalang
lungsod ng Japan, sa mayayamang estado ng Middle East at kapatagan ng Africa
hanggang sa malalayong isla ng Fiji, Samoa at Faroe Islands, tiyak na may Pilipino
tayong matatagpuan. Sa dami ng bilang ng ating populasyon, hindi nakapagtataka
na ang marami din sa ating mga kababayan ay lumalabas ng bansa upang maghanap
ng ikabubuhay.

Maraming mga dayuhan ang pumipili sa mga Pilipinong manggagawa dahil


sa ating mga natatanging ugali. Ang mga Pilipino ay kilala sa ating bansa at sa mundo
bilang maabilidad at masipag sa trabaho. Ang mga Pilipino ay kilala rin sa pagiging isa
sa mga pinakamasayahing lahi sa mundo. Tayo ay maasikaso sa panauhin, may
pagpapahalaga sa pamilya at may pag-galang sa kapwa tao. Marami sa mga Pilipino
ang nakangiti pa rin at patuloy na bumabangon sa gitna ng mga pinagdaraanang
pagsubok.

Kapag ang yamang tao ang pag-uusapan, ang Pilipinas ay biniyayaan ng


marami nito. Kabilang sa ating yamang tao ang nasa 2.2 milyong OFW o Overseas
Filipino Workers. Sila ang mga itinuturing na bayani ng makabagong panahon. Ang
tumataas na populasyon ng mga OFW ay masasabing mahalaga para sa ekonomiya
ng ating bansa. Maraming pamilyang Pilipino ang nasusuportahan ng mga pera o
remittances na kanilang ipinapadala sa Pilipinas. Ayon sa ulat ng POEA (Philippine
Overseas Employment Administration), nakapagpapadala ang lahat ng mga OFW ng
31 bilyong dolyar sa bansa kada taon. Ang halagang ito ay 10 % ng kabuuang GDP o
Gross Domestic Product ng Pilipinas.

Sa taong 2020, ipinahayag din ng POEA na ang mga bansang may


pinakamaraming mga OFW ay ang Saudi Arabia, U.A.E., Singapore, Hong Kong at
Qatar. Ang mga trabahong karaniwang pinapasukan ng mga Pilipino ay may
kinalaman sa larangan ng healthcare services, domestic services, construction at
hotel and restaurant management. Ang pagbibigay ng trainings at mga kasanayan sa
mga Pilipino upang makapagtrabaho sa abroad ang isang paraan ng pamahalaan
upang mapaunlad ang ating bansa.

16
Tinatayang sa mga healthcare workers pa lamang, 19,000 na professional
nurses ang lumalabas ng bansa kada taon. Sa lahat ng bansang naapektuhan ng
COVID 19 pandemic, may 92, 700 na mga Pilipinong nars ang patuloy na nagsisilbing
front liners at direktang nag-aalaga sa mga pasyente. Maraming buhay ang nailigtas
nang dahil sa kanila. Ang kontribusyong ito sa daigdig ng mga mamamayang Pilipino
ay hindi matutumbasan.

Ang pagkakaroon ng malaking populasyon ay hindi hadlang upang malugmok


sa kahirapan ang ating bansa. Sa determinasyon ng mga Pilipino, bawat isa ay
makakahanap ng mas malawak na oportunidad upang mapa-unlad ang pamumuhay.

Ang yamang tao ng bansa ang nagbigay dito ng lakas pag-gawa na naglilingkod
hindi lamang sa Pilipinas ngunit pati na rin sa ibat-ibang dako ng daigdig.

Pamprosesong Tanong:

1. Paano nakatulong sa Pilipinas ang pagkakaroon nito ng maraming populasyon?


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

2. Ano ang mga hakbang na ginawa ng mga tao/mamamayan upang magamit nila
sa tama ang lakas sa pag-gawa? Paano sila nakapag-ambag sa GDP ng Pilipinas at
sa lipunan?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
3. Kailangan ba ang yamang tao sa pagpapaunlad ng bansa at ng Asya? Bakit?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

F. Datos Dito, Datos Doon, I-graph Mo

Panuto: Iyong natuklasan ang kahalagahan ng populasyon sa


pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan sa kasalukuyang panahon. Sa
bahaging ito ay susubukin naman ang iyong husay sa pagsusuri ng
datos ng populasyon ng mga bansa sa Asya.

Task Card: Nasa susunod na pahina ang talahanayan ng sampung


bansa sa Asya na may pinakamataas na GDP o Gross Domestic
Product nitong Mayo, 2020. Gumawa ng bar graph na nagpapakita sa
laki ng populasyon ng sampung bansang ito. Suriin ang graph, alamin
ang ugnayan at suriin kung may kinalaman ang laki ng populasyon sa
taas ng GDP. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

17
Bilang Bansa GDP (in US $)
1 Qatar 129, 360.00
2 Macao SAR, China 125, 170.00
3 Singapore 93, 680.00
4 Brunei 77, 700.00
5 Kuwait 71, 930.00
6 United Arab Emirates 69, 900.00
7 Hong Kong 63, 350.00
8 Japan 38, 894.50
9 Israel 37, 292.60
10 Korea, Republic of 27, 538.80

Pamprosesong Tanong:
1. Alin-alin sa sampung bansa ang may matataas na populasyon?
2. Alin-alin sa sampung bansa ang may mababang populasyon?
3. Ano ang kaugnayan ng GDP sa populasyon ng bansa?
4. Ano ang konklusyon na maibibigay mo sa graph? Mas malaki ba ang GDP kapag
mataas ang populasyon? Mas malaki ba ang GDP kapag mababa ang populasyon?

Isaisip

Puno ng Karunungan

Panuto: Sa bawat bahagi ng puno, ilagay ang mga bagay na iyong natutunan mula
sa aralin. Gamitin mo bilang gabay ang mga katanungan sa ibaba. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel.

1. Sa iyong pananaw, ano ang natutunan mo sa kasalukuyang


komposisyon ng populasyon sa Asya?
2. Ano ang mga suliranin na maaaring maidulot ng malaki at lubhang
dumaraming populasyon?
3. Ano ang halaga ng populasyon sa pagpapaunlad ng kabuhayan at
lipunan?

18
2

1
3

Isagawa

Millenial Ka, Mahusay Ka!

Panuto: Ikaw, bilang kabataan ng


makabagong panahon ay nabibilang sa
kasalukuyang populasyon ng bansa.
Kasama ng iba pang mga kabataan, kayo
ang lilikha ng panibagong henerasyon at
pag-asa para sa Pilipinas. Ang millennial
na katulad mo ay may gagampanang
mahalagang papel sa pag-unlad ng
lipunan at bansa.
Pagmasdan mo at suriin ang
larawan. Ibigay mo ang mensahe ng
larawang ito sa iyo sa pamamagitan ng
isang slogan. Gamiting gabay ang rubric
sa ibaba. Isagawa ang iyong slogan sa
hiwalay na papel o sa sagutang papel.

19
Kraytirya Di – Kahanga – Katanggap – Pagtatangka
Pangkaraniwan hanga tanggap 1
4 3 2
1. Paksa Angkop na May kaugnayan May maliit na Waling
angkop at sa paksa kaugnayan kaugnayan
eksakto ang
kaugnayan sa
paksa
2. Pagkamalik- Gumamit ng Gumamit ng Makulay Hindi
hain maraming kulay kulay at iilang subalit hindi makulay
at kagamitan na kagamitan na tiyak ang
may kaugnayan may kaugnayan kaugnayan
sa paksa sa paksa
3. Takdang Nakapagsumite Nakapagsumite Nakapagsumite Higit sa isang
Oras sa mas sa tamang oras ngunit huli sa lingo ang
mahabang oras itinakdang kahulihan
oras
4. Kalidad ng Makapukaw Makatawag Pansinin Di - pansinin,
ginawa interes at pansin ngunit di di -
tumitimo sa makapukaw makapukaw
isipan isipan ng interes at
isipan
5. Kalinisan Maganda, malinis Malinis Ginawa ng Inapura ang
at kahanga – apurahan paggawa at
hanga ang ngunit di - marumi
pagkagawa marumi

Tayahin

Panuto: Basahin ang sumusunod na pahayag at piliin ang titik ng tamang sagot.
Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel.
1. Anong rehiyon sa Asya ang may pinakamaliit na populasyon?
A. Gitnang Asya C. Kanlurang Asya
B. Timog Asya D. Silangang Asya
2. Anong bansa ang itinuturing na may pinakamalaking bilang ng populasyon sa
Asya at maging sa buong daigdig?
A. India C. China
B. Saudi Arabia D. Iraq
3. Ilang bahagi ng populasyon ng Daigdig ang matatagpuan sa Asya?
A. kulang sa kalahati C. lagpas sa kalahati
B. kalahati D. kabuuan
4. Anong terminolohiya ang tumutukoy sa kapal ng tao sa isang lugar o bansa?
A. land area C. population growth rate
B. fertility rate D. population density

20
5. Ang ____________ ang bumubuo sa lakas paggawa ng bansa. Ito ay patuloy na
dumarami at ang sinasabing may hawak ng kapalaran at kaunlaran ng bawat
bansa. Alin ang tinutukoy ng pahayag na ito?
A. migrante C. populasyon
B. Asyano D. pamahalaan
6. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa salaping ipinadadala ng mga OFW na
nakakatulong sa pagtaas ng GDP ng Pilipinas?
A. Salary C. Remittances
B. Expenses D. Revenues
7. Ang mataas na _______________ ng populasyon ay indikasyon na maraming tao
ang may kakayahang bumasa at sumulat. Alin sa mga sumusunod ang
kukumpleto sa pahayag na ito?
A. life expectancy C. unemployment rate
B. migrasyon D. literacy rate
8. Alin sa sumusunod ang nakakapagpabago sa populasyon dahil sa
magkakaibang bilang ng mga taong pumapasok at lumalabas sa isang bansa?
A. life expectancy C. unemployment rate
B. migrasyon D. literacy rate
9. Kapag mataas ang literacy rate ng isang bansa mas may malaking tsansa na
makahanap ng trabaho ang mga tao rito. Alin sa mga sumusunod na panukat
ang bababa ayon sa pangungusap?
A. life expectancy C. unemployment rate
B. migrasyon D. literacy rate
10. Sa Timog Asya, may mataas na _______________ ang populasyon kaya naman
mahaba ang inaasahang itatagal ng buhay ng mga tao roon. Alin sa mga
sumusunod ang tinutukoy ng pahayag?
A. population density C. fertility rate
B. literacy rate D. life expectancy
11. Kung ang populasyon ay may mataas unemployment rate, ano ang direktang
epekto nito na lubos na magiging suliranin ng ekonomiya ng isang bansa?
A. kahirapan C. kriminalidad
B. kakulangan sa pagkain D. pagtaas ng presyo ng bilihin
12. Alin sa sumusunod ang mabilis na makapagpapadami ng populasyon ng isang
lugar o bansa?
A. kapag mababa ang life expectancy
B. kapag mataas ang fertility rate
C. kapag mataas ang GDP
D. kapag mababa ang growth rate
13. Alin sa mga sumusunod ang HINDI suliraning dulot ng malaking populasyon?
A. kahirapan
B. kakulangan sa suplay ng pagkain
C. pagdami ng lakas paggawa
D. matinding trapiko at polusyon

21
14. Sa mga nakalipas na taon, maraming Pilipino ang nangingibang bansa. Ano ang
dahilan nito?
A. Ang mga Pilipino ay gustong mamasyal sa ibang bansa.
B. Sa paglipas ng taon, maraming Pilipino ang pinipiling mag-aral sa ibang
bansa.
C. Ang migrasyon o pag-alis ng mga Pilipino ay nangyayari upang mabawasan
ang bilang ng tao sa Pilipinas at nang sa ganoon ay maging masagana sa
pagkain.
D. Ang pag-alis ng mga Pilipino patungo sa ibang bansa ay oportunidad para
sa kanila upang makahanap ng trabaho.
15. Bilang kabataan, ano sa palagay mo ang dahilan kung bakit ang mga tao ay
isang uri ng yaman na dapat pahalagahan?
A. Ang mga tao ang siyang nagproprodyus ng mga pagkain at hilaw na
materyales sa ekonomiya.
B. Ang mga tao ang bumubuo sa lipunan at ang sanhi sa pagdaloy ng
ekonomiya ng bansa.
C. Ang mga tao ang manggagawa at prodyuser na nagpapaunlad sa bansa.
D. Ang mga tao ay may kakayahan na magkapamilya at magkaanak kaya
sila ay mahalaga.

-Magaling! Ako ay lubhang nagagalak sapagkat


hindi mo sinukuan ang pagbabasa at pagsasagot sa ating
modyul. Dahil dito handa ka nang harapin ang mga
susunod pang paksa sa susunod na markahan. Kung
iyong nanais, maaari mong ipagpatuloy ang pagsasagot sa
mga karagdagang gawain na mas magpapalalim sa iyong
pag-unawa sa aralin. Muli ang aking pagbati!

Karagdagang Gawain

A. Panuto: Kung mabibigyan ka ng pagkakataon na maglakbay, ano ang isang bansa


sa Asya na gustong-gusto mong mapuntahan? Pumili ng isang bansa at mula sa
iyong napili ay suriin mo ang kalagayan ng populasyon nito. Ilahad ang kalagayan
ng populasyon ng bansa sa pamamagitan ng:
• growth rate • fertility rate
• density • median age
• land area • urban population
• migrants

22
Ikaw ay mamarkahan gamit ang rubric na ito:

RUBRIC SA PAGSUSURI NG DATOS

Criteria 1 2 3 Puntos
Nilalaman Ang populasyon Ang populasyon Ang populasyon
ng bansa ay ng bansa ay ng bansa ay
nasuri gamit ang nasuri gamit ang nasuri gamit ang
isang katangian tatlong katangian apat at higit
lamang ito. nito. pang katangian
nito.
Daloy ng Ang daloy ng Ang daloy ng Ang daloy ng
kaisipan kaisipan sa kaisipan sa kaisipan sa
ng pagsusuri ay pagsusuri ay pagsusuri ay
pagsusuri hindi lubhang maayos at maayos,
. maayos at may magkaka-ugnay magkaka-ugnay
kakaunting subalit hindi at may
kaugnayan malinaw ang konklusyon.
lamang. konklusyon.
Pagkama- Ang mga ginamit Ang mga ginamit Ang lahat ng
katotoha- na impormasyon na impormasyon impormasyon na
nan ay hindi lahat ay totoo subalit inilahad ay
hango sa aktwal may ilang datos batay sa
na datos. na hindi totoo o makatotohanang
walang batayan. datos.
Kabuuan

2
3
SUBUKIN BALIKAN PAGYAMANIN
A.
1. A 1. Korean
2. B 2. Indo-Aryan Tatlong bansa na may
3. D 3. Indonesian pinakamalaking land area
4. Arabo 1.China
4. B
5. Manchu 2.India
5. C 6. Kyrgyz 3.Kazakhstan
6. C
7. A Tatlong bansa na may
8. A TUKLASIN pinakamaliit na
9. C population density
1. D 1.Mongolia
10. B
2. D 2.Kazakhstan
11. D 3.Turkmenistan
3. B
12. D
4. D
13. A 5. A Tatlong bansa na may
14. C 6. A pinakamataas na fertility
15. D rate
1.Afghanistan
2.Timor Leste 3.Yemen
PAGYAMANIN PAGYAMANIN
Tatlong bansa na may
D.
pinakamababang growth
B.
rate
1. MABABA
1.Lebanon
1. Asya 2. MABABA
2.Japan
2. Japan 3. MATAAS
3.Georgia
3. China 4. MATAAS
4. Brunei 5. MATAAS
5. Pilipinas PAGYAMANIN
E.
C. F.
May kanya-kanyang
May kanya-kanyang sagot May kanya-kanyang sagot
sagot
ISAISIP TAYAHIN
May kaniya-kaniyang 1. A 4. D 7. D 10. D 13. C
sagot 2. C 5. C 8. B 11. A 14. D
3. C 6. C 9. C 12. B 15. B
ISAGAWA
KARAGDAGANG GAWAIN
May kaniya-kaniyang
gawa May kaniya-kaniyang gawa
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Gonzales, Andrew, and Cristina R Velez. Kasaysayan At Kabihasnan Ng Asya.


Reprint, Quezon City: Phoenix Publishing House, 2002.
"Gross Domestic Product (GDP) - Worldometer". Worldometers.Info, 2020.
https://www.worldometers.info/gdp/.
"Human Population Global Issues The Latest Asian Population Census".
Globalissues.Org, 2020. https://www.globalissues.org/issue/198/human-
population.
K To 12 Kagamitang Pang-Mag-aaral Sa Araling Panlipunan 7: ASYA: Pagkakaisa sa
Gitna ng Pagkakaiba. 2014. Pasig: Department of Education.
K To 12 Gabay Pangkurikulum Sa Araling Panlipunan 10. 2017. Ebook. 1st. Pasig:
Department of Education.

K To 12 Kagamitang Pang-Mag-aaral Sa Araling Panlipunan 10: Mga


Kontemporaryong Isyu At Hamong Panlipunan. 2017. Ebook. Pasig:
Department of Education.
Maminta, Sharon. Asya-Kasaysayan at Kabihasnan. Serye sa Araling Panlipunan
ng Bahay-Saliksikan sa Kasaysayan. Reprint, Quezon City: Phoenix
Publishing House, 2010.
Mercado, Michael. Sulyap sa Kasaysayan ng Asya. Reprint, Quezon City: St.
Bernadette Publishing House Corporation, 2009.
"Most Essential Learning Competencies (Melcs)". 2020. Learning Resource
Management and Development System. https://lrmds.deped.gov.ph/
download/18275.
Santos, Ma. Eliza. Ang Yamang-tao: Isang Mahalagang Salik sa Pag-unlad. Manila
City: Sta. Ana Printing Press, 2013.
Torres, Ferdinand. Ang Populasyon at Kaularan ng Mga Bansa sa Asya. Manila
City: Magallanes Publishing House Inc, 2011.
Villa, Mario. Mga Pag-aaral sa Yamang Tao at ang Kaugnayan nito sa Pag-unlad.
Cabuyao, Laguna: Kampanang Ginto Printing Press, 2012.
"World Population Prospects - Population Division - United
Nations". population.un.org, 2020. https://population.un.org/wpp/.

4
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III


Learning Resource Management Section (LRMS)
Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)

Telephone Number: (045) 598-8580 to 89

E-mail Address: region3@deped.gov.ph

You might also like