You are on page 1of 29

7

Araling Panlipunan
Unang Markahan - Modyul 1:
Paghahating Heograpikal ng Asya
Araling Panlipunan– Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Paghahating Heograpikal ng Asya
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nicolas T. Capulong, PhD.,CESO V
Ronilo AJ K. Pirmo, PhD, CESO V
Librada M. Rubio, PhD.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Mary Kristine S. Delfin / Jellyann M. Panganiban
Gilbert L. Sayo
Tagasuri ng Nilalaman: Angelica M. Burayag PhD / Virgilio L. Laggui PhD
Eva Fe Taclibo PhD / Rizaldy Aglipay
Tagasuri ng Wika: Edwin T. Marcos EdD / Marie Anne Ligsay PhD/
Bennedick Viola / Anastacia M. Victorino PhD
Tagasuri sa ADM: Jovannie B. Belmonte
Tagasuri ng Paglapat/Pagguhit: Jovannie B. Belmonte
Tagaguhit: Aileen C. Clemente / Gilbert L. Sayo
Tagalapat: Mary Kristine S. Delfin / Joyce O. Saraza
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong PhD, CESO V
Librada M. Rubio PhD
Angelica M. Burayag PhD
Nestor Nuesca EdD
Gregorio C. Quinto, Jr. EdD
Rainelda M. Blanco PhD
Agnes R.Bernardo PhD
Virgilio L. Laggui PhD

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III


Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89

ii
E-mail Address: region3@deped.gov. ph

iii
7

Araling Panlipunan
Unang Markahan - Modyul 1
Paghahating Heograpikal ng Asya

iv
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 10 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Paghahating Heograpikal
ng Asya.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 10 ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul ukol sa Paghahating Heograpikal ng Asya.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.


Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga

v
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

vi
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari
ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

vii
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong kapakinabangan. Ito


ay upang matulungan kang unawain ang mga araling tinatalakay sa Araling
Panlipunan Baitang 7.

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO

• Naipaliliwanag ang konsepto ng Asya tungo sa paghahating heograpiko:


Silangang Asya, Timog-Silangang Asya, Timog Asya, Kanlurang Asya, Hilagang
Asya at Hilaga/Gitnang Asya.

Ang modyul na ito ay nahahati sa tatlong aralin:


• Leksyon 1 - Ang Konsepto ng Asya
• Leksyon 2 - Batayan ng Paghahating Heograpikal ng Asya
• Leksyon 3 - Mga Rehiyon at Bansa sa Asya

Kapag natapos mo na ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


1. naipaliliwanag ang kahulugan ng konsepto ng Asya;
2. nasusuri ang batayan ginamit sa paghahating heograpikal ng Asya;
3. nakagagamit ng mapa sa pagtukoy ng mga rehiyon at bansa sa Asya; at
4. naipamamalas ang pagtutulungan at pagkakaisa sa kabila ng pisikal na
dibisyon sa pamamagitan ng positibong pagtugon sa mga pangyayari sa
Asya.

Mga Tala para sa Guro


Kailangang gumamit ng mga pamprosesong tanong upang
maiugnay ang natapos na aralin tungo sa bagong aralin. Ituro
ang konsepto ng araling ito sa pamamagitan ng mga malikhaing
pamamaraan na makikita sa mga gawain sa modyul na ito.

1
Subukin

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot.

1. Anong agham ang pag-aaral ukol sa paglalarawan sa ibabaw ng daigdig?


A. Heograpiya C. Kultura
B. Kasaysayan D. Sibika
2. Sa anong rehiyon nabibilang ang Tsina na pinakamalaking bansa sa Asya?
A. Hilagang Asya C. Timog Asya
B. Silangang Asya D. Timog-Silangang Asya
3. Alin sa sumusunod na pahayag ang di tumutukoy na paglalarawan at
paghahambing ng sukat at laki ng Asya sa ibang kontinente ng mundo?
A. katumbas nito ang pinagsamang sukat ng Europa at Antartica
B. katumbas nito ang pinagsamang sukat ng Hilaga at Timog America
C. katumbas nito ang pinagsamang sukat ng Europa ng apat na beses ng
laki nito
D. katumbas nito ang ikatlong (1/3) na bahagi ng kabuuang lupain sa
mundo
4. Ano ang batayan ng Eurocentric view na paghahating heograpikal ng Asya?
A. ayon sa nakapalibot na mga katubigan
B. distansya mula sa kontinente ng Europa
C. pagkakahawig ng mga kultura ng mga bansa
D. lokasyon ng mga bansa sa latitude at longhitud
5. Anong bansa ang hindi kabilang sa rehiyon ng Timog-Silangang Asya?
A. Indonesia C. South Korea
B. Pilipinas D. Vietnam
6. Anong rehiyon sa Asya ang tinaguriang Farther India o Little China?
A. Hilagang Asya C. Timog Asya
B. Kanlurang Asya D. Timog-Silangang Asya

7. Ilang bahagdan ng kabuuang lupain sa mundo ang saklaw ng buong sukat ng


Asya?
A. 1/3 C. ¼
B. 1/8 D. ½
8. Ano ang kahulugan ng salitang Asu sa mga Asyano?
A. hilaga C. silangan
B. kanluran D. timog
9. Ano ang kasalukuyang ang kabuuang bilang ng pagkakahati ng rehiyon sa
Asya batay sa Asyanong pananaw?
A. 3 C. 5
B. 4 D. 6

2
10. Ano ang tawag sa pinakamalaking dibisyon ng lupain sa mundo?
A. kapatagan C. kontinente
B. kapuluan D. rehiyon

11. Ilang sub-regions ang pagkakahati ng Timog-Silangang Asya?


A. 2 C. 4
B. 3 D. 5

12. Ilan ang kontinente ng mundo?


A. 4 C .6
B. 5 D. 7

13. Anong rehiyon sa Asya matatagpuan ang bansang India?


A. Hilagang Asya C. Timog Asya
B. Kanlurang Asya D. Timog-Silangang Asya

14. Sa anong rehiyon nabibilang ang mga bansang dating bahagi ng USSR?
A. Hilagang Asya C. Silangang Asya
B. Silangang Asya D. Timog-Silangang Asya

15. Ilang bansa ang bumubuo sa kontinente ng Asya?


A. 48 C. 50
B. 49 D. 51

Mahusay! Kung marami kang nasagot sa bahaging ito ng modyul ay


madali mong maiintindihan ang nakapaloob ditong aralin. Kung mababa
naman ang nakuha mong marka ay dapat pagsumikapang mas
maintindihan pa ang aralin sa pamamagitan ng pagbabasang mabuti sa
mga teksto at pagsasagawa ng mga dinesenyong gawin.

3
Aralin
Paghahating Heograpikal ng
1 Asya

Ang Pilipinas ay bahagi ng daigdig, ang mundong ating


tirahan. Sa bahaging ito, ating tatalakayin ang kontinente na
kinabibilangan ng ating bansa, partikular ang mga rehiyon at
iba pang mga bansang bumubuo rito sa Asya.
.

Balikan

Pag-aralan ang mapa ng daigdig sa ibaba. Matutukoy mo ba mula rito ang


bansang Pilipinas? Sa anong direksyon matatagpuan ang Pilipinas? Ano anong
mga bansa ang bumubuo sa kontinente ng Asya?

Halina’t ating tuklasin ang mga kaalaman na tiyak magbibigay sayo ng


malalim na pang-unawa sa ating kontinente.

Mapa ng Daigdig

4
Sagutin ang mga tanong.

1. Ilang kontinente mayroon ang daigdig?


2. Sa anong kontinente nabibilang ang Pilipinas?
Kung ang iyong naging tugon sa unang tanong ay pito (7) at sa ikalawa ay
Asya, ay binabati kita sapagkat iyong natutunan ang basikong kaalaman tungkol
sa ating bansa sa nagdaang aralin!

Tuklasin

Sa puntong ito ay magsisimula na ang iyong pagtuklas sa


bagong leksyon. Tuklasin ang konsepto ng Asya, mga batayan ng
paghahating heograpikal ng Asya at mga rehiyon at bansa sa Asya.
Halina at gagabayan kita sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman.
Simulan mo ito sa pagsasagot ng gawaing magpapakilala sa bagong
leksyon.

Magbugtungan tayo!

Panuto: Subukin mong sagutin ang mga bugtong sa ibaba sa pamamagitan ng


pagpuno ng tamang letra sa mga clues o pahiwatig katabi nito.

Tinaguriang akong “Perlas ng Silangan”, 1. _ _ L _ P _ N _ S


Hitik sa yaman, kabayanihan at kasaysayan

2. _ A N _ _ Nasyon ako kung tawagin sa ibang salita,


Isa ang Pilipinas sa mga halimbawa

5
Nasa bilang tatlo ang probinsya ng
Bulacan, 3. _ E _ I Y _ N
Pagsama-samahin mo ang mga lalawigan

4. K _ _ T _ N _ _ T _ Ako’y nahahati sa bilang na pito,


Pinakamalaking masa ng lupain sa mundo

Sa mga kontinente ako ang pinakamalaki,


5. _ S Y _
Sa laki at lawak nangunguna pati

Kung ang ibinigay mo na kasagutan sa bugtong ay ang mga sumusunod:


Pilipinas, bansa, rehiyon, kontinente at Asya, ay muli kitang binabati sapagkat ang
mga ito ang magbibigay ng paunang kaalaman sa iyo kung ano ang mga
tatalakayin sa araling ito.

Bilang panimula ng aralin. Bumuo ka ng isang pangungusap gamit ang


dalawa o higit pang kasagutan mula sa bugtong. Isulat mo ito sa loob ng kahon.

Ang ating bansa ay kabahagi ng mas malawak na kalupaan, ito ay

Ang kontinente ng Asya katulad din ng Pilipinas, ang Asya ay napapangkat


sa mga rehiyon. Sa kabila ng dibisyong ito na nagdulot ng kaibahan sa kultura at
paniniwala, ay binibigyang pagpapahalaga pa rin dapat ng mamamayan ng bawat
bansa ang pagiging kabahagi ng Asya, ang pagiging Asyano, katulad ng
pagpapahalaga na ibinibigay ng bawat isa sa kanyang sariling bansa.

Sa susunod na bahagi ay tatalakayin ang Asya bilang isang kontinente at


ang mga rehiyong at bansang kabilang dito.

Suriin

Handa ka na bang suriin ang mga kaalaman hinggil sa konsepto ng


Asya. Alam mo ba ang lawak na sakop ng Asya? Ano ang tiyak na
lokasyon na kinalalagyan ng kontinente ng Asya? Saan nagmula ang

6
salitang Asya? Halina at iyong tuklasin ang kasagutan sa mga katanungang ito

Ang Konsepto ng Asya


Heograpiya ang agham na nag-aaral tungkol paglalarawan sa ibabaw ng
mundo, ang pagkakahati nito sa mga kontinente at bansa, ang klima, behetasyon
(vegetation), likas na yaman, at maging ang mamamayan.
Kontinente ang tawag sa pinakamalaking masa ng lupain sa mundo.
Mayroong pitong kontinente ang mundo kung saan ang Asya ang pinakamalaki.
Ang Africa, North America, South America, Antarctica, Europe at Australia ang
anim na iba pang kontinente na sumasakop sa dalawang katlo (2/3) ng kalupaan
ng mundo. Pag-aralan mo ang mapa at ang Talahanayan 1.

Mapa ng Asya

Talahanayan 1: Ang Konsepto ng Asya


Fast Facts Tungkol sa Asya
Kabuuang sukat • 44,486,104 kilometro kuwadrado
Saklaw ng lupain sa mundo • (1/3) ng kabuuang kalupaan ng daigdig
Lokasyon • mula 10° Timog hanggang 90° Hilagang latitud
at mula sa 11° hanggang 175° Silangang
longhitud
Bilang ng mga bansa • 49
Pinagmulan ng pangalan • mula sa salitang Aegean na “asu” na
nangangahulugang “lugar na sinisikatan ng
araw“ o bukang-liwayway o silangan

7
• kilala bilang “Ashiya” sa wikang Tsino” at
“Ajiya” sa wikang Hapones
Ang Europa naman ay nagmula sa salitang Aegean na “ereb” na ibig sabihin
ay “lugar kung saan lumulubog ang araw” o “kanluran”. Nakilala ang Asya bilang
silangan sapagkat nasa gawing silangan ito ng kontinente ng Europa.

Sagutin ang tanong.

1. Bakit tinawag na Asya ang kontinente ng Asya ayon sa iyong pagkaunawa?


______________________________________________________________________________

Maging sa pagkakakilanlan ng ating bansa bilang ang “Perlas


ng Silangan” ay makikita ang pagiging kabahagi ng Pilipinas ng
malawak na kalupaan ng Asya. Kung saan ang salitang silangan ay
patungkol sa kontinente ng Asya na ating kinabibilangan.

Batayan ng Paghahating Heograpikal ng Asya


Ang kontinente ng Asya ay nahahati sa mga rehiyon. Mayroong dalawang
batayan ng paghahating heograpikal ng Asya. Ang una ay Eurocentric View o
Kanluraning Pananaw na ginamit noong unang panahon ng mga Griyego at
Romano, at ang Asiancentric View o Silanganing Pananaw na ginagamit sa
pagpapangkat ng mga bansa sa Asya sa kasalukuyan. Paghambingin mo ang mga
impormasyon sa Talahanayan 2.
Talahanayan 2. Batayan ng Paghahating Heograpikal ng Asya
Pananaw Batayan ng Paghahating Heograpikal Mga Rehiyon
Eurocentric • Nakabatay sa distansya ng mga bansa • Nahahati sa tatlong
View mula sa kontinente ng Europa. Pinag- (3) rehiyong
(Kanluraning aralan ang Asya gamit ang konseptong heograpikal
Pananaw) Europeo - Malapit na Silangan
• Near East o Malapit na Silangan ang (Near East)
itinawag sa mga bansang malapit sa - Gitnang Silangan
Europa (Middle East)
• Ang mga bansang Arabo naman ang - Malayong Silangan
tinawag na Middle East o Gitnang (Far East)
Silangan
• Tinawag na Far East o Malayong
Silangan ang mga natuklasan ng mga
Europeo sa napakalayong lupain sa
Silangan tulad ng India, Tsina, Hapon,
at iba pang lupain sa Pasipiko
Asiancentric • Ang paghahati sa Asya ay binatay sa • Nahahati sa limang
View heograpikal at kultural na sona kung (5) sonang
(Silanganing saan isinaalang-alang ang pisikal, heograpikal
Pananaw) historikal, at kultural sa paghahati nito - Hilagang Asya
• Itinataguyod ng pananaw na ito ang - Timog Asya

8
ating pagkakakilanlan bilang Asyano - Kanlurang Asya
- Silangang Asya
- Timog-Silangang Asya
Sagutin ang mga tanong.
1. Paano hinati-hati ang mga rehiyon sa kontinente ng
Asya?_________________________________________________________________________

2. Alin sa iyong palagay ang mas nararapat na gamitin sa pagpapangkat ng mga


bansa sa Asya? Bakit? _______________________________________________________

Bilang mga Asyano, tunay na nararapat nating


gamitin ang pagpapangkat ng mga bansa sa Asya ayon sa
punto de vista o pananaw Asyano sapagkat tayo ang
tagapagtaguyod ng ating sariling kalinangan.

Mga Rehiyon at Bansa sa Asya


Suriin ang mo graphic organizer patungkol sa mga rehiyon ng Asya at mga
bansang kabilang dito.

Talahanayan 3: Mga Rehiyon sa Asya


Mga Bansang
Rehiyon Katangian/Katawagan
Kabilang
Silangang Asya • Binubuo ng 5 na bansa China
kasama ang mga Special Japan
Administrative Region North Korea
(SAR) na Hongkong at South Korea
Macau na bahagi ng Taiwan
China na pinaka-
malaking bansa sa Asya

Hilagang Asya • Binubuo ng 9 na bansa Mongolia


kasama ang Siberia sa Tajikistan
Russia Kyrgyztan
• Tinatawag ding Central Uzbekistan
Asia (Gitnang Asya) o Tajikistan
Inner Asia Turkmenistan
• Kabilang ang mga Armenia
nasyong dating sakop ng Georgia
Azerbaijan

9
USSR (Union of Soviet
Socialist Republics)

Timog Asya • Binubuo ng 8 na bansa


- itinuturing na sub- India
kontinenteng bansa
dahil naihihiwalay ito
sa kabuuan ng Asya
sa pamamagitan ng
Bulubunduking
Himalayas
- mga bansang Muslim Pakistan
Afghanistan
Bangladesh

- mga bansang Nepal


Himalayan Bhutan

- mga bansang Sri Lanka


pangkapuluan Maldives

Kanlurang Asya • Rehiyong sagana sa


langis na binubuo ng 15
bansa
• Binubuo ng mga Saudi Arabia
bansang Arabo at Lebanon
tinagurian ding “Moslem Jordan
World” dahil sa Syria
impluwensya ng Iraq
relihiyong Muslim Kuwait

- Gulf States Yemen


Oman
United Arab
Emirates(UAE)
Qatar
Bahrain

- iba pang bansang Iran


kabilang Israel
Cyprus
Turkey

10
Timog-Silangang Asya • Tinaguriang Farther
India at Little China dahil
sa impluwensya ng
kabihasnang India at
China sa kultura ng mga
bansa dito
• Binubuo ng 11 bansa na
nahahati sa 2 sub-
regions:
- Pangkontinenteng Thailand
Timog-Silangang Asya Vietnam
o Mainland Southeast Laos
Asia Cambodia
Myanmar

- Pangkapuluang Pilipinas
Timog-Silangang Asya Indonesia
o Insular Southeast Malaysia
Asia kung saan Brunei
nabibilang ang East Darussalam
Timor na Singapore
pinakabatang bansa East Timor
sa Asya

Sagutin ang kasunod na tanong.

1. Ilang rehiyon ang bumubuo sa kontinente ng Asya? Ano-ano ang mga rehiyong
bumubuo dito? _______________________________________________________________

ALAM MO BA?

“Bhineka tunggal ika”, hinango sa salitang Javanese ng Indonesia


na nangangahulugang “Unity in Diversity” o “Pagkakaisa sa
Pagkakaiba”. Ito ang mga katagang maaaring maglarawan sa
Asya. Ang pagkakahati ng mga bansa sa Asya sa mga rehiyon ay
nagresulta ng pagtataglay ng iba’t ibang lahi, kultura at uri ng
sistemang umiiral sa kabuuan ng kontinente. Subalit sa kabila
ng pagkakaiba na ito ay mas mahalaga pa ring pagtuunan ng
pansin ang ating pagkakatulad na nag uugnay sa atin bilang
mga mamamayang Asyano.

11
Pagyamanin

Matapos mong masuri ang konsepto ng Asya, mga batayan ng


paghahating heograpikal ng Asya, mga rehiyon at bansa sa kontinente
ng Asya. Masusubok ang iyong husay at galing sa pagpapayaman sa
kalaman sa leksyon sa pamamagitan ng pagsasagot sa mga
nakahandang pagsubok batay sa iyong natutuhan.
A. Iyong Tukuyin!

Panuto: Piliin mo sa loob ng kahon ang akmang termino o salita batay sa


paglalarawan sa pahayag sa ibaba. Isulat mo ang sagot sa patlang bago ang bilang.

Asya sangkatlo heograpiya kontinente rehiyon

__________ 1. Pag-aaral ng katangiang pisikal na paglalarawan sa mundo.

__________ 2. Ang pagkakagrupo ng mga bansa.

__________ 3. Pinakamalaking dibisyon ng lupa sa mundo.

__________ 4. Kabuuang sakop ng Asya sa kalupaan ng daigdig.

__________ 5. Pinakamalaking kontinente sa mundo.

B. Tama o Mali?
Panuto: Tukuyin mo kung tama o mali ang bawat pahayag. Isulat ang salitang
Asya kung ang pahayag ay tama at kontinente naman kung ito ay mali.

____________ 1. Pinag-aaralan sa heograpiya ang pagkakahati ng daigdig sa mga


kontinente, rehiyon at bansa.

____________ 2. Saklaw ng Asya ang 2/3 ng kabuuang lupain ng mundo.

____________ 3. Kontinente ang pinakamaliit na dibisyon ng lupa sa mundo.

____________ 4. Ang Asya ay tinawag na asu o silangan.

____________ 5. Ang Asya ay ang pinakamalaking kontinente sa mundo.

12
C. Rehiyon Ko! Itala Mo!

Panuto: Isulat mo sa loob ng mga ulap ang mga rehiyon sa Asya na


iyong natutunan sa ating aralin ayon sa Silanganing Pananaw.

Mga Rehiyon sa Asya

D. Iyong Pag-isipan!
Panuto: Tukuyin mo kung anong rehiyon sa Asya ang inilalarawan sa bawat
kahon. Isulat mo ang iyong sagot sa patlang bago ang bilang.

Kasama sa rehiyong ito ang mga bansang dating kabilang


____________ 1. sa USSR.

Rehiyon ng Asya na tinaguriang “Moslem World” at may


____________ 2. pinakamaraming miyembrong bansa sa 5 rehiyon ng Asya.

Rehiyon sa Asya na pinangungunahan ng sub-kontinenteng


____________ 3. bansa na India.

____________ 4. Rehiyon sa Asya na may impluwensya ng China at India.

____________ 5. Kabilang sa rehiyong ito ang mga Special Administrative


Regions na Hongkong at Macau.

____________ 6. Rehiyon sa Asya na naghahati sa dalawang sub-regions.

Rehiyong mayaman sa langis.


____________ 7.

____________ 8. Rehiyon kung saan nabibilang ang China na


pinakamalaking bansa sa Asya.

13
____________ 9. Tinatawag din itong Gitnang Asya o Inner Asia.

____________10. Rehiyong kinabibilangan ng bansang Pilipinas.

E. Itala Mo!

Panuto. Kumpletuhin mo ang graphic organizer sa ibaba sa


pamamagitan ng pagtatala ng tatlong halimbawa ng mga bansang
kabilang sa bawat rehiyon ng Asya.

Isaisip

Malugod kitang binabati. Napagtagumpayan mo ang mga pagsubok


na inihanda upang masukat ang iyong kaalaman at natutuhan sa leksyon.
Sa puntong ito, muling hahasain ang iyong kaalaman kung ganap na ang
iyong pagkakatuto.

Punuan Mo Ako!

Panuto: Punan mo ang patlang ng angkop na salita sa pangungusap.Isulat ang


sagot sa sagutang papel.

(1) ____________ ang tawag sa pinakamalaking dibisyon ng lupa sa mundo.


Ang Asya ang pinakalamalaki sa (2) ____________ masa ng lupa sa daigdig.
Nahahati ito sa (3) ____________ rehiyon ayon sa Silanganing Pananaw. Ang Asya ay
may kabuuang bilang na (4) ____________ mga bansa.

14
Ang rehiyon ng (5) ____________ ay kilala bilang “Inner Central Asia” kung
saan nabibilang ang mga bansang dating bahagi ng USSR. Ang (6)____________
naman ay rehiyon na kilala bilang ang “Moslem World“. Ito rin ang may
pinakamaraming miyembrong bansa sa mga rehiyon sa Asya. Ang Pilipinas ay
bahagi ng rehiyon ng (7) __________ . Mayroon itong dalawang sub-regions: ang
mainland o pangkalupaan, at (8) ____________ o napapaligiran ng tubig. Samantala,
ang (9) ____________ ang rehiyon na may pinakakaunting miyembrong bansa kung
saan nabibilang ang China. Hugis tatsulok naman ang rehiyon ng (10)
____________kung saan bahagi ang bansang India.

Isagawa

Mahusay ka bang gumuhit? Sa gawaing ito, malaya mong


bakatin ang larawan. Ang gawaing ito ay higit na magpapalalim sa
kaalaman mo sa leksyon. Gamit ang iyong natutuhan, muling
susukatin ang iyong husay sa pamamagitan ng gawaing ito.

Gawain 1: Rehiyon Ko, Markahan mo!

Panuto: Bakatin mo ang mapa ng Asya at tukuyin ang pagkakapangkat ng mga


bansa sa Asya sa limang sonang heograpikal sa pamamagitan ng paglalapat ng
nakatalagang marka sa bawat rehiyon. Sundin ang legend na nakasulat sa loob ng
mapa.

15
Gawain 2: Kapit-bisig, Kapwa Asyano!

Panuto: Sa pamamagitan ng mga sumusunod na sitwasyon, bilang isang Asyanong


mag-aaral, paano mo maipapakita ang pagmamalasakit sa kabila ng pagkakaisa sa
pagkakaiba-iba.
1. Ikampanya ang turismo ng isa sa mga rehiyon ng Asya.
2. Kaugnay ng rehiyong napili, gumawa ng product campaign ukol sa isa sa mga
produkto nito.
3. Lumikha ng shoutout, ekspresyon o opinyon ukol sa pagpapalakas ng
pagkakaisa at pagtutulungan ng mga Asyano sa bawat rehiyon sa temang:
Malasakit Asyano, Ikaw at Ako tungo sa Progreso.

Tayahin

Muli mong alalahanin ang kaalaman na iyong natutuhan sa leksyon. Halos


nasa huling bahagi ka ng gawain. Ang matalas na pagsusuri sa leksyong
iyong pinag-aralan ay abot kamay na sa pamamagitan ng pagsasagot sa
tayahin.

Panuto: Piliin mo ang letra ng tamang sagot.

1. Alin ang batayang kaalaman ukol sa kahulugan ng heograpiya?


A. pag-aaral ng espasyo sa ibabaw ng mundo
B. pag-aaral ng pagkakaiba ng mga lugar sa balat ng mundo
C. pag-aaral sa likas na pag-uugnay sa pagitan ng tao at kanilang paligid
D. pag-aaral ng mga katangiang pisikal sa ibabaw ng mundo at ng iba’t
ibang gawain na nagaganap dito
2. Ang mga sumusunod ay nagpapahayag sa Asya maliban sa ….
A. ang Asyanong pinakamalking kontinente sa mundo
B. binubuo ang Asya ng 49 na bansa
C. nahahati ang Asya sa tatlong sonang heograpikal
D. matatagpuan ang Asya sa silangan ng Europa
3. Nahahati sa limang rehiyon ang Asya. Tinatayang heograpikal at kultural na
sona ang mga rehiyong ito dahil isinasaalang-alang sa paghahati ang mga
aspetong pisikal, historical at kultural. Bakit ang Hilaga at Kanlurang Asya ay
kadalasang tinitingnan bilang magkaugnay?
A. ang mga ito ay parehong napailalim sa halos parehong karanasan sa
larangan ng historical,kultural, agrikultural at sa klima
B. magkasama ang mga ito sa parehong pamamaraan ng paglinang ng
kapaligirang pisikal
C. ang mga porma ng anyong lupa at anyong tubig ng mga ito ay halos
pareho

16
D. apektado ng iisang uri ng klima ang uring pamumuhay dito

4. Sa anong rehiyon sa Asya nabibilang ang Gitnang Silangan o Middle East sa


kasalukuyan?
A. Hilagang Asya
B. Kanlurang Asya
C. Silangang Asya
D. Timog-Silangang Asya

5. Ang mga sumusunod ay nagpapahayag ng tama hinggil sa Eurocentric View,


maliban sa ….
A. Nahahati ang Asya sa tatlong rehiyon.
B. Napapangkat ang Asya sa limang sonang heograpikal.
C. Ang Asya ay pag-aaral ayon sa pananaw ng mga Kanluranin.
D. Ibinatay sa distansya mula sa Europa ang pagpapangkat ng mga bansa
sa Asya.

6. Bakit itinuturing na isang sub-kontinenteng bansa ang India?


A. malawak ang kalupaan ng bansang ito
B. malaking bahagi ng lupain nito ay nakausli sa dagat
C. nakahiwalay ito sa kabuuan ng Asya dahil sa kabundukang Himalayas
D. ito ang pinakamalaking bansa sa Timog Asya

7. Paano pinangkat sa rehiyon ang mga bansa sa Asya ayon sa Silanganing


Pananaw o Asiancentric View?
A. ayon sa distansya ng mga ito sa Europa
B. ayon sa lokasyon nito sa latitud at longhitud
C. ayon sa heograpikal, pisikal at kultural na aspeto
D. ayon sa laki at lawak ng mga bansa

8. Anong mga bansa sa Timog Asya ang kilala rin bilang mga Bansang Himalayan?
A. Nepal at Bhutan
B. Sri Lanka at Maldives
C. Afghanistan at Pakistan
D. Bangladesh at India

9. Anong rehiyon sa Asya kung saan kabilang ang mga nasyong dating bahagi sa
Union Soviet of Socialist Republic?
A. Hilagang Asya
B. Kanlurang Asya
C. Timog Asya
D. Timog-Silangang Asya

10. Anong rehiyon sa Asya na kinabibilangan ng Pilipinas?


A. Kanlurang Asya
B. Hilagang Asya
C. Silangang Asya
D. Timog-Silangang Asya

17
11. Anong rehiyon sa Asya na may walong bansang kasapi at inilarawan bilang
may bansang Muslim, pangkapuluan, at Himalayan?
A. Hilagang Asya
B. Kanlurang Asya
C. Timog Asya
D. Timog-Silangang Asya

12. Ano ang dalawang bansang pangkapuluan ng Timog Asya?


A. Afghanistan at Pakistan
B. Bangladesh at India
C. Nepal at Bhutan
D. Sri Lanka at Maldives

13. Anong rehiyon sa Asya ang may pinakamaraming bansang kabilang?


A. Hilagang Asya
B. Kanlurang Asya
C. Timog Asya
D. Timog-Silangang Asya

14. Alin sa mga sumusunod ang katawagan sa mga bansa o estado sa Kanlurang
Asya na sagana sa langis at petrolyo?
A. Gulf State
B. Muslim World
C. Himalayan Countries
D. Special Administrative Region

15. Anong rehiyon sa Asya na tinaguriang na Farther India at Little China dahil sa
impluwensya ng Kabihasnang India at China?
A. Kanlurang Asya
B. Silangang Asya
C. Timog Asya
D. Timog-Silangang Asya

Magaling! Ako ay lubhang nagagalak sapagkat hindi mo


sinukuan ang unang paksa sa ating modyul. At handa ka ng
harapin ang mga susunod na paksa sa ating modyul. Kung
iyong nanais, maaari mong ipagpatuloy ang pagsasagot sa
karagdagang gawain na mas magpapalalim sa iyong pag-
unawa sa aralin. Muli ang aking pagbati!

18
Karagdagang Gawain

Ako ay nasisiyahan sapagkat iyong pinatunayan ang husay at galing sa


mga gawaing inihanda para sayo. Ang positibong pananaw sa malayang pag-aaral
ang daan upang ang kamangmangan ay hind maging hadlang upang ikaw ay
matuto sayong mga paa. Ang karagdagang gawain ito, ang magpapalalim upang
ikaw ay magpatuloy na matuto.

Gawain 1: Halika at Iyong Suriin!

Panuto: Isulat mo sa ibaba ng tsart ng bawat rehiyon ang mga bansa sa Asya na
nabibilang dito.
Armenia Jordan Saudia Arabia
China Kazakhstan Singapore
India Malaysia South Korea
Iran Maldives Sri Lanka
Japan Pilipinas Turkmenistan

Timog Asya Timog- Silangang Hilagang Kanlurang


Silangang Asya Asya Asya
Asya

Gawain 2: Repleksyon
Panuto: Ngayong alam mo na na ang Pilipinas ay kabahagi ng kontinente ng Asya,
paano mo maipakikita ang iyong pagtulong at pakikiisa sa mga kapwa mo Asyano
sa panahon ng mga suliranin (tulad ng pandemya na Covid19) na nagdudulot ng
dibisyon sa mga bansa? Magtala ka ng dalawang paraan bilang kasagutan.

1. _______________________________________________________________________________

2. _______________________________________________________________________________

19
Sanggunian
Blando, Rosemarie C., et.al., 2014. Araling Panlipunan: ASYA: Pagkakaisa Sa Gitna
Ng Pagkakaiba. 1st ed. Pasig City, Philippines: Department of Education
Bureau of Learning Resources.
"LR Portal". 2020. Deped LR Portal. https://lrmds.deped.gov.ph/.
Mateo, Grace Estela C. 2010. Asya: Pag-Usbong Ng Kabihasnan. Quezon City: Vibal
Publishing House.
"Most Essential Learning Competencies (Melcs)". 2020. Learning Resource
Management and Development System. https://lrmds.deped.gov.ph/
download/18275.

20
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III


Learning Resource Management Section (LRMS)
Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)

Telephone Number: (045) 598-8580 to 89

E-mail Address: region3@deped.gov.ph

You might also like