You are on page 1of 7

Klima sa Asya- Araling Panlipunan - Grade 7

Layunin
Pagkatapos ng aralin, dapat ay natatalakay mo na ang klima sa iba't ibang rehiyon
ng Asya.

 Ano ang klima sa mga rehiyon ng Asya?


 May epekto ba ang klima sa uri ng pamumuhay at kabuhayan ng mga tao sa
mga bansa sa bawat rehiyon?

Alamin ang mga sagot sa araling ito!

Pag-aralan Natin
Dahil napakalaki ng teritoryo ng Asya, magkakaiba ang klimang nararanasan sa
bawat rehiyon nito, batay na rin sa lokasyon nito at ng anyong lupa at anyong tubig
na mayroon dito.

Tropikal na Klima

 Ang tropikal na klima ay nagdudulot ng tag-ulan at tag-araw na mga


panahon.
 Ang mga bansang may ganitong klima ay hindi nakararanas ng taglamig.
 Ang mga rehiyon ng Timog Asya at Timog-Silangang Asya ay may
tropikal na klima.
 Ang lupa sa mga bansang may tropikal na klima ay mataba at magandang
pagtaniman ng iba't ibang pananim.
 Agrikultura ang pangunahing kabuhayan ng mga tao rito.
Pag-aralan Natin
Tuyong Klima

 Ang tuyong klima ay nagdudulot ng mainit at mataas na temperatura sa


araw. Nagdudulot naman ito ng malamig at mababang temperatura sa gabi.
 Ang mga bansang may ganitong klima ay hindi nakararanas ng ulan.
 Ang mga rehiyon ng Kanlurang Asya, Hilagang Asya, at hilagang bahagi ng
Timog Asya ay may tuyong klima.
 Ang lupa sa bansang ito ay tuyo at hindi mainam pagtaniman ng mga
pananim.
 Limitado ang agrikultura sa mga lugar na ito kaya madalas ay umaangkat pa
sila ng produkto mula sa ibang bansa.

Pag-aralan Natin
Katamtamang Klima

 Ang katamtamang klima ay nagdudulot ng tag-ulan at taglamig.


 Ang Silangang Asya at timog na bahagi ng Timog Asya ay nakararanas ng
katamtamang klima.
 Ang mga bansa sa mga rehiyong ito ay may maunlad na agrikultura.
 Kahit pa nakararanas sila ng taglamig, nakapagtatanim at nakapag-aani sila
ng maraming pananim tulad ng palay.
Pag-aralan Natin
Kontinental na Klima

 Ang kontinental na klima naman ay nagdudulot ng mahaba at napakalamig


na panahon ng taglamig sa loob ng halos buong taon.
 Ang Mongolia sa Silangang Asya ay nakararanas ng ganitong klima.
 Limitado o matamlay ang agrikultura sa mga lugar na nakararanas ng
kontinental na klima.
 Ang pangunahing kabuhayan ng mga tao rito ay pagpapastol ng mga hayop.
Pagnilayan
Sa iyong palagay, ano ang pinakamagandang klima na dapat maranasan ng isang
bansa?

Mahahalagang Kaalaman
 Napakalawak ng Asya kaya magkakaiba ang lokasyon at klimang
nararanasan ng bawat rehiyon nito.
 May apat na uri ng klimang nararanasan sa Asya:
o tropikal,
o tuyo,
o katamtaman, at
o kontinental.
 Ang klimang nararanasan sa isang rehiyon ay may epekto sa kabuhayan at
uri ng pamumuhay ng mga taong naninirahan dito.

Klima sa Asya

 Lesson6 chapters
 Questions
Q1

Single Answer

Question

Anong klima ang nagdudulot ng pagkaranas ng taglamig sa loob ng halos buong taon?

Correct answer

kontinental
katamtaman
tuyo
tropikal

Explanation

Ang kontinental na klima ay natatanging klima kung saan nararanasan ng isang lugar ang taglamig
sa loob ng halos buong taon.

Report errors
Q2

Multiple Choice

Question

Anong klima ang nagdudulot ng magandang agrikultura?

Correct answer

tropikal
katamtaman
tuyo
kontinental

Hint

Explanation

Ang lupa sa mga lugar na nakararanas ng tropikal at katamtamang klima ay mataba at mayaman sa
sustansiya kaya mainam pagtaniman ng iba't ibang pananim. Dahil dito, agrikultura ang pangunahng
kabuhayan ng mga tao rito.

Report errors
Q3

Single Answer

Question

Anong klima ang nararanasan sa Silangang Asya?

Correct answer

katamtaman
tuyo
tropikal
kontinental

Explanation

Ang Silangang Asya ay nakararanas ng katamtamang klima o tag-ulan at taglamig.

Report errors
Q4

Exact Value

Question

Ilan ang uri ng klimang nararanasan sa Asya?

Correct answer

apat, 4

Explanation

May apat na uri ng klima na nararanasan sa Asya:

 tropikal,
 tuyo,
 katamtaman, at
 kontinental.

Report errors
Q5

Single Answer

Question

Alin sa sumusunod na mga bansa ang hindi nakararanas ng tuyong klima?


Correct answer

Qatar
Iraq
Azerbaijan
Maldives

Explanation

Ang Maldives ay bahagi ng Timog Asya na nakararanas ng tropikal na klima, maliban na lamang sa
ilang bansa sa rehiyon na nasa hilagang bahagi.

Report errors
Q6

Multiple Choice

Question

Alin sa sumusunod na mga bansa ang nakararanas ng tropikal na klima?

Correct answer

Pilipinas
Sri Lanka
Japan
Kuwait

Explanation

Ang Pilipinas ay matatagpuan sa Timog-Silangang Asya, samantalang ang Sri Lanka ay nasa Timog
Asya. Ang mga rehiyong ito ay nakararanas ng tropikal na klima.

Report errors
Q7

Exact Value

Question

Anong bansa sa Asya ang tanging nakararanas ng kontinental na klima?

Correct answer

Mongolia

Explanation

Ang Mongolia ay bansang napalilibutan ng malalawak na lupa. Napakalayo nito sa dagat o


karagatan. Dahil dito, kakaiba ang klimang nararanasan sa bansa kung saan taglamig ang
nararanasang panahon sa loob ng halos buong taon.

Report errors
Q8

Single Answer

Question

Anong uri ng klima ang nararanasan sa Uzbekistan?


Correct answer

tuyo
tropikal
katamtaman
kontinental

Explanation

Ang Uzbekistan ay bansang nakapaloob sa Hilagang Asya. Ang rehiyong ito ay nakararanas ng
tuyong klima.

Report errors
Q9

Single Answer

Question

Ang _ ay may epekto sa kabuhayan at uri ng pamumuhay ng mga tao sa bawat rehiyon n

Correct answer

klima
laki
hugis
populasyon

Explanation

Ang klima ay may epekto sa kabuhayan at uri ng pamumuhay ng mga tao sa isang lugar. Ito ang
nagdidikta sa uri ng mga pananim na mabubuhay sa lugar at sa mga hayop na makakatagal sa
klimang mayroon sa lugar.

Report errors
Q10

Single Answer

Question

Kung nabubuhay sa Pilipinas ang bawang at sibuyas, sa anong bansa maaari ding itanim ang mga
ito?

Correct answer

Pakistan
Tsina
Georgia
Oman

Explanation

Ang Pakistan ay makikita sa Timog Asya. Tulad ng Pilipinas na nasa Timog-Silangang Asya,
nakararanas din ito ng tropikal na klima. Kung gayon, magkapareho lamang ang mga pananim na
tumutubo at nabubuhay sa mga bansa sa dalawang rehiyon.

You might also like