You are on page 1of 12

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

7 Zest for Progress


Z Peal of artnership

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan- Modyul 7:
Ang Tradisyunal na Papel ng Babaeng Asyano

Name of Learner: ___________________________


Grade & Section: ___________________________
Name of School: ___________________________
Manunulat: Shayne Everett U. Eldian/Josemarie
Calasang
Editor: Luzviminda O. Bahin
Tagasuri: Lindo O. Adasa Jr.
Florence S. Gallemit
Dr. Jephone P. Yorong
Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan: Luzviminda O. Bahin
Tagalapat: Peter A. Alavanza
Tagapamahala: Dr. Isabela M. Briones, CESO III
Dr. Eugenio B. Penales
Sonia D. Gonzales
Dr. Ella Grace M. Tagupa
Dr. Jephone P. Yorong
Alamin

Sa bahaging ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na


kaalaman, kakayahan at pag-unawa:

Nasusuri ang kalagayan at bahaging ginampanan ng kababaihan mula


sa sinaunang kabihasnan at ikalabing-anim na siglo.
a.Nasusuri ang mga tradisyunal na papel ng mga kababaihan sa Asya
b.Nakapagbibigay ng sariling pananaw tungkol sa isyung may kinalaman
sa kababaihan.

Balikan

Panuto: Isulat sa inyong activity notebook ang titik ng tamang sagot.


1. Alin sa mga sumusunod ang HINDI itinuturing na diyosa ng mga Asyano?
a. Nammu b. Indra c. Tiamat Marduk

2. Sinasamba si Nammu, ang diyosa ng tubig ng Mesopotamia. Bakit


mahalaga sa paglikha ng tao ang tubig?
a. dahil sa naging mahalagang sangkap ang tubig sa pagbuo ng kalawakan.
b. dahil sa naging mahalagang sangkap ang tubig sa pagbuo ng kalangitan.
c. dahil sa naging mahalagang sangkap ang tubig sa pagbuo ng kapaligiran.
d. dahil sa naging mahalagang sangkap ang tubig sa pagbuo ng luwad sa
paglikha ng tao.

3. Ang mga Dravidian ay sumasamba sa diyon ng buwan ngunit noong


dumating ang Indo-Aryan, naging lalaki ang kanilang diyos. Sino ang diyos
ng panahon ng mga Dravidian?
a. Nammu b. Amaterasu c. Indra Marduk

4. Sino ang diyosa ng pag-ibig at digmaan ng Mesopotamia?


a. Inanna b. Amaterasu c. Indra Marduk

5. Sino ang diyosang pinaniniwalaang pinagmulan ng lahat ng mga diyosa


ayon sa mga Babylonian?
a. Nammu b. Indra c. Tiamat Marduk
Aralin
Ang Tradisyunal na Papel ng Babae
1

Tuklasin

Itinuring na iisa lamang ang maaaring tunguhin ng babae sa


tradisyunal na Asya. Ito ay ang maging isang asawa at maging ina.

INDIA
Bilang asawa, ang babae ay dapat maging isang tapat na kabiyak at
dapat niyang pagsilbihan ang kanyang asawa. Sa India, ang itinuring na
huwaran na babaing asawa ay si Sita, asawa ni Prinsepe Rama sa epikong
Ramayana.
Si Sita ay naging tapat kay Prinsepe Rama maging nang siya ay
mapasakamay ng hari ng mga unggoy. Sumailalim siya sa pagsubok sa
apoy upang patunayan ang kanyang katapatan at kalinisan sa asawa.
• Suttee o sati - naging kaugalian noon ang pagsama ng babaing
asawa sa funeral pyre ng kanyang asawa bilang pagpapakita ng pagmamahal
niya rito.
• Bilang paggalang sa asawang lalaki, ang asawang babae ay
kakain lamang pagkatapos kumain ng kanyang asawa.
• Ang dote na ibinigay ng pamilya ng lalaki ay nagiging pag-aari ng
babae at ito ay maari niyang ipamana sa kanyang mga anak na babae.

CHINA
• Pinakamahalagang tungkulin ng babae ay magluwal ng sanggol
lalo na ang mga sanggol na lalaki.
• Ang pagiging baog ng babae ay maaaring dahilan ng deborsyo.
• Isa pang kaugalian sa China na nagpababa sa antas ng
kababaihan ay ang concubinage o pagkuha ng asawang lalaki ng iba pang
babae liban sa kanyang asawa. Ang concubine ay itinitira ng asawang lalaki
sa kanilang bahay. May karapatan ang asawang lalaki na magkaroon ng
maraming concubine.
• Kaunti lamang ang karapatang legal ng asawang babae.
• Footbinding ay sadyang pagbabali ng arko ng paa upang hindi
ito lumaki nang normal. Tinatawag ang ganitong klaseng mga paa na lotus
feet o lily feet. Ito ay ginagawa habang bata pa ang babae. Nagsimula ang
kaugaliang ito sa panahon ng dinastiyang Sung.
Ito ay isa itong pamantayan ng kagandahan para sa sinaunang Tsino.
Humahanap ang isang lalaking Tsino ng isang babaing Tsino na may ganitong
klaseng paa upang mapangasawa. Isa ring pagtugon sa kahilingang pang-
erotiko ng lalaki ang footbinding sa China. Ang pagkakaroon ng lotus feet
dulot ng footbinding ay patunay rin na ang babae ay hindi nagtatrabaho.
Nasa bahay lamang siya at kayang suportahan ng kanyang asawa.

Lipunang Muslim
Sa mga lipunang Muslim, may mga kaugalian na sumasalamin sa
mababang antas ng kababaihan. Ito ang kaugalian ng purdah na ibig sabihin
ay belo sa salitang Persian. Inaasahan ang asawang babae na itago ang
kanyang sarili sa pamamagitan ng pagsuot ng burka, isang damit na maluwag
na may kasamang belo. Layunin ng kaugaliang ito ang ipaalala na tanging
ang kanyang asawang lalaki ang may karapatang makakita sa kanya.
Pinagtitibay ng kaugaliang ito ang pagpoprotekta ng karapatan ng asawang
lalaki sa asawang babae.

JAPAN
Bago umiral ang pyudalismo, may karapatan ang parehong anak na
babae at lalaki na magmana ng ari-arian ng kanilang mga magulang. Ngunit
naglaho ang kaugalian na ito noong panahon ng Kamakura at Ashikaga
Shogunate.
Negatibo ang tingin ng lipunan sa babae. Pinaniniwalaan sa Japan na
may limang kahinaan ang babae. Ito ay ang pagiging hindi masunurin,
madaling magalit, masama ang bibig, madaling magselos at mahina ang ulo.

Sa pagpasok ng ideolohiyang sosyalismo sa China sa ika-20 siglo,


itinuring na pantay ang babae at lalaki at mariing ipinagbawal ang kaugalian
ng footbinding. Tanda ng pagkamulat ng mga Tsino sa pantay na tingin sa
babae ay ang kanilang kasabihan na ang babae ay sumasagisag sa kalahati
ng langit. Sa madaling sabi, hindi buo ang langit kung walang babae.

Isinasalamin din ito ng mga element ng yin at yang sa Taoism. Tandaan


na sinasagisag ng elementong babae ang yin at ng elementong lalaki ang
yang. Aktibo ang elemento ng yang at sinasagisag nito ang langit, liwanag,
mga bilang na walang pares, at linyang hindi napuputol. Samantalang
sinasagisag naman ng yin ang hindi aktibong element tulad ng lupa, dilim at
ang bilang na may pares at putol-putol na linya. Ayon sa Taoism, hangad ng
dalawang elementong ito na magtamo ng isang balanseng sitwasyon. Patunay
ito na sa harap ng maraming balakid ng kababaihan, may pagkilala pa rin sa
kanilang kahalagahan sa tradisyunal na Asya.

Suriin

Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong sa ibaba. Gawin ito sa iyong
kwaderno.

1. Nagbago ba ng pagtingin sa katayuan ng kababaihang Asyano sa


kasalukuyan?
2. May balakid bas a pagkilala ng kahalagahan ng mga babae sa tradisyunal
na Asya?
Bakit?

3. Sa iyong palagay, naging mahalaga ba ang papel na ginagampanan ng


kababaihan sa tradisyunal na pamayanang Asyano? Ipaliwanag ang sagot.

4. Anong pagpapahalaga ang ipinamalas ng kababaihang Asyano noong


sinaunang panahon?

5. Ipaliwanag ang kahulugan ng Yin at Yang sa pagtrato sa mga babae at


lalaki.

Pagyamanin
Gawin ito sa inyong kwaderno.
Piliin sa ibaba at isulat sa patlang ang mga lugar na kinabibilangan ng mga
sumusunod na tradisyunal na papel ng kababaihang Asyano.

China Japan India Lipunang Muslim’

______________1. Bilang paggalang sa asawang lalaki, ang asawang babae ay


kakain lamang pagkatapos kumain ng kanyang asawa.
______________2 Pinakamahalagang tungkulin ng babae ay magluwal ng
sanggol lalo na ang mga sanggol na lalaki.
______________3. Ang babae ay itinatago sa mata publiko sa pamamagitan ng
damit na magtatakip sa katawan, mukha at buhok ng babae .
______________4. Ang dote na ibinigay ng pamilya ng lalaki ay nagiging pag-
aari ng babae at ito ay maari niyang ipamana sa kanyang mga anak na babae.
______________5 Bago umiral ang pyudalismo, may karapatan ang parehong
anak na babae at lalaki na magmana ng ari-arian ng kanilang mga magulang.
______________6. Sati - naging kaugalian noon ang pagsama ng babaing asawa
sa funeral pyre ng kanyang asawa bilang pagpapakita ng pagmamahal niya
rito.
______________7. Ang pagiging baog ng babae ay maaaring dahilan ng
deborsyo.
______________8. Pinapayagan ang concubinage o pagkuha ng asawang lalaki
ng iba pang babae liban sa kanyang asawa.
______________9. Layunin ng kaugaliang ito ang ipaalala na tanging ang
kanyang asawang lalaki ang may karapatang makakita sa kanya.
______________10. Kaunti lamang ang karapatang legal ng asawang babae.
Gawain
Gawain 1
Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Gawin ito sa iyong kwaderno.

1. Bilang isang mag-aaral, ibigay ang inyong sariling opinyon tungkol sa


isyung may kinalaman sa kababaihan?

2. Bilang isang anak, paano mo pinahahalagahan ang iyong ina?

3. Ano ano ang mga karapatan na ibinibigay ng ating pamahalaan sa


mga kababaihan ng ating bansa?

Gawain 2
Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Isulat sa patlang ang
salitang “tama” kung ang sinasabing pahayag ay tama at “mali” naman kung
hindi. Gawin ito sa kwaderno.

______1. Sa pagpasok ng ideolohiyang sosyalismo sa China sa ika-20 siglo,


itinuring na pantay ang babae at lalaki at mariing ipinagbawal ang kaugalian
ng footbinding.

______2. Tandaan na sinasagisag ng elementong babae ang yang at ng


elementong lalaki ang yin.

______3. Suttee o sati - naging kaugalian noon ang pagsama ng babaing asawa
sa funeral pyre ng kanyang asawa bilang pagpapakita ng pagmamahal niya
rito.
______4. Marami ang karapatang legal ng asawang babae sa China.

______5. Footbinding ay isa itong pamantayan ng kagandahan para sa


sinaunang Tsino.

______6. Sa lipunan ng mga muslim, inaasahan ang asawang babae na itago


ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagsuot ng burka.

______7. Sa China, may karapatan ang asawang lalaki na magkaroon ng


maraming concubine.

______8. Sa China, ang itinuring na huwaran na babaing asawa ay si Sita,


asawa ni Prinsepe Rama sa epikong Ramayana.

______9. Pinaniniwalaan sa Japan na may walong kahinaan ang babae.

______10. Ang purdah ay nangangahulugang belo sa salitang Persian.


Isaisip
Punan ang patlang ng mga salitang matatapuan sa loob ng kahon
upang mabuo ang konseptong nais ipahayag.

mababang kababaihan asawa

tradisyunal ina hari

Maraming kaugalian sa 1) ________na Asya ang sumasalamin sa


2) ___________ antas ng kababaihan sa lipunan. Ang tradisyunal na
tungkulin ng babae sa Asya ay ang pagiging mabuting
3)__________________ at 4)______________________. May bahaging
ginagampanan ang 5)_____________ sa pagtataguyod at pagpapanatili
ng mga pagpapahalagang Asyano.

Tayahin

Panuto: Isulat sa inyong activity notebook ang titik ng tamang sagot.

1. Sa China, ang footbinding ay ginagawa sa mga batang babae.


Tinatanggalan sila ng kuko, binabalian ng buto sa daliri, at binabalutan ng
bondage at metal ang mga paa. Ano ang implikasyon nito sa kanilang
kultura?
a. Naging pamantayan ng kagandahan sa lipunan ang ganitong kultura.
b. Naging batas na ng lipunan ang ganitong Gawain.
c. Nakabubuti sa tingin ng kalalakihan ang ganitong tradisyon.
d. Tataas ang kalidad ng pamumuhay kung gagawin ito.
2. Hindi naging malawak ang mga karapatan at kapangyarihan ng mga
sinaunang kababaihan sa Asya. Ito ay batay sa kasaysayan nna naitala sa
mga bansang Asyano, katulad halimbawa sa India, bahagi ng paniniwala nila
ang suttee o sati, ito ay ang pagtalon ng asawang babae sa apoy nang
sinusunog na asawang lalaki. Bahagi rin ng kulturang Indiana, maaari
lamang kumain ang babaeng asawa kung tapos ng kumain ang kaniyang
asawa. Ano ang ugat ng mababang pagtingin ito sa mga kababaihang Asyano?
a. Itinuturing na mababang miyembro ng lipunan ang kababaihan at
limitado ang kanilang mga karapatan sa lipunan.
b. Hindi pinagkalooban ng langit ang mga kababaihan na mamuno sa
lipunan.
c. Mahihina ang loob at walang kakayahang mamuno ang mga babae sa
imperyo.
d. Hindi pinagkakalooban ang kababaihan ng mataas na edukasyon at
kasanayan sa buhay.

3. Anong kaugalian noon sa India ang pagsama ng babaing asawa sa funeral


pyre ng kanyang asawa bilang pagpapakita ng pagmamahal niya rito?
a. Suttee o sati b. purdah c. footbinding d. lily feet
4. Aling bansa sa Asya ang may kaugalian na ang asawang babae ay kakain
lamang pagkatapos kumain ng kanyang asawa bilang paggalang sa asawang
lalaki?
a. Japan b. China c. Pilipinas d. India
5. Ano ang tawag sa kaugalian na ang babae ay itinatago sa mata publiko sa
pamamagitan ng damit na magtatakip sa katawan , mukha at buhok ng
babae?
a. Suttee o sati b. purdah c. footbinding d. lily feet
6. Ano ang tawag sa pera o pag-aaring ipinagkaloob sa mapapangasawa?
A. dote b. alay c. abuloy d. donasyon
7. Sa Japan, negatibo ang tingin ng lipunan sa babae. Naniniwala sila sa
limang kahinaan ng babae. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang dito.
A. pagiging hindi masunurin c. masama ang bibig
b. madaling magselos d. lahat ng nabanggit
8. Anong dinastiya nagsimula ang kaugaliang Footbinding sa China?
A. Zhou b. Sung c. Tang d. Yuan
9. Sa simbolo ng Taoism, ang Yin Yang, sinasagisag ng elementong babae ang
yin. Ano naman ang katumbas na elementong sumasagisag ng yang?
A. lalaki b. ina c. anak d. magulang
10. Aling bansa sa Asya nagmula ang epikong Ramayana?
a. Japan b. China c. Pilipinas d. India

Karagdagang Gawain
Gawain 1.

Gumuhit o maggupit ng larawan na nagpapakita ng katayuan ng mga


sinauna at kasalukuyang kalagayan ng kababaihan sa iba’t ibang bansa sa
Asya. (Kulayan kung ito ay iginuhit lamang.)

Gawain 2.

Gumawa ng sanaysay tungkol sa kahalagahan ng kababaihan sa


ating lipunan.
Rubrics:
Nilalaman – 10
Kaugnayan sa paksa - 10
Paggamit ng salita - 10
Kabuuan 30
Susi sa Pagwawasto

Tayahin Isaisip
1. A 1. tradisyunal
2. A 2. mababang
3. A 3. asawa
4. D 4. ina
5. B 5. kababaihan
6. A
7. D
8. B
9. A
10 d

Balikan Pagyamanin Gawain


1.b 1. India 1 Tama
2. China 2 Mali
2. d
3. Lipunang Muslim 3 Tama
3. c 4. India 4 Mali
5. Japan 5 Tama
4. a 6. India 6 Tama
5. c 7. China 7 Tama
8. China 8 Mali
9. Lipunang Muslim 9 Mali
10. China 10 tama
Sanggunian:
• Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan, Grace Estela C. Mateo et al
pp.253-255
Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land

Here the trees and flowers bloom Gallant men And Ladies fair
Here the breezes gently Blow, Linger with love and care
Here the birds sing Merrily, Golden beams of sunrise and sunset
The liberty forever Stays, Are visions you’ll never forget
Oh! That’s Region IX
Hardworking people Abound,
Here the Badjaos roam the seas
Every valleys and Dale
Here the Samals live in peace
Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,
Here the Tausogs thrive so free
Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,
With the Yakans in unity
Ilongos,
All of them are proud and true
Region IX our Eden Land
Region IX
Our..
Eden...
Land...

The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer


One night I had a dream. I dreamed I think that I shall never see
that I was walking along the beach A poem lovely as a tree.
with the LORD.
A tree whose hungry mouth is prest
In the beach, there were two (2) sets Against the earth’s sweet flowing
of footprints – one belong to me and breast;
the other to the LORD.
A tree that looks at God all day,
Then, later, after a long walk, I And lifts her leafy arms to pray;
noticed only one set of footprints.
A tree that may in Summer wear
“And I ask the LORD. Why? Why?
A nest of robins in her hair;
Why did you leave me when I am sad
and helpless?”
Upon whose bosom snow has lain;
And the LORD replied “My son, My Who intimately lives with rain.
son, I have never left you. There was
only one (1) set of footprints in the Poems are made by fools like me,
sand, because it was then that I But only God can make a tree.
CARRIED YOU!

You might also like