You are on page 1of 20

Gardenersfield School Inc.

Purok Sta. Lucia, Pinagbarilan, Baliwag, Bulacan

7
AralingPanlipunan
Unang Markahan – Modyul 4
Kahalagahan ng Kalagayang Ekolihiko ng
Asya
7
Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 4
Kahalagahan ng Kalagayang Ekolihiko ng
Asya

PaunangSalita
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa AralingPanlipunan 7 ng Alternative Delivery Mode (ADM)
Modyu 4 ukol sa Kahalagahan ng Kalagayang Ekolihiko ng Asya!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano


na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.
Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot
(100%), maaari mong laktawan ang bahaging
ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang ma isalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad
ng buhay.
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit
ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mgagawainsamodyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:


Ito ang talaan ng lahat ng
Sanggunian pinagkuhanansapaglikha o paglinang ng
modyulnaito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumangmarka o sulat
ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa
bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mgakompetensi.
Kaya mo ito!

Talaan ng Nilalaman
Alamin ---------------- 1
Subukin ---------------- 2

Aralin ----------------
Balikan ---------------- 3
Tuklasin ---------------- 3
Suriin ---------------- 4
Pagyamanin ---------------- 9
Isaisip ---------------- 9
Isagawa ---------------- 10
Tayahin ---------------- 11
Karagdagang Gawain ---------------- 14
Sanggunian ---------------- 16
Alamin

Kasabay nang pag-unlad ng mga bansa sa Asya ay ang patuloy na paglala ng


mga suliraning pangkapaligiran na kinakaharap nito sa kasalukuyan.Isang hamon na
dapat tugunan ng bawat Asyano kung paano mapapanatili ang pagkakaroon ng
balanseng kalagayang ekolohikal sa kabila nang pag-unlad ng kabuhayan nito.( UbD
2010)

Sa araling ito, ilalahad ang mga suliraning pangkapaligiran at ang kalagayang


ekolohikal ng Asya sa kasalukuyan . Susuriin din ang mga dahilan at epekto ng
suliraning pangkapaligiran , mga hakbangin upang ito ay malutas at mapanatili ang
balanseng kalagayang ekolohikal ng mga bansa sa Asya.

Ang modyul na ito ay nakapokus sa kahalagahan ng pangangalaga sa timbang


ng kalagayang ekolohiko ng Asya.

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:CG Code-AP7HAS-lg-1.7

1. Magkaroon ng kaalaman sa kahalagahan ng pangangalaga sa timbang na


kalagayang ekolohiko sa Asya.
2. Napapahalagahan ang pakinabang ng mga likas na yaman sa pang-araw araw
na pamumuhay ng mga Asyano.
3. Naipapamalas ang wastong pangangalaga ng mga likas na yaman sa Asya.

1
Subukin

Bago natin simulan ang ating talakayan, sagutan mo muna ang mga sumusunod na
katanungan. Isulat ang salitang Tama kung wasto ang isinasaad sa pahayag at Mali
naman kung hindi.

________1. Ang Asya ang itinuturing na pinakamalawak na biodiversity sa buong


mundo.
________2. Ang mataas na bilang ng populasyon ay nangangahulugan ng
mataas na bahagdan ng paggamit ng likas na yaman.
________3. Ang kalusugan ng mga mamamayan ay hindi apektado ng
urbanisasyon.
________4. Matindi ang idinudulot na presyur sa ecosystem dahil nasasaid ang
likas na yaman nito sa pagdami ng tao.
________5. Kapag hindi mapananatili ang ecological balance, masisira ang
kalikasan.
________6. Naiiba ang karanasan ng Asya sa pagharap ng iba’t ibang
suliraning pangkapaligiran.
________7. Apektado ng land conversion ang mga tirahan ng hayop.
________8.Mahalagang pangalagaan ang ozone layer dahil pinoprotektahan
tayo nito mula sa masamang epekto ng ultraviolet rays.
________9. Nagiging mataas ang pangangailangan para sa kalikasan kung
marami ang tao sa mundo.
________10. Ang red tide ay sanhi ng dinoflagellates na lumulutang sa ibabaw
ng dagat.
________11. Ang overgrazing ay hindi nakasisira sa vegetation ng isang lugar.
________12. Masama ang dulot ng deforestation sa natural ecosystem dahil ang
likas na yaman ng kagubatan ay nababawasan.
________13. Mayroong responsibilidad ang tao na pangalagaan ang kanyang
kapaligiran.
________14. Magkaugnay ang tao sa kanyang likas na yaman.
________15. Ang pagkasira sa kalikasan ay hindi nagdudulot ng suliranin sa tao.

2
Aralin Kahalagahan ng Kalagayang Ekolihiko
ng Asya

Balikan

Sa nakaraang aralin , napag-aralan mo ang implikasyon ng agrikultura ,


ekonomiya , pantahanan at kultura sa pamumuhay ng mga Asyano noon at ngayon.
Bago tayo magpatuloy , sagutin mo muna ang tanong sa ibaba. Isulat ito sa sagutang
papel at ibigay sa inyong guro.

Paano nakalilikha ng trabaho sa mga lokal na mamamayan ang pagkakaroon ng


magagandang dalampasigan?

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
______________________________________________________

Tuklasin

Pagsusuri ng Larawan:
Panuto: Suriin at ipaliwanag ang mga pangyayari na nasa larawan. Isulat ito sa
sagutang papel.

Ang larawan ay kinuha sa https://phys.org/news/2019-12-philippines-homes.html

3
Suriin

1. Ano ang balanseng ekolohikal?


2. Kaakibat ng pag-unlad ay mga suliraning pangkapaligiran, magbigay ng
halimbawa.
3. Bilang isang mag-aaral , ano ang magagawa mo upang masugpo ang suliraning
pangkapaligiran na ito?

Ang pagkakaiba-iba at katangi-tanging anyo ng lahat ng buhay na bumubuo sa


natural na kalikasan ay tinatawag na biodiversity. Ang Asya ang pinakamalaking
kontinente sa buong mundo. Itinuturing din ito pangunahing pinagmulan ng global
biodiversity. Ang tao ay biniyayaan sa Maykapal ng likas na yaman. Tungkulin natin
na pangalagaan ang mga ito. Madalas nating nakikita sa internet o telebisyon o di
kaya ay naririnig sa radyo ang mga matinding pagbaha sa iba’t ibang panig sa
mundo kaakibat ang landslide dulot ng malakas na pag-ulan at bagyo. Tumitindi na
rin ang init ng mundo o global warming.

Sa ating talakayan sa mga suliranin sa isyung pangkapaligiran, makatutulong sa


iyo ang mga sumusunod.

1. Desertification- Tumutukoy sa pagkasira ng lupain sa mga rehiyong


bahagyang tuyo o lubhang tuyo na kapag lumaon ay hahantong sa
permanenteng pagkawala ng kapakinabangan o productivity nito tulad ng
nararanasan sa ilang bahagi ng China, Jordan, Iraq, Lebanon , Syria,
Yemen , India at Pakistan.
2. Salinization- Sa prosesong ito , lumilitaw sa ibabaw ng lupa ang asin o kaya
naman ay inaanod ng tubig papunta sa lupa. Ito ay nagaganap kapag mali
ang isinisagawang proseso ng irigasyon, sa paligid ng mga estuary at
gayundin sa lugar na mababa ang balon ng tubig o water table. Unti-unting
nanunuot ang tubig-alat o salt-water kapag bumababa ang water level gaya

4
ng nararanasan ng bansang Bangladesh sapagkat nanunuot na ang tubig-
alat sa kanilang mga ilog.
3. Habitat- Tirahan ng mga hayop at iba pang mga bagay. Ito ang pangunahing
apektado ng land conversion o ang paghahawan ng kagubatan, pagpapatag
ng mga mabundok o maburol na lugar upang magbigay-daan sa mga
proyektong pangkabahayan.
4. Hinterlands – Malayong lugar, malayo sa mga urbanisadong lugar ngunit
apektado ng mga pangyayari sa teritoryong sakop ng lungsod. Ang lungsod
ay nangangailangan ng pagkain, panggatong at troso para sa konstruksiyon
na itinustos ng hinterlands na humahantong sa pagkasaid ng likas na yaman
nito.
5. Ecological Balance- Balanseng ugnayan sa pagitan ng mga bagay na may
buhay at ng kanilang kapaligiran.
6. Deforestation- Pagkaubos at pagkawala ng mga punongkahoy sa mga
gubat. Isa ito sa mga problemang nararanasan ng Asya sa kasalukuyan .
Ayon sa Asian Development Bank (ADB) nangunguna ang Bangladesh,
Indonesia, Pakistan, at Pilipinas sa mga bansang may pinakamabilis na antas
o rate ng deforestation.
7. Siltation – Parami at padagdag na deposito ng banlik na dala ng umaagos
na tubig sa isang lugar. Ito ay isa rin sa mga problemang kinakaharap ng mga
bansa sa Asya na dulot o bunsod ng pagkasira ng kagubatan at erosyon ng
lupa, gaya ng kondisyon ng lawa ng Tonle Sap sa Cambodia.
8. Red Tide- Ito ay sanhi ng dinoflagellates na lumulutang sa ibabaw ng dagat .
9. Global Climate Change – Pagbabago ng pandaigdigan o rehiyunal na klima
na maaring dulot ng likas na pagbabago sa daigdig o ng mga gawain ng tao.
Karaniwang tinutukoy nito sa kasalukuyan ay ang pagtaas ng katamtamang
temperature o global warming.
10. Ozone Layer- Isang suson sa stratosphere na naglalaman ng maraming
konsentrasyon ng ozone. Mahalagang pangalagaan ang ozone layer
sapagkat ito ang nagpoprotekta sa mga tao, halaman, at hayop mula sa
masamang epekto ng radiation na dulot ng ultraviolet rays.

5
Ngayon alam mo na ang mga mahahalagang terminong kaakibat ng mga
suliraning kapaligiran. Maaring naitanong mo sa iyong sarili kung anu-ano ang dahilan
ng mga suliraning ito? Bakit kaya ito nangyayari ? Ang sumusunod na teksto ay
makatutulong sa iyo para magkaroon ng kasagutan ang iyong mga katanungan.

Mga Suliraning Pangkapaligiran sa Asya

Pagkasira ng Lupa

Tunay na malaki at mahalaga ang papel na ginagampan ng lupa upang patuloy


na mabuhay ang mga tao. Sa kapakinabangan o productivity nito nakaasa ang mga
produktong agricultural na tumutustos sa kabuhayan ng mamamayan. Gayunman, ang
pag-abuso sa lupa ay nagbubunsod ng malalang mga suliranin gaya ng salinization at
alkalinization na nagaganap kapag mali ang isinasagawang proseso ng irigasyon.
Malubhang problema ang salinization sa Bangladesh sapagkat nanunuot na ang tubig-
alat sa kanilang mga ilog na dumadaloy sa 38% ng bansa. Nasa 33% ng mamamayan
nito ang nakikinabang sa ilog na ito. Samantala, isa ring malubhang problema sa lupa
ay ang desertification gaya ng nararanasan sa ilang bahagi ng China na
nakapapagtala na nang halos 358,800 km 2 na desertified na lupain .Maging sa ilang
bahagi ng Asya tulad ng Timog- Kanlurang Asya ay nakararanas din ng tuyong lupain
gaya ng Jordan, Iraq, Lebanon, Syria at Yemen, at ang India at Pakistan sa Timog
Asya. Ang pagkasira ay maaring magdulot ng matinding suliranin gaya ng kakulangan
sa pagkain at panganib sa kalusugan.

Isa pang pinagmulan ng pagkasira ng lupa ay ang overgrazing kung saan ang
kapasidad ng damuhan ay hindi sapat sa laki ng kawan ng hayop. Ito ay nakasisira sa halaman
o vegetation ng isang lugar . Ang hilagang Iraq, Saudi Arabia , at Oman ay ilang lamang sa
mga bansang nakararanas ng ganitong sitwasyon.

Urbanisasyon

6
Dahil sa mabilis na urbanisasyon sa Asya, labis nang naapektuhan ang kapaligiran nito.
Ito ay nagbunsod sa mga kaugnay na problema gaya ng pagdami ng mahihirap na lugar o
depressed areas at may mga pamayanan na may mataas na insidente ng pagkakasakit at
ibang panganib sa kalusugan. Mahigit sa 3,119 sa mga bayan at lungsod ng India ay may
ganitong sitwasyon. Ang kalusugan ng mamamayan sa mga lungsod ay direktang naapektuhan
ng urbanisasyon gaya ng pagtatapon ng mga industriya ng kanilang wastewater sa tubig o sa
lupa. Ang mga kalapit–bayan ng lungsod ay naaapektuhan din ng urbanisasyon sapagkat dito
kinukuha ang ilang mga pangangailangan ng lungsod na nagiging sanhi ng pagkasaid ng likas
na yaman nito. Kaugnay na problema rin ng urbanisasyon ay ang noise pollution mula sa
sasakyan, gayundin ang mga ilang aparato at makinang gumagawa ng ingay. Ayon sa mga
eksperto, may epekto sa kalusugan ang labis na ingay sapagkat nagdudulot ito ng stress at
nakadaragdag ng pagod. Sa ilang sitwasyon, ito ay nagiging sanhi ng pagkabingi.

Pagkawala ng Biodiversity

Ang kontinente ng Asya ay itinuturing na isa sa mga pinakamayamang biodiversity sa


buong mundo. Ang China, India , Thailand, Indonesia at Malaysia ay katatagpuan ng
pinakamaraming species ng mga isda, amphibian, reptile , ibon, at mammal . Ngunit sa kabila
nito , ang Asya rin mismo ang nakapagtala ng pinakamabilis na pagkawala ng biodiversity
bunsod ng : (1.) patuloy na pagtaas ng populasyon , (2.) walang-habas na pagkuha at paggamit
ng mga likas na yaman, (3.) pag-aabuso sa lupa (4.) pagkakalbo o pagkakasira ng kagubatan
(deforestation) , (5.) polusyon sa kapaligiran , at (6) ang introduksyon ng mga species na hindi
likas sa isang partikular na rehiyon.

Pagkasira ng Kagubatan

Ang deforestation o tahasang pagkawasak ng kagubatan ay isang napakakritikal


na problemang pangkapaligiran. Masama ang dulot nito sa natural ecosystem
sapagkat ang likas na yaman ng kagubatan ay nababawasan .Pinipiling putulin ang
mga punong may ilang libong taon nang nabubuhay sa kagubatan at hindi ito basta
lamang napapalitan sa pamamagitan ng muling pagtatanim. Sa pagkawala ng mga
puno, marami ring mga species ng halaman at hayop ang nanganganib dahil
nawawalan sila ng natural na tirahan o natural habitat. Ang pagkakalbo ng kagubatan

7
ay nagbibigay-daan sa iba pang problemang pangkapaligiran tulad ng pagbaha, erosion
ng lupa, pagguho ng lupa, siltasyon, at sedimentation.

Pagyamanin

Gawain 1. Hanapin at Iguhit Mo Ako !


Gamit ang mapa sa ibaba. Iguhit sa sagutang papel ang bansang may problema
sa isyung pangkapaligiran batay sa diskusyon sa itaas. Pagkatapos ay isulat ang
suliraning pangkapaligiran na kanilang kinakaharap. Ibigay ang output sa iyong guro.

8
.
Ang larawan ay kinuha sa https://www.pinterest.ph/pin/139048707228470266/

Isaisip

Ang ____________________ ay ang pagkaubos at pagkawala ng mga punongkahoy


sa mga _________________.

Isagawa

Gawain 2: Hanap Solusyon


Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang mga angkop na solusyon sa suliraning
pangkapaligirang nakalista. Isulat ang sagot sa nakalaang patlang.

Pagtatanim ng mga puno sa mga kagubatan Pagpapatigil sa mga illegal na


Pagmimina

9
Huwag magsusunog ng mga plastic Huwag gumamit ng dinamita sa
pangingisda

Itapon ang mga basura sa wastong lalagyan Maging malinis sa katawan at


kapaligiran

Linisin ang mga kanal na pwedeng daluyan Pagpreserba sa mga hayop sa


ng tubig kagubatan

Limitahan ang pagamit ng mga bagay na may Magplano ng pamilya


CFC

Suliraning Pangkapaligiran Solusyon


1.Tahasang paglobo ng populasyon
2. Pagkamatay at pagkasira ng mga yamang
dagat
3. Pagkakalbo ng mga kagubatan
4. Pagbaha sa mga bayan o lungsod
5. Pagkaubos ng mga yamang mineral
6. Nakakalat at mabahong basura kahit saan
7.Pagkasakit dulot ng maruming kapaligiran
8. Pagkasira/pagkabutas ng Ozone Layer
9. Polusyon sa hangin
10. Pagkawala ng mga hayop sa kagubatan

Tayahin

1. Ito ay tirahan ng mga hayop at iba pang mga bagay.


A. Desertification B. Habitat
C. Ecology D. Ozone Layer

10
2. Ito ang pinakamalaking kontinente sa buong mundo na pinagmulan din ng
pangunahing global biodiversity.
A. Africa B. Asya
C. North America D. South America

3. Ano ang tawag sa pagkasira ng lupain sa mga rehiyong bahagyang tuyo o lubhang
tuyo?
A. Deforestation B. Desertification
C. Salinization D. Siltation

4. Ang mga sumusunod ay mga dahilan kung bakit mabilis ang pagkawala ng
biodiversity sa Asya MALIBAN sa isa.
A. Pag-aabuso sa lupa. B. Pagkasira ng kagubatan.
C. Paggamit ng eco-bags. D. Pagtaas ng populasyon

5. Paano nakaaapekto sa kalikasan ang pagdami ng populasyon sa mundo?


A. Sa pagdami ng tao, nadaragdagan din ang produksiyon ng basura.
B. Ang Land Conversion ay nagreresulta sa pagkawasak ng tirahan ng
iba’t ibang species at hayop.
C. Matindi ang idinudulot na presyur sa ecosystem dahil nasasaid ang
likas na yaman nito sa pagdami ng tao.
D. Lahat ng nabanggit

6. Bakit dapat pahalagahan ang mga likas na yaman ng Asya?


A. Magkaugnay ang tao sa kanyang likas na yaman.
B. Hindi mabubuhay ang tao kung walang likas na yaman
C. Dahil dito kinukuha ng mga Asyano ang kanilang ikinabubuhay.
D. Lahat ng nabanggit .

7. Bakit mahalagang panatilihin ang ecological balance sa Asya?


A. Magkakaugnay ang tao at kapaligiran nito.

11
B. Kapag hindi mapananatili ang ecological balance, masisira ang
kalikasan.
C. Mawawalan ang tao ng kanyang tirahan kung mapapabayaan ang
kalikasan.
D. Dahil ito ay nakakaapekto nang lubos sa pangkalahatang kalidad ng
kapaligirang pandaigdig.
8. Ano ang implikasyon kung naging mabilis ang paglaki ng populasyon ng isang
bansa?

A. Maraming mahirap sa bansang ito.


B. Mas mataas ang potensyal ng paglaki ng populasyon.
C. Nangangahulugan ito ng karagdagang pangangailangan sa likas na
yaman ng isang bansa.
D. Sagana sa likas na yaman ang bansa at kayang tustusan ang
pangangailangan ng mga mamamayan.

9. Nais ng iyong guro na magkaroon ng eco-tourism campaign sa inyong lugar.


Alin sa mga sumusunod ang nararapat mong gawin para magkaroon ng
matibay na ugnayan ang Local Government Unit at ang iyong paaralan?
A. Magtweet sa social networking sites ukol sa inyong lugar.
B. I tag sa facebook ang magagandang tanawin sa iyong lugar.
C. Magdaos ng isang engrandeng pagtitipon sa inyong barangay hall.
D. Anyayahan ang Local Tourism Officer ng iyong lugar para magbigay
ng eco-campaign
10. Ang Asya sa kasalukuyan ay dumaranas ng iba’t ibang suliranin gaya ng
pagkasira ng kapaligiran at paglaki ng populasyon na nakakaapaekto sa pag-
unlad ng mga bansa sa rehiyon. Ikaw bilang kabataan ay naanyayahan na
dumalo sa isang pagpupulong upang talakayin ang solusyon sa paglutas sa
suliranin. Ano ang iyong imumungkahi upang malutas ang suliranin?
A. Dumulog sa United Nations upang malutas ang suliranin.
B. Ipagbawal ang paggamit ng plastic upang mabawasan ang suliranin
sa kapaligiran.

12
C. Magpapatupad ng programa na magbabawal sa mga mag-asawa na
magkaroon ng anak.
D. Magsagawa ng mga kampanya upang ipaunawa ang kahalagahan ng
kapaligiran at tao sa pag-unlad ng isang bansa.

Para sa bilang 11- 15. Isulat ang salitang Ayos kung tama ang isinasaad na pahayag at
Hindi naman kung mali.

_________11. Nagiging mataas ang pangangailangan para sa kalikasan kung


marami ang tao sa mundo.
_________12. Ang tirahan ng mga hayop at mga bagay ang pangunahing
apektado ng land conversion.
_________13.Sa Asya lamang nararanasan ang mga suliraning pangkapaligiran.
_________14. Ang Asya ang itinuturing may pinakamalawak na biodiversity sa
mundo.
_________15. Ang red tide ay sanhi ng dinoflagellates na lumulutang sa ibabaw
ng dagat

Karagdagang Gawain

Panuto: Isulat ang markang √ ang bilang kung ang pahayag/gawain ay tungkol sa
pangangalaga sa kalikasan. Markang X naman ang isulat kung ito ay tungkol sa
pagkasira ng kalikasan. Ilagay ang sagot sa sagutang papel.

_________1. Paggawa ng Santuary/sangtuaryo para sa mga isda.

13
_________2. Itapon ang mga basura sa mga ilog at kanal.

_________3. Paggamit ng dinamita sa pangingisda.

_________4. Pagtatapon ng mga kemikal sa mga ilog at dagat.

_________5. Pagbabaon ng mga basurang nabubulok sa ilalim ng lupa.

_________6. Pagtatanim ng mga puno at halaman.

_________7. Pagpuputol ng mga punong kahoy sa gubat

_________8. Pagsusunog ng mga plastic at basura.

_________9. Paghihiwalay ng mga basura sa nabubulok at di nabubulok.

_________10. Paggamit ng bisikleta o paglalakad kung malapit lang ang


pupuntahan

Binabati kita! Ngayong natapos mo na ang Modyul na ito, inaasahan kong mas
magiging malawak pa ang iyong pananaw para pangalagaan ang ating Inang
Kalikasan.

Sanggunian

Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-


aaral

Gabay sa Pagtuturo ng Kurikulum ng Edukasyong Sekundarya ng 2010 ( Araling


Panlipunan II ), ang disenyong UbD

14
ELECTRONIC RESOURCES

https://phys.org/news/2019-12-philippines-homes.html
https://www.pinterest.ph/pin/139048707228470266/

15

You might also like