You are on page 1of 18

Gardenersfield School Inc.

Purok Sta. Lucia, Pinagbarilan, Baliwag, Bulacan

7
Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 3
Implikasyon ng mga Likas na Yaman sa
Pamumuhay ng mga Asyano

1
7
Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 3
Implikasyon ng mga Likas na Yaman sa
pamumuhay ng mga Asyano

Talaan ng Nilalaman

2
Paunang Salita ----------------- i
Icons ng Modyul - - - - - - - - - -- - - - - - - - i-ii
Pangkalahatang Panuto - - - - - - - - - - - - - - - -- ii
Alamin ---------------- 1
Subukin - - - - - - -- -- - - - - - - - - 2
Gawain 1: Sagot -Talolot ----------------- 2

Aralin ----------------- 3
Balikan ----------------- 3
Tuklasin ----------------- 4
Gawain 2: Math-Talino ---------------- 4-5
Suriin ------------------- 6
Gawain 3: Pic-Obserbasyon - - - - - - - - - - - - - - - - - 6
Pagyamanin ------------------- 7
Gawain 4: Ito Noon, Ganito Ngayon - - - - - - - - - - - - 7
Isaisip ------------------ 8
Isagawa ------------------ 9
Gawain 5: Bigay-Output - - - - - - - - - - - -- - - - - - - 9
Tayahin - - - - - - - - - - - - - - - -- - - 10
Karagdagang Gawain - - - - - - - - - - - - - - - - -- - 11
Sanggunian - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 13

3
Paunang Salita
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa AralingPanlipunan 7 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul
1 ukol sa Implikasyon ng mga Likas na Yaman sa Pamumuhay ng mga Asyano.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka saloob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Icons ng Modyul
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuhamo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan
sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga
sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi
sa pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

1
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing
Isagawa makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay
na sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay Gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong Gawain upang pagyamanin
ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga Gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan


Sanggunian
sa paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Pangkalahatang Panuto
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat
ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob
sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang Gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat
ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga Gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay

2
nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na
mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong is

Alamin

Ang modyul na ito ay nilikha at isinulat alang alang sa kapakanan ng tulad mong
mag-aaral. Layunin nito ay mas mapalawak pa ang iyong kaalaman tungkol sa mga
likas na yaman at ang mahalagang papel na ginagampanan nito sa pamumuhay ng
mga Asyano noon at ngayon. Laman ng modyul na ito ang iba,t ibang gawain at
impormasyon upang mabigyan din ng pansin ang magka ibang antas ng pagkatuto ng
mga mag-aaral.

Tatalakayin sa modyul na ito ang epekto ng mga likas na yaman sa pamumuhay


ng mga tao. Lalung-lalo na sa mga pagbabagong dala nito.

Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahan na:

1. Naipamamalas mo ang pag-unawa sa ugnayan ng kapaligiran at tao sa


paghubog ng sinaunang kabihasnang Asyano.
2. Nasusuri mo ang Yamang Likas at ang mga implikasyon ng kapaligirang pisikal
sa pamumuhay ng mga Asyano noon at ngayon.
3. Napapahalagahan mo ang mga likas na yamang nagdulot ng pagbabago sa
pamumuhay ng mga Asyano noon at ngayon
4. Nakapagbibigay ka ng halimbawa ng pagbabago sa pamumuhay ng mga Asyano
sa pamamagitan ng paglinang ng mga likas na yaman.

3
Subukin

Gawain 1: Sagot-Talolot
Panuto: Punan mo ang mga blangkong kahon ayon sa hiningi nito. Pumili ka ng
angkop na sagot sa loob ng mga talolot ng bulaklak.

Tapos na Produkto Hilaw na Uri ng Likas na


(End Product) Materyales Yaman
1. Ginto 2.
3. 4. Yamang Tubig
Kabinet 5. Yamang Gubat
Tela 6. 7.
8. Seaweeds(guso) 9.
10. Fossils 11.
Tsokolate 12. 13.
14. Iron Ore 15.

pa
lan
gg o
an tros
a
Stee
l alahas

bulak Yamang Tubig

Yamang mineral lang


is
caca
o
Yamang Gubat
pa
Yamang lu

FigureLinapatchwork.com
1

4
Aralin Implikasyon ng Likas na Yaman
sa pamumuhay ng mga Asyano

Balikan

Bago mo simulan ang paglinang sa isang panibagong kaalaman, alalahanin muna ang
ilang importanteng impormasyon na maaring may kaugnayan sa paksa.

Sagutin mo ang tanong: Ano ang apat(4) na uri ng Likas na Yaman? Magbigay ng tig-
iisang halimbawa.

Uri ng Likas na Yaman Halimbawa


1.
2.
3.
4.

Tuklasin

5
Gawain 2: Math-Talino!
Panuto: Sagutan ang matematikong katanungan at isulat ang katumbas na letra sa
alpabeto upang mabuo ang parirala na nasa ibaba.

4+5=? M 32 ÷2=? L I 22-11=? A S Y 45 ÷3=? N

18+7=? A M 1 x 1 x 1 =? N
ng Likas na sa pamumuhay ng mga

A 25-6=? Y A 24 ÷ 2=? O
noon at ngayon.

Implikasyon ng mga Likas na Yaman


Mayroong malaking implikasyon(epekto) ang mga likas na yaman na taglay ng mga
bansang Asyano. Nagdulot ito ng malaking pagbabago sa iba’t ibang aspeto ng
pamumuhay ng mga taong naninirahan dito.
Agrikultura
Malaking bahagi ng lupain sa Asya ay nakalaan para sa Agrikultura, mula sa tradisyonal
na paraan ng pagtatanim at pag-aani, ang paggamit ng mga makabagong teknolohiya
ang nagpabilis at mas nagpadami sa produksyon ng palay, mais, gulay, atbp. Malaking
tulong ito upang matugunan ang mga importanteng pangangailan ng tao lalung-lalo na
sa pagkain. Bukod pa diyan, nakapagluluwas din ito ng maraming produkto sa ibang
panig ng mundo.

Ekonomiya
Hindi maitatanggi na sagana ang Asya sa mga hilaw na materyales na ginagawang
sangkap para makabuo ng mga produkto. Sa katunayan, ang mga mauunlad na bansa

6
sa Europa at Amerika ay sa Asya umaangkat ng mga materyales para eproseso sa
kanilang mga pagawaan. Sa paraang ito ay tumataas ang pambansang kita. Ang
paglinang ng mga Asyano sa mga likas na yaman gamit ang tradisyonal at
makabagong teknolohiya ay nagbigay daan para mas mapabuti ang pamumuhay ng
mga tao. Kasabay ng pag unlad ng ekonomiya ay pagkasira at pagka ubos ng likas na
mga biyaya.

Panahanan
Ang pag-unlad ng teknolohiya ay sinabayan ng pagdami ng tao. Karamihan sa mga
likas na yamang taglay ng ating kapaligiran ay hindi madaling napapalitan. Isa sa mga
halimbawa ay mga puno na umaabot ng maraming taon para muling mapakinabangan.
Ang paggamit ng makabagong kaalaman para baguhin ang natural na kapaligiran ang
ginawa ngayon ng mga tao na nagdudulot naman pagkawala sa balanse ng ekolohiya.

Suriin

Gawain 3: Pic-Obserbasyon

7
Panuto: Base sa larawang iyong nakikita isulat mo ang iyong obserbasyon sa mga
pagbabago o transpormasyon sa kapaligiran at mga produkto. Ipaliwanag kung paano
ito nangyari at ano ang implikasyon nito sa pamumuhay?

8
Figure 3
Figure 2

1.
Pagbabago

https://www.pngitem.com/middle/hmTiiTJ_drive-car-clipart-
clipart-free-library-man-driving/
https://www.twinkl.co.za/illustration/horse-and-cart

Figure 4 Figure 5

2. Pagbabago

https://www.pngguru.com/search?png=mailbox
https://www.cleanpng.com/png-email-open-rate-mobile-
phones-responsive-web-desig-997700/
Figure 6
Figure 7

3.

Pagbabago

https://www.dreamstime.com/illustration/rice- https://www.netclipart.com/isee/mbxTwx_vector-illustration-of-
paddy-plant.html farm-equipment-combine-harvester-landwirtschaft/

Krayteriya sa pagbibigay ng puntos sa iyong sagot


Nilalaman ----10
Organisasyon--5
Orihinalidad ---5
Kabuuan ------20

Pagyamanin

Gawain 4: Ito Noon, Ganito Ngayon

Panuto: Para mas lalo mong mapagyaman ang iyong kaalaman tungkol sa mga pagbabagong
hatid ng paglinang sa mga likas na yaman sa iyong kapaligiran, punan mo ang mga blangko sa
bawat kolum. Maaring ito ay pangyayari, produkto o kagamitan ng mga Asyano noon o ngayon.
Gamitin mo ang mga pahiwatig sa bawat numero.
Pahiwatig:
1. Kagamitan sa pagsasaing.

9
2. Ginagamit na sasakyan.
3. Paraan para makakita o para may mabigay na pagkain sa pamilya.
4. Paraan ng pagbayad sa pinamili.
5. Anyo ng bahay.
6. Paraan ng komunikasyon.
7. Makabagong paraan sa pagkalap ng impormasyon.
8. Paraan ng pagpreserba sa pagkain.
9. Lugar kung saan kalimitang naliligo.
10. Pinagkukunan ng tubig na maiinom

Isaisip

Kung
pagtutuunan
mo ng
pansin ang
mga bagay
na nasa
iyong paligid ay marami kang makikitang ebidensya ng mahahalagang implikasyon ng
mga likas na yaman sa iyong pang araw-araw na buhay. Halimbawa ay ang mga
produkto, gamit at pagkain. Ang mga ito ay dumaan sa mga prosesong simple at yung
iba ay sa pabrika o pagawaan pa nagmula.

Mayroong maraming paraan ng pagproseso ng mga produkto. Ilan sa mga ito ay


ang tinatawag na canning, fermentation at freezing. Isinasagawa ang paraang ito
para gawing tapos na produkto ang mga hilaw na materyales. Hindi pa rin naman
nawawala ang mga tradisyonal na paraan ng pagproseso sa mga pagkain para
maiwasan ang mabilis na pagkabulok nito, tulad ng pagpapausok, pagbilad sa init ng

10
araw, at pag aasin. Sa paglipas ng panahon ay lalo pang ginamit ng tao ang kaniyang
kaalaman para malinang ang kayamanan na nasa kaniyang pisikal na kapaligiran.

Sagutin: Isulat mo ang iyong ideya sa pamamagitan ng pagsagot sa tanong.

Ano ang naging epekto ng paglinang ng mga likas na yaman sa pamumuhay ng


mga Asyano noon at ngayon? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Sagot:
________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________________

Isagawa

Gawain 5: Bigay-Output
Panuto: Maaari mo bang kumpletuhin ang listahan na nasa ibaba? Alamin mo ang mga
tapos na produkto base sa mga hilaw na materyales na nakalista.

Hilaw na Materyales Tapos na Produkto

Halimbawa: TROSO Papel, Kabinet, Muwebles

1. Baboy 1.

2. cacao 2.

3. ginto 3.

4. isda 4.

11
5. seaweeds 5.

6. Kamoteng kahoy 6.

7. Silk worm 7.

8. Rubber tree 8.

9. pilak 9.

10. coal 10.

Tayahin

Tama o Mali: Basahin at unawain mong mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang salitang
TAMA kung ang pahayag ay tama. Kung mali, ay isulat ang salitang dapat ipalit sa
salitang may salungguhit upang ito ay maging tama.
1. Ang mga produktong bulak, palay at gulay ay nagmula sa lupa.
2. Karaniwang sa mga damit na suot mo ay yari sa tela na nagmula sa kawayan.
3. Para mas mapadali ang pagpapadala ng mga liham o mensahe ay gumagamit
ka ng envelop.
4. Ang Kotse ay isang makalumang sasakyan na ginagamit sa sinaunang
panahon.
5. Ang cacao ang nangungunang sangkap sa paggawa ng Tsokolate.
6. Ang harvester ay isang makalumang kagamitan na ginagamit para mas
mapadali ang pag-aani ng palay.
7. Nagmula sa karagatan ang mga naglalakihang troso na ginagamit sa paggawa
ng mga tulay at gusali.
8. Ginagawang sangkap sa paggawa ng mga alahas ay ang ginto.
9. Ang ginto ay nakukuha sa pamamagitan ng pagtatanim.
10. Ang mga fossils na ilang libong taon nang nakabaon sa lupa ay minimina upang
maging langis at petrolyo.

12
11. Ang mga sinaunang tao ay kadalasan sa sapa naliligo.
12. Sa tradisyonal na pagsasaka ay gumagamit sila ng kalabaw para mag-araro.
13. Ang mga studyante ng modernong panahon ay gumagawa ng pananaliksik sa
internet café.
14. Canning ay ang tawag sa proseso ng paggawa ng sardinas.
15. Ang kamoteng kahoy ay pinoproseso para gawing harina.

Karagdagang Gawain

Gumuhit ng isang bagay na iyong nakikita sa inyong tahanan. Isulat ang maikling
deskripsyon tungkol dito at ipaliwanag ang kahalagahan nito sa iyong pang araw-araw
na buhay

Pamantayan sa Pagbibigay ng Puntos

Pagkamalikhain ----------------------- 10

Kaangkopan ng Nilalaman -------- 10

13
Orihinalidad ---------------------------- 5

Kabuuan ------------ 25

Sanggunian
ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-
aaral, pp. 41-45

Mga Website

Figure 1- https://www.linapatchwork.com/product/16-petal-dresden-plate-medium.
Retrieved on May 29, 2020

Figure 2- https://www.twinkl.co.za/illustration/horse-and-cart. Retrieved on May 28, 2020

Figure 3- https://www.pngitem.com/middle/hmTiiTJ_drive-car-clipart-clipart-free-library-
man-driving. Retrieved on May 29, 2020

Figure 4- https://www.pngguru.com/search?png=mailbox. Retrieved on May 28, 2020

Figure 5- https://www.cleanpng.com/png-email-open-rate-mobile-phones-responsive-web-
desig-997700. retrieved on May 29, 2020

Figure 6- https://www.dreamstime.com/illustration/rice-paddy-plant.html. Retrieved on May


29, 2020

Figure 7- https://www.netclipart.com/isee/mbxTwx_vector-illustration-of-farm-equipment-
combine-harvester-landwirtschaft. Retrieved on May

14

You might also like