You are on page 1of 5

BUNAWAN NATIONAL HIGH SCHOOL

Bunawan, Agusan del Sur


Edukasyon Sa Pagpapakatao 7
Ikatlong Markahan

Unang Linggo

Pangalan:___________________________________ Baitang/Seksyon:___________________
Guro: ISABELO III DE ASIS ALFEREZ Iskor: ___________________
Contact number: 09389112278

Ang Kalayaan at ang Pananagutan Ko

I. Kasanayang Pampagkatuto at koda:

• Nakikilala ang pagkakaiba at pagkakaugnay ng birtud at pagpapahalaga (EsP7PB-IIIa-9.1)

• Natutukoy:
a. ang mga birtud at pagpapahalaga na isasabuhay at
b. ang mga tiyak na kilos na ilalapat sa pagsasabuhay ng mga ito (EsP7PB-IIIa-9.2)

II. Panimula (Susing Konsepto):

Kaugnayan ng Birtud at Pagpapahalaga


Ang pagpapasya ay ang pagpili ng kilos o aksyon na gagawin ng tao o tugon ayon sa kinakaharap na
sitwasyon. Ngunit maaaring tama o mali ang maging pasya. Paano naugnay ang birtud at pagpapahalaga dito.
Bigyan muna natin ng kahulugan ang birtud at pagpapahalaga.
Kahulugan at Uri ng Birtud
Nagmula ang birtud o virtue mula sa salitang latin na Virtus (vir). Ang kahulugan nito ay pagiging tao,
pagiging matatag at pagiging malakas. Ito ay nararapat lamang para sa tao. Mahalagang maunawaan na ang
virtue ay laging nakaugnay sa pag-iisip at pagkilos ng tao. Ang mga birtud ay hindi taglay ng tao mula sa kanyang
kapanganakan. Maaari niya itong taglayin sa paglipas ng panahon depende sa mga habit o gawi na kanyang
malilinang. Ang habit o gawi ay bunga ng paulit-ulit na pagsasagawa ng isang kilos. Hindi lamang kinagawiang
kilos ang birtud kundi kilos na pinagpasyahang gawin ayon sa tamang katwiran.

Dalawang Uri ng Birtud


1. Intelektwal na birtud- may kinalaman sa isip ng tao na tinatawag ding gawi ng kaalaman

Mga Uri ng Intelektwal na Birtud


a. Pag-unawa (understanding)
b. Agham (Science)
c. Karunungan (wisdom)
d. Maingat na Paghuhusga (Prudence)
e. Sining (art)
2. Moral na Birtud-may kinalaman sa pag-uugali ng tao, mga gawi na nagpapabuti sa tao.
a. Katarungan (justice)- ang birtud na gumagamit ng kilos-loob upang ibigay sa tao ang nararapat lamang
para sa kanya.
b. Pagtitimpi (temperance o moderation)- pagpipigil o pagkontrol sa sarili na maiwasan ang tukso o
masamang gawain.
c. Katatagan (fortitude)- ang birtud na ito ang nagpapatibay o nagpapatatag sa tao na harapin ang
anumang pagsubok.
d. Maingat na Paghuhusga (prudence)- itinuturing na ina ng mga birtud sapagkat ang pagsasabuhay ng
ibang birtud ay dumadaan sa maingat na paghuhusga.

Kahulugan at Uri ng Pagpapahalaga

Ang value o pagpapahalaga ay mula sa salitang latin na valore na nangangahulugan ng pagiging matatag o
malakas at pagiging makabuluhan o pagkakaroon ng saysay o kabuluhan. Ayon kay Max Scheler, (Dy M.,1994)
1|P age
ang pagpapahalaga ay obheto ng ating intensyonal na damdamin. Sinasabi ni Scheler na ang pagpapahalaga
ang nagbibigay ng kabuluhan o kalidad sa buhay ng tao. Narito ang mga katangian ng pagpapahalaga:
a. Immutable at objective- hindi nagbabago ang mga pagpapahalaga.
b. Sumasaibayo (transcends) sa isa o maraming indibidwal
c. Nagbibigay ng direksyon sa buhay ng tao
d. Lumilikha ng kung ano ang nararapat (ought -to-be) at kung ano ang dapat gawin (ought-to-do)

Mga uri ng Pagpapahalaga


1. Ganap na Pagpapahalagang Moral (Absolute Moral Values)- Ito ang pangkalahatang katotohanan
(universal truth) na tinatanggap ng tao bilang mabuti at mahalaga.
2. Pagpapahalagang Kultural na Panggawi (cultural behaviors)- Maaari itong pansariling pananaw ng
tao o paniniwala ng isang pangkat kultural.

Kaugnayan ng Pagpapahalaga at Birtud


Ang mga pagpapahalaga at birtud ang nagbibigay halaga sa ating tunay na pagkatao. Bagamat magkaiba
subalit magkaugnay ang pagpapahalaga at birtud. Dahil ang pagpapahalaga ang nagbibigay ng kabuluhan o
kalidad sa buhay ng tao, kaya’t ito ang pinagsusumikapan ng tao na makamit ayon kay Ayn Rand.
Ang birtud, ayon pa rin kay Rand ay ang mabuting kilos na ginagawa ng tao upang isakatuparan ang
pinahahalagahan. Ito ang moral na gawi na nagreresulta ng pagkakamit at pagpapanatili ng pagpapahalaga.
Samakatuwid, kung ang pagpapahalaga ang layunin o tunguhin ng tao…ang birtud ang daan upang makamit
ito. Ang ating mga pinagpapasyahang mabuting kilos kung paulit-ulit nating isasagawa ay magiging gawi na
kalauna’y magiging birtud. Mga birtud na magagamit naman natin sa pagsasakatuparan ng ating pagpapahalaga.
Nagsisimula ang lahat sa tamang pagpili ng isasagawa o pagpapasya.

III. Mga Gawain

Gawain 1

Panuto: Matapos mong mabasa ang texto sa Suriin, hanapin mo at pag-ugnayin ang mga kaisipan sa kolum
A at B, batay sa iyong natutunan. Isulat ang titik sa sagutang papel.

A B
1. Ito ay bunga ng paulit-ulit na pagsasagawa ng a. Birtud
isang kilos b. Pagpapahalaga
2. May kinalaman ito sa pag-uugali ng tao, mga gawi c. Katangian ng pagpapahalaga
na nagpapabuti sa tao. d. Habit o Gawi
3. may kinalaman sa sa isip ng tao na tinatawag ding e. Intelektwalna birtud
gawi ng kaalaman f. Moral na birtud
4. Nangangahulugan ng pagiging tao, pagiging g. Ganap na Pagpapahalagang Moral
matatag at pagiging malakas (Absolute Moral Values)
5. Ito ang obheto ng ating intensyonal na damdamin h. Pagpapahalagang Kultural na Panggawi
6. Nagbibigay ito ng kabuluhan o kalidad sa buhay ng (cultural behaviors)
tao i. pagpapasya
7. Ito ang pangkalahatang katotohanan (universal
truth) na tinatanggap ng tao bilang mabuti at
mahalaga.
8. Ito ay maaring pansariling pananaw ng tao o
kolektibong paniniwala ng isang pangkat kultural.
9. immutable o objective
10. nagbibigay direksyon sa buhay ng tao

Gawain 2

Panuto: Lapatan ng tamang salita ang patlang upang mabuo ang kaisipan na nais ipahayag ng textong
binasa. Piliin sa kahon ang angkop na salita.

2|P age
Nagkakaugnay ang birtud at pagpapahalaga dahil: ang ________________________ay ang mabuting
_____________________ na ginagawa ng tao upang __________________
gawi moral kilos
birtud pagpapahalaga isakatuparan

ang pinahahalagahan. Ito ang _______________ na gawi na nagbubunga sa pagkamit at pagpapanatili ng


_____________________.

Gawain 3:
Panuto: Basahin ang kuwento at sagutin ang mga katanungan batay sa iyong pagkaunawa.
Si Raven at Ang Kanyang Modyul
Katulad ng lahat ng mag-aaral sa panahon ng pandemya, si Raven ay sa nag aaral sa paraang
modyular. Bilang isang mag-aaral sa baitang 7, totoong nagkaroon ng maraming adjustments sa kanyang
pag-aaral. Ang schedule ng bawat asignatura ay kanyang sinunod noong unang markahan. Masugid pa
syang magtanong sa kanyang mga magulang kung may hindi nauunawaan. Subalit dumating ang ikalawang
markahan at tila baga napagod na siya sa pagsasagot. Sa itinakdang panahon para sa pagsasauli ng modyul
ay hindi nya nagawang ibalik ito sapagkat nawili siya sa paglalaro sa cellphone. Alam nyang magagalit ang
kanyang ina sa oras na malaman nito na hindi nya natapos ang modyul. Inisip niya kung haharapin na lang
ba niya ang kanyang ina at tanggapin ang galit nito o tumakas. Ang huli ang kanyang pinili. Upang makaiwas,
sinakyan niya ang kanyang bisikleta at binagtas niya ang pa-zigzag na daan sa bahagi ng Bataan. Mula sa
Morong ay nakarating siya ng Binukawan at dahil sa pagod at gutom, papadilim na rin noon, napaupo siya
at napatanong sa sarili. Bakit ko nagawa ito. Paano pa ako makakabalik sa amin? Napakalayo na ng aking
narating. Siguradong nag-aalala na ang aking nanay. Saan ako kakain, saan ako matutulog? Mga
katanungang sumagi sa kanyang isipan na nagpatulo ng kaniyang luha. Ibig man niyang baguhin ang
kanyang pasya ay huli na. Nagawa na niya ang kanyang nabuong pasya.

Mga Katanungan:

1. Ano ang mga pasyang pinamilian ni Raven? Bakit siya nagkaroon ng ganitong suliranin?

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

2. Ano ang nagtulak sa kanya upang isagawa ang nabuong pasya?

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

3|P age
3. Kung ikaw si Raven, gagawin mo rin ba ang pasyang kanyang ginawa? Ano ang mga aternatibong pasya
ang maaari mong gawin upang maiwasan ang ganitong suliranin.

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

IV. Pangwakas

Gawain 4:

Panuto: Mula sa iyong karanasan, isalaysay ang sariling gawi na maaaring maging daan upang taglayin
mo ang mga moral na birtud (katatagan, pagtitimpi, katarungan, maingat na pagapapasya)

Gawi Birtud na maaaring malinang

Hal. Araw-araw kong pinipiling magsagot Pagtitimpi


sa mga gawain sa aking modyul kaysa
maglaro

Ikaw naman.

1.

2.

3.

4|P age
V. Rubric

VI. Sanggunian
(Hango mula sa K to 12 Edukasyon sa Pagpapakatao 7, Kagamitan ng Mag-aaral , pahina 14)

5|P age

You might also like