You are on page 1of 22

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OF ILOCOS NORTE

Edukasyon sa
Pagpapakatao 7
Ikalawang Markahan – Modyul 2:
Ang Kaugnayan ng Konsensiya
sa Likas na Batas Moral
MELC
• Nakikilala na natatangi sa tao ang Likas na Batas Moral dahil ang
pagtungo sa kabutihan ay may kamalayan at kalayaan. Ang unang
prinsipyo nito ay likas sa tao na dapat gawin ang mabuti at iwasan ang
masama. (EsP7PS-IIc-6.1)
• Nailalapat ang wastong paraan upang baguhin ang mga pasya at kilos
na taliwas sa unang prinsipyo ng Likas na Batas Moral. (EsP7PS-IIc-
6.2)
• Nahihinuha na nalalaman agad ng tao ang mabuti at masama sa
kongkretong sitwasyon batay sa sinasabi ng konsiyensiya. Ito ang Likas
na Batas Moral na itinanim ng Diyos sa isip at puso ng tao. (EsP7PS-
IId-6.3)
• Nakabubuo ng tamang pangangatwiran batay sa Likas na Batas Moral
upang magkaroon ng angkop na pagpapasiya at kilos araw-araw
(EsP7PS-IId-6.4)

Inihanda ni:

LORENA L. MALUBAY
Guro I
Currimao National High Schoo
Edukasyon sa Pagpapahalaga – Ikapitong Baitang
Share-A-Resource-Program
Ikalawang Markahan – Modyul 2: Ang Kaugnayan ng Konsensiya sa Likas na
Batas Moral
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Lorena L. Malubay
Editor: Jennifer C. Lazaro
Tagasuri: Jennifer C. Lazaro Amalia S. Labi-i
Tagapamahala: Joann A. Corpuz
Joye D. Madalipay
Santiago L. Baoec
Jenetrix T. Tumaneng
Amalia S. Labi-i
Rosalinda P. Salmasan
Division Design & Layout Artist: Bryan S. Maneja

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Schools Division of Ilocos Norte


Office Address: Brgy. 7B, Giron Street, Laoag City, Ilocos Norte
Telefax: (077) 771-0960
Telephone No.: (077) 770-5963, (077) 600-2605
E-mail Address: ilocos.norte@deped.gov.ph
7
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 1:
Pamagat
Paunang Salita
Ang Contextualized Learning Module o CLM na ito ay maingat na
inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo
ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat
aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-
aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang


nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang
magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa
guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat
naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o
mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang CLM na ito


upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o
mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang


guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at
paggamit ng CLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga


tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala
sila sa paaralan.
Alamin

Naaalala mo pa ba noong ikaw ay bata pa? Ano ang sinasabi ng iyong ama at
ina, o ng iyong lolo at lola sa tuwing gumagawa ka ng mabuti o ng masama? Ayon
sa kanila, may dalawang katauhan sa iyong tabi, isa sa iyong kanan at isa sa kaliwa.
Pareho silang nagsisikap na impluwensyahan ka na pumili sa mabuti o masama
na dapat mong gawin sa isang sitwasyon. Ayon sa kanila, kapag pinili mo ang
mabuti, sinusunod mo ang katauhan na nasa iyong kanan. Kapag pinili mo ang
masama, sinusunod mo ang katauhan na nasa iyong kaliwa.

Pagkatapos ng iyong paglalakbay sa modyul na ito ay inaasahang masasagot mo ang


mahalagang tanong na:

Paano nga ba nasasabing tama ang isang kilos samantalang mali ang isa?

Paano mo ito makikilala? Higit sa lahat, paano mo ito pipiliing gawin?

Handa ka na ba? Halika na!

Sana matutunan mo lahat ng mga aralin na inihanda para sa iyo.

MELC
• Nakikilala na natatangi sa tao ang Likas na Batas Moral dahil ang pagtungo
sa kabutihan ay may kamalayan at kalayaan. Ang unang prinsipyo nito ay
likas sa tao na dapat gawin ang mabuti at iwasan ang masama. EsP7PS-IIc-
6.1

• Nailalapat ang wastong paraan upang baguhin ang mga pasya at kilos na
taliwas sa unang prinsipyo ng Likas na Batas Moral. EsP7PS-IIc-6.2

• Nahihinuha na nalalaman agad ng tao ang mabuti at masama sa kongkretong


sitwasyon batay sa sinasabi ng konsiyensiya. Ito ang Likas na Batas Moral na
itinanim ng Diyos sa isip at puso ng tao. EsP7PS-IId-6.3

• Nakabubuo ng tamang pangangatwiran batay sa Likas na Batas Moral upang


magkaroon ng angkop na pagpapasiya at kilos araw-araw EsP7PS-IId-6.4

1
Subukin

Bilang panimula, sagutan mo ang mga tanong sa ibaba upang mataya ang iyong kahandaan
sa pag-aaral sa paksa. Ito ay makatutulong upang magkaroon ka ng ideya tungkol sa kung ano ang
nilalaman ng modyul na ito.

Paunang Pagtataya
Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat pahayag. Suriin itong maigi at alamin
ang sagot sa bawat tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa dyornal notbuk.

1. Lumaki si John Lloyd sa isang pamilyang relihiyoso. Habang siya ay lumalaki at


nagkakaisip, nakikita niya ang maraming pagkakataon na kailangan niyang
maging matatag laban sa tuksong gumawa ng masama. Dahil dito, madalas
siyang sumasangguni sa maraming mahahalagang aklat na magtuturo sa kanya
ng mga batayan sa pamimili ng tama o mali. Anong pamamaraan sa paglinang
ng konsiyensiya ang inilalapat ni John Lloyd?
a. Sanayin ang sarili na pinakikinggan at sinusunod ang konsiyensiya
b. Ipagpaliban muna ang pasya o kilos kung may pag-aalinlangan.
c. Isabuhay ang mga moral na alituntunin. Nalilinang ang konsiyensiya sa
pamamagitan ng pagsasabuhay ayon sa tamang alituntunin
d. Pag-aralan ang mga moral na alituntunin upang maging sensitibo ang
konsiyensiya sa pagkilala sa mabuti at masama.
2. Alin sa mga sumusunod ang mangyayari sa tao sa pag-iwas niya sa paggamit ng
tamangkonsiyensiya?
a. Maiiwasan ang landasna walang katiyakan
b. Masusugpo ang paglaganap ng kasamaan
c. Makagagawa ang tao ng mga maling desisyon
d. Makakamit ng tao ang kabanalan
3. Hindi pare-pareho ang dikta ng konsiyensiya ng bawat tao. Ang pahayag ay
a. Tama, dahil nakabatay ito sa edad at kakayahan ng isip ng tao.
b. Mali, dahil iisa lamang ang pamantayan na nararapat na sinusunod ng
lahat ng tao.
c. Mali, dahil hindi lahat ng tao alam ang tungkol sa tama o mali, mabuti o
masama
d. Tama, dahil nagkakaiba-iba ang karanasan, kinalakihan, kultura at
kapaligiran ng tao.
4. Sobra ang sukli na natanggap ni Melody nang bumili siya ng pagkain sa isang
restawran. Alam niyang kulang na ang kanyang pamasahe pauwi sa kanilang
bahay ngunit isinauli pa rin niya ang sobrang pera. Anong uri ng konsiyensiya
ang ginamit ni Melody?
a. Tamang konsiyensiya c. Maling konsiyensiya
b. Purong konsiyensiya d. Mabuting konsiyensiya
5. Ang likas na Batas-Moral ay hindi imbensyon ng tao, ito ay natutuklasan
lamang. Ito ay pangkalahatang katotohanan na may makatuwirang pundasyon.
Anong katangian ng likas na Batas-Moral ang tinutukoy sa pangungusap?
a. Obhektibo c. Eternal
b. Unibersal d. Immutable

2
6. Maaaring maging manhid ang konsiyensiya ng tao. Ang pahayag ay
a. Mali, dahil hindi ito ang kalikasan ng tao.
b. Mali, dahil kusang gumagana ang konsiyensiyang tao sa pagkakataon na
ito ay kailangan
c. Tama, sapagkat maihahalintulad ito sa damdamin ng tao na maaaring
maging manhid dahil sa patuloy na pagsasanay
d. Tama, dahil kung patuloy na babalewalain ng tao ang dikta ng
konsiyensiya magiging manhid na ito sa pagkilala ng tama.
7. Ano ang bunga ng pagsunod sa tamang konsiyensiya?
a. Mapalalaganap ang kabutihan
b. Makakamit ng tao ang tagumpay
c. Maaabot ng tao ang kanyang kaganapan
d. Mabubuhay ang tao nang walang hanggan
8. Ang likas na Batas-Moral ay nakapangyayari sa lahat ng lahi, kultura sa lahat
ng lugar at sa lahat ng pagkakataon. Ito ay nangangahulugan naang Likas na
Batas-Moral ay
a. Obhektibo c. Eternal
b. Unibersal d. Immutable
9. Ang mga sumusunod ay katangian ng konsiyensiya maliban sa:
a. Sa pamamagitan ng konsiyensiya, nakikilala ng tao na may mga bagay
siyang ginawa o hindi ginawa.
b. Sa pamamagitan ng konsiyensiya, nakikilala ng tao ang tamang bagay na
dapat gawin at masamang dapat iwasan.
c. Sa pamamagitan ng konsiyensiya, nahuhusgahan kung ang bagay na
ginawa ay naisakatuparannang maayos at tama o nagawa nang di maayos
o mali.
d. Sa pamamagitan ng konsiyensiya, nahuhusgahan ng tao kung may bagay
na dapat niyangginawa subalit hindi niya nagawa o hindi niya dapat
gawin subalit ginawa pa rin.
10. Ang pagbebenta ng piratedna CD sa mga mallay malaki ang naitutulong sa mga
tao dahil mas nakatitipid kaysa bumili ng orihinal na kopya. Halos lahat ng tao
ay ito na ang hinahanap sa kasalukuyan kung kaya lumalaki na ang ganitong
negosyoat marami ang natutulungan. Ang sitwasyong itoay nagpapatunay na
a. May mga pagkakataon na ang paghuhusga ay nararapat na ibatay sa
benepisyo o tulong sa taong nagsasagawa ng kilos.
b. Ang masamang pamamaraan sa pagkamit ng layunin ay mababalewala
kung ang layunin ay mabuti at tama.
c. Ang isang bagay na maliay maaaring maging tama kung ito ay
nakatutulong sa mas nakararami.
d. May mga kilos na nagmumukhang tama at normaldahil sa dami ng
gumagawa nito.
11. Nalukot ng bunso mong kapatid ang mga pahinang ulat na ipapasa mo sa iyong
guro. Wala ka ng panahon upang ulitin ito. Ano ang gagawin mo?
a. Iiyak na lang ako sa guro habang kasama ko ang aking bunsong kapatid
na magpaliwanag sa kanya.
b. Hindi na ako papasok at magpapasa ng ulat.
c. Sasabihin sa guro ang sitwasyong nangyari at gagawa na lang ulit.
d. Susuntukin ko ang aking bunsong kapatid.
12. Namamalimos sa kalsada ang isang kaklase mo kaya di siya nakapasoksa
inyong klase. Wala silang pambili ng gamot ng kanyang ina.Ano ang dapat mong
gawin?
a. Sasamahan ko siyang mamalimos.
b. Sasabihin ko sa kanya na bawal mamalimos.
c. Pagtatawanan ko siya habang namamalimos.

3
d. Ipagbibigay alam ko sa aming guro ang kanyang kalagayan.
13. Nais mong ipahayag ang iyong saloobin tungkol sa naging tanong ng inyongguro
ngunit may nagsasalita pa. Ano ang gagawin mo?
a. Tatayo ako at sisingit sa pagsasalita.
b. Pauupuin ko na ang nagsasalita at ako naman ang magsasalita.
c. Hihintayin kong matapos ang nagsasalita at itataas ko ang aking kamay
upang mapansin at matawag ng guro.
d. Lalabas ako kung hindi tatawagin ng guro.
14. Naatasan nginyongguro ang dalawamongkamag-aral sa bawat grupo na magtala
ng makuhang puntos ng magkabilang panig sa larong volleyball. Napansin mong
labis-labis na ang puntos ng kalaban ninyo. Ano ang gagawin mo?
a. Pupunta ako sa namumuno ng laro at sasabihin ko ang aking saloobin
nang mahinahon tungkol sa pagbibigay ng puntos.
b. Hihikayatin ko ang aking mga kasama na sumigaw ng madaya upang
makuha ang atensyon ng lahat.
c. Hihikayatin ko ang ibang mga kasapi na pumunta sa gitna ng court
upang ipakita ang pagkadismayado sa pagpupuntos sa magkabilang
panig.
d. Sisigawan ko ang mga naglalaro na madaraya.
15. Si Mang Felipeay nagtatrabaho bilang isang drayberng deliverytruck. Alam
niyang kulangang pasahod ng kanilang amo at hindi ito sapatsa hirap na
kanilang dinaranas. Ano ang dapat niyang gawin?
a. Hikayatin ang ibang mga kasamahan na magrally tungkol sa pasahod.
b. Hindi na dapat pumasok kahit walang paalam sa amo.
c. Kausapin nang maayos ang amo at ihayag ang mga hinaing tungkol sa
pasahod at kung hindi magkasundo ay magpaalam nang maayos
d. Ipaalam agad sa kinauukulang ahensya.

4
Aralin ANG KAUGNAYAN NG

1 KONSIYENSIYA SA LIKAS NA
BATAS-MORAL

Balikan

Gawain 1. Anong Mayroon Siya na Wala Ako?

Panuto: Punan ang tsart sa ibaba ng mga naaayon na mga kakayahan o katangian
ng tao, hayop at halaman. Pagkatapos ay sagutin ang mga tanong na nasa ibaba ng
tsart. Gawin ito sa dyornal notbuk.

Mga Bagay na may Buhay


Mga Kakayahan/Katangian
(Living Things)

Tao

Hayop

Halaman

Tuklasin

Dahil sa kakayahan ng tao na angat sa iba pang nilikha, inaasahang


gagamitin niya ang mga ito na may pagpapahalaga at responsiblilidad. Inaasahan
din na gagawin at pipiliin niya ang tamasa isang sitwasyon nang sa gano’on ay
makadudulot ito ng kabutihan sa mga tao sa kanyang paligid.
Paano nga ba niya gagamitin ang kakayahan niyang mag-isip at kakayahan
niyang pumili? Tuklasin ito sa sumusunod na mga gawain.

Gawain 2.
Panuto: Tuklasin mo ang iyong paaran ng iyong gagawing pagpili sa sitwasyong ito.
Pag-aralan ang case study sa ibaba. Ano ang iyong gagawin kapag ikaw ay

5
nahaharap sa ganitong sitwasyon? Piliin ang iyong
gagawin sa apat na pagpipilian at sagutin ang mga
tanong pagkatapos. Gawin ito sa iyong kwaderno.

• Naiwan kang mag-isa sa inyong silid-aralan. May


nakita kang pitaka sa ibabaw ng mesa. Nang
tingnan mo, naglalaman ito ng dalawang libong
piso. Naroon din ang I.D ng may-ari na is among
kaklase. May sakit ang tatay mo at kinakapos
kayo sa perang pambili ng kanilang gamot.

Hahayaan ko lang ito sa


Ibibigay ko ito sa
mesa, tutal hindi naman
kaklase ko na
ito sa akin. nagmamay-ari
( )Tama ( )Mali nito.
( )Tama ( )Mali
Paliwanag:______________
_________________________ Paliwanag:_______
_________________________ _________________
_________________

Kukunin koi to para Ituturo koi to sa


may ipambili kami kasama ko para
ng gamot para sa siya ang sasabihin
tatay ko. kong kumuha.
( )Tama ( )Mali ( )Tama ( )Mali

Paliwanag:_________ Paliwanag:_________
____________________ ____________________
____________________ ____________________

Suriin

Pagkatapos mong suriin ang mga sitwasyon sa mga naunang gawain ay


nakabuo ka ngmga desisyon o pasya ukol dito. Ang iyong pasya o desisyon ay
produkto ng pag-iisip sa bawat sitwasyong iyong kinakaharap at batay rin sa iyong
kaalamang nagdudulot sa madali at mahirap na pagpapasya. May mga sitwasyong

6
madali tayong makagagawa ng pasya, minsan nahihirapan din tayo. Kaya naman,
nangangailan ng ganitong tamang pag-unawa at kaalaman sa bawat sitwasyon.
Tuklasin natin ang ilan sa mga salitang dapat malaman sa modyul na ito at ang mga
kahulugan.

Unawain at pagnilayan ang mga sumusunod na babasahin. Magkaroon ng


masayang pag-aaral at ikintal sa isip at puso ang mga hatid na mensahe. Simulan
na at kayang kaya mo yan!

Paksa: Moralidad Ng Kilos Ng Tao at Ang Kaugnayan Ng Konsiyensiya Sa Likas


Na Batas-Moral

Paano nga ba nasasabing tama ang isang kilos samantalang mali ang isa?

Paano mo ito makikilala? Naaalala mo pa ba noong ikaw ay bata pa? Ano


ang sinasabi ng iyong ama at ina, o ng iyong lolo at lola sa tuwing gumagawa ka ng
mabuti o ng masama? Ayon sa kanila, may dalawang katauhan sa iyong tabi, isa sa
iyong kanan at isa sa kaliwa. Pareho silang nagsisikap na impluwensyahan ka na
pumili sa mabuti o masama na dapat mong gawin sa isang sitwasyon. Ayon sa
kanila, kapag pinili mo ang mabuti, sinusunod mo ang katauhan na nasa iyong
kanan. Kapag pinili mo ang masama, sinusunod mo ang katauhan na nasa iyong
kaliwa.

A. Konsiyensiya

Noong tayo’y bata pa, isasa mga itinuturo sa atin ng ating mga magulang o
mga nakatatanda ayang konsepto ng mabuti at masama sa pamamagitan ng
konsiyensya o ang mabuting katauhan o loob sa atin na minsan tinatawag ito sa
wikang Ingles na good angel at ang masama naman ay ang bad angel. Gayun
paman, ang mga ito ay katuruan lamang upang sa ganun ay magawa natin ang
mabuti at dapat.

Ang salitang konsiyensiya ay galing sa mga salitang Latin na cum na ang ibig
sabihin ay “with’ o mayroon at scientia na sawikang Ingles ay science
nanangangahulugang knowledge o kaalaman. Samakatuwid, ang ibig sabihin ng
salitang konsiyensiya ay mayroong kaalaman o ‘with knowledge”. Ibig sabihin, ito ay
tumutukoy sa ating kaalaman o “awareness” sa lahat ng ating ginagawa.

Ang konsensiya rin ang ating


personal na batayan ng pagsusuri ng
isang kilos kung ito ay naayon sa
katotohanan at katuwiran.

Halimbawa nito ay ang pagbabahagi ng


tulong sa mga nangangailangan na tayo
ay may konsensya o kaalaman sa ating
ginagawa. Ito ay nakakabit na sa ating
pagkatao upang sa gano’n ay magawa
natin ang nararapat hindi lang para sa
atin kung hindi sa ating kapwa tao.

7
Ayon kay Santo Tomas de Aquino may mga
paraan sa paglalapat ng ating kaalaman sa ating mga
ginagawa gamit ang konsiyensiya.

Sa tulong ng konsiyensiya, nakikilala ng tao na


may bagay siyang ginawa o hindi ginawa. Hindi mo
man aminin ang totoong nangyari pero alam ng iyong
konsiyensiya ang totoo at ito ay nasa kaloob-looban
lamang.

Sapamamagitan ng konsiyensiya,
nahuhusgahan ng tao kung may bagay na dapat sana’y isinagawa subalit hindi niya
nagawa o hindi niya dapat isinagawa subalit ginawa pa rin. Ang konsiyensiya ay
parang uusig sa iyo na dapat ay sinabi o ginawa mo ang
tama at ang hindi paggawa ng mali na siyang karapat-
dapat.

Gamit ang konsiyensiya, nahuhusgahan kung


ang bagay na ginawa ay naisakatuparan nang maayos
at tama o di kaya’y nagawa nang di-maayos o mali. Ang
konsiyensiya ay parang bumabagabag o patuloy na
nagsasabi sa iyo na dapat ay may gawin ka upang
maging tama ang mali mong nagawa.

Ipinapakita ng tatlong paraan ayon kay Santo


Tomas de Aquino, na ang konsiyensiya ay nakakabit
sa ating pagkatao na dapat na linangin at
pagyamaning mabuti. Ang konsiyensiya ang ating
unang batayan sa paggawa ng tama o paghuhusga sa
mga maling gawain.

Saan nga ba natin binabatay ang ating


konsiyensiya? Alamin muna natin ang tungkol sa
salitang Likas na Batas-Moral.

B. Likas naBatas-Moral

Ang Likas naBatas-Moral ay bigay sa atin ng


Diyos nang tayo ay likhain. Tinatawag itong likas dahil
ito ay natural at nakakabit sa ating pagkatao. Ang Diyos
ay nakikibahagi sa atinng karunngan at kabutihan
upang mamuhay tayo nang may kalayaan patungo sa
kapayapaan. Sa pamamagitan ng batas na ito, ang tao
ay may kakayahang makilala ang mabuti at masama.
(nakabase sa Sampung utos ng Diyos)

Katangian ng Likas na Batas-Moral

a. Obhektibo – Ang batas na namamahala sa tao ay nakabatay sa katotohanan-


ang Diyos, mismo. Ito ay nagmula sa mismong katotohanan –ang Diyos. Ang
katotohanan ay hindi likha o imbensiyon ng tao. Hindi ito naapektuhan ng

8
kahit na ano man. Ang katotohanan ay lalabas pa rin, gustuhin man ng tao o
hindi.

b. Pangkalahatan (Unibersal) – Dahil ang Likas na Batas-Moral ay para sa tao,


sinasaklaw nito ang lahat ng tao sa anumang lahi, kultura, pagkakataon at
saan mang lugar. Ito ay nakaukit sa kalikasan ng tao; kaya’t ito ay
nauunawaan at katanggap-tanggap sa lahat ng nilalang.

c. Walang Hanggan (Eternal) – Ito ay umiiral at mananatiling iiral. Ang batas


na ito ay walang hanggan, katapusan at kamatayan sapagkat ito ay
permanente. Halintulad nito ang kalikasan ng tao kaya’t ang batas na
kanyang sinasaklawan ay permanente rin. Kaya naman ito ay laging totoo
kailanman at saan man. Ang kalikasan ng tao ay permanente kaya’t ang batas
na sumasaklaw sa kanya ay permanente rin. Ito ay totoo kahit saan at kahit
kailanman.

d. Di nagbabago (Immutable) – Hindi nagbabago ang Likas na Batas-Moral


dahil hindi rin naman nagbabago ang pagkatao ng tao (nature of man).
Maging ang layon ng tao sa mundo ay hindi nagbabago. Sa kabila ng
pagkakaiba-iba ng kultura, ang Likas na Batas-Moral ang nagbibigkis sa
lahat ng tao. Ito rin ang nagpapatupad ng iisang alituntunin para sa lahat.

Uri ng Konsiyensiya
1. Tama. Ang paghuhusga ng konsiyensiya ay nakabatay sa tamang dapat gawin
at husgahan ang mali na mali. Ang maling gawain kahit ano man ang resulta
ay mali pa rin at kailanma’yhindi magiging tama.
2. Mali. Ang paghuhusga ng konsiyensiya ay nagkakamali kapag ito ay
nakabatay sa mga maling prinsipyo o di kaya’y nailapat ang tamang prinsipyo
sa maling paraan.

TANDAAN!

Malaya kang pumili o gumawa ng iyong sariling pagpapasya araw-araw.


Ngunit dapat isinasaalang-alang din angikabubuti ng iyong kapwa. Tandaan na ang
iyong konsiyensiya ay kaakibat ng iyong pagkatao na sana ay iyong gamitin sa tama
at piliinggawin ang mga bagay na magpapasaya sa iyo at makadudulot
ngmagandasaiba. Nawa’y naging malinaw sa iyo kung gaano ka katangi-tangi bilang
isang nilalang na may kakayahang humusga satama at mali.

9
Gawain 3: PUNAN ANG PATLANG

Panuto: Punan ang mga patlang ng tamang salita upang makabuo ng konseptong
napag-aralan.

Ang salitang 1. ______________ ay galing sa mga salitang Latin na cum na ang


ibig sabihin ay “with’ o 2. ______________ at scientia na sawikang Ingles ay science
nanangangahulugang 3. ____________ o 4. _____________. Samakatuwid, ang ibig
sabihin ng salitang konsiyensiya ay 5. ________________o ‘with knowledge”. Ibig
sabihin, ito ay tumutukoy sa ating kaalaman o 6. __________________ sa lahat ng
ating ginagawa. Ang konsensiya rin ang ating 7. ________________ na batayan ng
pagsusuri ng isang __________ kung ito ay naayon sa katotohanan at katuwiran.

Gawain 4: Pagnilayan Mo
a. Ipaliwanag kung ano ang konsensiya, sa pamamagitan ng isa hanggang
dalawang pangungusap.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
b. Ipaliwanag kung bakit nararapat nating isabuhay ang katarungan at hustisya
na nakabatay sa tamang konsensiya.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
c. Ipaliwanag kung bakit mahalaga ang ‘pahninilay’ sa tueing gagawa tayo ng
desisyon.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Pagyamanin

Rubric sa Isahang Kaukulang Nakuhang


Deskripsyon
Awtput Pamantayan Puntos Puntos
Angkop ang nilalaman sa
Nilalaman 10
hinihingi
Ideya Tama ang paliwanag 10
Maayos at malinis ang
Presentasyon 5
pagkakagawa
Kabuuan 25

10
Gawain 5
Panuto: Magbigay ng isang karanasan na may kinalaman sa iyong paggamit
ng konsiyensiya. Gamit ang mga gabay na mga guhit sa ibaba, isulat ang
sagot saiyong dyornal notbuk.

Isulat sa loob ngkahonang iyong karanasan


kung ano ang nangyari.

Sa loob ng speech balloon, isulat ang iyong


pasya o ginawa sa pangyayari.

Sa hugis puso ay isalaysay ang iyong


natutunan sa pangyayari at ang iyong
napagtanto tungkol dito.

11
Isaisip

Binabati kita. Narating mo na ang bahaging ito ng iyong modyul. Ibig sabihin
malapit mo na itong matapos. Sa bahaging ito, kailangan mong patunayan na
naunawaan mo na ang mga konsepto at mga kaalamang dapat maikintal sa isipan
mo na layunin ng modyul na ito. Upang ipakita ang pagkaunawa sa paksa, tuparin
ang gawain sa ibaba.

Gawain 6: Tandaan Mo
Panuto: Isulat mo sa mga kahon sa ibaba ang mga salitang nagbibigay kahulugan
sa salitang konsensiya. Gabay mo ang halimbawa sa ibaba.

KONSENSIYA

Halimbawa:
Gabay sa
pagkilala ng
mabuti at
masama

Ngayong lubos na ang iyong kaalaman ukol sa kahalagahan ng


sekswalidad, sa bahaging ito ng aralin ay iyong isagawa ang mga natutuhan sa
pang-araw-araw na buhay. Ano nga ba ang kahalagahan ng mga paksang iyong
natutunan sa iyong buhay?
Bilang isang mag-aaral, may bahagi kang ginagampanan at makibahagi sa
pagharap sa mga kinakaharap na kontemporaryong isyu at kung papaano ito
masosolusyunan. Inaasahan kong magagawa mo ng maayos ang gawain sa ibaba.

12
Isagawa

Gawain 7: Gaanu Ako Natuto


Panuto: Ngayong natutuhan mo na ang kahalagahan ng konsensiya, ilapat mo
naman ngayon ang kaalamang ito sa iyong buhay. Gamit ang pormat sa ibaba, isulat
sa iyong dyornal kung paano mo isasaalang-alang ang konsensiya upang mapabuti
ang iyong sarili at ang buhay ng iyong kapuwa.

Pagkakataon Paano isasaalang-alang Tamang tugon


ang konsensiya
Hindi kayo
nagkakaunawaan ng
iyong kapatid at siya ay
nakapagbitaw ng masakit
na salita.
Hindi ka nakapaghanda
sa isang napakahalagang
pagsususlit
May natagpuan kang
mamahaling gamit na
naiwan sa isang upuan sa
kantina
Inalok ka ng iyong
kaibigan na sumama sa
isang handaan subalit
hindi ka nakapagpaalam
sa iyong magulang.

13
Tayahin

Pinatunayan mo ang iyong kagalingan sa pagsagot sa mga gawain sa modyul


na ito. Dahil diyan kailangan mo nang sagutan ang panghuling pagtataya upang higit
mong mapatunayan ang iyong pag-unawa sa lahat ng paksa na napapaloob sa
modyul na ito Kayang –kaya di ba?

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag o tanong. Isulat angtitik ng tamang
sagot sa dyornal notbuk.

1. Oras ng recess, inilabas mo ang iyong baon, nang bukasan mo nakita mong
walang kutsara at tinidor. Malayo ang kantina sa inyong silid-aralan. Ano ang
gagawin mo?
a. Maghuhugas ng kamay at magkakamay na lang.
b. Kukunin ang kutsara at tinidor ng kamag-aral.
c. Hindi nalang kakain.
d. Uuwi at hindi nalang papasok.
2. Pinagsaing ka ng kapatid mo. Nilagyan mo ng bigas ang saingan at hinugasan.
Nagmadali kang isalang ang kaldero dahil parating na ang iyong mga kalaro ng
Mobile Legends. Nakalimutan mong buksan ang kalan. Dumating ang iyong inaat
nakita niyang bigaspa rin ang iyong sinasaing. Ano ang gagawin mo?
a. Pagalitan ang kapatid dahil pinasaing ka.
b. Hindi aaminin sa magulang ang totoong nangyari.
c. Umalis sa bahay at sumama sa mga kalaro at bumalik na lang
pagkahapunan.
d. Magsabi ng totoosa magulang at humingi ng tawad.
3. Dala-dala mo ang proyektong ipapasamo sa iyong guro. Sa hindi inaasahang
pangyayari, nabitawan mo ito at narumihan. Ano ang gagawin mo?
a. Sikretong kukunin ang gawa ng kamag-aral.
b. Uuwi ng bahay at iiyak.
c. Ipaliwanag sa guro ang nangyari upang makagawa ulit ng bago.
d. Hindi nalang pansinin ang guro.
4. Dahil sa kaka-facebookni Carlos aynagkaroon siya ng maraming kaibigan at
kakilala ngunit hindi na niya nagagawa ang mga gawaing bahay kung kaya’t
napagsasabihan siya ng magulang at kapatid. Anoang implikasyonsa paggamitng
facebooksa buhay ng tao?
a. Walang naidudulot na maganda ang paggamit ng facebooksa buhay ng tao.
b. Pawang kabutihan lamang ang naidudulot ng facebooksa buhay ng tao.
c. Napapagalitan ka lang ng mga kasama mo sa bahay kapag nag-facebook.
d. May mga mabuti at hindi mabuting dulot ang facebooksa buhay ng tao.
5. Araw ng Sabado at naglilinis ka sa bahay ninyo. Nilaro mo ang walis tambo at
ito’y nabali dahil tumama sa poste. Kablin-bilinan pa ng nanay mo na ingatan
ang mga kagamitan sa bahay. Ano ang gagawin mo?
a. Sasabihing pinalo mo ang isang malaking daga kaya ito nabali.
b. Isisi sa bunsong kapatid ang nangyari.
c. Kukuha ng pera sa bulsa ni Tatay at bumili ng bagong walis tambo.
d. Sasabihin sa nanay ang totoong nangyari at humingi ngpaumanhin.
6. Nag-iwanng gawain ang inyong guro. Inihabilin kayo sa pangulo ng klase. Ano
ang gagawin mo?

14
a. Makipag-usap sa katabi.
b. Sisigawan ang pangulo ng klase upang ikaw ang maging lider.
c. Sundin ang pinapagawa ng guro.
d. Maglaro sa klase habang wala ang guro.
7. Nakita mongwalang baon ang iyong kamag-aral at gutom na gutom ito. Ano ang
iyong gagawin?
a. Hayaan siyang tumingin saiyo habang ikaw ay kumakain.
b. Hahatianmo siya ng iyong pagkain.
c. Sisigawan siya para lumayo sa iyo at hindi na tumingin.
d. Tatapunan ng pagkain.
8. Alin sa mga sumusunod ang mangyayari sa tao sa pag-iwas niya sa paggamit ng
tamang konsiyensiya?
a. Maiiwasan ang landas na walang katiyakan
b. Masusugpo ang paglaganap ng kasamaan
c. Makagagawa ang tao ng mga maling desisyon
d. Makakamit ng tao ang kabanalan
9. Niregaluhan ka ng iyong inang babasagin na regalo. Sa hindi inaasahang
pangyayari ay nabitawan mo ito. Ano ang gagawin mo?
a. Itanggi sa magulang ang totoong nangyari at humingi ng bagong regalo.
b. Sabihin ang totoo sa magulang at humingi ng paumanhin.
c. Isisi sa ibang kapatid ang nangyari
d. Umiyak atmagmakaawa sa magulang na bilhan ng regalo habang hindi
sinasabi ang totoong nangyari.
10. Napansin mona sira ang timbangan ni Aling Linda. Kaya pala mukhang hindi
tamaang timbang ng nabiling isda. Ano ang gagawin mo?
a. Irereklamo ang ginagawang pandaraya ni Aling Lindasa inyongkapitan
nang maayosat mahinahon.
b. Ipamamalita sa ibang tao ang pandaraya ni Aling Linda para magtanda.
c. Susugurin si Aling Linda at pagsisigawan ito upang makahikayat ng
atensyon ng ibang mamimili.
d. Manahimik at walang gagawin tungkol dito.
11. Ano ang maidudulot ngpaggamit ng tao sa maling konsiyensiya?
a. Maiiwasan ang landas na walang katiyakan
b. Masusugpo ang paglaganap ng kasamaan
c. Hindi na nakokonsiyensiya sa paggawa ng maling gawain.
d. Makakamit ng tao ang kabanalan
12. Sobra ang sukli na natanggap ni Josenang bumili siya ng pagkain sa isang
karenderya. Alam niyang kulang na ang kanyang pamasahe pauwi sa kanilang
bahay ngunit isinauli pa rin niya ang sobrang pera. Anong uri ng konsiyensiya
ang ginamit ni Jose?
a. Tamang konsiyensiya
b. Purong konsiyensiya
c. Maling konsiyensiya
d. Mabuting konsiyensiya
13. Habang ikaw ay naglalakad atkumakain ng biskwit, wala kang nakikitang
basurahan upang itapon ang balat ng iyongpinagkainan. Ano ang dapat mong
gawin?
a. Tumingin sa paligid, tingnan kung may nakatingin. Kung wala, itapon ito
sa tabi.
b. Pansamantalang ilagay muna sa bagat saka itapon kung may makitang
basurahan.
c. Itapon na lamang kung saan ang balat kahit may nakakita.
d. Magkunwaring ito ay nahulog nang kusa.

15
14. Nakapasok ang pusa sa inyong bahay at kinain ang inyong mga natirang ulam
sa mesa. Ano ang dapat gawin?
a. Pagpapaluin ang pusakapag nahuli.
b. Sarhan ang maaaring daanan ng pusa at takpan nang mabuti ang mga
ulam na natira sa mesa.
c. Itapon ang pusa sa malayong lugar.
d. Walang gagawin sa pangyayari.
15. Piliin angTAMANGparaan sa pagpapahayag nang malaya sa sariling kalooban o
damdamin.
a. Pagsasabisa iba ng mga mapanirang balita tungkol sa pangyayari.
b. Pagpapahayag ng damdamin sa mahinahon, magalang na paraanat may
katotohanan.
c. Pagpapahayag ng mga hinaing sa pamahalaansa social media.
d. Pagiimpluwensiya sa iba sa pamamagitan ng mga fake newssa social
media.

Karagdagang Gawain

Ooppss, Bago mo iwan ang modyul na ito, gawin mo muna ang gawain sa
ibaba. Huling hirit na ito.

Gawain 9: Malayang Taludturan

Ang malayang tuludturan ay isang halimbawa ng tula na walng sukat at


walng tugma. Subalit napananatili nito ang kariktan ng mga salita sa pamamagitan
ng matalinhagang pahayag. Sa iyong kuwaderno, sumulat ng isang tula gamit ang
malayang taludturan na tumatalakay sa kabutihang-loob at konsensiya ng tao.
(dalawang saknong lamang)

Pamantayan sa Isahang Awtput

Pamantayan Deskripsyon Kaukulang Nakuhang Puntos


Puntos
Angkop ang nilalaman
Nilalaman 10
sa hinihingi
Ideya Tama ang paliwanag 5
Maayos at malinis ang
Presentasyon 10
pagkagawa
Kabuuan 25

16
17
Suriin
Balikan Gawain 3
1. Konsiyensiya
1. D 2. Mayroon
2. C 3. Knowledge
3. D 4. Kaalaman
4. A 5. Mayroon
5. A kaalaman
6. D 6. Awareness
7. C 7. Personal
8. B 8. Kilos
9. B 9. Katotohanan
10. D 10.Katuwiran
11. C
12. D
13. A
14. A
15. C
TAYAHIN Tuklasin Isaisip
1. A
2. D
3. C
4. D
5. D
6. C
7. B
8. C
9. B
10.C
11.A
12.C
13.B
14.B
15.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Edukasyon sa Pagpapakatao Kto12 Series Ikalawang Edition Vibal

https://www.slideshare.net/tomoeharu/g7-modyul-6-ang-kaugnayan-ng-
konsensiya-ayon-sa-likas-na-batas-moral

https://www.slideshare.net/sheter/modyul-6-konsensiya

https://phsedukasyonsapagpapakataogr7.weebly.com/modyul-6.html

https://dokumen.tips/education/esp-7-modyul-6-ang-kaugnayan-ng-konsensya-
sa-likas-na-batas-moral.html

https://phsedukasyonsapagpapakataogr7.weebly.com/modyul-6.html

https://drive.google.com/drive/folders/1ZAljcaK2xPKlRoXI0Yav-lgROo8-
3pBA?fbclid=IwAR3rt4c7yOkbywkVfT3dhPxt2oNWrSov4MeoLtdkUiy1h0RLT
rWRub6WHKU

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division of Ilocos Norte – Curriculum Implementation Division


Learning Resource Management Section (SDOIN-CID LRMS)

Office Address : Brgy. 7B, Giron Street, Laoag City, Ilocos Norte
Telefax : (077) 771-0960
Telephone No. : (077) 770-5963, (077) 600-2605
E-mail Address : sdoin.lrmds@deped.gov.ph
Feedback link : https://bit.ly/sdoin-clm-feedbacksystem

18

You might also like