You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Region I
Schools Division of Ilocos Norte
LUZONG NATIONAL HIGH SCHOOL
Baduang, Pagudpud, Ilocos Norte

IKALAWANG PAMPANAHUNANG PAGSUSULIT


EKONOMIKS (AP 9)

PANUTO: Isulat ang titik ng pinakatamang sagot sa sagutang papel.

1. Si Lance ay isang inhinyero sa isang construction company. Kumikita siya ng kabbuang


P40,000.00 kada buwan. Noong Enero, tumaas ang kaniyang sahod sa P45,000.00. Saan
lilipat ang kurba ng kaniyang demand sa kaniyang pangangailangan katulad ng pagkain?
A. kaliwa B. kanan C. gitna D. Walang pagbabago
2. Aling graph ang nagpapakita ng tamang pagbabago sa kurba ng demand kung
halimbawang hindi na uso ang trumpo?
3. Bakit negatibo ang ugnayan ng presyo at ang dami ng demand?
A. Kung may pagbaba ng presyo, walang pagbabago sa demand
B. Kung may pagbaba ng presyo, bumababa ang demand
C. Kung may pagtaas ng presyo,bumababa ang demand
D. Produkto na di tumataas ng demand kahit may pagtaas ang kita
4. Ang demand ng alahas ay tumataas kasabay ng pagtaas ng kita ng tao. Ang alahas ay
isang halimbawa ng ________.
A. Normal goods B. inferior goods C. Substitute goods D. Complementary goods
5. Marami ang inaasahang mamimili sa mga lungsod kagaya ng Laoag. Nagkalat ang mga
pasyalan katulad ng malls at kainan.Aling salik ng demand ang kinapapalooban ng
sitwasyong nabanggit?
A. Kita B. panahon C. Klima D. populasyon
6. Si Mary Rose ay may bagong cellphone. Ingat na ingat siya sa paggamit nito. Ngunit sa
paglipas ng ilang buwan, unti-unti na siyang nagsasawa sa paggamit nito. Aling prinsipiyo
ng macroeconomics ang ipinapahiwatig ng sitwasyong nabanggit?
A. Law of Diminishing Marginal Utility B. Law of demand
B. Law of Supply D. Law of demand and supply
7. Aling halimbawa ng mga produkto ang magkakasabay na kinokonsumo o complementary
goods?
A. Kape at asukal B. papel at crayons C. Kotse at air freshener D. rambutan at
lansones
8. Sa pagkakaroon ng mga kalamidad sa bansa, ang mga may tanim ng lansones at
rambutan ay dumaranas ng krisis sa kanilang mga tanim. Madalang ang rambutan at
lansones sa pamilihan. Sa parte ng mamimili, ano ang nangyayari sa pangangailangan o
demand sa bilihan ng prutas?
A. Tataaas B. bababa C. Paiba-iba D. Pareho lang
9. Alin sa mga sumusunod ang hindi nakapagpapataas ng demand?
A. Lumaki ang kita ng manggaggawa
B. Nadagdagan ang populasyon
C. Bumaba ang presyo
D. Dumami ang produksyon ng isang produkto
10. Bakit maaaring bumaba ang demand ng kape kapag tumaas ang presyo ng asukal?
A. Sapagkat ang kape at ang asukal ay magkatunggaling produkto
B. Sapagkat ang asukal ay magkaugnay na produkto
C. Sapagkat ang asukal ay walang gamit kung walang kape
D. Sapagkat limitado ang produksyon ng kape kapag mataas ang presyo ng asukal
11. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng ugnayan ng presyo at demand?
A. Ang demand at presyo ay twirang magkaugnay
B. Di-twiran o kabaligtaran ang ugnayan ng presyo at demand
C. Ang demand at presyo ay walang ugnayan
D. Ang demand ay nakadepende sa presyo
12. Isa sa mahalagang elemento na sinusuri sa pag-aaral ng microeconomics ay ang konsepto
ng demand na idinidikta o nagmumula sa mga konsyumer. Alin sa mga sumusunod ang
tamang pagpapakahulugan sa konsepto ng demand?
A. Ito ay tumutukoy sa mga produktong kahalili ng mga pangangailangan ng isang
konsyumer.
B. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto na handa at kayang bilhin ng mga konsyumer sa
iba’t ibang halaga o presyo.
C. Ito ay tumutukoy sa kabuuuang dami ng produkto na mabibili sa bawat presyo kung
ang konsyumer ay makabibili ng lahat ng kanilang pangangailangan.
D. Ito ay tumutukoy sa dami g produkto na handa at kayang bilhin ng prodyuser sa iba’t
ibang presyo.
13. Kapag ang kurba ng demand ay gumagalaw mula itaas, pababa at pakanan, o downward
sloping, ito ay nagpapahiwatig ng _____________.
A. Walang kaugnayan ang demand sa presyo
B. Hindi nagbabago ang presyo sa demand
C. Negatibong ugnayan ng presyo sa dami ng demand
D. Positibong ugnayan ng presyo sa dami ng demand
14. Ang ganap na di- elastikong demand ay mayroong coefficient na zero. Ibig sabihin, walang
nagaganap na pagtugon ang quantity demand kahit na tumaas ang presyo. Ano ang
ipinapahiwatig nito?
A. May mga produkto tayong medaling hanapan ng pamalit kaya kahit tumaas ang presyo
nito makabibili pa rin tayo ng alternatibo para ditto.
B. Kapag ang proukto ay labis na tumaas ang presyo at hindi naman masyadong kailngan,
maaari ng ipagpaliban muna ang pagbili nito.
C. May mga produkto na kahit mataas ang prseyo ay kailangan mong bilhin sapagkat wala
itong pamalit
D. May mga produktong walang epekto sa atin kahit hindi natin ito bilhin
15. Si Juanito ay nakagawian ng bumili ng banana que tuwing recess.Nang minsang tumaas
ng tatlong piso ang paborito nyang banana que, hindi muna siya bumili sa halip ay
naghanap na lamang ng ibang mabibili sa canteen. Ano ang ipinapahiwatig ng demand ni
Juanito para sa banana que?
A. Ang demand sa banana que ay hindi elastiko sapagkat si Juanito ay tumugon ng malaki sa
pamamagitan ng pagbabawas ng demand para sa banana que.
B. Ang demand sa banana que ay elastiko sapagkat si Juanito ay tumugon ng malaki sa
pamamagitan ng pagbabawas ng demand para sa banana que
C. Ang demand sa banana que ay unitary sapagkat ang dami ng ibabawas sa demand ng
banana que ay kasing dami ng demand sa pamalit na bananaque ni Juanito
D. Ang demand sa banana que ay ganap na di –elastiko dahil hindi makakatagal si JUnaito na
hindi kumain ng banana que sa loob ng isang lingo
16. Kung may baha at bagyo, ang kurba ng suplay ay lilipat sa ___________.
A. Pakaliwa B. pakanan C. Walang pagbabago D. pagitna
17. Ang positibong ugnayan ng presyo at dami ng suplay ay maipapakitang ___________.
A. Pagbaba ng presyo at walang pagbabago sa suplay
B. Pagbaba ng presyo at pagtaas ng suplay
C. Pagtaas ng presyo at pagtaas ng suplay
D. Pagtaas ng presyo at pagbaba ng suplay
18. Tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyong handa at kayang ipagbili ng bahay-kalakal
sa iba’t ibang presyo
A. Supply B. demand C. ekwilibriyo D. Disekwilibriyo
19. Sa sitwasyong Ceteris paribus, ang mababang presyo ng produkto ay _____________.
A. Nakapagpababa sa dami ng suplay
B. Nakapagpapataas sa dami ng suplay
C. Walang epekto sa dami ng suplay
D. Wala sa mga nabanggit
20. Aling sitwasyon ang nagpapakita ng isang dahilan upang lumipat ang kurba ng suplay sa
kanan?
A. Saganang ani B. baha at bagyo C. pagdami ng prodyuser D. pagliit ng gastos sa
produksyon
21. Alin sa mga sumusunod ang hindi salik ng suplay?
A. Panahon B. ekspektasyon C. populasyon D. kita
22. Ang abono, binhi at pesticides para sa magsasaka na ibinibigay na tulong ng gobyerno ay
tinatawag na _________.
A. Subsidy B. pork barrel C. buwis D. MOOE
23. Ano ang epekto ng paggamit ng makabagong teknolohiya gaya ng traktor,reaper at
harvester sa suplay ng mga produktong agricultural?
A. Nakapagpapataas ng suplay B. nakapagpabababa ng suplay
B. Walang pagbabago sa suplay D. nakapagpapataas at nakapagpababa ng supla
24. Dati rati na makina lamang ang ginagamit ni Aling Nati sa pananahi ng mga burdadong
damit. Sa tinagal tagal ng panahon, nakaipon ng puhunan at nabili ng dalawang yunit ng
panahing pwede ng gamitin sa pagbuburda. Dumami ang natatahing mga damit burdado na
nagging dahilan sa mabilis na produksyon ng patahian. Ano ang nagiging epekto ng mga
bagong makina sa kaniyang patahian?
A. Naaliw si Aling Nati sa mabilis na pananahi
B. Nawalan ng silbi na makatulong sa tahiin ni Aling Nati
C. Nakadagdag ng gastusin ni Aling Nati taun-taon
D. Nakatulong upang maparami ang natatahing damit
25. Kung ang anyo ang kurba ng demand ay pababa o downward slope, ano naman ang
anyo ng kurba ng suplay?
A. Upward sloping B. Downward sloping C. tuwid na bertikal na linya D.
tuwid na horizontal na linya
26. Alin sa mga sumusunod ang salik na nakapagpapataas sa antas ng produksyon at
suplay ng produkto?
A. Paggamit ng angkop na teknolohiya
B. Pagmahal ng mga salik ng produksyon
C. Pagdami ng bilang ng mamimimili
D. Pagtaas ng demand para sa produkto
27. Sa tuwing magkaroon ng sakuna inaasahan ang pagkasira ng mga pananim dahilan
para bumaba ang suplay sa pamilihan. Ano ang maaaring mangyari sa suplay sa
ganitong pangyayari?
A. Magkakapareho lamang
B. Dadami ang kokonsumo
C. Ang suplay ay lalong lalaki
D. Bababa ang supay; tataas ang presyo
28. Ang produksyon ay tumutukoy sa paglikha ng mga bagay o serbisyo upang matugunan
ang pangangailangan ng tao. Alin sa mga sumusunod ang negatibong nakakapekto sa
suplay ng kalakal?
A. Kakulangan ng kaalaman sa pangangalakal bilang isang entreprenyur
B. Kawalan ng kakayahan ng lakas-paggawa ukol sa wastong pagtatagumpay ng trabaho
C. Kakulangan ng puhunan para sa pagtatagumpay ng kalakalan
D. Lahat ng nabanggit
29. Sa ekonomiks, pinag-aaralan kung paano matutugunan ang walang katapusang
pangangailangan ng tao. Ang gawaing ito ay tungkulin ng prodyuser. Ano ang tawag sa
dami ng produkto na handa at kayang ipagbili ng prodyuser?
A. Demand B. ekwilibiyo C. produksyon D. supply
30. Upang masabing supply, kailangang may kagustuhan at kakayahan na ipagbili ng
prodyuser ang isang produkto. Halimbawa, may 30,000 lata ng sardinas ang kailangan
sa pamilihan. Ayon sa datos, mayroong 10 kompanya ng sardinas ngunit sa bilang na
ito, 6 lamang ang nais gumawa ng kabuuang 20,000 lata ng sardinas kung ipagbibili ito
sa presyong Php 10.00. Batay sa pahayag, ilan ang maitatalang supply ng sardinas?
A. 6 B. 10 C. 20,000 D. 30,000
31. Sa iyong pananaw batay sa napag aralan mo sa konsepto ng demand at supply alin
nagpapaliwanag kung bakit mahal ang bulaklak na rosas sa tuwing sasapit ang Araw ng
mga Puso?
A. Dahil sa okasyon, tumataas ang demand ng mga konsyumer sa rosas kaya lumilipat ang
kurba ng demand sa kanan na nagreresulta sa pagtaas ng presyo nito.
B. Dahil sa tuwing sasapit ang Araw ng mga Puso, nagkakasundo na ang konsyumer at
prodyuser na itaas ang presyo sapagkat pareho naman silang makikinabang ditto.
C. Tanggap ng mga konsyumer ang pagtaas ng presyo ng rosas tuwing sasapit ang Araw ng
mga Puso sapagkat hindi matatawaran ang kasiyahang natatamo ng mga konsyumer sa
pagbibigay ng rosas sa kanilang mga mahal sa buhay.
D. Tuwing sasapit ang Araw ng mga Puso, itinatago ng mga prodyuser ang panindang
bulaklak upang lalong tumaas ang presyo nito.
32. Nagaganap ang ekwilibriyo sa pamilihan kapag sa iisang presyo pantay ang dami ng
quantity demand sa quantity supply. Sa kalagayang ito, ano ang implikasyon ng
pagkakaroon ng ekwilibriyo sa pamilihan?
A. Sa presyong ekwilibiriyo, parehong Masaya nag konsyumer at prodyuser sapagkat ang
dami ng nais bilhin ng mga konsyumer ay kasindami ng nais ibenta ng mga prodyuser.
B. Sa presyong ito, may labis na supply sapagkat maaaring magtaas ng presyo ang mga
prodyuser upang tumaas ang kita
C. Sa presyong ito, parehong nasiyahan ang konsyumer at prodyuser sapagkat tumaas man
ang presyo, kaunti na lamang ang bibilhin ng mga konsyumer.
D. Sa presyong ito, hindi Masaya ang konsyumer dahil labis na demand ay hindi napupunan
ng labis na supply.
33. Lahat tayo ay kinikilala bilang mga konsyumer na may mga pangangailangan subalit
hindi lahat ay may kakayahang maging prodyuser o gumawa ng mga produkto o
serbisyo na tutugon sa ating mga pangangailangan. Ano ang tawag sa lugar kung saan
ang mga konsyumer at prodyuser ay nagtatagpo at nagkakaroon ng palitan sa
pamamagitan ng itinakdang presyo ng mga produkto?
A.department store B. pamilihan C. talipapa D. tiangge
34. Ito ay naglalrawan ng ugnayan at samahan ng mga indibidwal.
A. sistema B. proseso C. Actor D. pamilihan
35. Punto na nagpapakita na kuntento ang mamimili at nagbebenta sa napagkasunduang
presyo at dami.
A. ekwilibriyo B. Disekwilibriyo C. surplus D. shortage
36. Si Maria ay gumawa ng 50 na yema. Binili lahat ito ni Mario sa halagang P3.00 bawat isa.
Ang P3.00 ay tinatawag na _________.
A. ekwilibriyo B. presyong ekwilibriyo C. Ekwilibriyong dami D. wala sa nabanggit
37. Kapag ang bahagdan ng pagbabago sa presyo ay mas malaki sa bahagdan ng pagbabago
sa dami ng demand, ito ay ___________.
A. ganap na elastiko B. Ganap na di elastiko C. elastic D. inelastic
38. Si Teresita ay isang diyabetiko. Ayon sa reseta ng doctor, dapat siyang maginsulin ng 3
beses sa isang araw. Anong uri ng elastisidad ng demand ang ipinapakita sa sitwasyon?
A. elastic B. Inelastic C. Unitary D. Ganap na elastiko
39. Ang pagtugon ng mga mamimili sa anumang pagbabago sa presyo ng kalakal o
paglilingkod.
A. price elasticity ng suplly B. Price elasticity ng damand
C. perfectly price elastic demand D. perfectly price inelastic demand
40. Kapag hindi nagbago ang dami ng pagkonsumo kahit tumaas o bumaba ang presyo ng
kalakal o serbisyo, ang
kurba ay sinasabing __________.
A. unit elastic B. Price elastic C. Perfectly price elastic D. perfectly price
inelastic
41. Anyo ng pamilihang may lubhang napakaraming prodyuser at konsyumer na hindi kayang
kontrolin ang presyo, demand at suplay ng produkto.
A. oligopolyo B. Monopolyo C. Ganap na kompetisyon D. Di ganap na
kompetisyon
42. Napapansin na kapag nagtaas ng presyo ang Caltex sa mga produktong petrolyo,sunud-
sunod na ring magtataas ng presyo ang mga ibang oil companies. Ano ang tawag sa sabwatan
ng mga negosyante sa pagtaas ng presyo?
A. kasunduan B. cartel C. samahan D. monopsonyo
43. Ang Jollibbe, Mc Do at Greenwich ay mga halimbawa ng ganap na kompetisyon. Alin sa
mga sumusunod ang hindi katangian nito?
A. magkakatulad na produkto B. Di magkakatulad na produkto
C. sapat na kaalaman at impormasyon D. Marami ang mamimimili at nagtitinda
44. Ang CAGELCO, MRT AT LRT ay mga halimbawa ng monopoly.Alin sa mga sumusunod
ang katangian ng monopoly?
A. iisa ng produser B. iisa ang konsyumer
C. kailangan ang produkto D. maraming nagtitinda
45. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng monopsonyong uri ng pamilihan?
A. MERALCO B. ABS-CBN C. Pamahalaan D. PBA
46. Ito ay isang uri ng pamilihan na may iisa lamang na bahay kalakal na gumagawa ng
produkto na walang kapalit na kahalili.
A. monopsonyo B. Monopolyo C. Oligopolyo D. Monopolistiko
47. Isang istraktura ng pamilihan na may maliit na bilang ng bahay kalakal na nagbebenta ng
magkakatulad o magkakaugnay na produkto. May kakayahan ang ganitong uri ng istraktura na
maimpluwensyahan ang presyo sa pamilihan.
A. Monopsonyo B. Monopolyo C. Oligopolyo D. Monopolistiko
48. Ang mg aprodukto gaya ng semento, bakal, gasoline, pati na ang Coca Cola at Pepsi Cola
ay mga halimbawa ng mga pamilihan. Aling pamilihan ito?
A. Oligopolyo B. Monopolyo C. Monopsonyo D. Kompetisyon
49. Ito ay isang pamilihan na isang mamimimili lamang ang may lubos na kapangyarihan
upang kontrolin ang presyo sa isang pamilihan.
A. Monopolyo B. Monopsonyo C. Monopolistiko D. Oligopolyo
50. Alin sa mga sumusunod ang isang halimbawa ng oligopolyong pamilihan at bakit?
A. Ang pagtitinda ng tilapia sa iisang pamilihan, sapagkat iisa lamang ang produkto ngunit iisa
rin ang bahay kalakal ang nagtitinda
B. Industriya ng langis, isang produkto ngunit maraming pamilihan ang nagtitinda
C. Ang serbisyo ng mga kawani ng gobyerno sa pamahalaan kung saan ang pamahalaan
lamang ang may control sa ibabayad na pasahod
D. Wala sa nabanggit

You might also like