You are on page 1of 15

ARALING PANLIPUNAN 7

Romero, Iounah Sheriden N.

Pangalan: Marka:
Baitang at Seksiyon: Petsa:

GAWAING PAGKATUTO
Mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya

Panimula:
Ano-ano ang nangyari o pagbabago sa paglipas ng panahon?

Balikan natin ang mga kaganapan sa pamumuhay ng mga ninuno o ang mga tinatawag
na “Mga Sinaunang Tao sa Mundo”. Tingnan natin ang apat na panahon na ginamit sa
pag-aaral sa kalagayan ng pamumuhay ng mga sinaunang tao. Ito ay ang panahon ng
Paleolitiko, Mesolitiko, Neolitiko at ang Panahong Metal.

Panahong Paleolitiko

 Masasabing nakadepende lamang sa kapaligiran ang mga


sinaunang tao noong panahong Paleolitiko (400,00 – 8500
BCE).
 Umaasa lamang sila sa kung anong biyaya mayroon ang
mga puno at halaman sa kapaligiran na makapupuno sa
kanilang pang-araw-araw na pamumuhay at pagkatapos ay
aalis kapag naubos na ang mga ito.
 Nomadiko ang kanilang pamumuhay.
 Kahit ganito ang kanilang sistema pamumuhay, nalinang ang kasanayan nila sa
paggawa ng mga kasangkapang yari sa matutulis na bato at kalaunan ay nagamit
sa pangangaso.

 Pinakamahalagang ambag nila ay ang pagkatuklas ng apoy.


 Natutong magpaamo ng hayop at gumawa ng mga damit na galing sa mga balat
ng hayop bilang proteksiyon sa kanilang katawan.

Panahong Mesolitiko

 Ito ay nagsimula sa panggitnang panahong bato o “middle stone”.


 Ito ay tinatayang naganap bandang 8,000 BC at tumagal libo-libong taon.
 Kasamang namatay sa panahon ng paleolithic ang malalaking hayop na nagsilbing
pagkain ng mga tao at ito ay napalitan ng mga hayop na nakikita natin sa
kasalukuyan.
 Natunaw na rin ang ang mga makapal na yelo kaya lalong lumawak ang lupang
maaaring panahanan ng mga tao.
 Nanatili pa rin bato ang mga kasangkapan gamit ng mga tao.
 Lumiit naman ang kanilang mga kasangkapan at naging mas pino.

Panahong Neolitiko

 Ito ay tinatawag na “Panahon ng Bagong Bato”.


 Kakaiba ang nangyari noong Panahong Neolitiko (7000 – 3000 BCE) kung saan
natutong magtanim at mag-alaga ng mga hayop ang mga tao.
 Malawakan ang naging pagtatanim kaya tinawag itong Rebolusyong Neolithic.
 Naging dahilan ito ng mga tao upang sila ay manatili sa mga agrikultural na lugar
at sa mga tabi ng ilog at lamak. Ito ay upang mabantayan
nila ang mga pananim at alagang hayop.
 Dito nagsimulang mabuo ang pamayanan.
 Nagkaroon ng kakayahan ang mga tao sa iba’t ibang
kasanayan o aspekto ng pamumuhay at nagkaroon na rin
ng pag-uuri sa lipunan.
 Nagsimula ang iba’t ibang hanapbuhay ng tao tulad ng
pangingisda at pagsasaka.

Panahong Metal
 Nabuo ang Panahong Metal (4000 BCE) sa magkakaibang lugar sa Asya. Hindi
ito naganap ng sabay-sabay.
 Sa panahong ito ang mga kasangkapang yari sa bato ay
napalitan ng metal at paglaon ay napalitan ng tanso.
 Ngunit dahil sa salat sa mapagkukuhanan ng tanso
napalitan naman ito ng bakal na siyang ginagamit pa rin
hanggang sa kasalukuyang panahon. Ito rin ang
nakapagpalawak ng kanilang pamumuhay.
Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Natatalakay ang konsepto ng kabihasnan at mga katangian nito


o Panahong Paleolitiko, Mesolitiko, Neolitiko at Metal
AP7KSA-IIb-1.3

Paalala/Mga Dapat Gawin:

Sa iyong paggamit nitong Learning Activity Sheets sa Araling Panlipunan mayroon


kang mga kaukulang mga alituntunin na dapat sundin o gawing gabay.

1. Ang Panimula ay ang bahagi na magdadala sa iyo sa paksa o kaalaman na


dapat mong maunawaan at matutunan.
2. Sa Gawain sa Pagkatuto Bilang 1 ay masusubok ang iyong kakayahan na
masagot at matandaan ang aralin na iyong binasa.
3. Sa Gawain sa Pagkatuto Bilang 2 ay masusubok ang iyong kaalaman o
kakayahan sa pamamagitan ng pagsuri at paglapat ng iyong nalalaman.
4. Sa Gawain sa Pagkatuto Bilang 3 ay masusubok ang iyong kasanayan sa
paglikha at pagtasa gamit ang iyong kaalaman sa tinalakay na aralin.
5. Sa bahaging Repleksyon sa Pagkatuto ay iyong masusukat ang iyong sariling
kakayahan ukol sa iyong pagtanggap o pagkatuto sa aralin.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag at piliin ang titik ng tamang sagot.
Titik lamang ang isulat sa papel.

______1. Pinakamahalagang ambag sa mga tao sa panahong ito ay ang


pagkatuklas ng apoy.
A. Paleolitiko
B. Mesolitiko
C. Neolitiko
D. Metal
______2. Natutong magpaamo ng hayop at gumawa ng mga damit na galing sa
balat ng hayop bilang proteksiyon sa kanilang katawan.
A. Paleolitiko
B. Mesolitiko
C. Neolitiko
D. Metal

______3. Nagkaroon ng kakayahan ang mga tao sa iba’t ibang kasanayan o


aspekto ng pamumuhay at nagkaroon na rin ng pag-uuri sa lipunan.
A. Paleolitiko
B. Mesolitiko
C. Neolitiko
D. Metal
______4. Lumiit naman ang kanilang mga kasangkapan at naging mas pino.
A. Paleolitiko
B. Mesolitiko
C. Neolitiko
D. Metal
______5. Sa panahong ito ang mga kasangkapang yari sa bato ay napalitan ng
metal at paglaon ay napalitan ng tanso.
A. Paleolitiko
B. Mesolitiko
C. Neolitiko
D. Metal
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2:
Panuto: Itala sa ladder web ang mga kaganapan o pangyayari sa bawat paglipas ng
panahon at pagkatapos ay sagutin ang pamprosesong mga tanong.

Pamprosesong mga Tanong:


1. Anu-anong pagbabago ang naganap sa bawat panahon?
2. Paano hinarap ng mga sinaunang Asyano ang hamon ng pagbabago ng
kapaligiran? Ipaliwanag ang sagot.
3. Paano nakaapekto ang katangiang pisikal ng Asya sa pagbuo ng kabihasnan?
Ipaliwanag ang sagot.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3:

Panuto: Iguhit ang mga natuklasan o pangyayari na naganap sa bawat yugto ng panahon
ng bato (Paleolitiko, Mesolitiko, Neolitiko at Metal) ayon sa paglalarawan sa may akda.
Sumulat ng isang maikling paglalarawan sa iyong iginuhit.
Rubriks sa Pagguhit

Pamantayan Napakahusay Mahusay Paghusayan pa!


(5) (4) (3)
Kalinisan (Malinis ang
pagkakaguhit at walang mga
binura)
Simbolong Naiguhit (Angkop
ang bagay na iginuhit)
Kaangkupan sa Konsepto
(Angkop ang paglalahad ng
nilalaman sa konsepto na
iginuhit.)

Repleksyon sa Pagkatuto 1

Talahanayan. Gabay sa Pag-iiskor

Antas ng Pagganap Puntos Kahulugan


Katangi-tangi/Mahusay 4 Naisagawa ang lahat ng gawain sa takdang
oras ng walang mali
Lubos na Kasiya-siya 3 Naisagawa ang lahat ng gawain sa takdang
oras bagama’t may ilan lamang na mali
Kasiya-siya 2 Naisagawa ang lahat ng gawain bagamat nasa
kalahati ng kabuuang bilang ng mga gawain
ang mali
Dagdagan pa ang 1 Hindi naisagawa ang lahat ng gawain at
Pagsisikap mahigit sa kalahati ng kabuuang bilang ng mga
gawain ang mali

Repleksyon sa Pagkatuto 2

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:


1. Ano ang nararamdaman mo sa iyong iskor sa repleksyon sa pagkatuto 1? Bakit?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
2. Ano ang iyong mga natutunan sa aralin?
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Mga Sanggunian: ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, pp. 110-111, MELC p.


29

Susi sa Pagwawasto:

Gawain sa Pagkatuto 1:
1. A
2. A
Gawain sa Pagkatuto 2:
Ito ang maaaring sagot: 3. C
Ladder web: 4. B
Panahong Paleolitiko 5. D
 Umaasa lamang sila sa kung anong biyaya mayroon ang mga puno at halaman sa kapaligiran
na makapupuno sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay at pagkatapos ay aalis kapag
naubos na ang mga ito.
 Nomadiko ang kanilang pamumuhay.
 Nalinang ang kasanayan nila sa paggawa ng mga kasangkapang yari sa matutulis na bato at
kalaunan ay nagamit sa pangangaso.
 Pinakamahalagang ambag nila ay ang pagkatuklas ng apoy.
 Natutong magpaamo ng hayop at gumawa ng mga damit na galing sa mga balat ng hayop
bilang proteksiyon sa kanilang katawan.

Panahong Mesolitiko

 Natunaw na rin ang ang mga makapal na yelo kaya lalong lumawak ang lupang maaaring
panahanan ng mga tao.
 Nanatili pa rin bato ang mga kasangkapan gamit ng mga tao.
 Lumiit naman ang kanilang mga kasangkapan at naging mas pino.

Panahong Neolitiko
 natutong magtanim at mag-alaga ng mga hayop ang mga tao.
 Malawakan ang naging pagtatanim kaya tinawag itong Rebolusyong Neolithic.
 Dito nagsimulang mabuo ang pamayanan.
 Nagkaroon ng kakayahan ang mga tao sa iba’t ibang kasanayan o aspekto ng pamumuhay at
nagkaroon na rin ng pag-uuri sa lipunan.
 Nagsimula ang iba’t ibang hanapbuhay ng tao tulad ng pangingisda at pagsasaka.

Panahong Metal

 Sa panahong ito ang mga kasangkapang yari sa bato ay napalitan ng metal at paglaon ay
napalitan ng tanso.
 napalitan naman ang tanso ng bakal na siyang ginagamit pa rin hanggang sa kasalukuyang
panahon.

Pamprosesong mga tanong

Maaaring iba-iba ang sagot.


ARALING PANLIPUNAN 7
Pangalan: Marka: Q2 week 2-3
Baitang at Seksiyon: Petsa:

GAWAING PAGKATUTO
Pamagat

Panimula: Sa araling ito ay maipaghahambing ng mga mag-aaral ang kabihasnan at


masuri ang nilalaman ng bawat teksto tungkol sa mga sinaunang kabishanan ng Sumer,
Indus, at Tsina at matuklasan ang naging kasaysayan at katayuan ng mga kabihasnang
ito.

Ang kabihasnang Sumer


 Mesopotamia – Ang Mesopotamia ang kinilala bilang cradle of civilization dahil
dito umusbong ang unang sibilisadong lipunan ng tao. Matatagpuan ang
Mesopotamia sa Gitnang Silangan na tinatawag na Fertile Crescent (Iraq), isang
arko ng matabang lupa na naging tagpuan ng iba’t iabng grupo ng tao mulaa sa
Persian Gulf hanggang sa dalampasigan ng Mediterranean Sea. Umusbong ang
kabihasnang Sumer (3500 – 3000) na itinuturing na pinakamatanda at
pinakaunang kabihasnan sa buong daigdig. Dito na tuklasan ang Sistema ng
pagsulat na tinatawag na Cuneiform kung saan ay naitatala ng mga Scribe sa
mga Clay tablet ang mga mahahalagang pangyayaring nagaganap.

Ang Kabihasnang Indus


 Sa timog Asya makikita ang lambak-ilog ng Indus at Ganges. Tulad din ng ilog
Tigris at Euprates ay umaapaw din ito taon-taon dahil sa pagkakatunaw ng yelo
sa Himalayas na nag-iiwan din ng banlik na nagpapataba sa lupaing agricultural
nito. Bago pa man umunlad ang kabihasnang ito at may mga pamayanan nang
naitatag noong panahon ng Neolitiko. Ito ay ang pamayanang Mhergah (3500
BCE) na nasa kanluran ng ilog Indus. Masasabing sedentaryo at agricultural ang
pamumuhay ng tao ditto batay sa mga nahukay na ebidensiya. Pinamunuan ang
kabihasnang ito ng mga naghaharing uri sa lipunan tulad ng mga haring pari.
Dahil sa salat sa mga punogkahoy at metal, pagsasaka ang ikinabuhay ng mga
ato dito.

Ang Kabihasnang Tsina (Shang)


 Naging tagpuan ng kabihasnang Shang ang Ilog Huang Ho na tinatawag ding
Yellow River dahil sa tuwing pagkatapos ng pagbaha ang tubig nito ay nag iiwan
ng loess o dilaw na lupa na nagsisilbing pataba sa lupaing agricultural na
malapit dito. Ang Shang ay pinamunuan ng mga paring-hari na naging
organisado sap ag-aayos ng kanilang lungosd na napapalibutan ng mga
matataas na pader na naging paghahanda sa mga madalas na digmaan sa
kanilang lupain. May malinaw na pag hahati ng lipunan sa lupain na ito, ang
mga aristokrasya at ang mga mababang uri na nailalarawan sa uri ng kanilang
tirahan. Natuklasan ang Sistema ng pagsulat na tinatawag na calligraphy na
nagsisilbing tagapag isa ng Tsino.
Kasanayang Pampagkatuto at Koda:
Napaghahambing ang mga sinaunang kabihasnan sa Asya (Sumer, Indus, Tsina)
AP7KSA-IIc- 1.4
Paalala/Mga Dapat Gawin:

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:


A. Panuto: Isulat ang tamang titik na sagot sa patlang bago ang bilang.
______1. Naging tagpuan ng kabihasnang Shang ang Ilog Huang Ho na tinatawag ding
__________.
A. Clay tablet
B. Yellow River
C. The Great wall of China
D. Path along Xihao Gorge, China
______2. Natuklasan ang Sistema ng pagsulat na tinatawag na ___________ na
nagsisilbing
Tagapag isa ng Tsino.
A. Scribe
B. Fertile Crescent
C. Calligraphy
D. Clay tablet
______3. Matatagpuan ang Mesopotamia sa Gitnang Silangan na tinatawag
na__________.
A. Scribe
B. Fertile Crescent
C. Calligraphy
D. Clay tablet
______4. Ang ________ ay pinamunuan ng mga paring-hari na naging organisado sa
pag-
Aayos ng kanilang lunsod.
A. Indus
B. Sumer
C. Ehipto
D. Shang
______5. Ito ay ang paniniwala sa mga diyos na naitatag ang templo na tinatawag
na______,
Ang pinakamalaking gusali sa Sumer.
A. Ziggurat
B. Persian Gulf
C. Mohenjo Daro
D. The Great Wall of China
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2:
Panuto: Gumawa ng isang talata kung ano ang mga naiambag ng mga kabihasnang ito sa
kasalukuyang panahon na hindi kumulang sa isang daang salita.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3:


Panuto: Likumin ang Datos ngayong nalaman moa ng lahat ng impormasyon sa mga
sinaunang kabihasnan sa Asya ay punan mo ng sago tang talahanayan ng mga naging
mahalagang ambag o kontribusyon ng mga kabihasnan sa sangkataohan. Maari mong
isulat ang iyong kasagutan o kaya naman ay maaari ding gumamit ng mga larawan upang
mas higit na maunawaan at Makita nang ibang kamag aral ang hitsura/larawan ng mga
ambag na ito ng kabihasnan. Ipaliwanag mo at ibahagi sa klase ang mga kasagutan mo.

Mga Kabihasnan Mahalagang Ambag/Kontribusyon

Sumer
Indus
Tsina(Shang)

Mga Gabay na Katanungan (kung kinakailangan)


1. Alin sa Sinaunang kabihasnan ang sas palagay mo ang may pinakamahalagang
kontribusyon sa sangkatauhan? Ipaliwanag ang iyong sagot.
2. Paano mo pahahalagahan ang mga naging kontribusyon ng mga sinaunang
kabihasnan?

Rubriks (kung kinakailangan)


Repleksyon sa Pagkatuto 1
Talahanayan. Gabay sa pag-iiskor

Antas ng pagganap Puntos Kahulugan

Katangi-tangi/Mahusay 4 Naisagawa ang lahat ng Gawain sa takdang oras


ng walang mali
Lubos na Kasiya-siya 3 Naisagawa ang lahat ng Gawain sa takdang oras
bagama’t may ilan lamang na mali
Kasiya-siya 2 Naisagawa ang lahat ng Gawain bagamat nasa
kalahati ng kabuuang bilang ng mga Gawain ang
mali
Dagdagan pa ang 1 Hindi naisagawa ang lahat ng Gawain at mahigit sa
Pagsisikap kalahaati ng kabuuang bilang ng mga Gawain ang
mali

Repleksyon sa Pagkatuto 2
Sa paglipas ng panahon ay nagpatuloy ang pag-unlad ng mga kabihasnan mula sa payak
na pamumuhay patungo sa pagtatag ng mga bagong estado at imperyo sa Asya.

Nalaman ng mga mag-aaral na dito sa Pilipinas at ibang mga bansa sa Timog- Silangang
Asya ang namumuno ay kinilala batay sa katangian, kaugalian, at katalinuhan.

Mga Pahayag/Kaalaman Naunawaan Hindi


Naunawaan
1. Sumibol at umunlad ang mga sinaunang
kabihasnan sa mga ilog at lambak na angkop sa 
pagtatanim.
2. Kabihasnan nang maituturing ang pamayanang
may
3. organisadong pamamahala, relihiyon, uring 
panlipunan, at may pag-unlad sa sining,
teknolohiya, at Sistema ng pagsulat.
4. May mga pamayanang naitatag bago pa man ang
5. kabihasnan na naging transisyon sa pag unlad ng
Kabihagnang Sumer, Indus, at Tsina (Shang). 
6. Ang mga bagay at kagamitan na natuklasan ng
mga kabihasnan ay nakatulong sa pamumuhay ng 
mga Asyano sa kasalukuyang panahon.
7. May mga kaisipang Asyano (mga paniniwala) na
nabuo noon ang nanatili hanggang sa kasalukuyan.
Ito ang naging sandigan ng ilang bansa sa Asya 
upang mapatatag ang kanilang mga lungsod at
liderato tulad ng sa China.
Mga Sanggunian:
ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, Araling Panlipunan 7, pp. 112-116

Susi sa Pagwawasto:

Gawain sa Pagkatuto 1:
1. B Gawain sa Pagkatuto 2:
2. C
3. B
Magkakaiba ang sagot ng bawat
4. D mag-aaral
5. A

Gawain sa pagkatuto 3:

Mga Kabihasnan Mahalagang Ambag/Kontribusyon

Sumer  Kontribusyon sa paghahanap buhay,


paggamit ng perang pilak, lunar calendar,
decimal system.
Indus  Paghahanapbuhay, pakikipagkalakan,
pictogram, at grid-patterned.
Tsina(Shang)  Sistema ng pagsulat na tinatawag na
Calligraphy at pagtuklas ng potter’s wheel

ARALING PANLIPUNAN 7
Pangalan: Marka: Q2 week 4
Baitang at Seksiyon: Petsa:

GAWAING PAGKATUTO
Pamagat

Panimula: Sa araling ito natatalakay ang kahulugan ng Sinocentrism at Divine Origin,


Nasusuri ang iba’t ibang kaisipang Asyano na nagbigay-daan sa paglinang ng
pakakakilanlang Asyano at Natutukoy and kahalagahan ng kaisipang Asyano sa
paghubog ng mga tapat at mabuting pinuno ng mga sinaunang kabihasnang umusbong
sa Asya.

 Ang Mandate of Heaven


Ang Sinocentrism ng sinaunang China ay mga paniniwala ng mga sinaunang
Tsino na ang kanilang bansa ay ang sentro ng mundo at ang kanilang lahi ang
pinakamataas sa lahat.
 Ang Zhonggou o Gitnang kaharian ang tawag ng mga Tsino sa kanilang bansa
ang katawagang ito ay ugat sa kaisipang Sinocentrism.
 Ang Emperador ang tawag sa pinuno ng sinaunang tsina ito ang pinakataas na
antas sa panunungkulan nakabatay sa prinsipyo ng MANDATE OF HEAVEN sa
pamumuno ng empirador tinatawag din siyang ANAK NG LANGIT/SON OF
HEAVEN.

 KOWTOW – ang pagyuko sa harap ng emperador bilang tanda ng pagkilala sa


kapangyarihan.
 EMPERADOR – Gayunpaman maaari mawala sa emperador ang
kapangyarihan o basbas ng langit sa pamamagitan ng mga panyayari sa
kapaligiran. Kung patuloy ang katahimikan at kaayusan sa lipunan at
mananatiling maunlad at mayaman ang buong imperyo at walang taglay pa din
ng emperador ang basbas ng langit ngunit kung kabaliktaran ng mga ito ang
nangyayari pangangahulugan ito ng pagbaba ng emperador sa kaniyang trono
dahil sa paniniwalang wala ng sa kaniya ang basbas ng langit.

 IMPLUWENSYA:
SIBILISADO – Tawag sa mga lahing tumanggap ng kanilang sibilisasyon.
BARBARO – mga lahi at lupaing hindi tumanggap ng kanilang kultura at
paniniwala at hindi namuhay ng tulad ng mga Tsino.
 Ang Goryeo ay itinatag ni Wang Geon. Ang pangalang Korea ay nagmula sa
kahariang ito. Ang buong Korea ay napasailalim ng iisang kaharian.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda:


Natataya ang impluwensiya ng mga kaisipang Asyano sa kalagayang panlipunan at kultura
sa Asya
AP7KSA-IIc- 1.4
Paalala/Mga Dapat Gawin:

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:


A. Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot na inilalarawan ng mga sumusunod
na pangungusap. Isulat sa patlang ang sagot.
______1. Paaralan ng Sumer.
______2. Sistema ng pagsulat ng mga Sumerian ZHOU
______3. Paniniwala sa maraming diyos CUNEIFORM
______4. Rehiyon na mataba ang lupa EPIC OF GILGAMESH
______5. Pinakamatandang epiko sa daigdig CHIN
______6. Pinakamatagal na Dinastiyang Tsino POLITEISMO
______7. Nagpasimula ng pagkuha ng pagsusulit sa serbisyong sibil EDUBBA
______8. Nagpatayo ng Grand Canal FERTILE CRESCENT
______9. Pinamumunuan ng Legatistang Pinuno HAN
______10. Pinaniniwalaang alamat lamang SUI

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2:


Panuto: Sumulat ng sanaysay tungkol sa MANDATE OF HEAVEN kung paano nila ito
pinaniniwalaan. Hindi bababa sa isang daang salita sa loob ng limampung minute. Isulat
sa isang pirasong papel.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3:


Panuto: Isalaysay kung gaano kahalaga si Wang Geon sa lipunang Korea.

Mga Gabay na Katanungan (kung kinakailangan)


Rubriks (kung kinakailangan)
Repleksyon sa Pagkatuto 1
Talahanayan. Gabay sa pag-iiskor

Antas ng pagganap Puntos Kahulugan

Katangi-tangi/Mahusay 4 Naisagawa ang lahat ng Gawain sa takdang oras


ng walang mali
Lubos na Kasiya-siya 3 Naisagawa ang lahat ng Gawain sa takdang oras
bagama’t may ilan lamang na mali
Kasiya-siya 2 Naisagawa ang lahat ng Gawain bagamat nasa
kalahati ng kabuuang bilang ng mga Gawain ang
mali
Dagdagan pa ang 1 Hindi naisagawa ang lahat ng Gawain at mahigit sa
Pagsisikap kalahaati ng kabuuang bilang ng mga Gawain ang
mali

Repleksyon sa Pagkatuto 2

Antas ng pagganap Puntos Kahulugan

Katangi-tangi/Mahusay 8 Naisagawa ang lahat ng


Gawain sa takdang oras ng
walang mali
Lubos na Kasiya-siya 7 Naisagawa ang lahat ng
Gawain sa takdang oras
bagama’t may ilan lamang
na mali
Kasiya-siya 6 Naisagawa ang lahat ng
Gawain bagamat nasa
kalahati ng kabuuang bilang
ng mga Gawain ang mali
Dagdagan pa ang 5 Hindi naisagawa ang lahat
Pagsisikap ng Gawain at mahigit sa
kalahaati ng kabuuang
bilang ng mga Gawain ang
mali

Mga Sanggunian:
ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, Araling Panlipunan 7, pp. 152-162

Susi sa Pagwawasto:
Gawain sa Pagkatuto
Bilang 1:
1. EDUBBA
2. CUNEIFORM
3. POLITEISMO
4. FERTILE
CRESCENT
5. EPIC OF
GILGAMESH
6. SHANG Gawain sa Pagkatuto
Gawain sa Pagkatuto
7. HAN Bilang 2:
Bilang 3:
8. SUI Iba-iba ang mga ideya ng
Sa larangan ng sining?
9. CHIN mga mag-aaral
Nakalikha ang Goryo na
10. EPIC OF
itinatag ni Wang Geon ng
GILGAMESH
sariling istilo ng porcelana
na tinatawag na Celadon

You might also like