You are on page 1of 1

ANG PINAGMULAN NG TAGALOG

Ayon sa sali’t-salin sabi, ang pagkakatawag ng TAGALOG sa mga mamamayang nasa pinakapuso ng
GITNANG LUZON, ay likha ng isang pagkakataon lamang. Umano nang panahon ng mga Kastila, ay may
isang nayong nasa may hanggahan ng lalawigang Bulacan at Nueva Ecija. Ang nayon ay napabantog hindi
dahil sa may maliit na batis ito, na dinadaluyan ng malinaw na tubig; at may matatabang lupaing
natatamnan ng maraming namumungang punungkahoy; kundi dahil sa pagsilang doon ng isang
napakagandang dalaga, na ang pangalan ay Talya. Dahil sa pambihirang kagandahan ni Talya, ang nayong
iyon ay pinagdarayo ng mga binatang nagbubuhat pa sa iba’t ibang pook at bayan. Sa nayong iyon si
Talya lamang ang may pinakamaraming binata na pawang namimintuho at nakikipagsapalaran sa pagibig
ng dalaga. Bagama’t si Talya ay walang sinumang sinasagutan sa mga binatang nanunuyo sa kanya,
magiliw naman niyang pinakikiharapan ang lahat. Sapagka’t wala siyang malamang piliin, ay gumawa siya
ng paraan upang minsanang matipon sa kanilang tahanan ang mga binatang iyon at saka niya sinasabi
ang ganito. “Sinuman sa inyo ang unang makapagdala sa aking harap ng isang malaki, malakas at buhay
na sawa, ay siya kong iibigin at pakakasalan. Halos lahat ng kaharap niyang binata ay pawang natigilan at
hindi nakapagsalita. Nguni’t anu-ano ay isang tinig ang bumasag sa katahimikang yaon. “Ako ang
nangangako sa iyo Talya”... – matatag na sagot ng binatang si ILOG, na kilala nilang lahat sa katapangan.
Sa pagkakatigagal ng mga kaharap na binata ay umalis sa ilog noon din, nagbulung-bulungan ang mga
binatang naiwan. Tinitiyak nilang hindi na makababalik si ilog. May ilang oras na nakararaan ay hindi nga
nagbabalik si Ilog. Nangangamba naman si Talya at ikalulungkot niyang mapahamak ang binatang
matapang at masunurin. Nguni’t walang anu-ano ay dumating si Ilog, na hawak ang leeg at sa buntot ang
isang malaking sawa. Namangha ang mga binatang dinatnan at pati naman ng mga taong nagdaraan
nang makitang hawak-hawak ni Ilog ang napakalaking sawa.”Talya”! – ang malakas na sigaw ni Ilog, -
narito ang sawang pinahahanap mo. Ano pa ang ibig mong gawin sa sawang ito upang mapaligaya ka?
Tagain mo ang sawang iyan: - ang sigaw ni Talya. Binitawan ni Ilog ang sawa sa pagkakapigil nito sa
buntot; at hinugot sa baywang at hinugot sa baywang ang matalim na gulok. Tinaga ang dakong buntot
na sawa. Siyang pagdaraan noon ng dalawang kasadores na Kastila. Dahil sa nagkakagulo ang mga
manonood kay Ilog, ang akala ng mga iyon ay may itinatanghal sa nayong iyon. “Ano bang palabas iyan,
at ano bang bayan ito – ang tanong ng dalawang Kastila?, na napatingin pa kay Talya. Nagkataon naming
nakita ni Talya, na ang sawa ay ibig bumawa ng huling pagtatanggol sa sarili. Nang maputulan ng buntot
ay namilipit ito sa binti ni Ilog, kaya’t sa takot nitong malingkis ang binata napasigaw si Talya: Taga, Ilog!...
Taga Ilog- na ang ibig sabihin ng dalaga ay tagain pa uli ni Ilog ang nasabing malaking sawa. At kung patay
na naman iyon ay handa na siyang pakasal sa matapang na binata. Ang akala naman ng dalawang
Kastila, ay sinagot sila ni Talya sa kanilang itinatanong; kaya’t isinaulo pa nila ang mga katagang: Tagailog,
Tagailog! Hindi na hinintay ng dalawang Kastila na matapos pa ang akala nila’y palabas sa pook na iyon.
Nang dumating sila sa kabayanan ay isiniwalat ang kanilang nasaksihan, na naganap sa bayan ng Tagailog,
na nang lumaon ay na tinawag na TAGALOG

You might also like