You are on page 1of 1

Pagkakaiba, noon at ngayon

- cutiekyat
Kahapon, ngayon at magpakailanman, tatlong panahon na mahirap ihalintulad.bakit? Dahil may maraming
bagay na puwedeng maging angkop kung bakit magkaiba ang kahapon, ngayon at magpakailanman.
Malaki ang pagkakaiba ng henerasyon noon at ngayon. Paano na kaya sa susunod pang henerasyon? Sa mga
kwento ng mga nakatatanda, masarap daw itong balik-balikan. Simple pero masaya. Pamumuhay na simple, mga
larong kalye gaya ng tumbang preso, luksong tinik, piko, Chinese garter, at iba pang laro.kapwa bata ang
kakuwentuhan at kakulitan nang harapan. Nakakapagod man at nakakapawis, ibang saya ang nararamdaman.
Ibang kapaligiran ang kinabibilangan kung saan sila ay masaya.
Kakaiba na ang nararanasan sa kasalukuyan. Teknolohiya, “peer pressure”, at iba pang sanhi ng pagbabago ng
mga kabataan ngayon. Ang kabataan ngayon ay naglalaro na, gaya ng “Facebook”, “Dota”, at iba pang online
games. Meron ba tayong kalaro? Meron, pero walang aktuwal na interaksiyon. Hindi magiging maayos ang
kanilang pagkatao dahil sa ibang kapaligiran ang kinabibilangan nito.
Ang pagpili ng landas na tatahakin sa pamamagitan ng wastong gabay at maayos na edukasyon. Kasama rito
ang pagiging isang mabuting Kristiyano, at ipalaganap ang salita ng Diyos hindi lang sa salita, pati na rin sa gawa,
pagiging maawain at sensitibo sa nangangailangan, pagtupad sa tungkulin at gawain, may tiwala sa sariling
kakayahan. Patuloy nating ipalaganap ang Michaelians misyon para sa bayan at sa susunod pang henersyon.

You might also like