You are on page 1of 4

Ang Ugnayan Natin Noon at Ngayon

Sanaysay mula sa Tema ng Pambansang Paggunita sa Buwan ng Pagpapahalaga 2018


Dave M. Pasquito, ICAP I
T-I, Zillovia National High School

Ang tao ay patuloy na makipag-ugnayan sapagkat ito ang kalikasan niya- ang mabuhay
kasama ang kapwa nang may kalinga at pagmamahal

Ang tao ay isang sosyal na nilalang at kasama sa pagiging sosyal ay ang pakikipag-
ugnayan sa kapwa tao at sa kanyang kapaligiran. Dahil din sa kalikasang sosyal na ang lahi ng
tao ay dumami at nagpatuloy hanggang sa ngayon. Ang kanyang buhay ay umiinog sa kanyang
ugnayan sa kanyang sarili, kapwa at kapaligiran. Dahil sa ugnayang ito ay nakabuo ang tao ng
kanyang pamilya, pangkat at komunidad hanggang sa ito ay naitala sa kasaysayan ng tao
bilang sibilisasyon.

Sa sibilisayong ito makikita ang talino ng tao sa paggawa ng mga kagamitang


makapagpapabilis sa kanyang mga gawain, produksiyon at ugnayan sa kanyang kapwa. Mula
noon hanggang ngayon ay hindi na tumigil ang tao sa paggawa ng mga kagamitang
makakatulong sa kanyang pamumuhay at ugnayan sa kanyang kapwa. Simula sa kagamitang
pangtransportasyong gawa kahoy na lumulutang sa tubig at hinihila ng mga hayop hanggang sa
mabilis at matatayog na kagamitang bakal na lumilipad at lumulutang sa tubig ay isang patunay
sa layunin ng tao na paunlarin ang kanyang ugnayan di lamang sa kanyang paligid kundi sa
mundong kanyang ginagalawan. Ang tao ay hindi tumigil na itulak ang mga balakid sa abot ng
kanyang kakayahan at talino upang makipag-ugnayan sa kanyang kapwa saan mang sulok ng
mundo.

Napalaking pagbabago ang naidulot ng mga kagamitang nagawa sa pamumuhay ng


tao. Noon, ang tao ay sumasakay ng karwahe, steam ship o kabayo marating ang ibang lugar
upang duamlo sa isang piging o kasiyahan na aabutin ng ilang araw o buwan. Subalit, ngayon,
may motorsiklong ubod ng bilis, kotse, eroplano at barkong mabilis ang makina na makarating
ng mabilis sa patutunguhan. Noon, gamit ay ibon, at kartero sa pagdadala ng sulat mula sa
papel at tinta, ngayon, may text, email at social media na. Noon, pagmalayo ka sa iyong mga
mahal sa buhay at kaibigan ay talagang mararanasan mo ang kalungkutan dala ng pagkawalay
at walang makakausap, subalit ngayon, may viber na, skype, messenger at social media
platform. Ang mga ito ay ilan lamang sa mga patunay sa paggamit ng talino ng tao upang
matupad ang kanyang layunin; ang makipag-ugnayan.
Sa paglipas ng panahon, ang tao ay naging depende at lalong umaasa na sa
kagamitang hawak niya sa kanyang pamumuhay. Ang internet, computer, android, artificial
intelegence at ibang kagamitang gadget tawagin, ang nagbigay sa tao ng pagkakataon sa
lubusang pakikipag-ugnayan sa mundo at kapwa. Sa una ay mga taon ng gadget ay maraming
mga natatakot, nag-aalinlangan at negatibo sa epektong dulot nito sa tao. Sabi ng ilan, ang
gadget o teknolohiyang panahon ay magbigay daan sa dehumanization, pagkawala ng moral na
pagpapahalaga at magkaroon ng suliranin sa ugnayan ng tao sa kanyang kapwa. Kaya naman,
ang internet na isa ngayon sa pangunahing teknolohiya sa kasalukuyan panahon ay hindi rin
nakatakas sa ligalig na nararamdaman ng tao tuwing may pagbabagong teknolohikal. Sa
kabilang banda, sa kalikutan ng isip tayo ay magtatanong, ang teknolohiya at gadget ba ang
suliranin o ang tao na gumamit nito? Ano ba ngayon ang binigyang halaga ng tao? Ang mga
bagay ba o ang ugnayan niya sa kanyang kapwa? Ang gadget nga ba ang ating gawing dahilan
sa ating mga naranasang suliranin sa ating pakikipagkapwa?

Ang gadget tulad ng ibang kagamitan sa kasaysayan ay ginawa ng may layunin, ang
maging mabuti ang ugnayan ng tao sa kanyang kapwa at kapaligiran. Ang gadget ay walang
sariling pasya at walang buhay. Ito ay isang gamit na gagamitin sa kung ano ang layunin ng
paglikha nito. At sa tingin ko, ito din ang layunin ng mga imbentor at mga engineer na gumawa
ng gadget, ang mapabuti ang ugnayan ng tao sa kanyang kapwa. Ang mga smartphones,
tablets, at computer ay ilan lamang sa mga gadgets na maka-access sa internet upang maging
maayos ang ugnayan at mabilis na matugunan ang pangangailangan ng tao sa kanyang
pamumuhay. Hindi ba, ang pagsulat ng sanaysay na ito, ang pagtawag sa aking kapwa guro at
pamilya, ang pangungumusta sa aking tiyuhin sa Valencia City at pagbati ng kaarawan sa aking
kaklaseng nasa California, USA, ay gingamitan ko ng gadget? Ito ba ay nagpapasama sa
ugnayan namin? Hindi! Kaya naman, nais kung iparating na ang gadget ay di dapat husgahang
makasama kundi tingnan ito sa obhektibong pananaw dahil hindi mabago ang layunin sa
pagkagawa ng gadget, subalit maaring mabago ang pananaw at pagbibigay halaga sa
paggamit ng gadget.

Dahil sa walang kasanayan at walang pagpapahalaga ang tao na gumagamit ng gadget,


maaring ang gadget ang maging tulay sa ikakapahamak at ikakasama ng ating ugnayan sa
kapwa. Cyberbullying. Cyber stalking, paghumaling sa mga mobile games at kakulangan sa
kakayahang makinig sa kapwa ay ilan lamang sa mga suliraning ating naransan. Ang gadget ay
itinuturing na bang pangangailangan at karugtong ng buhay ng tao sa panahon ngayon? At ang
kapwa ay pangalawa na lamang sa kanyang mahalagang ugnayan? Ang mga katagang
“Mamamatay ako pagwalang internet”, “Boring ang life pagdi-smartphone ang hawak mo”,
“Capture the moment with Samsung” at kung anu-ano pa, patunay lamang na mas mahalaga pa
ngayon ang gadget sa buhay ng tao. Ang mga magulang sa panahon ngayon ay iba na ang
ugnayan sa mga anak. YouTube na ang nagtuturo sa batang magsalita, magpatahan at
magpakalma sa anak. Ang ibang bata, lumalaking nakikita ang magulang sa screen ng laptop o
cellphone na hawak. At kung minsan, ang regalo ay high end na cellphone na di angkop sa
edad at pamumuhay ng bata. Ang mag-asawa ay nag-aaway na dahil hindi ni-like ni mister and
post ni misis. Nakakalungkot isipin subalit ito na ang panahon natin ngayon. Ito na ang ugnayan
natin ngayon.

Ang katauhan ng tao ay ipinagsisigawan sa buong mundo sa pamamagitan ng social


media platform. Kung ano ang naramdaman, ano ang galit sa kapwa at kung ano ang ginagawa
at pupuntahan ay ipinapaalam na ngayon sa mundo. At parang hindi batid ang panganib na
dala nito, may iba na nagpost ng mga video ng kalaswaan, karahasan at kaguluhan na may
maraming nag-like at followers. Kung minsan naman, may manloloko at naloloko sa iba’t ibang
online scam. Nakakalungkot isipin subalit ito na ang panahon natin ngayon. Ito na ang ugnayan
natin ngayon.

Sa maliwanag na dako ng ugnayang ito, ay may mabuti naming naidulot ang gadget.
Nahuli ang mga masamang loob, mga nangongotong at mga abusadong opisyal dahil din sa
social media platform. Napabilis ang paglikom ng pundo sa pagtulong sa nanganagilangan at
pagligtas sa mga biktima ng kalamidad dahil din sa gadget. Maraming nasiyahang puso,
natuwang mga magulang at napawing kalungkutan dahil sa ugnayan sa social media gamit ang
gadget. Nakakatuwag isipin na ito na ang panahon natin ngayon. Ito na ang ugnayan natin
ngayon.

Tayo ang gumawa sa ating kasalukuyan dahil sa ating mga pagkilos sa nakaraan. An
gating suliranin naranasan ngayon ay ating maagapan upang ang pagkilos na ito ang maging
batayan sa ating hinaharap na bukas. May magagawa pa ba tayo? Meron!

1. Maging mapanuri. Mapanuri saan? Mapanuri para ano? Ang pagiging mapanuri ay
hindi makakamit kung di man alam kung ano ang susuriin at walang kaalaman at
kakayahan upang magsuri sa bagay at pangyayari na kailangang suriin. Kaya naman
tayong mga guro at mag-aaral kasama ang buong pamilya at sambayanan ay
magtulungan upang magkarron ng mabuting kaalaman ang mga di lamang ng mga
kabataan kundi ng mga magulang at maging tayong mga guro. Ating ipakita ang maayos
na paggamit ng mga gadget at pagbigay halaga sa pisikla na ugnayan ng kapwa.
Turuan natin sila kung paano makipag-usap ng may paggalang, paunlarin ang kanilang
pagmalikhain at ang kanilang isipan upang sila mismo ay maging mapanuri sa kanilang
sarili.
2. Paglunsad ng Advocacy sa Mapanagutang Paggamit ng Gadget. Isa sa mga
magpapa-unlad sa kaalaman ng tao ay ang kanyang mga nalalaman. Kung walang
magbigay kaalaman sa epekto ng di mapanuring paggamit ng gadget ay marahil, di tayo
lubusang maintindihan ng mga kaabataan. Imbis na makapagbigay linaw, ay lalong
lumabo at lumala ang sitwasyon.
3. Ang pagsasa-alang alang sa Mapagkalingang Kapaligiran dahil ditto lang ang tunay
na takbuhan at kanlungan ng ating kabataang nalilito sa kanilang sariling katauhan at
kalagayan. Ang teenager ang pinakamaselang yugto sa buhay ng isang tao. Dito,
maraming tanong at mga pag-aalinlangan sa sarili, kaya kung walang kalinga sa pamilya
gaya ng mga yakap, haplos at panahon ng pag-uusap na pisikal ay maaring mabaling ito
sa pagkahumaling sa gadget at mobile games. Kaya dapat ding malaman ng mga
magulang kung anong gadget ang pwedeng ibigay sa mga bata. Ang disiplina ayon sa
katwiran ay mahalaga upang matutunan ng bata ang kahalagahan ng gamit at ang
ugnayan niya sa kanyang kapwa.
4. Magkaroon ng Active Lifestyle lalong lalo na sa mga mag-aaral. Dapat ay igugol ang
mahabang oras sa pagbabasa at pagpapahayag nito sa kapwa mag-aaral. Sa ganitong
paraan ay nahahasa ang inter-personal skills na kailangan sa isang mabisang
komunikasyon. Maging aktibo sa isports at hindi sa mobile games, dahil mas napatatag
nito ang pisikal na katawan at napapalawak nito ang kakayahan ng utak.

Marami pang paraan upang maka-iwas sa pagkahumaling ng gadget. At isa sa


mabisang paraan, sa tingin ko, ay ang pagbibigay ng halaga sa bawat isa bilang ating kapwa.
Ang pagbibigay ng kalinga sa kapwa at sa ating pamilya sa pamamagitan ng pagpapakita ng
pisikal na mga kilos gaya ng ngiti, haplos, yakap, at pagtulong, pagganyak at pananalitang
positibo. Sa ganitong paraan ay ating naturuan ang kapwa na maging mapagkalinga din sa
kanilang ugnayan sa iba at kinalaunan ay sila din mismo ay maging mapanagutan at mapanuri
sa kanilang paggamit ng gadget.

You might also like