You are on page 1of 2

KRIZZY LYN T.

SARGADO

12 STEM – DOCTOLERO

INTERNET ADDICTION

Umuusad ang oras sa bawat pag-ikot ng kamay ng orasan. Habang dumarami ang

kaalaman ng tao, patuloy na nabubuo ang mga bagong teknolohiya na nagpapabuti sa

kalidad ng ating buhay. Isa na rito ang internet, na naging isang kontemporaryong

paraan ng komunikasyon, pakikipagkilala, pagkatuto, at pagpapalitan ng kaalaman.

Alam ng karamihan ng mga tao ang pariralang "Lahat ng labis ay masama". Kung

gayon, nakakapinsala ba na magkaroon ng gayong matinding pagkahumaling sa social

media at internet? Ilan sa mga tanong na masasagot ng internet ay, "Kailangan kong

makausap ang aking mga magulang na nasa ibang bansa. Paano ko ito magagawa sa

pinakamabilis na paraan?" o kaya naman "Wala akong mahanap na anumang aklat na

may impormasyon tungkol dito, ano ang gagawin ko?" Ilan lamang ito sa mga

katanungan na ang sagot ay internet. Hindi ba't ang dami nitong gamit na tunay na

nakatutulong sa tao? Tila itong solusyon sa isang dagok na hindi mo mapupulot lamang

ang kasagutan.

Sa kabilang banda, ang karamihan ng mga tao, partikular na ang mga kabataan ngayon

ay nalululong sa pag ka-addict sa pag gamit ng internet. Ito ay kadalasang nagiging

dahilan kung bakit hindi nila lubusang maituon ang atensyon sa pag-aaral. Nariyan ang

facebook, twitter, youtube, tiktok, instagram, at iba't iba pang websites na siyang
kinahuhumaligan ng mga kabataan. Mabuti sana kung hangad lamang nila ay malinis

na makikipag kaibigan o pakikipagkilala upang maging katuwang sa ibayong pagtuklas

ng karunungan, ngunit sa mga webites na ito, natututong lumandi, makipagtsismisan, at

makipagkita ang mga kabataan sa taong hindi naman nila kakilala.

Sa aking palagay, walang masama sa pag gamit ng isang bagay kung alam mo ang

tamang pag gamit nito. Kailangan mong linisin ang iyong layunin. Gusto mo bang mag

search ng karagdagang karunungan ukol sa iyong pinag-aaralan? Hangad mo bang

makinig ng mga tugtuging magbibigay sa iyo ng inspirasyon sa pag gawa? Tiyakin mo

ang iyong pakay. Hindi masama ang pag gamit ng internet, ito ay naka batay sa tunay

na budhi ng taong gagamit. Yun lamang po ang nais kong ibahagi at maraming

salamat.

You might also like