You are on page 1of 1

Real Talk: Praktika at Ugnayan ng Teknolihiya sa Pagkatuto ng Makabagong Milenyo

ni: Florecita Jaucian-Reyes

Isa sa kasalukuyang kinakaharap na problema ngayon ng edukasyon ay ang pagiging


sagabal o ‘di kaya ay hadlang sa kalidad ng pagkatuto ang pagkalinlang ng mga kabataan sa
social media at mga online games. Ang pag-uswag ng teknolohiya ay hindi naman talaga
masama, subalit nagiging dahilan din ito ng pagbaba ng marka ng mag-aaral sa loob ng
akademya kung labis at sobra ang paggamit. May mga pag-aaral na nagpapakita ng ugnayan
ng labis na pagkalulong ng bata sa online games at social media na nagkakaroon ng di kaaya-
ayang epekto sa akademikong pag-unlad ng bata. Kung kaya, nagiging problema at suliranin na
rin ito ng mga guro sa pagpasa ng karunungan. Ang maaaring asahang bunga ng penomenon
na ito ay ang mababang antas ng pagkatuto.
Subalit paano nga ba ang praktika o paraan ng mga kabataan ngayon sa paglinang ng
kanilang akademikong pagganap? Bilang isang guro, may ilang onserbasyon akong inilatag sa
kung paano nililinang ng mga mag-aaral ngayon ang kanilang akademikong pagganap.
Una mas pinipili ng mga mag-aaral ngayon ang pagkuha ng impormasyon sa internet
kompara sa pagbabasa at pakalap ng impormasyon mula sa aklat o journals. Isa itong lantad na
katotohanan. Bibihira na lamang ang mga mag-aaral na dumadalawa sa mga silid-aklatan. Mas
malapit at mas madali ang internet. Sa bawat pag-click, lalabas agad ang impormasyon.
Subalit, kaakibat naman nito ang walang kasigurahan sa katotohanan ng imprmasyon
nakakalap dahil isa kahinaan ng internet na hindi lahat g impormasyon ay totoo at balido.
Pangalawa mas gusto na ng bata ngayon ang mangopya ng mga imprmasyon sa
internet kompara ang gumawa ng sarili. Kapansin-pansin ito sa mga gawaing pampagsusulat.
Karamihan sa mga ginagawang sanaysay ay mula lamang sa internet at hindi talaga dumaan
sa sariling pag-iisip. Nawawalan ng bisa ang mga itinurong paksa sa paraan ng matinong
pagsusulat.
Pangatlo mas mahusay magpahayag ng mga shout-out sa FB ang mga mag-aaral
ngayon kompara ang magbahagi ng kaalaman sa loob ng klase. Realidad itong maoobsrbahan
sa loob ng klase. Bibihira na lamang ang nagtataas ng kamay para magbahagi ng natutuhan sa
paksang tinalakay ng guro, subalit hindi nawawalan ng post at shout-out sa Facebook at
messenger. Kadalasan, social media na lamang ang midyum ng mga kabataan para
makapagbahagi.
Huli, mas gusto na ng mga bata ngayon ang manood kompara ang mag basa. Kung
sabagay, mabisa rin naman ang panonood bilang paraan ng pagkatuto ayon sa Cone of
Experience in Edgar Dale. Ngunit, hindi rin dapat kalimutan ng mga mag-aaral ang pagbabasa
bilang isa mahahalagang makrong kasanayan na dapat matamo ng isang bata.
Bilang husga sa papel na ito, hindi dapat inilalagay sa alanganin ang usapin ng
edukasyon sa pag-uswag ng teknolohiya. Kung umuunlad ang teknolohiya, mas lalong ang tao
ay dapat na umunlad ang pag-iisip at pagiging produktibo. Ang teknolohiya ay binuo para
mapadali at makatulong sa bawat isa. Hindi ito dinebelop para tayo ay umasa at malusaw ang
konsepto ng sariling pagkukusa. Maging matalinong tagapaglinang tayo ng social media mga
Beshie.

You might also like