You are on page 1of 2

Ocbina Aldrei D.

Filipino sa Piling Larangan


12 Stem- FARADAY

Talumpati: Ang Pagkahilig ng mga Kabataan sa Social Media

Sa aking butihing guro at kapwa ko mag-aaral isang magandang umaga sainyong lahat. Hayaan
ninyo na hiramanin ko sandali ang inyong mga atensyon upang mailahad ko ang aling saloobin.
Lahat naman siguro tayo ay alam ang social media diba? Ngunit ang tanong ay kung bakit nga ba
napakaraming kabataan ang nahuhumaling dito. Sabi nga nila ang social media na ang nagiging
tambayan ng mga kabataan tama ba? Dahil marami saatin ay ito na ang ginagawang pampalipas
oras. At lingid nga sa ating mga kabataan na madaming pwedeng gawin dito tulad na lamang sa
paggamit ng Facebook. Ito rin ang pinaka- ginagamit ngayon ng mga milenyal at ginagawang
libangan.

Sa pamamagitan nito ay mas napapadali ang pakikipag-komunikasyon natin sa ating mga


kaibigan, kamag-anak, at iba pang mahahalagang tao sa ating buhay. At minsan dito rin
nagkakaroon ng ugnayan ang dalawang tao. Hindi na nakapagtataka na sa dami ng pwedeng
gawin natin dito ay may mga bagay na hindi na natin nagagawa tulad na lamang ng hindi
pagtulong sa mga gawaing bahay, hindi tamang oras ng pagkain at maging sa ating pag-aaral ay
nagkakaroon nadin ng epekto, lalo na sa mga kabataang naglalaro ng online games. Dahil
marami sa mga ito ay nahuhumaling na nang sobra at naapektuhan na ang kanilang pag-aaral at
maging ang mga buhay nila. Marahil nga na may mga kababataan ngayon ang bumabagsak sa
kanilang eskwela at hindi rin nakakapagtaka ang ganito. Sa akin kasing mga naging obserbasyon
ngayon sa aking kapwa kabataan ay mas nagiging produktibo at aktibo tayo sa mga bagay bagay
dahil ayaw nating nagpapahuli sa nagaganap sa ating paligid dahil ang mas gusto natin ay
makisabay, na kung kaya't may punto rin naman ngunit may mga bagay din na hindi sa lahat
nang oras ay kailangan maglibang tayo ng husto. Kailangan alam din natin kung hanggang saan
lang ang ating limitasyon at kung paano mababalanse ang tamang paggamit ng social media.
Sa kabilang banda, alam kasi nating isa ito sa nakakatulong sa ating pag-aaral gaya nalang ng
paggamit sa google at iba pang mga napagkukunan natin ng mga impormasyon, kaya mas
nararapat na gamitin natin ito ng tama at maayos. Ano pa nga ba ang dapat nating gawin bilang
isang kabataan upang mas magkaroon pa ng magandang epekto ang pagkahilig natin sa social
media? Gawin natin itong daan upang magkaroon nang kabuluhan ang ilang oras na nasasayang
natin sa paggamit nito sa kung ano-ano lang. Itong pagkahilig natin sa social media ay may
magandang patutunguhan, dahil alam natin kung ano ang bentahe nito sa atin lalo na sa ating
mga kabataan. "Pahalagahan ang bawat segundo, minuto o oras sa mga mahahalagang bagay."
Muli salamat at magandang umaga sainyong lahat.

You might also like