You are on page 1of 2

Sosyal Medya sa Panahon ng Pandemya

Ayon kay Dr. Jose P. Rizal, “Kabataan ang Pag-asa ng Bayan.”Ngunit paano kung
ang kabataan ay nainpluwensyahan ng sosyal medYa at sa halip na sila ay matulungan
bagkos ito’y sa kanila’y naging libangan at karamihan nagsisimula ang pagkawasak ng
kanilang murang kaisipan?Hatid ba ng sosyal media ay kahalagahan o kasiraan?

Simula nang nagkaroon ng pandemya, halos lahat ng mga tao lalo na ang mga
kabataan ay nakatutok na sa kanilang mga gadgets at ang kadalasang
pinagkakaabalahan ang ang sosyal medya. Ayon sa Earthweb, tumaas ang pag gamit
ng mga tao sa sosyal media naging 81% ito mula sa 75% noong 2020.
Ang paggamit ng sosyal medya ng mga kabataan ngayong pandemya ay naging
daan upang sila’y matulungan sa pag-aaral sapagkat wala ng face to face
learning.Kadalasan dito kumukuha ng sagot ang mga kabataang talagang nahihirapan
lalo na yong mga nasa antas na katamtaman lamang ang kakayahan.Walang guro na
makakatulong upang magabayan ang mga kabataan dahilan na mas lalong nahihirapan
maintindihan ang nakalagay sa learning modules.Ang iba naman ay ginagamit nila ang
sosyal medya upang hindi sila mainip sa kanilang mga tahanan Kadalasan may edad
mula 9-12 na taong gulang ang gumagamit ng sosyal medya na hindi pangunahing
priyoridad ang iskwela.
Ayon naman sa Play Store 13 taong gulang lamang ang pinayagang gumamit ng
sosyal medya ngunit meron pa ding may edad 13 pababa ang nasa sosyal medya.
Hindi na makalabas ang mga bata ngayon at makipaglaro sa kanilang mga kaibigan
kaya nakikisali nadin sila sa social media minsan din ginagamit nila para sa kanilang
edukasyon. Ngunit ito ay nakakasama para sa mga bata dahil na e expose sila sa
soysal media ng maaga. Para sa murang edad na 9-12 hindi pa nila masyadong
kabisado kung paano ipaglaban ang kanilang sarili sa sosyal media. Nakakakilala sila
ng mga tao at nakakampante sila agad na ito ay hindi delikado at hinding hindi sila
malalagay sa alanganin. Naadik din sila sa mga cellphone nila at hindi na maka pag
focus sa kanilang gawain katulad nang pag gawa sa kanilang mga gawaing
bahay,minsan hindi na nila magawa ang kanilang modules at iba pa.
(REVISE)

Minsan ay kasalanan din ito ng mga magulang o mga nag babantay sa mga bata
dahil pinayagan nila na mag karoon ng sosyal media accounts ang kanilang mga anak,
minsan din ay nakukulangan ng atensyon ang mga bata at sa sosyal media lang nila
nahahanap ang atensyon na hinahanap nila, Dapat ay tulungan ng mga magulang ang
kanilang mga anak na malibang sa kanilang mga tahanan at hindi na kailangang
gumamit ng cellphone o iba pang gadgets. May mga magulang na busy din sa kanilang
trabaho at wala nang oras para sa kanilang mga anak. Importante parin na pag laanan
ng oras ang mga bata,dahil nakaka apekto ito sa growth at development ng bata.
Pwede ding gawan ng soysal media account pero limitado lang ang pag gamit mainam
na 30 minuto hanggang isang oras lang ang paggamit nila sa social media.
Importanteng ma train sila na limitado lang ang kanilang oras upang hindi sila maging
lulong sa social media pag laki nila.
(REVISE)

Ang sosyal medya ay parehong mahalaga at nakakasira sa mga kabataan ngunit


nasa bawat isa parin ang napakalaking responsibilidad kung paano ito
gagamitin.Magkaiba man ang karanasan at inpluwensya ng sosyal medya sa bawat isa
sa atin ang pinakamahalaga ay kung paano mo ito naintindihan;kahalagahan ba o
kasiraan?

You might also like