You are on page 1of 2

Martinez, Ethan David Nov.

29,2019

TCPE 1-1 Komunikasyon Filipino

“Positibo at negatibong epekto ng social media


sa interpersonal na komunikasyon ng tao”

Magandang araw sa aking guro at sa buong klase, ating itabi muna ang mga

telepono at makinig sa isang malaman na talumpati na maaaring makapagdulot ng

matalinong pag gamit ng ating mga telepono.

24/7 ka bang online at nakatutok sa cellphone mo? Nakikipagusap sa mga taong sa

social media mo lang nakilala? Stinastalk ang mga sikat na artista sa mga kaganapan nila

sa buhay? Dahil ba dito ay hindi mo na nakakausap ang mga taong talagang nasa paligid

mo? Marami ang naaapektuhan ng social media at hindi na nakakasama ng kanilang mga

kaibigan o pamilya dahil sa pagkaadik dito ngunit marami din ang nag eenjoy kausap at

kalaro online ang mga kaibigang nakilala lamang sa social media, ano nga ba talaga ang

mga epekto nito? Isa sa mga positibong epekto ng social media ay ang mas mabilis na

komunikasyon na hindi kinakailangan ng harapan na interkasyon. Mas tipid ang oras dahil

hindi na kailangang makipagkita upang may maihatid na mensahe, pero ang nagiging

negatibong epekto nito ay ang pagkakaron ng hindi kasanayan ng isang tao na

makipagusap sa personal. Ang tao ay hindi nagiging komportable sa pagharap sa tao at ito

ay isang malaking asset na maaaring makaapekto sa atin sa hinaharap. Iba iba ang epekto

ng social media sa mga tao, may mga tao naman na nasasanay sa interkasyon dahil sa

pagkilala sa social media ng isang tao na may aktibong katangian na nakakahawa sa


kanyang nakakasalamuha. Sa mga epektong iyon palang ay makikita na ang samo’t saring

dulot ng social media. Ngayon, sinasabi sa atin ng mga nakakatanda na swerte tayo dahil

sa isang click lang ay puno na ng kaalaman ang naghihintay sa atin tulad ng mga babala,

announcement na walang pasok, tips sa pag-aaral at marami pang iba. Nakakatulong

naman talaga ito, pero isipin mo ang senaryong ito. Kakagising mo lang sa umaga at ang

unang titignan mo ay telepono, makikita mo na walang pasok at maaaring ikaw ay bumalik

ulit sa iyong pag tulog o bumangon na pero kung walang social media, ikaw ay babangon at

magtatanong sa iyong nanay na nanonood ng balita, pagkatapos ay yayayain kang kumain

na kayo ng almusal at maaaring mapunta sa isang usapan. Mas mainam nga naman na

umpisahan ang araw kasama ang ating mahal sa buhay, hindi kasama ang ating telepono.

Marami pang iba’t ibang epekto ang social media sa komunikasyon ng tao ngunit

kahit mas maraming mga research ang naisasagawa para patunayan ang mga negatibong

epekto nito, hindi padin mawawala ang mga positibong epekto taglay ng social media.

Gamitin natin ang social media ng tama upang mapakinabangan ito sa tamang paraan.

RUBRIKS:
1. Anyo at Kasuotan
2. Tindig/Postura -
3. Paraan ng Pagsisimula -
4. Kaangkupan ng Kilos/Kumpas -
5. Kalinawan at kawastuhan ng Bigkas -
6. Emphasis o diin -
7. Tiwala sa sarili -
8. Panuonan ng paningin /Audience Impact -

You might also like