You are on page 1of 2

“KAHALAGAHAN NG SOCIAL MEDIA SA EDUKASYON”

Magandang hapon sa lahat na naririto. Ako ngayo’y nakatayo sa harap ninyong lahat
upang ibahagi ang aking saloobin patungkol sa kahalagahan ng social media sa edukasyon.
Sa mga dumadaang makabagong teknolohiya, dumarami na rin ang kahalagahan na
naiaambag nito sa pangaraw-araw na pamumuhay. Ang social media ay hindi maikakaila na
produkto ng makabagong teknolohiya, ang social media ay nagkaroon ng epekto sa paghubog sa
ugali at kaisipan ng bawat tao. Ito ay nagdudulot na magpalakas o magpahina sa mga positibong
pananaw ng bawat mag-aaral.

Sakop ng internet ang social media sapagkat kung walang internet hindi tayo
makagagamit ng social media. Isang dahilan ang social media upang mas maging mahusay da
pag-aaral ang mga bata. Halimbawa na lamang nito ay kung liban ang isang mag-aaral maaari
siyang gumamit ng social media upang magtanong sa kanyang mga kaklasekung ano ang mga
dapat gawin sa bawat asignatura. Samakatuwid ang social media ay nagpapatibay ng
komunikasyon ng bawat tao. Isa din ang social media para magamit sa mga bagay na iyong
gustong malaman at hindi na kailangang magpunta sa malalaking silid- aklatan at maghanap ng
reperensya.
Isa ang Facebook na nakatutulong sa pag-aaral dahil dito nagkakaroon ng komunikasyon
upang maipabatid ang bawat importanteng gawain at sadya sa isang tao na naglalaman ng
mahahalagang impormasyon. Sumunod naman ang Google ang pinakamahalagang parte ng
social media kung saan dito mo mahahanap ang mga impormasyon na iyong kinakailangan sa
mga reports, research, assignments, projects at iba pa. Ang Youtube naman ay nakatutulong at
nagpapakita ng mga video na naglalaman ng mga halimbawa kung paano gawin ang isang bagay.
Ang social media ay isang instrumento upang mapabilis ang pakikipagkonekta sa ibang tao.
Nagsisilbi itong gabay sa mga tao lalaong lalo na sa mga mag-aaral. Sa social media napataas
ang kalidad ng edukasyon magpahanggang ngayon.

Sa kabuuan, ang social media ay mayroong mabuting naidudulot sa mga mag-aaral. Sa


mga iba’t ibang sites natutulungan ang mga mag-aaral na mapagtibay ang relasyon ng mga
magkakaibigan, nakahahanap ng mga bagong kaibigan at nagkakaroon ng komunikasyon ang
dating magkakaibigan na matagal nang hindi nagkikita. Naipapahayag natin sa social media ang
ating mga saloobin ngunit dapat natin laging tandaan na may limitasyon sa paggamit ng social
media. Dapat pa rin bigyang halaga ang mga mahahalagang bagay sapagkat hindi lamang sa
teknolohiya umiikot ang ating buhay.

Pinasa ni: Joseph Bagaipo


Pinasa kay: Ginang Iris B. Linatan

You might also like