You are on page 1of 2

Sa mga dumadaang makabagong teknolohiya, dumarami na rin ang

kahalagahan na naiaambag nito sa pang-araw-araw na pamumuhay. Ang social media


ay hindi maikakaila na produkto ng makabagong teknolohiya, ang social media ay
nagkaroon ng epekto sa paghubog sa ugali at kaisipan ng bawat tao. Ito ay nagdudulot
na magpalakas o magpahina sa mga positibong pananaw ng bawat mag-aaral.

Sakop ng internet ang social media sapagkat kung walang internet hindi tayo
makagagamit ng social media. Isang dahilan ang social media upang mas maging
mahusay sa pag-aaral ang mga bata. Halimbawa na lamang nito ay kung liban ang
isang mag-aaral maaari siyang gumamit ng social media upang magtanong sa
kanyang mga kaklasekung ano ang mga dapat gawin sa bawat asignatura.
Samakatuwid ang social media ay nagpapatibay ng komunikasyon ng bawat tao. Isa
din ang social media para magamit sa mga bagay na iyong gustong malaman at hindi
na kailangang magpunta sa malalaking silid- aklatan at maghanap ng reperensya.

Isa ang Facebook na nakatutulong sa pag-aaral dahil dito nagkakaroon ng


komunikasyon upang maipabatid ang bawat importanteng gawain at sadya sa isang
tao na naglalaman ng mahahalagang impormasyon. Sumunod naman ang Google ang
pinakamahalagang parte ng social media kung saan dito mo mahahanap ang mga
impormasyon na iyong kinakailangan sa mga reports, research, assignments, projects
at iba pa. Ang Youtube naman ay nakatutulong at nagpapakita ng mga video na
naglalaman ng mga halimbawa kung paano gawin ang isang bagay. Ang social media
ay isang instrumento upang mapabilis ang pakikipagkonekta sa ibang tao. Nagsisilbi
itong gabay sa mga tao lalaong lalo na sa mga mag-aaral. Sa social media napataas
ang kalidad ng edukasyon magpahanggang ngayon.
Sa kabuuan, ang social media ay mayroong mabuting naidudulot sa mga mag-
aaral. Sa mga iba't ibang sites natutulungan ang mga mag-aaral na mapagtibay ang
relasyon ng mga magkakaibigan, nakahahanap ng mga bagong kaibigan at
nagkakaroon ng komunikasyon ang dating magkakaibigan na matagal nang hindi
nagkikita. Naipapahayag natin sa social media ang ating mga saloobin ngunit dapat
natin laging tandaan na may limitasyon sa paggamit ng social media. Dapat pa rin
bigyang halaga ang mga mahahalagang bagay sapagkat hindi lamang sa teknolohiya
umiikot ang ating buhay.

You might also like