You are on page 1of 1

ANG EPEKTO NG SOCIAL MEDIA SA MAG-AARAL AT EDUKASYONIbinahagi ni: Lyra

O.Pascual – Pilar, Bataan

Sa kasalukuyan, may dalawang bilyong tao ang aktibong gumagamit ng social media sa
buong mundo at ito ay nakaaapekto sa buhay at edukasyon.Ito ay ayon sa Google.com, isang
website sa internet.Pinaliit ng social media ang mundo, inuulan tayo ng maraming impormasyon,
mas malawak na kaalaman at mas mabuting oportunidad upang magamit ang mga ito.Napag-
alaman sa pag-aaral na ang karamihan sa mga tao sa mundo ay may pattern na sinusunod at ito ay
ang paggamit ng iba’t-ibang uri ng social media.Sa mga uri ng social media, ang sinasabing
pinakakilala ay ang “Facebook” na kung saan ang gumagamit ay maaringmagpadala ng mensahe,
mag upload ng mga larawan, videos, makipagchat o makipag-usap at iba’t-iba pang gamit
nito.Marami pang iba’t-ibang uri ng social media ang ginagamit ng mga mag-aaral, guro, mga
magulang ganoon din ng iba’t- ibang uri ng tao sa daigdig. Ang iba pang mga ginagamit ay ang
Twitter at Instagram na may iisang layunin – ang makipag-ugnayan at makipagtalastasan sa mga
tao sa iba’t-ibang parte ng mundo.Habang dumarami ang gumagamit ng social media ay
mapapansin na may mabuti at masamang idinudulot ang paggamit nito. Ayon sa obserbasyon at
pananaliksik, karamihan sa mga gumagamit ng social media ay nasa gulang na 14-29. Ilan sa mga
mabubuting epekto ay ang madaling pagkalat ng mga kaalaman o mga impormasyon, mabilis na
pakikipag ugnayan sa mga taong kasama sa trabaho o hindi man.Nabibigyan din ng magandang
pagkakataon ang mga mag-aaral upang lalo pang malinang ang kanilang pagkamalikhain o
pagkamakasining at patuloy na pagkakaroon ng mga makabagong ideya. Ang mga kakayahan o
talent ng bawat isa ay matutuklasan, halimbawa kung ang isang tao ay magaling umawit, maaari
syang matuklasan nang mas madali sa pamamagitan ng videos. Maaari ding gamitin ang Google,
isang website upang makapanaliksik ng tungkol sa iba’t-ibang aralin. At ang mga saloobin ng
bawat isa ay madaling maipahayag.Sa loob at labas ng silid-aralan ay maaring makipag-uganayan
ang mga guro sa mga magaaral para sa pakikipag-talastasan.Sa isang banda, may mga kasamaan
din bang makukuha mula sa social media? Unang-una, hindi mo personal na nakakausap ang isang
tao sa social media sapagkat kayo ay nag-uusap sa pamamagitan ng screen lamang.Nawawala din
ang pagkakataon na mas matuto pa halimbawa sa mga detalye ng tamang pagbigkas at gramatika
ng mga salita at pangungusap.Higit sa lahat ay nagiging sanhi ang social media ng paggamit ng
mahabang oras maaring sa laro at pakikipag-usap ng isang mag-aaral na magsisilbing dahilan
upang maapektuhan at mapabayaan ang pag-aaral.

EPEKTO NG SOCIAL MEDIA SA PAG - AARAL NG MGA ESTUDYANTE NG ESEP


NG MATAAS NA PAARALANGPAMBANSA NG STO. DOMINGO

You might also like