You are on page 1of 2

Iresponsableng Paggamit

Ang social media ay mga aplikasyon na nagpapadali sa


pagbabahagi ng mga ideya, saloobin, pakikipag-ugnayan, at
impormasyon sa pamamagitan ng pagbuo ng mga birtwal na
komunidad at mga network. Napapadali nito ang pagpapalitan
ng mga mensahe sa ating mga mahal sa buhay, kaibigan at
marami pang magandang bagay na nagagawa ng social media.
Ngunit ang social media ay may masama ring nadudulot sa tao,
isang halimbawa na lamang ang epekto nito sa pagbago ng
pananaw ng tao na naglalayo sa kanya sa reyalidad ng buhay.
Ang social media ay isa ring suliranin sa lipunan dahil sa
sobrang paggamit rito lalo na sa kabataan.

Dahil sa iresponsableng paggamit ng social media,


naaapektuhan nito ang isang tao, kung paano nito nababago ang
pagiisip at pansariling opinyon nito. Naiiba nito ang pagiisip ng
tao dahil sa nakikita nito sa social media sa paraang mas
pinapaburan nito at sinusunod ang mga bagay sa social media na
hindi dapat gawin.

Nagsisimulang matuto ng masasamang bagay na


kadalasang nakukuha sa mga nilalaman ng mga video at mga
uso na hindi maganda at hindi kaaya-ayang makita ng tao lalo
na sa mga bata. Sa napakamura nilang edad ay nagsisimula na
silang maging iresponsable, matutong magmura, at magbisyo
dahil sa nakikita nila sa social media.
Paano na lamang kung malamon na tayo ng social
media, yung tipong pati ang pag kain natin ay hindi na natin
magawa. Dahil doon, nawawala na sa isip mo ang
responsibilidad mo bilang isang anak at estudyante.
Magkaroon tayo ng limitasyon dahil baka gayahin tayo ng mas
nakababata sa atin at masira din ang kanilang buhay dahil hindi
lamang ikaw ang maaapektuhan kundi pati na rin ang mga
mahal natin sa buhay. Gamitin ang social media sa tamang
paraan at huwag abusuhin o ilaan ang buong oras natin dito. At
huwag na nating hintayin pa na may mangyaring masama bago
tayo maging reponsable sa paggamit ng social media.

You might also like