You are on page 1of 1

SocMed: Kalaban o Kaibigan?

Ang social media o mas kilala sa tawag na SocMed ay ang nangungunang paraan sa pakikipag-
ugnayan sa ibang tao sa nakalipas na higit isang dekada. Ito rin ay isang maimpluwensiyang paraan ng
pagpapakita ng pagkamalikhain at mga makabagong gawi ng mga tao. Dahil sa iba’t-ibang makabagong
social media platforms tulad ng Messenger, Youtube, Facebook, Tiktok, Instagram at marami pang iba,
nagiging mas mabilis at madali ang pakikipag-usap at palitan ng mga impormasyon sa ating mga
kapamilya at kaibigan sa kahit saan mang bahagi ng mundo. Bukod sa pakikipag-ugnayan, maaari rin
itong gamitin bilang pagkakakitaan sa pamamagitan ng online buying and selling gaya ng Shopee, Lazada
Shein at iba pa.
Sa kabilang dako naman, mayroon itong masamang epekto lalo na sa ating pisikal at mental na
kalusugan. Ang mga tao na gumagamit ng social media ay madalas na hindi nakokontrol o nasasala ang
mga salitang namumutawi sa kanilang mga bibig at kadalasan ay hindi napapansin na sila ay nakakasakit
na ng damdamin ng mga taong nakapaligid sa kanila at nagiging sanhi ng pangba-bash, cyber shaming,
cyber bullying at ang tinatawag na cancellation culture. Dagdag pa dito, ang pisikal na kalusugan ng isang
tao ay naaapektuhan kapag walang tigil ang paggamit ng mga gadgets 24/7. Ito ay maaaring magdulot
ng “addiction” o pagkalulong sa paggamit at paghawak ng mga gadgets sa lahat ng oras. Nagdudulot ito
ng iba’t-ibang karamdaman kabilang na ang posibleng pagkalabo ng paningin dahil sa matagalang
pagkalantad sa blue light na nagdudulot ng DEP o “dry eye disease”. Nagiging sanhi rin ito ng drastikong
pagbabago ng pag-uugali ng mga kabataan lalo na kapag biglaang ipinagbabawal sa kanila ang paggamit
ng mga gadgets.

Masasabing ang social media ay parehong may maganda at masamang naidudulot sa atin. Lagi
lamang nating tatandaan na gamitin ito sa tamang paraan at kadahilanan upang maiwasan ang
anumang kapahamakan.

You might also like