You are on page 1of 2

Kahalagahan ng Social Media sa Kalagitnaan ng Pandemya.

Marso 2020 nagsimula ang Corona Virus Outbreak, nag deklara ng pang global na pandemya
sa kadahilanang ang sakit ay kumalat na sa apat na sulok ng mundo. Lahat ay na apektuhan.
Ang dating normal na gawain sa labas ay di na muna magawa dahil sa sitwasyong kinakaharap
ng Pilipinas. Kung dati’y makikita natin na maraming pumupunta sa pasyalan at tumatambay sa
labas ng kalsada, dahil sa pandemya kailangan nang manatili ng mga tao sa loob ng bahay at
umasang matapos na ang pandemyang kasalukuyang hinaharap ng ating bansa. Para sa
aming mga mag aaral, ang dating ‘face to face’ na paraan ng pag-aaral ay sa isang iglap naging
‘online class’ o tinuturing na pag-aaral gamit ang internet at elektronikong aparato kaya
karamihan sa mga kabataan ngayon ay naninibago at nahihirapang umangkop. Dahil sa
sitwasiyong ito ilan sa mga kabataan ay napilitang huminto pansamantala sa pag-aral dahil sa
mga pagsubok na dulot ng pandemya. Ang ilan ay humaharap sa kakulangan ng pinansyal na
kapasidad upang ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral; isa ring kadahilanan ay ang kawalan ng
gadyet na gagamitin sa online class; at hindi rin maiiwasan ang pagkakaroon ng halo-halong
emosyon, sapagkat, ang iba ay nakararamdam ng mating pagkalungkot dahil sa biglaang
pagbabago at hindi na nila nagagawa ang dating mga aktibidad at ang pangambang dulot ng
‘Covid-19’ sa kanilang minamahal na kaibigan at pamilya. Ngunit sa kabilang banda, ang iba ay
piniling tumingin sa ibang dulot ng problema tulad ng pagiging masaya dahil sila ay mas naging
malapit sa kanilang pamilya. Isa pang epekto ng pandemya sa kabataan ay, limitado na rin ang
galawang magagawa dahil ipinagbabawal silang lumabas ng bahay ayon sa gobyerno. At dahil
dito ay lalong nalululong ang karamihan sa paggamit ng gadyet na maaaring magdulot sa
maling paggamit nito at ng internet. At ang ilang sitwasyon na maaring mangyari ay maganap
tulad ng pagkalat ng mga pekeng impormasyon at maaari ring magdulot ng di magandang
impluwensya sa kaisipan at emosyonal na katangian ng bata. Sa pagpasok ng panahon ng
bagong normal, di maiiwasan ang pangamba at pagkadismaya ng mga kabataan dahil hindi
ganun kadali na baguhin ang paraan ng pamumuhay kung sila ay nagsisimula pa lamang
masanay sa malaking mundong ito kung saan sila ay nakihahalobilo sa kanilang mga kaibigan
at ibang tao. Darating ang panahon na maangkop ng mga kabataan ang bagong normal at
mamuhay ng masaya kahit mayruong batas na dapat sundin.
Sa kadahilanang ito, mas napapalapit ang mga tao sa pag gamit ng social media dahil ito
lamang ang pwede nilang gawin upang makipag usap at malaman ang kalagayan ng iba. Bukod
dito, madami pang iba’t ibang pwedeng gawin sa isang social media platform. Pwedeng mag
post ng mga "stories" na magtatagal ng bente-kwatro oras, pwede din mag pakita ng litrato at
bidyo na gusto mong ipakita sa mga kaibigan mo. At ang pinaka importante para sa lahat,
pwede ding makipagusap sa mga pamilya, kaibigan, kaklase at katrabaho. Hindi lang pang
katuwaan ang silbi ng social media, nagagamit ito sa online class at sa trabaho dahil sa mga
nagdaang taon ay nakagawa ang mga kompanya ng mga platapormang social media kung
saan ang dalawang indibidwal o grupo ng indibidwal ay maaari nang magatawagan at mag
usap. Napakaraming benepisyo ang mailalahad ng social media para sa atin sa propesyonal na
gawain tulad ng pag endorso ng mga produkto at iba pa. Bagama’t ito ay maraming benepisyo,
mayroon din itong mga kapinsalaan. Hindi natin maikakaila na madaming magagawa ang social
media para sa mga tao, ngunit mayruon din itong posibilidad na mas lumala ang hindi
magandang ugali at mas maging madalas ang pagawa ng masasamang bagay ng mga tao

This study source was downloaded by 100000847451811 from CourseHero.com on 05-24-2022 22:05:22 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/111670206/Kahalagahan-ng-Social-Media-sa-Kalagitnaan-ng-Pandemyadocx/
tulad ng pag nanakaw ng identidad o kaya naman tulad ng pang-aapi ng mga tao sa kapwa nila
gamit ang social media.
Sa social media, dahil sa iisang app madaming tao ang gumagamit nito may chansa ang mga
tao na makasira ng reputasyon, pagkatao and makasakit ng damdamin ng ibang tao ng hindi
nila malalaman agad. May posibilidad na pag nangyari man iyon sa isang indibidwal ay mas
lumala lang ang imahe at pakiramdam nito sa sarili dulot ng sakit sa pag-iisip na maaring dulot
ng pandemya at social media. At panghuli ay maaari ding tamarin ang isang tao kumilos o mag
sipag at gumawa ng mga kailangang gawain dahil sa pagkaadik dito.

Sa aking karanasan sa pag-gamit ng social media ngayon ako ay sobrang natutulungan sa


paraang pagbigay sa akin ng kasiyahan sapagkat kahit hindi ko maaaring makita ang aking
pamilya at kaibigan patuloy ko pa rin silang nakahahalubilo. Bukod dito ay sa social media ay
makikita mong ang mga tao ay hindi palalampasin ang oportunidad na na nasa harapan nila
upang tumulong ng kapwa. Gamit ang social media ang mga tao ay nagagamit itong
plataporma upang maglabas ng boses tulad na lamang nuong nagkaruon ng kamalayan sa
sitwasyon ng people of color na sila ay patuloy na nakatatanggap ng diskriminasyon mula sa
mga tao.

This study source was downloaded by 100000847451811 from CourseHero.com on 05-24-2022 22:05:22 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/111670206/Kahalagahan-ng-Social-Media-sa-Kalagitnaan-ng-Pandemyadocx/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like