You are on page 1of 2

EPEKTO NG SOCIAL MEDIA SA PAG-UUGALI NG MGA KABATAAN

Sa panahon ngayon padami na nang padami ang mga taong umiikot ang mundo sa Social Media lalo na
ang mga kabataan na ginagawa itong libangan sa bawat oras at mas binbigyang prayoridad. Kabalikat
nito ang iba’t ibang epekto na may kinalaman sa pag-iisip at kaugalian ng isang indibidwal. Halimbawa
na lamang ang adiksyon o pagkalulong na halos nilamon na ng sistema ng Social Media ang isang isipan
ng inosenteng kabataan. Maaring magbunga ito ng malawak na imahinasyon sa isipan ng isang taong
apektado at dumating sa punto na ang kanyang kinikilos ay dahil sa kanyang natutunan at nakikita.
Isama na rin ang cyber bullying na halos epekto ng kawalang respeto at kakulangan sa moral. Sa kabilang
dako ay may mabuting taglay ang paggamit ng Social Media katulad ng pagkakaroon ng kaibigan o social
interaction at mas napapalalim nito ang pananaw, kaalaman, at pakikipag-uganayan sa ibang tao.
Nagbibigay nang mabubuting kaugalian kagaya ng pagiging palakaibigan, malayang pagpili at
pagdedesisyon, pagiging independent at magandang pananaw para sa kinabukasan. Nilalaro nito ang
isipan nang tao upang gawing mas kapakipakinabang.

Ayon kay Park Boram 2009 ang isang dahilan kung bakit madalas pinagtutuunang pansin ang Social
Media upang makakuha ng impormasyon at opinyon, makisabay sa trend at makapagkalat ng balita.
Nakadepende sa tao kung paano nito sasabayan ang kanyang isipan kung tungo ba sa ikakabubuti o
ikakasama.

Isang katunayan kung saan makikita ang dahilan ng mga tao para gamitin ang Social Media at ang
magagandang benepisyo nito. Ngunit mayroong batayan na nakadepende sa isang tao kung paano nila
gagamitin ng wasto at lalabanan ang masamang epekto nito.

Sa pag-aaral naman ni Charles Cooley naihalintulad niya na ang paggamit ng Social Media ay “pagtingin
sa sarili sa salamin” kung saan ang pananaw ng isang tao ay tumataas dahil sa responde at opinyon ng
iba.

Hindi talaga maalis sa isang tao ang kagustuhang gumamit ng Social Media dahil malaki ang naitutulong
nito upang umunlad nang malawak ang isang isipan at mahubog ang isang kontrobersiya sa isang isipan
kahit sakabila nito ay mayroon ding masamang naidudulot.

Layunin ng papel na ito ay itong sumusunod :

Pangkahalatang Layunin :

1) Alamin ang kasalukuyang kalagayan ng epekto ngpaggamit ng Social Media sa ating isipan lalo na ang
mga Kabataan.

2) Malaman ang bilang ng kabataang gumagamit nito sa mabuti at masamang paraan upang
3) Mapalawak ang pag – unawa ng magiging epekto ng Social Media sa ating isipan.

4) Mailahad ang iba’t ibang paraan upang ang masamang epekto nito sa ay mabawasan.

Sa gagawing pag-aaral, gagamit ng iba’t ibang uri ng paraan upang makapangalap at mangolekta ng
datos. Isang paraan ang pagseserbey. Magsasagawa ng pagseserbey ang mga mananaliksik sa iba’t ibang
estudyante ng Cristo Rey Regional High School, Inc. Senior High ukol sa mga maaring epekto ng Social
Media sa Pag-uugali ng Kabataan.

Sa pag-aaral na ito, binubuo ng 50 respodent mula sa Ika-Labing Isang Baitang ng Cristo Rey Regional
High School, Inc. Layon ng mananaliksik na targetin ang mga mag-aaral ng STEM dahil ang paksa ay
maiiugnay lamang sa kanilang mga sarili bilang isang studyante. Sa inaasahang pag-aaral na magagawa,
inaasahan na mabubuo ang 50 pahinang resulta na sumasagot sa layunin ng papel na ito at inaasahang
magkakaiba ang pananaw ng mga tao sa paggamit ng Social Media. Mas marami pa rin itong naidudulot
na maaring hindi nila napapansin dahil masyado nang makabago ang ating mundo.

You might also like