You are on page 1of 16

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Kaligiran ng Pag-aaral

Sa paglipas ng panahon, maraming bagay ang nagbabago. Umuunlad ang

teknolohiya na nagdulot ng iba’t ibang epekto. Kabilang na dito ang pagbago ng

pananaw ng mga kabaatan noon sa pananaw ng mga kabataan ngayon. Nag-iba na rin

ang kanilang mga hilig pati na ang paraan ng kanilang pamumuhay. Sa pag-unlad ng

teknolohiya nauso narin ang tinatawag nating “pagseselfie”. Ito ang pagkuha ng larawan

o litrato ng sarili gamit ang digital camera o phone camera na labis na kinagigiliwan ng

nakararami. Kasabay nito ang pagkauso rin ng iba’t ibang social networking tulad ng

Facebook, Instagram at Twitter. Nagdudulot daw ito ng pagiging conscious ng isang

indibidwal sa kung gaano karaming followers o tagasunod meron sila at kung anu-ano

ang mga dapat ipo-posts sa kanilang mga account na makakapag pa -impress sa ibang

tao. Sa pamamagitan nito, nagpapatunay lang na malaki talaga ang impluwensya ng

teknolohiya sa buhay ng tao lalung lalo na sa mga kabataan ngayon.

Sa isyung global batay sa social media analysis ng suggestme.com, hinirang na

sentro ng pagseselfie sa buong mundo ang siyudad ng London sa bansang UK na

nilamangan ang Amerika, Barcelona, at Amsterdam. Ang mga kilalang landmark na Big

Ben, the London Eye at Buckingham Palace ay ang mga lokasyon kung saan madalas

nagseselfie ang mga tao doon. Batay din sa social media analysis, na mahigit

labingapat na porsyento (14%) ng pagseselfie ang natatalaga sa nasabing siyudad.


Sa isyung nasyonal naman ay kinilala rin na sentro ng pagseselfie ang Makati

City na kilala bilang sentro ng pinansyal ng buong bansa. Naitalaga ng TIME’s analysis

na may dalawangdaan at limampu’t walong (258) mahilig sa pagseselfie sa nasabing

siyudad na ibinatay sa mga litratong nai- post o nai- upload sa mga networking sites

katulad ng Facebook, Instagram at iba pa.

At para sa lokal na isyu naman partikyular sa lungsod ng Dabaw, kung saan may

natagpuan na isang babaeng nagpakamatay pagkatapos niyang makapagselfie. Ayon

sa imbestigasyon ng mga pulis ay dahil ito sa paghiwalay nila ng kanyang kasintahan

na humantong sa ganitong pangyayari. Hindi lamang kasiyahan ang dulot ng gawaing

ito, ngunit maaari rin itong magdulot ng negatibong epekto sa personalidad ng mga

kabataan.

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay ang bigyan ang mga kabataan ng naturang

impormasyon tulad ng epekto ng pagseselfie at ang mga negatibong epekto nito sa

kanilang pag-aaral. Nais din ng pangkat na maituro sa mga kabataang nahuhumaling

sa pagseselfie, ang tamang paraan upang makaiwas sa mga masamang epekto nito sa

kanilang buhay.

Masarap maging bata sa panahon ngayon sapagkat makabago na ang

teknolohiya. Maraming mga bagay ang maaaring paglibangan hindi tulad noon. Ito ay

nagbigay daan sa pagkakadiskubre ng iba’t ibang bagay na nagpabago rin sa

personalidad ng mga kabataan ngayon. Isang malaking suliranin sa mga tao ang

responsableng paggamit ng mga teknolohiya. Mahalagang madagdagan ang ating

kaalaman ukol sa mga produktong teknolohiya at ang tamang paggamit nito.


Layunin ng Pag- aaral

Ang pamanahong papel na ito ay may layong mabigyang pansin ang mga

opiniyon ng mga mag-aaral sa Unibersidad ng Mindanao, Matina Davao City at may

mga katangiang nais sikapin na bigyan ng kasagutan:

1. Alamin kung bakit at saan nagsisimula ang pagseselfie?

2. Alamin kung bakit kinahuhumalingan ng mga mag- aaral ang pagseselfie?

3. Alamin kung ano ang epekto ng pagseselfie sa mga mag-aaral ng Unibersidad ng

Mindanao?

4. Alamin kung anu-ano ang mga positibo at negatibong epekto ng pagseselfie sa

personalidad ng mga mag- aaral?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay inilahad ang kahalagahan ng pag-aaral sa mga

mababanggit na tao:

Sa mga mag-aaral na mahilig sa pagseselfie na malaman nila na ang pagseselfie ay

maaaring nakabubuti at maaari rin na nakasasama sa ibang aspeto o pamamaraan.


Sa mga hindi mahilig sa pagseselfie na malaman nila na ang pagseselfie ay

nakapagpapadagdag ng tiwala sa sarili ngunit tandaan na nakakaapekto rin ito sa

kanilang personalidad at paraan ng kanilang pamumuhay.

Sa mga taong walang ideya tungkol sa pagseselfie na habang maaga pa ay

maipahayag agad sa kanila kung ano ang talagang naibibigay ng kasanayang

pagseselfie at maging gabay sana ito sa responsableng paggamit ng social media.

Saklaw at Limitasyon ng Pag- aaral

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon o nakabase sa mga opinion ng mga

respondente o mga mag-aaral sa Unibersidad ng Mindanao, Matina Davao City. Pinili

sa paraang random upang sagutan ang sarbey kwestyoneyr na inihanda ng mga

mananaliksik tungkol sa mga dahilan kung bakit nakahihiligan ng mga mag- aaral ang

pagseselfie, ang kanilang sariling pananaw kung bakit sila nagseselfie at ang mga

positibo at negatibong epekto nito sa personalidad ng mismong taong nagseselfie.

Ang mga mananaliksik ay pumili ng isangdaang (100) respondente na

nakatakdang sumagot sa nasabing sarbey at ang mga respondenteng ito ay

magmumula sa iba’t ibang kurso sa Unibersidad ng Mindanao, Matina Campus, New

Matina, Davao City, taong pampanuruan 2015- 2016.


Depinisyon ng mga Terminolohiya

Para sa kapakanan, kaalaman at pag- unawa ng mga mambabasa, binigyang

depinisyon ang mga sumusunod na terminilohiya batay sa kung paano ito ginamit sa

pamanahong papel na ito:

Ang Pagseselfie ay ang pagkuha ng larawan o litrato ng sarili gamit ang digital

camera o phone camera.

Ang Social Media ay tumutukoy sa sistemang pakikipag-ugnayan sa mga tao na

kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipag palitan ng impormasyon at mga

ideya sa isang virtual na komunidad at mga network.

Ang Social Networking Sites ay mga serbisyong web-based na pinahihintulutan

ang mga indibidwal na gumawa ng pribado o pampublikong profayl sa loob ng sistema;

pinahihintulutan ang mga gumagamit na makita ang listahan ng kanilang mga

koneksyon\ at makita ang mga ginagawa ng iba pang tagatangkilik ng sistema.

Ang Upload ay isang paraan ng paglagay ng larawan sa isang networking site o

social media site.


KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG- AARAL AT LITERATURA

Ang kabanatang ito ay tumatalakay ukol sa kaugnay na pag-aaral at kaugnay na

literatura at ito ay iniugnay sa mga teorya upang mapagtibay ang mga resulta at upang

mas maging batayan ng mananaliksik sa pagbuo ng pananaliksik.

Sa MASLOW’S HIERARCHY OF NEEDS, kinakailangan ng isang tao ang sosyal

na pangangailangan (social needs), kailangan ng isang tao ang pagmamahal, at

matanggap sila ng kanilang pamilya, kaibigan at mga katrabaho kung ano at sino sila

sapagkat sila ay nasa isang mundong kinagagalawan lamang (McLeod, 2007), sa

tulong ng Selfie o Pagseselfie, nagkakaroon ng sosyal na koneksyon ang isang

indibidwal sa mga ito sa tulong ng mga litrato. May relasyong nabubuo malayo man o

malapit ang mga taong nakakakita nito. Kaugnay rin dito, maliban sa pangangailangang

sosyal, ayon sa SELF-VERIFICATION THEORY, isang teorya na nakapokus sa

kagustuhan ng tao na makilala at at maintindihan ng mga tao. Karamihan ng mga

indibidwal ay gustong maging in o laging sunod sa uso, dahil sa pakiramdam nila at

pag-aakala ay sila ay matatanggap at makikila kung gagawin at sasabay sila sa kung


ano ang patok at sikat (Swann, 1983). Kakabit din ng teoryang ito ang kakayahang

maiba ang personalidad ng isang tao sa pamamagitan ng interaksyon sa isang

indibidwal. Nagiging isang malaking impluwensiya ito para mahubog ang mga ugali at

kagustuhan. Sa subjek ng mananaliksik na selfie, nakikita rito na ang mga tao ay

sumusunod sa kung ano ang uso at ginagawa nila kung ano ang ginagawa ng kanilang

mga kasama sa pang-araw-araw dahil isang impluwensiya ang mga ito sa paghubog ng

personalidad. Maipapakita ito sa sarvey na isinagawa ng mananaliksik.

Sa pagpapatuloy, ang lahat ng bagay ay may mga positibo at negatibong epekto,

sa SELF-WORTH THEORY OF ACHIEVEMENT MOTIVATION, ito ay teorya kung saan

sinasabi na ang pinakamataas na prayoridad ng isang tao ay ang self-acceptance ,

kung saan naaakit mag-ayos ang isang inidibidwal upang matanggap lamang siya ng

kanyang mga kasama (Covington,1998, p. 78) , kalakip nito ang magandang epekto ng

pagseselfie sa tao, gamit ng Selfie naakit sila mag-ayos upang makakuha ng

magagandang komento at sa paghahanap nito ay nagiging resulta ng pagdepende ng

isang tao sa kanyang sarili. Wala na siyang pakialam sa kanyang paligid kaugnay nito

ang ADOLESCENT EGOCENTRISM sa mga kabataan kung saan lagi na silang

nakatuon sa kanilang panlabas na anyo at ugali (Elkind, PhD, 1967). Naniniwala sila na

ang lahat ng mata ay sa kanila nakatuon o “imaginary audience”. Ipinapakita lamang

nito ang isa sa mga negatibong epekto ng pagseselfie sa kadahilanang nagiging sarado

ang isipan ng isang tao sa kanyang paligid bagkus nakatuon lamang siya sa kung ano

siya at kung anong meron siya.


Kaugnay na Pag-aaral

Ayon sa pag-aaral ni Dr. Panpimol, isang Doktor ng sikolohiya sa Bangkok,

Thailand. Mula sa pag-aaral niya nakita niya ang epekto ng selfie sa kaisipan ng isang

tao, nagbibigay ito ng isang punto ng emosyonal kung saan sumasama ang loob ng

isang tao dahil sa paglagay niya ng litrato sa mga social media site at kaunti lang ang

like na nakukuha nito kaysa sa inaasahan nito. Naaapektuhan nito ang self- confidence

ng isang tao dahil maaaring sumagi sa isipan nito na hindi siya katanggap-tanggap ng

mga taong ginagalawan niya nang dahil lamang sa isang selfie photo na walang

pumansin. Nagmula ito sa isang news site ng Thailand dahil na-alarma sila sa pag

seselfie ng mga kabataan.

Ang pag seselfie ay isang gawain na makadadagdag sa gawaing sosyal ng isang

tao. Isa itong malayang gawain na kinakailangan ng camera at maaari kanang

magselfie ngunit kailangan nito ng disiplina at limitasyon upang magamit ng tama.

Walang masama sa pagseselfie, lahat tayo ay mayroong kanya-kanyang dahilan ng

pagkuha ng litrato at mag ingat din dahil sa pagseselfie pwede kang mapahamak. Tulad

na lmang sa isang bata sa pasig na nahulog sa hagdan at namatay habang nagse-

selfie diumano, at isang dalaga na ninakawan ng sexy niyang selfie sa internet na

inilagay sa tarpaulin para mang-engganyo ng customer ang isang beerhouse. SELFIE,

AT YOUR OWN RISK.


Ayon pa sa isang pagsusuri, dapat malaman ng bawat isang Pilipino na

nagseselfie na panalo parin siya sa laban na ito kontra sa mga kapitalista. Hindi man

halata ngunit mas nalamangan niya ang mga social networking sites na ito dahil

binigyan siya ng oportunidad upang makakuha ng afirmasyon tungkol sa emosyon at

pananaw na kanyang ipinunla sa bawat litratong kanyang nakuha. Ginagawa ang selfie

dahil hindi na kayang makipagtunggalian pa ng emosyon sa oras na hihintayin para

dumating ang kukuha ng litrato. Kapag naisipan ng isang tao na dapat lang makuhanan

ng litrato ang isang sandal o pangyayari, hindi na minsan maaatim pa na tumawagng

tao kaya siya na mismo ang kukuha ng litrato. At dahil sa Twitter, Instagram, Facebook

atbp., mas nabibigyan pa ng kahulugan ang aksyong ito. Mas maraming makakakita at

maaaring humanga o pumukol sa nasabing larawan.

Ayon sa isang pag-aaral, iisipin na pagkabanidoso lamang ng isang tao ang

umiiral sa tuwing siya ay nagseselfie. Sige, ibigay na natin ito sa mga taong mabilis

manghusga. Hindi naman natin sila masisisi dahil totoo naming mas madalas kaysa

minsan, nagseselfie ang mga Pilipino kapag nararamdaman nilang sila ay magaganda

at nagsisigwapuhan kung saan ipinopost nila ito sa mga networking sites. Ang mga site

na ito ang madalas na nagsisilbing himpilan ng mga nasabing selfies at dahil na rin sa

espasyong binibigay ng facebook, twitter o di kaya’y Instagram para nga sa pag-

uupload ng marami pang litrato, mas marami ang napapaibig na gumawa ng account sa

mga nabanggit na social networking sites. Samakatuwid, nagtagumpay ang mga big

bosses’ ng mga site na ito na kunin ang interes at gawing regular na konsyumers nila

ang mga Pilipino.


Ayon kay Joseph-Nicephore Niepce (1816) isang Pranses na pisiko, ang una

niyang totoong tagumpay ay naganap noong nag-eeksperimento siya sa litograpiya at

natuklasan niya na maaari palang gamitin ang substansiyang sensitibo sa liwanag na

tinatawag na bitumen ng Judea. Noong 1825, pinahiran niya ng bitumen ang platong

gawa sa lata at tingga at ikinabit ito sa isang camera obscura na nakatapat mismo sa

bintana ng tinitirhan niya, at inihantad ito sa liwanag sa loob ng walong oras. Hindi

masisiyahan maging ang mga litratistang amatyur sa nabuong malabong larawan ng

isang gusali, puno, at kamalig, pero may dahilan si Niepce na masiyahan. Ang nabuo

niyang larawan ang malamang na kauna-unahang permanenteng litrato.

Upang mapasulong pa ang kaniyang pamamaraan, nakisosyo si Niepce noong

1829 sa mapagsapalarang negosyante na nagngangalang Louis Daguerre. Nang

sumunod na mga taon pagkamatay ni Niepce noong 1833, may mahahalagang

natuklasan si Daguerre. Nilagyan niya ng silver iodide ang mga platong tanso.

Napatunayang mas sensitibo ito sa liwanag kaysa sa bitumen. Di-sinasadya,

natuklasan niya na kapag pinasingawan ng asoge ang plato matapos itong mahantad

sa liwanag, makikita nang malinaw ang larawang hindi pa nadedebelop. Hindi na pala

kailangang ihantad nang matagal sa liwanag ang plato.

Sakalaunan, nang matuklasan ni Daguerre na maiiwasan ang pangingitim ng

litrato habang tumatagal kapag hinugasan ito sa tubig na may asin, malapit nang

pagkaguluhan ng daigdig ang potograpiya. Nang iharap sa publiko noong 1839 ang

imbensiyon ni Daguerre, na tinatawag na daguerreotype, nakagugulat ang reaksiyon ng

mga tao. Ganito ang isinulat ng iskolar na si Helmut Gernsheim sa kaniyang aklat na

The History of Photography: “Marahil bukod sa daguerreotype, wala nang iba pang
imbensiyon ang bumihag sa imahinasyon ng mga tao nang gayon na lamang katindi at

hinangaan ng daigdig nang gayon na lamang kabilis.” Ganito ang isinulat ng isang

nakasaksi nang iharap sa publiko ang imbensiyong ito: “Makalipas ang isang oras,

dinumog ang lahat ng klinika ng mga optiko, pero hindi makapagtipon ang mga ito ng

sapat na instrumento para sa nagkukumahog na pulutong ng mga taong gustong

sumubok sa daguerreotype; makalipas ang ilang araw, makikita mo sa lahat ng liwasan

sa Paris ang maiitim na kahong may tatlong paa sa harapan ng mga simbahan at

palasyo. Ang lahat ng pisiko, kimiko, at matatalinong lalaki sa kabisera ay makikitang

nagpapakintab ng mga platong may silver iodide, at maging ang nakaririwasang mga

may-ari ng groseri ay hindi nakapagpigil gumastos para sa iodine at singaw ng asoge

alang-alang sa bagong tuklas na ito.”

Ang pagkukumahog na ito ay binansagang daguerréotypomanie ng mga

tagapagbalita sa Paris. Dahil sa napakagandang kalidad ng mga daguerreotype, ganito

ang isinulat ng siyentipikong taga-Britanya na si John Herschel: “Hindi kalabisang

sabihin na makahimala ang mga ito.” Inisip pa nga ng ilan na may mahikong

kapangyarihan ang imbensiyong ito. Subalit hindi pinapurihan ng lahat ang bagong

imbensiyong ito. Noong 1856, ipinagbawal ng hari ng Naples ang potograpiya, marahil

dahil ipinapalagay noon na nauugnay ito sa mapaminsalang mahika. Nang makita ng

pintor na si Paul Delaroche ng Pransiya ang daguerreotype, napabulalas siya: “Mula

ngayon, patay na ang pagpipinta!” Ang imbensiyong ito ay nagdulot din ng malaking

kabalisahan sa mga pintor na nag-akalang banta ito sa kanilang kabuhayan. Ipinahayag

ng isang komentarista ang takot na nadarama ng ilan nang sabihin niya: “Baka

makaapekto sa ideya ng mga tao sa kagandahan ang buháy na buháy na larawang


nalilikha ng potograpiya.” Bukod diyan, pinintasan pa nga ang mga litrato dahil sinisira

ng realidad na makikita rito ang ilusyon ng kagandahan at kabataan.

Ayon naman kay William Henry Fox Talbot, isang pisikong Ingles, ipinalagay nito

na siya ang nakaimbento ng potograpiya, kaya nagulat siya nang mapabalita ang

imbensiyon ni Daguerre. Mga pilyego ng papel na nilagyan ng silver chloride ang

inilalagay ni Talbot sa camera obscura. Pinapahiran niya ng pagkit ang nabuong

negatibo para luminaw ito, ipinapatong sa isa pang papel na may silver chloride, at saka

inihahantad sa sikat ng araw upang mabuo ang larawan. Bagaman hindi popular noong

una at mas mababa ang kalidad ng prosesong ginamit ni Talbot, napatunayang mas

malaki ang potensiyal nito. Sa prosesong ito, makagagawa ng maraming kopya ng

larawan mula sa iisang negatibo, at ang mga papel na kopya ay mas mura at mas

madaling bitbitin kaysa sadaguerreotype.

Ang makabagong potograpiya ay batay pa rin sa proseso ni Talbot, samantalang

ang daguerreotype, sa kabila ng popularidad nito noong una, ay hindi na sumulong pa.

Gayunman, hindi lamang sina Niepce, Daguerre, at Talbot ang nag-agawan sa titulong

Ama ng Potograpiya. Matapos ipatalastas ni Daguerre ang kaniyang imbensiyon noong

1839, di-kukulangin sa 24 na kalalakihan—mula sa Norway sa hilaga hanggang sa

Brazil sa timog—ang nag-angking sila ang umimbento ng potograpiya.

Ayon naman kay Jacob August Riis, isang repormador, magandang pagkakataon

ito upang itawag-pansin sa publiko ang karalitaan at pagdurusa. Noong 1880, sinimulan

niyang litratuhan ang mga barung-barong sa New York City pagkagat ng dilim gamit

ang nagliliyab na pulbos ng magnesyo sa kawali bilang flash—napakapanganib na

pamamaraan ito. Dalawang beses niyang nasilaban ang bahay na pinagtatrabahuhan


niya, at nasunog pa nga minsan ang suot niyang damit. Ang mga litratong kuha niya

ang sinasabing isa sa mga dahilan kung bakit gumawa ng ilang reporma sa lipunan si

Theodore Roosevelt nang maging presidente siya. Ang nakaaakit at magagandang

litratong kuha ni William Henry Jackson ay nag-udyok din sa Kongreso ng Estados

Unidos na gawing kauna-unahang pambansang parke sa daigdig ang Yellowstone

noong 1872.

Noong huling mga taon ng dekada ng 1880, maraming potensiyal na litratista

ang hindi pa rin makapag-aral ng potograpiya dahil magastos at masalimuot ito. Subalit

noong 1888, nang maimbento ni George Eastman ang Kodak, isang kamerang hugis-

kahon, nabibitbit, madaling gamitin, at may rolyo ng malambot na film, puwede nang

maging litratista kahit sino. Pagkatapos maglitrato gamit ang rolyo ng film, dadalhin ng

kostumer ang buong kamera sa pabrika. Ipoproseso roon ang film, lalagyan ng bagong

rolyo ang kamera, at saka ito ibabalik sa may-ari, kasama ng nadebelop nang mga

litrato—ang lahat ng ito sa mas murang halaga. Talagang totoo ang islogan na “Pindutin

mo lang ang buton, kami na ang bahala.” Para sa masa na ang potograpiya, at ang

bilyun-bilyong kuha ng kamera taun-taon ay patunay na hindi pa rin kumukupas ang

interes ng mga tao rito hanggang sa kasalukuyan. At ngayon, nakadagdag pa sa

popularidad nito ang mga digital camera na nakabubuo ng larawan sa pamamagitan ng

mga megapixel. May maliit na memory stick ang mga ito na makapaglalaman

ng daan-daang larawan. Maaari pa ngang makapag-imprenta ng litratong mataas ang

kalidad gamit ang sariling computer at printer. Walang-dudang malaki na ang isinulong

ng potograpiya.
Kaugnay na Literatura

Ayon sa natuklasan noong 1839 sinimulan ni Robert Cornelius ang selfie, isang

amerikanong photographer, kung saan nag eksperimento siya at kinuhaan ng litrato ang

sarili niya, ito ang kauna-unahang selfie na naitala.

Ayon kay Jim Krause (2005), nagsimula ito sa isang site na MySpace kung saan

ang mga kabataan ay kinukuhaan ng litrato ang mga sarili nila sa harap ng salamin

ngunit mas nauso ito nang lumabas na ang Facebook na halos lahat nang sumasali rito

ay nagseselfie marahil sa bawat profile ng tao rito ay kailangan lagyan ng sarili nilang

litrato.

Ayon sa kasalukuyang henerasyong Pilipino napatunayan na hindi palaging

kailangan humingi ng tulong sa iba, kunting pag-aayos lamang sa sarili, sandaling pag

taas ng kamay at makikita mo na ang sariling litrato na si noypi mismo ang kumuha.

Mapa-lalaki man o mapa-babae ay hindi papalagpasinang oportunidad na makuhanan

ng litrato ang sarili kahit pa normal na araw lamang ito para sa kanya. Sikat na sikat na

nga ang nasabing paraan ng pagkuha ng litrato. Kung iisipin, iwas nga rin naman ito sa

mga snatchers na madalas magpanggap na puwede silang magbigay ng kanilang

“helping hand” lalo na’t kung gusto mo ng litrato sa mga malawak at magagandang

tanawing mayroon ditto sa bansa. Imbis na pagpawisan ka sa kahahabol sa bago mong

biling kamera, mas mainam na mahirapan na lang ng kaunti sa pag-anggulo ng sarili at

pagpilit na mapindot ang “captured button” ng iyong slr, digi-cam o camera phone.

Ayon sa aming nakalap na impormasyon, kasabay sa paggawa ng pangalan ng

mga social networkingsites tulad ng Facebook, Twitter, at lalong lalo na sa instagram ay


ang simula rin ng paggamit ng salitang “selfie”. Sa ngayon, hindi maitatanggi na tuluyan

na ring niyakap ng mga Pilipino ang salitang ito. Sa halos apat na beses sa isang

linggona paggamit ng instagram ng mga Pilipino, 67.7% ng ina-uuploadd nila ay litrato

ng kanilang sariling mukha (“A Snapshot of Instagram”).

Ayon pa sa ilang impormasyong aming nakalap, mahirap na din hamunin ang

mga nasabing datos na ito dahil makikita naman sa paligid ang aktwal na pagseselfie

ng mga tao. Hinding hindi ko malilimutan nang kamakailan, sinubukan naming ng mga

kaibigan ko na pumunta sa pagbubukas ng isang mall. Totoong napakaraming tao pero

bukod ditto, ang nkakuha ng atensyon namin ay ang grupong mga kabataan na di

alintana ang tulakan at pagsisiksikan ng mga tao makuhanan lamang ng litrato ang

kanilang mga sarili sa gitna ng bagong mall na iyon. Ito na rin siguro ang rason kung

bakit di na ako nabibigla pa na kahit sa DLSU-Manila ay malimit kang makakikita ng

mga estudyanteng nagkukuhanan ng mga litrato ng kanilang mga sarili sa may koridor

o di kaya’y sa may hagdanan. Isama pa natin dito ang mga taong di nakakaalam ng ibig

sabihin ng salitang “selfie” ngunit mga regular na kumuha ng litrato ng kanilang mga

sarili (may kasama man o wala).

Ayon sa kuwento, nagitla ang mga panauhin ng italyanong pisiko na si

Giambattista Della Porta (1535-1615). Sa dingding na nasa harapan nila, may larawan

ng maliliit at pabaligtad na mga taong gumagalaw. Nagtakbuhan palabas ng silid ang

nahintakutang mga tagapagmasid. Nilitis si Della Porta sa kasong panggagaway. Iyan

ang napala niya sa pagtatangkang pahangain ang kaniyang mga panauhin at itanghal

sa kanila ang isang camera obscura—sa Latin ay literal na nangangahulugang “madilim

na silid.” Simple lamang ang prinsipyong nagpapagana sa kamera, pero mamamangha


ka sa nagagawa nito. Paano ito gumagana? Kapag lumagos ang liwanag sa isang maliit

na butas papasók sa isang madilim na kahon o silid, lilitaw sa katapat na pader ang

pabaligtad na larawan ng kapaligiran sa labas. Ang talagang nakita ng mga panauhin ni

Della Porta ay mga artistang nagsasadula sa labas ng silid. Ang camera obscura ang

ninuno ng makabagong kamera. Sa ngayon, marahil isa ka sa milyun-milyon katao na

may sariling kamera o nakagamit na ng popular at abot-kayang disposable na kamera.

Ayon naman kay Della Porta hindi naman bagong imbensiyon ang camera

obscura ni Aristotle (384-322 B.C.E.) ang prinsipyong ginamit nang maglaon sa kamera.

Detalyado itong inilarawan ng Arabeng iskolar noong ika-10 siglo na si Alhazen, at may

isinulat tungkol dito ang ika-15-siglong pintor na si Leonardo da Vinci sa kaniyang mga

kuwaderno. Nang simulang gamitin ang mga lente noong ika-16 na siglo, mas luminaw

ang larawang nabubuo ng kamera at ginamit ito ng maraming pintor upang makaguhit

ng larawan na may tamang perspektiba at proporsiyon. Pero sa kabila ng maraming

pagsisikap na ito, hindi pa rin alam kung paano gagawing permanente ang nabubuong

mga larawan hanggang sa sumapit ang ika-19 na siglo.

You might also like