You are on page 1of 7

IKABANATA I

ANG SULIRANIN AT SANLIGAN

A.RASYONAL AT KALIGIRAN NG PAG-AARAL

"I love the internet because it helped me discover everything that matters to me.But I also

hate the internet because every piece of true pain I've experienced as an adult- with the

exception of death in the family and break ups- has come from it"

-Lena Dunham

Sa panahon ngayon ang pamumuhay ng tao ay nagbabago dahil ito sa makabagong

teknolohiyang nalilikha kabilang na rito ang social media. Ang social media isa sa mga daan para

sa pakikipagkomunikasyon sa mga kamag-anak ,kaibigan malayo man o hindi. Bukod dito

magagamit din ito sa pagkalap ng impormasyon na makakatulong sa estudyante para sa kanilang

proyekto,takdang aralin at iba pa.

Ang social media ay nagsisilbing ring libangan na nakakaalis ito ng pagkabagot.Dahil sa

naging libangan nila ito may mga pagkakataon hindi na nila nagagawa ang gawaing pampaaralan

gaya na lamang ng paggawa ng assignments at pagbasa ng libro dahil ito sa labis na pagagamit

ng social media. Sa puntong ito nais naming malaman kung ano ba talaga ang epekto ng social

media.

B.PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Narito ang mga sumusunod na katanungan na pokus sa isinasagawang


pananaliksik:

1. Paano nakakaapekto ang social media sa mga mag-aaral?

2.Ano-ano ang mabuting naidudulot ng paggamit ng social media?

3.Ano-ano ang masamang epekto ng paggamit ng social media?

HYPOTHESIS:

1.Nakatutulong ang social media sa mga mag-aaral upang mapadali

ang kanilang mga gawain.

2.Dahil sa social media mas madali ang pagpapalitan ng mensahe at

napapadali ang pagkalap ng impormasyon.

3.Dahil nagiging libangan nila ang social media masyado nilang nabibigay

ang oras nila kung kaya hindi na nila nagagawa ang mga bagay na mas

importante.

C. LAYUNIN AT KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Sa pananaliksik na ito nais nitong matuklasan kung ano-ano ba talaga ang masama at

mabuting naidudulot ng social media sa mga mag-aaral ng Amtic National High School. Nais
din nitong makapag-ambag ng bagong kaalaman upang makatulong sa maayos na paggamit ng

social media.

D. REBYU NG KAUGNAY NA LITERATURA

Sa kasalukuyan kung ating mapapansin maraming mga tao ang gumagamit ng social

media. Na kung saan ito ang nakapagpabago sa kanilang pamumuhay. Sa katunayan, may

dalawang bilyong tao ang aktibong gumagamit ng social media sa buong mundo at ito ay

nakakaapekto sa buhay at edukasyon. Ito ay ayon sa Google.com, isang website sa internet.

Ayon kay Young (1996), may dalawang klase ng gumagamit ng social network ito ay

" dependent " na gumugugol ng 39 oras sa internet para sa sosyal na pakikipag-usap at

pakikihalubilo. Samantala ang " independent " naman ay kumokonsumo ng 5 oras lamang para

sa "net surfing" o "e-mail".

Ang paggamit ng social media ay maaaring magdulot ng positibo at negatibong epekto

sa ating sarili, pamilya, at lipunan. Dahil dito nagbabago ang ugali at kultura ng isang tao, ayon

kina Boyd at Ellison (2007).

Ayon kay Wallace (2000), ang paggamit ng internet o social media ay nag-uugnay sa

madalas na paggamit ng mga kabataan ng mura, insulto at mga agresibong salita.Nagiging

masamang epekto rin nito ang tinatawag na cyberbullying o kaso sa cybercrime. Ayon sa ulat ng

CSI o FBI Computer Crime and Security (2000), sinasabi na 79% ng mga kabataan ang

umaabuso sa social networking sites at isa sa mga abusong ito ay ang pagdownload ng

pornograpiya.
E. KONSEPTUWAL NA BALANGKAS

Teoritikal na Gabay

Ang mga teoryang ito ay maituturing na gabay at pagpapatunay sa isinasagawang

pag-aaral. Nagsisilbi rin itong haligi ng nagpapatibay sa pananaliksik hinggil sa epekto ng social

networking sites.

F.SAKOP AT DILIMITASYON NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito ay pinagtutuunan ng pansin ang epekto ng social networking

sites batay sa eksperyensya ng mga mag-aaral.

Ang pag-aaral na ito ay kasabay ng paghahanap ng impormasyon at mga datos patungkol sa

epekto ng social networking sites.Katuwang dito ang mga pag-aaral pati ron ang guro na

maaaring makapagbigay ng impormasyon at opinyon. Sa kanbuuan may roon lamang na

dalawampu't pitong tagatugon mula sa Amtic National High School.

KABANATA II

METODOLOHIYA AT PAMAMARAAN

A.DISENYO AT PAMAMARAAN

Sa pag-aaral na ito napapansin na ang mananaliksik ay gumamit ng kuwantitatibo-

deskriptibo.
Masasabing kuwantitatibo dahil nasususkat ang antas ng epekto ng social networking

sites sa kabataan at inilalahad din ang bilang ng mga kabataaan madalas at minsan lang gumamit

ng social networking sites.

Matatawag din itong deskritibo sapagkat nailalarawan nito ang suliranin na kinakaharap ng mga

kabataan at inilalarawan sin nito ang karanasan sa paggamit ng social networking sites ng mga

kabataan.

Ang impormasyong nakalap ay pumapatungkol sa kalagayan ng mga kabataan sa kasalukuyan.

Layunin ng pag-aaral na ito na sukatin at ilarawan at epekto ng social networking sites.

B.LOKAL AT POPULASYON NG PANANALIKSIK

Respondente:

Ang pinagmulan ng sarbey ay mula sa mga mag-aaral ng Amtic National High

School. Ang mga kalahok sa pananaliksik ay binubuo ng 30 na respondente, lima sa

guro at dalawangput lima sa mga mag-aaral.

C.KASANGKAPAN SA PAGLIKOM NG DATOS

Ang instrumentong gagamitin sa pagkuha ng mga kinakailangan na datos sa pag-

aaral ay isang sarbey-kwestyuner o talatanungan. Ang mga mag-aral ng Amtic National

High School ay gagawing paksa ng sarbey.


KABANATA III

RESULTA AT DISKUSYON

Base sa hypothesis ng mga mananaliksik ang Social Media ay nakakatulong sa mga

mag-aaral upang mapadali ang mensahe at pagkalap ng impormasyon at ang masamang epekto

naman ng Social Networking Sites ay masyado na nilang naibibigay ang oras nila sa paggamit ng

Social Networking Sites kaysa gumawa ng mga gawain sa paaralan.

At base naman sa resulta ng pananaliksik ang tungkol sa epekto ng Social Networking

Sites ay may mabuting maidudulot sa karamihan lalo nasa mga estudyante at ilang mga guro

dahil mas mapapadali nito ang panganaglap ng impormasyon at mas madali ang pakikipag-

komunikasyon,nagsisilbi rin itong libangan.Ang masamang epekto naman ng Social Networking

Sites ay nagkakaroon sila ng hindi balanseng paggamit ng Social Media at sa kanilang pag-aaral.

You might also like