You are on page 1of 35

NEW GENERATION INTERNATIONAL SCHOOL, INC.

ニュー・ジェネレーション インターナショナルスクール
Main Campus: Tres Cruses Rd., Brgy. De Ocampo, Trece Martires City, Cavite
SHS Campus: #9044 Happy Building, Governor’s Drive, San Agustin, Trece Martires City, Cavite
Tel Nos. (046) 419-2272, 419-1982, Cell No. 0998-859-7940
E-mail: deocampo@ngis.edu.ph / sanagustin@ngis.edu.ph

Benepisyo ng Social Media sa Akademikong Pagganap ng mga


Mag-aaral ng ABM-A-SUN ng New Generation
International School s.y 2022-2023

Suliraning Pananaliksik na iniharap kay Bb. Agatha C. Naldoza


Fakulti ng Tanggapan ng Lrangan ng Pananaliksik, New Geberation International
School

Bilang Bahagi ng Pagtupad sa Pangangailangan sa Asignaturang Pagbasa


At Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Ipinasa nina:
Raver Allen D. Fajardo
Athaliah Milcah V. Bañez
Aira A. Baraguir
Cassandra Lyn G. Chavez
Jecelle F. Dacutanan
Nicole B. Obor

Ikalawang Semestre, 2022-2023


DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang pagtupad isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't


Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik, ang pananaliksik na pamanahong papel na ito ay
pinamagatang "Benepisyo ng Social Media sa Akademikong Pagganap ng mga Mag-aaral ng
ABM-A-SUN ng New Generation International School S.Y. 2022-2023" ay inihanda at iniharap
ng pangkat ng mananaliksik mula sa Pangkat 3 na binubuo nina:

Raver Allen D. Fajardo


Athaliah Milcah V. Bañez
Aira A. Baraguir
Cassandra Lyn G. Chavez
Jecelle F. Dacutanan
Nicole B. Obor

Tinanggap sa ngalan ng Guro sa Filipino, New Generation International School, bilang isa
sa mga pangangailangan ng asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto
tungo sa Pananaliksik.

Bb. Agatha C. Naldoza Egnr. Emmanuel D. Ramos


Guro Punong-guro
DAHON NG PASASALAMAT

Ang pananaliksik na ito ay pinamagatang "Benipisyo ng Social Media sa Akademikong


Pagganap ng mga mag-aaral ng ABM-11 SUN sa New Generation International School” at hindi
posibleng matapos at maging matagumpay ang pananaliksik na ito kung wala ang tulong ng
Panginoon, Magulang ng mananaliksik, Guro ng asignaturang Pag basa at Pagsusuri ng iba't
ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik, Respondante at mismo ang Mananaliksik.

Maraming salamat sa Panginoon na siyang nagbigay sa bawat mananaliksik ng


kakayahan, kaalaman, at kalakasan upang gabayan at matapos ang pananaliksik na ito.

Maraming salamat sa magulang ng bawat mananaliksik na siyang nagbigay ng


pagmamahal at lakas ng loob upang matapos ang pananaliksik na ito. Salamat rin sa pagbibigay
ng aming pangangailangan at nagbigay inspirasyon at mag-udyok na matapos at
mapagtagumpayan ang aming pananaliksik mula sa simula hanggang pagtapos.

Maraming salamat sa aming Guro na si Bb. Agatha C. Naldoza na siyang nag turo at nag
gabay sa bawat mananaliksik upang masimulan at matapos ng maayos ang pananaliksik na ito.
Salamat sa kaniyang katatagan ng loob at pasensya sa pagtuturo at pag gabay sa mga
mananaliksik.

Maraming salamat sa mga respondante ng pananaliksik na ito. Salamat sapagbibigay


kaalaman sa aming hinahanap at kinakalap na mga sagot at impormasyon upang
mapagtagumpayan ng pananaliksik na ito.

Maraming salamat bawat mananaliksik sa pagtitiyaga at katatagan ng loob na tumulong


upang matapos ang pananaliksik na ito.

Muli, taos-pusong ipinapaabot ng bawat mananaliksik ang pasasalamat sa mga tumulong


at gumabay upang matapos, mapagtagumpayan at maging epektibo ang isinagawang
pananaliksik.
TALAAN NG NILALAMAN

ANG PAUNANG PARTE NG PANANALIKSIK

• TALAAN NG NILALAMAN ……………………………………….i

• DEPENISYON AT TERMINOLOHIYA ……………………………ii

KABANATA 1: INTRODUKSYON, ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

• PANIMULA O INTRODUKSYON ………………………………...1

• LAYUNIN NG PAG-AARAL ………………………………………2

• KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL ……………………………...3

• PAHAYAG NG PROBLEM …………………………………………4

KABANATA 2: REBYU NG MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

• MGA KAUGNAY NA LITERATURA

• LOKAL NA LITERATURA ……………………………………...7

• DAYUHAN NA LITERATURA …………………………………8

• MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL ……………………………….9

• LOKAL NA PAG-AARAL ……………………………………...10

• DAYUHAN NA PAG-AARAL …………………………………11

KABANATA 3: DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

• PARAANG PAGKALAP NG MGA DATOS ……………………….12

• DISENYO NG PANANALIKSIK …………………………………..12

• LOKAL AT RESPONDANTE NG PANANALIKSIK ……………...13

• INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK …………………………...13

• SAMPOL NG KUWESTYONARYO ……………………………….14


TALAAN NG MGA TALAHANAYAN

A. TALAHANAYAN 1: Distribuisyon ng mga respondent sa benepisyo na dulot ng social media


sa mag-aaral ng ABM 11 Sun

B. Grap 1. Distribuisyon ng mga respondent ayon sa kasarian

C. Grap 2. Distribuisyon ng mga respondent ayon sa edad

D. Grap 3. Distribuisyon ng mga estudyante tungkol sa benepisyo ng social media

E. Grap 4. Sagot ng mga estudyante kung may mabuti bang benepisyo ang social media

F. Grap 5. Ang mga estudyanteng sumagot ukol sa benepisyo ng social media sa pag-aaral

G. Grap 6. Distribuisyon sa mga grado ng benepisyo ng social media sa pag-aaral


ABSTRAK

Ang pananaliksik na pinamagatang "Benepisyo ng Social Media at Akademikong


Pagganap ng Grade 11 ABM A SUN sa New Generation International School, S.Y. 2022-2023"
ay isinulat nina Raver Allen D. Fajardo, Athaliah Milcah V. Banez, Aira A. Baraguir, Cassandra
Lyn G. Chavez, Jecelle F. Dacutanan at Nicole B. Obor mula sa 11 - baitang, ABM Mercury.

Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay matukoy ang mga benepisyo na dulot ng
Social Media sa Akademikong Pagganap ng mga mag-aaral ng 11 ABM A SUN.

Gamit ang talatanungan o online survey kung saan sumagot ang mga mag-aaral ng ABM
11 A Sun mula sa New Generation International School, nakita at nalaman namin ang benepisyo
na dulot ng paggamit ng social media sa akademikong pagganap ng nasabing respondante.

Ang social media ay isang instrumento upang mapabilis ang pakikipagkonekta sa ibang
tao at makakuha ng ibat-ibang impormasyon. Nagsisilbi itong gabay sa mga tao lalong-lalo na sa
mga mag-aaral. Sa social media napapataas ang kalidad ng edukasyon magpahanggang ngayon.

Base sa aming mga nakalap na datos karamihan sa mga respondante ang nagsasabing
may magandang benepisyo ang paggamit ng social media. Isang halimbawa nito ay ang
paggamit ng mga apps o platforms ng social media tulad nalang ng Google, ito ay isa sa
pinakamahalagang parte ng social media kung saan dito mo mahahanap ang mga impormasyon
na iyong kinakailangan sa mga reports, riserts, takdang aralin, proyekto at iba pa. Sumunod
naman ang Facebook, ito'y nakatutulong sa pag-aaral dahil dito nagkakaroon ng komunikasyon
ang guro at mag-aaral upang maipabatid ang bawat importanteng gawain na naglalaman ng
mahahalagang impormasyon.
KABANATA 1

INTRODUKSYON

Sa bawat henerasyon ng makabagong teknolohiya ay maraming kahalagahan ang


naiiaambag nito sa ating pamumuhay sa pang araw-araw. Hindi maipag kakaila na ang Social
Media ay isa sa naging produkto ng makabagong panahon, napapabilis nito ang komunikasyon.

Ayon namn kay Soriano L (2016), ang social media ay tumutukoy sa sistema ng
pakikipag-ugnayan na kung saan lumilikha, nag babahagi at nakikipag palit ng impormasyon at
mga idea ng isang virtual na komunidad at mga network.

Ang akademikong pagganap ay ang kaalamang natatamo o mga kakayahang napauunlad


ng mga asignatura sa paaralan. Ito ay karaniwang nakikita sa mga pangkalahatang grado,marka
sa pagsusulit, pag gawa ng mga aktibiti at pakikilahok sa klase.

Ayon sa pag aaral ni Santos M.(2016) Ang pag gamit ng social media ay may malaking
epekto sa pag-aaral ng mga mag-aaral na ito ang nagsisilbing gabay.

Ang social media ay nakakatulong sa pag-aaral ng mga estudyante dahil napapadali nito
ang paghahanap ng mga impormasyon at makabagong kaalaman. Sa pamamagitan ng social
media mas nahahasa ang isip, napapalawak ang kaalaman ng mga kabataan at natutulungang
mag obserba ng mabuti at kumilatis ng tama. Halimbawa nalang nito ay ang Google, tinutulugan
nito ang mag-aaral na manaliksik at mapadali ang kanilang gawain. Marami ring websites ang
nakakatulong sa mga mag-aaral sa pag gawa ng kanilang aktibiti, isang pindot mo lang ay may
impormasyon ka na agad na makikita. Sa panahon ngayon na uso pa din ang Covid-19
nakakatulong ang social media na magkaroon pa din ng ugnayan ang guro at mag-aaral sa
pamamagitan ng pagpapatupad ng online class patuloy pa din ang pagdaloy ng kaalaman sa mga
kabataan. Hindi makakaila na dahil sa social media maraming bagay ang nagbago sa ating
lipunan at sa paraan ng ating pamumuhay. Kung magagamit lamang natin ng tama ang social
media paniguradong uunlad ang ating bansa at maraming tao ang makakabuo ng magandang
ugnayan sa isa't isa.
I. Paglalahad ng Layunin

Pagkalahatang Layunin

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong masuri at matukoy ang kaugnayan sa pagitan ng


benepisyo ng social media at akademikong pagganap ng Grade 11 ABM A Sun ng New
Generation International School S.Y. 2022-2023

TIyak na layunin / Espisipikong Layunin

1. Natutukoy ang sosyodemograpikong pagkakakikanlan ng mga respondante sa mga tuntunin ng


edad, kasarian, oras na ginugol sa paggamit ng social media at uri ng gadyet na ginagamit.

2. Nailalahad ang mga salik ng social media na nakakaapekto sa akademikong pagganap ng mga
respondante sa mga tuntunin ng pagkakaroon ng kritikal na pag-iisip, mas magandang
komunikasyon, madaling makakahanap ng impormasyon patungkol sa aralin at pag unlad ng
tiwala sa sarili.

3. Nailalahad ang epekto ng benepisyo ng social media sa akademikong pagganap ng mga


respondante sa mga tuntunin ng pag gawa ng mga aktibiti, pakikilahok sa klase at
pangkalahatang grado.

4. Naipapakita ang kaugnayan sa pagitan ng sosyodemograpikong pagkakakikanlan at


akademikong pagganap ng mga respondante.

5. Naipapakita ang kaugnayan sa pagitan ng benepisyo ng social media at akademikong


pagganap ng mga respondante.
II. Paglalahad ng Suliranin

Sinisiyasat ng pag-aaral na ito ang kaugnayan sa pagitan ng benepisyo ng social media at


akademikong pagganap ng Grade 11 ABM A SUN sa New Generation International School S.Y
2022-2023.

1.) Ano ang sosyodemograpikong pagkakakikanlan ng mga respondante sa mga tuntunin ng;

1.1 Edad;

1.2 Kasarian;

1.3 Oras na ginugol sa paggamit ng social media; at

1.4 Uri ng gadyet na ginagamit

2.) Ano ang mga salik ng social media na nakakaapekto sa akademikong pagganap ng mga
respondante sa mga tuntunin ng;

2.1 Pagkakaroon ng kritikal na pag-iisip

2.2 Mas magandang komunikasyon

2.3 Madaling makakahanap ng impormasyon patungkol sa aralin

2.4 Pag unlad ng tiwala sa sarili

3.) Ano ang epekto ng benepisyo ng social media sa akademikong pagganap ng mga respondante
sa mga tuntunin ng;

3.1 Pag gawa ng mga aktibiti

3.2 Pakikilahok sa klase

3.3 Pangkalahatang grado

4.) Mayroon bang makabuluhang kaugnayan sa pagitan ng sosyodemograpikong


pagkakakikanlan at akademikong pagganap ng mga respondante?

5.) Mayroon bang makabuluhang kaugnayan sa pagitan ng benepisyo ng social media at


akademikong pagganap ng mga respondante?
III. Teoritikal na Pagbabalangkas

Sa pananaliksik na ito ay ang pinakakaraniwang ginagamit na pamamaraan ng


komunikasyon ang social media ng lahat ng tao sapagkat malaki ang naitutulong nito sa mga
gawain tulad nalang sa pag-aaral, trabaho at kung ano ang nangyayari sa ating lipunan. Dahil
dito, ang social media ang nagiging sanhi kung pano makipag-ugnayan sa iba at kung pano
nakakaapekto ito sa pag-uugali ng isang tao. Higit sa lahat ang social media ang pinagkukuhan
natin ng mga iba't-ibang impormasyon.

Ayon kina Boyd at Ellison na angsocial media ay nagiging patok sa publiko dahil
pinapayagan nito ang isang indibiwal na makilala ang ibang tao.

Nakalahad sa pananaliksik ni Smock, Ellison, Lampe at Wohn(2011), na ang mga


gumagamit ng mga social media sites ay nahihikayat na ibahagi ang kanilang mga karanasan at
impormasyon kung saan ang mga nagkokomento ay nag bibigay kasiyahan, pakikisama at
pakikisalamuha.

Nakapaloob sa pag-aaral nina Ogatia, Bonacia, Alviar, Sanfelipe at Garcia (2019) ang
mga dahilan ng pag sali sa mga social networking websites. Halimbawa nito ay pakikisalamuha
sa ibang tao sa internet. Naglalaan lamang sila ng kaunting oras sa pagbisita ng mga sites na ito
sapagkat mas binibigyang halaga nila ang mas emportanteng mga bagay o gawain tulad ng mga
pag-aaral.

Ayon sa isang pag-aaral na ginawa ni Ma. Fe Gannaban, PhD(2013), ang social media o
social networking sites ay isa sa mga dulog-teknolohikal na magagamit ng mga guro sa pag
tuturo sa kanilang mga estudyante. Maaring mag bigay ito ng oportunidad sa mga guro upang
komunekta sa kanyang mga mag-aaral.

Ayon kay Leea China na sa social media ay ang nagbibigay ito ng kakayahang umangkop
sa pagkatuto, pasiglahin ang mga makabagong ideya at dagdagan ang interpersonal na relasyon
sa mga mag-aaral.
Ang pangunahing benepisyo ng social ay nagbibigay ito ng magandang pagkakataon sa
ang mga mag-aaral upang lalo pang malinang ang kanilang pagkamalikhain o pagkamakasining
at patuloy na pagkakaroon ng mga makabagong ideya. Ang mga kakayahan o talent ng bawat isa
ay matutuklasan, halimbawa kung ang isang tao ay magaling umawit, maaari syang matuklasan
nang mas madali sa pamamagitan ng videos. Maaari ding gamitin ang Google, isang website
upang makapanaliksik ng tungkol sa iba’t-ibang aralin. At ang mga saloobin ng bawat isa ay
madaling maipahayag. Sa loob at labas ng silid-aralan ay maaring makipag-uganayan ang mga
guro sa mga magaaral para sa pakikipag-talastasan.

IV. Konseptwal na pagbabalangkas

Nais ng mananaliksik malaman Kakapanayanim ng 3.) Epekto ng


ang... mananaliksik ang... benepisyo ng social
media sa
1.Ang profayl ng mga tagatugon:  Paggawa ng akademikong
Kwestyuner
1.1 Edad pagganap ng mga
 Interbyu o Sarbey respondante
2.2 Kasarian  Analisis
 Dokumentasyon. 3.1 Pag gawa ng mga
3.3 Oras na ginugol sa paggamit
aktibiti
ng social media: at
3.2 Pakikilahok sa
4.4 Uri ng gadyet na ginagamit
klase
2. Salik ng social media na
3.3 Pangkalahatang
nakakaapekto sa akademikong
grado
pagganap ng mga respondante:
2.1 Pagkakaroon ng kritikal na
pag-iisip
2.2 Mas magandang
komunikasyon
2.3 Madaling makakahanap ng
impormasyon patungkol sa aralin
2.4 Pag unlad ng tiwala sa sarili

PROSESO
INPUT AWTPUT

V. Kahalagan ng Pag-aaral

Ang resulta ng aming pananaliksik ay makakatulong sa mga mag-aaral, magulang, guro


at mga susunod na mananaliksik.

1. Mag-aaral

Makakatulong ang aming pananaliksik sa mga mag-aaral dahil ito ay magbibigay ng


sapat na impormasyon upang maunawaan nila ang kahalagahan ng tamang pag gamit ng social
media. Ito'y magsisilbing gabay para sa mga kabataan dahil malalaman nilang malaki ang
natutulong ng social media para sa kanilang pag-aaral.

2. Magulang

Sa pamamagitan ng aming pananaliksik makakatulong ito upang malaman ng mga


magulang ang magandang dulot ng social media sa pag-aaral ng kanilang mga anak.
Magagabayan ng tama ng mga magulang ang kanilang mga anak sa pag gamit nito.

3. Mga guro

Ang aming pananaliksik ay makakatulong sa mga guro dahil dito nila malalaman kung
dapat ba nilang hayaang gamitin ng mga mag-aaral ang social media para sa kanilang pag-aaral.
Ito din ay magsisilbing gabay upang mapangaralan ang kanilang mga estudyante sa magandang
dulot ng social media kung ito ay gagamitin ng wasto.
4. Mga susunod na mananaliksik

Ang aming pananaliksik ay magsisilbing gabay o sanggunian para sa mga susunod na


mananaliksik. Ito din ay magsisilbing ebidensya kung ang kanilang pananaliksik ay katulad o
kaparehas samin.

VI. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Nakatuon ang pag-aaral na ito sa mga salik ng benepisyo ng social media sa


akademikong pagganap ng mga respondante. Saklaw ng pag-aaral na ito ang tatlumput dalawang
mag-aaral mula sa New Generation International School S. Y. 2022-2023.

Hindi saklaw ng pag-aaral na ito ang iba pang mga problema na hindi itinuturing na mga
salik ng benepisyo ng social media sa akademikong pag aaral ng mga respondante. Ang
pananaliksik na ito ay nililimitahan lamang sa mga mag-aaral ng Grade 11 ABM-SUN. Ang mga
mag-aaral ay bibigyan ng mga talatanungan bilang isang sarbey na bahagi ng pananaliksik na ito.
Ang mga sarbey na ginawa ng mga mananaliksik ang magiging pangunahing pagmumulan ng
datos. Sa mga nakalap na datos, malalaman ng mga mananaliksik ang mga salik ng benepisyo ng
social media sa akademikong pagganap ng mga nasabing respondente. At Ito ay makakatulong at
magiging kapakipakinabang hindi lamang sa Grade 11 ABM-SUN kundi pati na rin sa mga
estudyanteng naglalayong magkaroon ng kaalaman ukol dito.

VII. Depinisyon ng Terminolohiya

Upang maging madali at ganap ang pagkakaintindi ng mga mambabasa, minarapat naming
bigyan ng depenisyon ang mga sumusunod na terminolohiya batay sa kung paano ginamit ang
bawat isa isa pamanahong-papel na ito:
 ABM
Isa itong akademik strand na maaaring kuhain ng isang mag-aaral kung nais nyang
kumuha ng kursong may kinalaman sa business.

 Akademikong Pagganap
Ito ay ang kaalamang natatamo o mga kakayahang napapaunlad ng mga asignatura sa
paaralan.
 Edad
Tumutukoy sa gulang, anyos at tanda ng isang tao.

 Gadget
Uri ng kagamitan na may partikular na gamit. Madalas ginagamit ng mga mag-aaral sa
kanilang pag-aaral.
 kasarian
Tumutukoy sa pisikal na pagkakaiba sa pagitan ng tao.
 Oras
Tumutukoy sa panahon at sa gaano katagal ang iginugol sa isang paggawa.
 Social Media
Ito ay isang sistema ng pakikipagugnayan na kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at
nakikipagpalitan ng impormasyon at mga ideya sa isang virtual na komunidad at mga
network.
KABANATA II

KAUGNAY NA LITERATURA

LOKAL NA PAG-AARAL

Ayon sa isang pag-aaral na ginawa ni Gannaban,(2013), ang social media o social


networking sites ay isa sa mga magagamit ng mga guro sa pag tuturo sa kanilang mga
estudyante. Maaaring mag bigay ito ng oportunidad sa mga guro upang mangolekta sa kanyang
mga pag-aaral. Ito ay nag bibigay ng kaalaman sa mga estudyante tungkol sa benipisyo ng social
media na karaniwang popular sa ating lipunan. Bukod pa rito maipapabatid sa mga estudyante
ang mga positibong epekto ng social media lalong-lalo na sa kanilang pag-aaral.

Ayon naman sa isang pag-aaral na ginawa ni Ma. Fe Gannaban,PhD (2013), ang social
media o social networkingy site ay isa sa mga dulog-teknolohikal na magagamit ng mga guro sa
pagtuturo sa kanilang mga estudyante. Maaring magbigay ito ng oportunidad sa mga guro upang
komonekta sa kaniyangmga mag aaral. Sinasabing hindi lamang sa mga mag aaral mayroong
advanteyj ang social media,kundi maging sa mga guro.
Batay sa pag-aaral ni Fionama Abain (2014), ang social media katulad ng facebook

ay isang daan na maaaring makapagdulot ng maganda sa mga kabataan. Isa na dito ay ang
maaring magkaroon ng malayong ugnayan ang bawat tao para magkaroon ng komunikasyon
dahil sa paggamit nito.Isa ring dulot ng mga social media ayon sa mga pag aaral ay ang
pagpapadali nito sa pangangalap ng mga impormasyon. Ito ay maoobsebahan kahit sa grupo ng
aming pangkat sa paaralan,dito nagpapahatid ng mga mahahalagang impormasyon ang pangulo
ng aming klase ukol sa mga mahahalagang paalala sa aming mga kamag-aral. Ang mga naturang
impormasyon ay naipapahatid ng mas mabilisat sa mas madaling paraan.Naging malaking tulong
talaga at kaagapay sa mga magaaral ang social media, huwag lamang itong aabusuhin at ito na
ang kumain sa ating mahalagang panahon. Marami ang nagpahayag na mabuti ang dulot ng
social media sa ating mga pamumuhay bilang estudyante.

Binibigyan ng pagkakataon ng social media ang mga mag-aaral upang makilala ang mga
tao sa buong mundo, inilalantad sa kanila ang malawak na hanay ng mga ideya na maaaring
maging kapaki-pakinabang sa kanila. Ang mga media outlet tulad ng mga istasyon ng radyo at
telebisyon ay tumutulong din sa pagpapalaganap ng mga isyung panlipunan. Maaari silang
makipag-usap sa mga taong ito sa pamamagitan ng paggamit ng social media ( Penetrante,
Domingo & Sabado, 2016)

Dahil sa social media, ang mga mag-aaaral ay maraming nakikilala, nakakakuha ng mga
bagong kaalaman at nakakapagpahayag ng malayang saloobin. Bukod dito ay nakakatulong ito
upang ang mga mag-aaral ay magkaroon ng madaling kumunikasyon sa kapwa mag-aaral sa
kanilang akademikong pagganap sa pag-aaral. Dapat na magbigay ng kamalayan ang mga mag-
aaaral na maging mas responsable at sa tamang paggamit ng makabagong teknolohiya ang
kailangan matutunan ng mga mag-aaral.

Sakabilang banda ang social media site ay ginagamit sa personal na buhay ng isang
indibidwal tulad nalang na may listahan ng mga personal na interes, numerong makokontak,
makadaragdag at makakaanyaya ng mga kaalaman sa iba, maaaring makipagpalitan ng mga
mensahe o impormasyon ang isang indibidwal lalo na sa mga mag -aaral para matugunan ang
kanilang kinakailangan para sa kanilang akademikong pagganap sa kanilang pag-aaral.
Laging tatandaan na dapat magkaroon ng time management upang magkaroon ng pocus
sa pag-aaral. Mayroong oras sa paglilibang at mayroon ding oras para sa trabaho at edukasyon.
Dapat na bigyan ng prayoriti ang mga mahahalagang bagay sa buhay upang magkaroon ng
magandang kinabukasan at hindi sayang ang paghihirap ng ating mga magulang.

https://l.facebook.com/l.php?u=https%3A%2F%2Fpdfcoffee.com%2Fepekto-sa-pagkahumaling-
sa-social-media-pdf-free.html%3Ffbclid
%3DIwAR3nQkwcxAbmQcNqU32Bn8I484R6d4gX4N6pjfaJpRrHaOG928KMr_4dDbI&h=AT
2SnFRNWQ8oJ-Ziiz-Bv2EOQPWbPocSPzZd-
rhr1ZRSzVpmxOukHo54B96hQu9fe7NG1drY6iDwrtK_i6ezhoYqTLcCnloZ2CxwuHxEa7VoZg
GPgUI3710hdYZdjKmIVn2JrQ

DAYUHANG PAG-AARAL
Gayunpaman, ang pagtaas ng paggamit ng social media ay humuhubog sa paraan ng
pakikipag-usap ng ating mga kabataan. Pero may mga ilang posibleng epekto sa pag uugali na
maaaring maidulot ng paggamit ng social media sa mga nakababatang henerasyon ngayon (K.A.
Jalil et al.,2010).

Ayon kay Wasta Fari (2010), ang facebook ay isa sa pinaka sikat na website dahil sa
patuloy na paggamit nito.Hindi matatawaran ang kabutihang naidudulot nito upang pagbukludin
ang iba't ibang uri ng indibidwal, kasama sa iba't ibang nakakaengganyong abilidab na maaaring
gawin dito ay ang katotohanang maari kang gumawa ng isang birtwal na pagkatao upang
nakakilala ka ng bagong mga kaibigan. Subalit kung pagbabasehan ang katotohanan na ang isang
tao ay maaaring gumawa ng pekeng acccount o gawa-gawang account upang makasira o manira
ng ibang tao, ito ay lubhang nakakapagkuha ng atensyon ng lahat para sa seguridad. Sa mga
inobserbahan na estudyante, nalaman ni Fari na ang mga mag-aaral na lubos na nahuhumaling sa
facebook ay nawawalan na ng gana gumawa ng mga takdang aralin dahil sa malaking oras na
nagugugol nila sa pag fefacebook. Ayon pa sa kanya ang mga oras na ginagamit ng mga mag-
aaral sa facebook ay sapat na upang maubus ang dapat nang nakalaan sa mga extra-curricular na
aktibidad sa paaralan.
Sa pag-aaral na isinagawa nina Hyllegard, Ogie at Rietz (2011), nalaman nilang madalas
gamitin ang social media ng mga estudyante ay ang facebook. Ito'y ginagamit nila upang mag
tatag ng personal na koneksyon sa ibang tao, mailabas ang tunay na pagkatao at makilala ang
kanilang sarili. Sa bawat henerasyon ng social media ay maraming kahalagahan ang naiiambag
nito sa pamumuhay sa pang araw-araw. Hindi maipagkakaila na ang mga social media o social
networking sites ay isa sa naging produkto ng makabagong panahon. Dito kusang umuusbong
ang isang matatag na pagkakaunawa at relasyon ng mga tao sa lipunan. Nagiging bukas ang isip
sa mga pangyayari sa loob at labas ng bansa at nag sisilbing libangan ng karamihan.

Ang social media din ay dapat gamitin ng tama at maayos upang maiwasan ang
masamang dulot nito at responsable na diskarte sa proseso ng pag-aaral at mga resulta ng
akademiko para sa magandang kinabukasan (Janssen et al., 2014).

Walang alin-langan na ang social media ay mananatiling isang mahalagang kasangkapan sa


buhay ng mga tao ngayon. Nakakatulong ito sa pagkuha ng impormasyon sa parehong lokal at
banyaga mula sa mga kaibigan, lektura o eksperto.

Liban sa mga benepisyo na maaaring makuha ng mga estudyante sa social media tulad ng
pagbabahagi ng impormasyon, pagbuo ng relasyon, pakikibahagi sa grupo upang magtalakayan,
maaaring may masamang dulot ang pagkahumaling sa social media kung ito ay nagagamit sa
hindi magandang paraan at malaki ang magiging epekto nito sa akademikong buhay ng mga
mag-aaral (Kolan et al., 2017).

Ayon kay Kaya (2018), Ang mga social media ay isa sa mga pinaka ginagamit na paraan
ng komunikasyon ng mundo ngayon.Sakabilang banda, ang social media ay isang kapaki-
pakinabang na lingkod.

LOKAL NA LITERATURA

Ang social media ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao na kung


saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon at mga ideya sa isang
virtual na komunidad at mga network.
Ayon sa Blog Entry ni Resident Patriot noong (2012), na may temang "The Social Media
and I: Bridging Past, Present and Future" Ang Social Media daw ay tulay na nagdudugtong sa
kanyang kasalukuyan; Pagkakaroon ng komunikasyon sa mga mahal niya sa buhay na hindi
kasama, mga kaibigan na malayo sa kanya, pagkakaroon ng kamalayan o balita sa mga
nangyayari sa kanyang bayan o iba't ibang panig ng bansa. At idinugtong rin ng social media sa
kasalukuyang hinaharap ang mga impormasyong tungkol sa makabagong teknolohiya, mga
balita tungkol sa mga pagbabagong makakaimpluwensiya sa hinaharap, mga matututunang
kaalaman na makapag-papaunlad sa ating kinabukasan.

Dagdag pa nito sa kanyang Blog Entry, pinalawak, pinadali, pinatipid ng social media
ang paraan ng komunikasyon at pagbabahagi ng impormasyon. Isang mabuting bagay ito para sa
ating mga gumagamit, subalit gaya ng kasabihan, “Ang lahat ng sobra ay masama.”. Ang social
media ay may kaakibat na responsable at maingat na paggamit upang hindi mapinsala at huwag
makapinsala.

Nakasaad sa impormasyong nakalap ni Tonte (2013), sa kanyang pag-aaral ng social


media ay malaking epekto para sa mga kaisipan ng mga kabataan. Sila ay mabilis na
makakasabay sa malawak na pag-unlad ng social media. Ang pangunahing benipisyo ng social
media ay ang nagbibigay ng pagkakataon sa gumagamit na makipag-ugnayan at makibahagi sa
maraming tao malapit man o malayo sa iyo. May mga positibong dulot ang social media sa mga
kabataan ngayon dahil napapadali nito ang kanilang mga gawain sa pag-aaral. Nagkakaroon sila
ng mas malawak na kaisipan at nagiging wais sa pagbibigay ng opinion sa mga tao.

Ang social media ay isang paraan upang makipag-ugnayan sa mga tao na maaaring
malayo sa atin. Dito, ang bawat indibidwal ay nakagagawa, nakakahayag, nagbabahagi,
nakikipagpalitan ng ideya, impormasyon at saloobin sa isang virtual na komunidad at mga
network. Karamihan sa mga indibidwal ngayon ang gumugugol ng oras para bisitahin ang mga
iba't-ibang site ng social media gaya ng pagkuha ng datos upang magkaroon ng kaalaman. Hindi
natin maitatanggi na malaki ang naitutulong ng social media para sa ikakaunlad ng buhay ng
bawat indibidwal isang halimbawa nito ay ang mga kabataan. Malaking tulong ito sa kanila sa
pag-aaral sapagkat nakakakuha ito sa paggawa ng mga gawain nila tulad ng takdang aralin,
research paper at iba pa. (Freelance, 2013).
Ayon kay Pascual (2016), Mas pinaliit ng social media ang mundo dahil inuulan tayo ng
maraming impormasyon, mas malawak na kaalaman at mas mabuting opurtunidad upang
magamit ang mga ito. Nabibigyan din ng magandang pagkakataon ang mga mag-aaral upang lalo
pang malinang ang kanilang pagkamalikhain o pagkamakasining at patuloy na pagkakaroon ng
mga makabagong ideya.

Ang social media ay isang channel kung saan mo makikita ang iba’t ibang klase ng social
networking sites gaya ng Facebook, Twitter, Instagram at marami pang iba. Sa panahon ngayon,
marami na ang nahuhumaling sa paggamit ng mga ito.

Ayon kay Dremur (2016), dahil sa pagkaimbento ng social media, maari na makipagusap
sa mga kaibigan, kamag-anak o kapamilya na nasa malalayong lugar. Maaaring magbahagi ng
mga bagay kung san ka interesado tulad ng mga larawan o bidyu at may malaking epekto sa
pang-araw-araw na buhay. Malaki ang tulong ng social media pagdating sa pag-aaral. Maaaring
maiiwasan ang masasamang epekto ng social media kung may sapat na patnubay ang mga
magulang ng mga kabataan at lalong-lalo kung may disiplina sa bawat sarili sa paggamit ng
social media.

Ayon naman kay Landicho (2016), Ang social media ay may higit na mabuting
naidudulot sa mga mag-aaral. Napapalawak ng mga sites na ito ang kaalaman ng mga mag-aaral,
napagtitibay ang relasyon ng mga magkakaibigan, nakahahanap ng bagong mga kaibigan,
napagbubuti ang buhay sosyal, nagtatagpo ulit ang mga dating naging kaibigan na matagal ng
walang komunikasyon sa isa’t- isa at higit sa lahat, naipapahayag sa buong mundo ang sariling
ideya at pananaw sa buhay.

Ayon din kay Rivera (2016), maraming naaapektohan ang internet at social media dahil
nga sa malakas na impluwensya nito ay marami sa mga kabataan ngayon ang nahuhumaling dito.
Gaya nalang sa pag-aaral, mga gawaing pangbahay at kung ano ano pa, kahit may masamang
epekto ang social media at internet sa atin, hindi natin mapagkakaila na sobrang halaga ating
buhay ang social media at malaki ang naitutulong nito sa pang-araw-araw nating pamumuway.

Ayon naman kay Hosmillo (2016), Kapansin-pansin ang pagdami ng mga tao na
gumagamit ng social media sites sa panahon ngayon. Isa lamang ito sa malaking bahagi ng
teknolohiya sa makabagong panahon. Sa mga nakaraang taon hanggang sa kasalukuyan, ito ang
naging pangunahing kagamitan upang mas mapadali ang paghahanap ng impormasyon at ang
pakikipag komunikasyon sa mga mahal sa buhay. Ito ay naging instrumento din upang mas
mapabilis at maging mabisa ang pananaliksik sa ibat ibang aspetok base sa pangangailangan.

Ayon naman kay De La Cruz (2017), Ang mga mag-aaral ay bumibisita sa iba't ibang
online plataporma upang mangalap ng impormaston para malutas ang kanilang mga takdang-
aralin. Nakakatulong ito upang mapabuti ang akademikong pagganap ng isang mag-aaral.

Ang social media ay isang sistema na ginagamit upang makipag-ugnayan sa mga taong
nasa malayo. Ang social media ay isang channel na may iba't ibang social media sites.
Halimbawa na dito ay ang facebook,instagram,twitter,youtube at iba pa.

Ayon kay Sadorra (2019), dumarami na ang naiaambag ng teknolohiya sa pang-araw-araw na


pamumuhay. Ang social media ay hindi maikakaila na produkto ng makabagong teknolohiya,
ang social media ay nagkaroon ng epekto sa paghubog sa pag-uugali at kaisipan ng bawat tao. Ito
ay pwede mag dulot upang magpalakas o magpahina sa mga positibong pananaw ng bawat mag-
aaral.

Nakapaloob din sa internet ang social media sapagkat kung walang internet hindi natin
maaring magamit ang social media. Isang dahilan ang social media upang mas maging mahusay
ang mga mag-aaral sa kanilang akademikong pagganap. Samakatuwid ang social media ay
nagpapatibay ng komunikasyon ng bawat tao sa isa't isa. At isa din ang social media para
magamit sa mga bagay na iyong gustong malaman at hindi na kinakailangan magpunta sa
malalaking silid- aklatan at maghanap ng reperensya.

Ayon kay Veraces (2020) ang Social Media ay isang instrumento upang mapabilis ang
pakikipagkonekta sa ibang tao. Ito rin ay nagsisilbing gabay lalong-lalo na sa mga mag-aaral.
Napapataas ng social media ang kalidad ng edukasyon. Ito ay mayroong mabuting naidudulot sa
mga mag-aaral. Natutulungan ng iba't ibang sites ang mga mag-aaral na mapalawak ang kanilang
kaalaman sa iba't ibang larangan tulad ng Facebook, Google at Youtube. Sa tulong ng social
media mas napapadali ang pagkuha ng impormasyon at datos patungkol sa napapanahong isyu.

Ang Social Media ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao na kung


saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon at mga ideya sa isang
virtual na komunidad at mga network. Ngayon, ang social media na ang madalas na ginagamit
sapagkat hindi lang ito para sa mga nagtatrabaho ngayon kundi pwede din ito sa mga
estudyanteng nahihirapang maintindihan ang mga leksyon o ang mga tinuturo ng kanilang mga
guro (Contillo, 2020).

DAYUHANG LITERATURA

Ang social media ay isang uri ng komunikasyon na ginagamitan ng internet. Ang mga
gumagamit ng platform ng social media ay maaaring magbahagi ng impormasyon at makipag-
usap sa mga kaibigan at pamilya. Maaari ding gamitin ang social media upang matuto ng mga
bagong bagay, mapalawak ang kaisipan at interes.

https://l.facebook.com/l.php?u=https%3A%2F%2Fwww.usf.edu%2Fucm%2Fmarketing
%2Fintro-social-media.aspx%3Ffbclid
%3DIwAR3AHk9lXv3jC8ESKyLIAKBA8RXuKmAJKoVIf3YppIBewS2wlq7RSTBhx5Q&h=
AT1Si-T3TOK1X038YAe2_E-
Mh7lQQC_vALR_msWlI21wq2AiFhF2n98oQf8CZGcVgAPWncspZRKHQDzBatXWQBIOUb
5qwyns6tbbhbyJdTAQ0WS3h4IpOCC-AgqpKs38ddvBOw
Sa panahon at makabagong henerasyon ay tumataas na ang bilang ng mga taong
gumagamit ng social media.
Ayon kay Writer (2013), sa kaniyang artikulong "Ano ang Social Media' Ang social
media ay tumutukoy sa sistema ng pakikipagugnayan sa mga tao na kung saan sila ay lumilikha,
nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon at mga ideya sa isang virtual na komunidad.

Nabuo ang social media dahil sa pangangailangan ng ating lipunan. Ito ay masasabing
isang mabuting paraan upang mas mapadali ang pagbabahagi at pagkukuha ng impormasyon sa
ibang tao gamit ang social media. Hindi maipagkakaila na marami nga ang benepisyong
naiambag nito sa buhay ng tao lalo na sa mga mag-aaral napapabilis ang paghahanap o
pananaliksik ng mga impormasyon sa tulong ng Panghinain, Sulat troniko, Talahulugan at iba
pang pook-sapot o artikulo na maaring pagkuhanan ng karagdagang kaalaman para sa iyong
hinahanap na kasagutan o impormasyon.

Isinaad ni Faizi et al (2013) ang mga potensyal na benepisyo ng paggamit ng social


media sa edukasyon. Sa kanyang pananaliksik, isinaad nya na ang social media ay mayroong
malaking bentahe sa pag-aaral ng mga estudyante. Sa katunayan, napag-alaman na ang mga
webbased application na ito ay maaaring mapabuti ang komunikasyon sa pagitan ng mag-aaral at
ng mga guro. Kung walang maayos na komunikasyon sa pagitan ng guro at mag-aaral, parehong
magiging mahirap ang pagtuturo at pag-aaral. Pag-unawa sa mga estudyante ay malaking tulong
upang malaman ng mga guro ang paghihirap nila sa pag-aaral. Kapag mas konektado ang mga
guro sa kanilang mga mag-aaral, malamang na matutulungan nila ang mga mag-aaral na matuto
nang mabilis at magkaroon ng magandang akademikong pagganap. Isa pang benepisyo nito ay
ang mga aplikasyon ng social media ay nagpapaunlad ng pagtutulungan upang makamit ng mga
mag-aaral ang kanilang iisang layunin. Ginagamit din ng mga mag-aaral ang social media bilang
isang kasangkapan sa pagkalap ng bagong impormasyon ng isang bagay na makatutulong sa pag-
unlad ng kanilang kaalaman.

May iba't ibang pananaw ang mga iskolar sa paggamit ng social media at mga epekto nito
sa pagtuturo at sa pag-aaral. Ang mga tao lalo na ang mga mag-aaral ay tinukoy na ang social
media ay nakakaimpluwensya sa kanilang akademikong pagganap sa pag- aaral kung ito ba ay
positibo. Ang mga mag-aaral ay gumugol ng maraming oras sa paggamit ng social media upang
makipagkonekta sa mga kaibigan, mga kaklase, at mga taong may kapaki-pakinabang sa
kanilang pag aaral. Gayunpaman, mas maraming mga mag-aaral ang umaasa sa pagkuha ng mga
impormasyon sa social media at malaki ang natutulong ng social media sa akademikong pag-
aaral ng mga mag-aaral. Dapat gamitin ang social media sa tamang paraan at hindi nag-aaksaya
ng oras sa walang kwentang bagay (Rithika & Selvaraj, 2013).

Gayunpaman, Ang social media naman ayon kay Janssen et al., (2014) ay nagiging isang
mahalagang bahagi ng buong buhay ng mag-aaral. Ang oras na ginugugol ng mga kabataan sa
social media ay nagkakaroon ng epekto sa kanilang akademikong pagganap na nagtatapos ng
negatibo. Ang lahat ng mga uri ng mga teknolohiya ay lubos na pinalawak ang saklaw ng
parehong positibo at negatibong epekto kung kaya't hindi dapat kalimutan ang mga negatibong
kahihinatnan na maaring magkaroon ng sobrang pag-iisip ng lipunan. Ayon din sa kaniya ang
social media rin ay dapat gamitin ng tama at maayos upang maiwasan ang masamang dulot nito
para sa magandang resulta ng akademiko ng mga mag-aaral.

Ayon sa pag-aaral nina Borycki et al (2014) Sinasaliksik ng artikulong ito ang hanay ng
mga plataporman ng social media na ginagamit ng mga mag-aaral upang suriin ang mga
benepisyo at hamon ng paggamit ng mga ito mula sa pananaw ng mga tao. Isang pagsusuri sa
literatura ang isinagawa upang siyasatin ang paggamit ng teknolohiya ng social media ng mga
ma-aaral.Natuklasan na dumami at tumaas na ang gumagamit ng social media lalo na ang mga
mag-aaral .Eto ay nagpapahiwatig ng isang magandang hinaharap para sa paggamit ng social
media ng mga mag-aaral.Lumabas din sa kanilang pag-aaral na mas napapadali ang mga gawain
ng mga mag-aaral dahil sa social media.Dahil napapabilis na ang kanilang pagkuha ng mga
impormasyon at kasagutan sa kanilang mga tanong.

Batay kay Karadkar manunulat ng technician online (2015), na mayroong mga rason ang
mga mag-aaral kung bakit sila nag lalaan ng oras sa mga social media. Nakakasalamuha sila ng
mga bagong tao sa iba't ibang bahagi ng mundo. Ang konsepto ng social media sa edukasyon ay
hindi lamang tungkol sa pag-aaral bagkus kung paano mo ito gagamitin ng wasto.

Maraming naidudulot na mabuti ang social media sa edukasyon. Ilan lamang dito ay ang
pagpapadali ng mga gawain na may kinalaman sa pag-aaral halimbawa nito ang paggawa ng mga
aktibidad, asignatura at pananaliksik. Ang pagiging konektado sa iba't ibang bahagi ng mundo at
ang makabagong karanasan na nakakatulong sa pag-unlad ng mga mag-aaral. Nakapaloob sa K-
12 cirriculum ang tinatawag na leaner-centered approach na kung saan ay binibigyang halaga ang
mga mag-aaral sa pagbuo ng kaalaman at pagsasaad ng makabuluhang gawain na humuhubog sa
kanilang pisikal, saykolohikal at espiritwal na katangian. Ngunit, kalakip ng approach na ito sa
edukasyon ay ang tinatawag na values integration at contextualization makakatulong sa mga
mag-aaral upang maging isang mabuting mamamayan.

Ayon kay Dreemur (2016), dahil sa pagkaimbento ng social media, maaari na makipag-
usap sa mga kaibigan, kamag-anak o kapamilya na nasa malayong lugar, Isa ito sa magandang
epekto ng social media, bagama't para kay Kolan et al., (2017) maliban sa benepisyo na maaaring
makuha ng mga estudyante sa social media, may ilang mga lawak ng pagkahumaling at sanhi ito
ng paggamit ng social media na maaaring magkaroon ng malubhang kahihinatnan sa
akademikong buhay ng mga estudyante.

Sakabilang banda ang paggamit ng social media ay ginagawa itong bahagi ng pang-araw-
araw na komunikasyon ng ating mga kabataan, ang kanilang paggamit ay nakakaimpluwensya sa
paraan ng mga tao na nakikipag-ugnay sa bawat isa. Bilang isang konklusyon ito ay
pinaniniwalaan na ang pagbabahagi ng mga bidyu at mga larawan sa mga social media ay
nakakaengganyo sa mga mag-aaral na may kinalaman sa kanilang mga talakayan at
pakikipagpalitan ng mga ideya na makukuha nila, may positibong epekto ito sa mga
akademikong pag -aaral at nagiging tagumpay ng mga mag-aaral kaya magiging kapaki
pakinabang ang paggamit ng social media sa lipunan at nagiging kasangkapan ito para sa mga
layuning pang-edukasyon (Tezer, et al., 2017).

Batay naman sa European Scientific Journal (2017), Ang social media ay lumalaki at mas
lumalawak ang paggamit nito at umabot na halos lahat ng bansa, kaya imposible na pigilin ang
mga tao lalo na ang mga mag-aaral na gumamit ng facebook o social media araw-araw, Dapat
ding limitahan ng mga magulang ang kanilang mga anak sa pag-access ng social media at
dagdagan ang kamalayan sa kanilang mga anak tungkol sa negatibong epekto nito.

Ang akademikong Pagganap ay isang sukatan ng tagumpay ng isang mag-aaral sa


anumang institusyong pang-akademiko (Riddh, 2021) maaaring positibo o negatibong epekto ito.

Ayon kay Dollarhide (2023) pinapadali ng social media ang pagpapalitan ng


impormasyon at mga ideya sa pamamagitan ng mga virtual network. Ilan sa halimbawa ng social
media app ay Facebook, Instagram, Twitter at YouTube. Ang social media app at platform ay
nagbibigay daan sa mga gumagamit nito (user) na magbahagi ng kaalaman at makipag-ugnayan
online. Sa pamamagitan din ng social media mas madaling maa-access ang mga napapanahong
impormasyon.

Dahil sa social media ang ating mundo ay lumiliit at ang paraan ng ating pagkatuto ay
nagbabago. Sa pamamagitan nito mas napapadali ang pagkatuto at pag intindi ng mga estudyante
sa kanilang pinag-aaralan. Maraming benepisyo ang makukuha ng mga mag-aaral sa social
media, ito ay naging isang mahalagang bahagi ng buhay panlipunan ng isang mag-aaral. Sa
maraming mga paaralan, ito ngayon ay itinuturing na isang platform ng pag-aaral na nagpapabuti
sa pakikipag-ugnayan at mga kakayahan ng mag-aaral. Ang mga platform na ito ay nagbibigay-
daan sa mga mag-aaral na kumonekta, makipag-usap, mag-access ng impormasyon, at
magsagawa ng pananaliksik. Ang mga mag-aaral ay ginaganahang matuto kapag ginagamit ang
mga social media platform sa paaralan. Ang mga pang-edukasyon na video sa YouTube,
madaling pag-access sa mga e-book at pag-aaral sa pamamagitan ng video call ay iilan sa
mahahalagang aspeto na nakakatulong sa pag-unlad ng edukasyon. Ang pag-aaral ng distansya
(Distance learning) ay isa sa mga pinakamahusay na paraan upang matuto habang nasa ibang
lugar na ginawang posible ng social media. Sa pamamagitan ng social media natutuklasan ng
mga mag-aaral ang kanilang mga kakayahan sa iba't ibang larangan. Ang isa pang mahalagang
epekto ng social media ay ang pagpapabuti ng akademikong pagganap at kaalaman ng mag-aaral
sa pamamagitan ng pangangalap ng datos at impormasyon. Kapag ang mga mag-aaral ay
nakatalaga sa mga proyekto sa paaralan, gumagamit sila ng iba't ibang online na platform upang
mangalap ng impormasyon at makahanap ng mga solusyon sa kanilang mga problema (Singh,
2023).

KABANATA III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga disensyo ng pananaliksik, paraan ng


pangangalap, respondante o kalahok at tritment ng datos upang mabigyan ng katugunan ang mga
mananaliksik.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag–aaral na ito ay gumagamit ng pamamaraang diskriptibo analitik sa pag-aaral


upang maisagawa ang pagmamasid at serbey. Ang diskriptibong pamamaraan ng pananaliksik ay
naglalahad ng katuturan ng isang bagay na batay sa kahulugan nito. Ang mga mananaliksik ay
dumaan sa madaming proseso ng pagsasagawa ng tungkulin sa nasabing paksa. Nagbasa ng libro
at sinuring mabuti ang bawat linya at paksa. Ito ay ginawa upang masustentuhan ang
impormasyon na kinakailangan sa pag-aaral.

Paraan ng Pangangalap
Sa pag-aaral na ito, gumamit ang mga mananaliksik ng kwantitibong dulog upang
mailahad sa pag-aaral na ito ang buong katugunan ng mga respondante.

Bilang pangunahing instrumento, ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng sarbey upang


makakalap ng datos tungkol sa benepisyo ng social media sa mga mag-aaral ng ABM 11- Sun.
Gumamit din ang mga mananaliksik ng mga saradong talatanungan upang ang mga tugon ng
mga respondante ay mokontrol ng mga mananaliksik at hindi makapanakit ng damdamin ng tao.

Respondante o Kalahok

Ang mga mananaliksik ay magsasagawa ng schedule sa kanilang punong guro upang


humingi ng permiso para sa pananaliksik. Nasasaklaw lamang ng pag-aaral na ito ang mga mag-
aaral ng ABM-A-Sun mula sa New Generation International School. Ang mga mananaliksik ay
gumamit ng talatanungan o online survey questionnaire at pinamahagi ito sa kanilang mga
respondante upang makakuha ng mga impormasyon at alamin kung ano ang dulot ukol sa paksa
ng benepisyo ng social media sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral.

Sa ganitong uri ng pag-aaral ang mga mananaliksik ay sumusubok na malaman ang mga
katotohanan tungkol sa kamalayan ng benepisyo ng social media sa akademikong pagganap ng
mga mag-aaral sa kanilang mga personal na buhay.

Sinisigurado ng mga mananaliksik na ang mga nakapaloob na sagot sa talatanungan o


online survey questionnaire ay magiging pribado at ekslusibo lamang sa pag-aaral na ito.

Tritment ng datos

Gagamit kami ng purpose sampling kung saan nakabatay sa pananaw ng mag-aaral ng


ABM 11 Sun ang kanilang pagiging kwalipikadong respondante para sa pag-aaral.
Ang mga katanungang isasagawa sa pakikipanayam ay lubos na pinag-isipan ng
mananaliksik upang makuha ang mga kasagutan at opinyon ng mga respondante patungkol sa
benipisyo ng social media.

SARBEY KWESTYUNER

Benepisyo ng Social Media sa Akademing Pagganap ng mga

Mag-aaral ng ABM-A-SUN ng New Generation

International School s.y 2022-2023

Pangalan (optional): ___________________ Kasarian: _______________________

Oras na ginugol sa paggamit ng social media: ___________________________

Uri ng gadyet na ginagamit: (lagyan ng tsek ang napiling sagot)

Selpon
Laptop

Tablet

Kompyuter

Iba pang kasagutan:___________________

Panuto: Basahin ang mga tanong at lagyan ng tsek ang kahon kung oo o hindi base sa iyong
pananaw.

HIN
MGA TANONG: OO DI
1. Sa iyong palagay bilang mag-aaral nararapat bang gamitin ang social
media bilang instrumento sa iyong pag-aaral?
2. Bilang isang mag-aaral, epektibo ba ang social media bilang isang daan
sa pakikipagkomunikasyon sa iyong guro kapag ikaw ay nahihirapan?

3. Nagtataglay ba ng magandang resulta sa performans mo ang paggamit


ng social media?
4. Nakatutulong ba ang social media sa pagkalap mo ng impormasyon
para sa iyong aralin?
5. Nakatulong ba ang social media sa iyong pag-aaral noong kasagsagan
ng Covid-19?
6. Sa iyong palagay mas maganda at madali ba ang makabagong paraan
ng pag-aaral?
7. Nababalanse mo ba ang oras ng paggamit ng social media at pag-aaral?
8. Sa pag gamit mo ng social media nahahasa ba ang iyong isipan?
9. Nakakatulong ba ang social media sa pag gawa mo ng aktibiti?
10. Mas madali mo bang naiintindihan ang tinuturo ng iyong guro kapag
sila ay gumagamit ng social media platforms?

Soriano L. (2016). Social Media sa Akademikong Pag-aral ng mga mag-aaral. Retrieved from
https://www.academia.edu

Santos M. (2016). Social Media sa Akademikong Pag-aral ng mga mag-aaral. Retrieved from

https://www.academia.edu

Ellison (2007). Positibo at negatibong epekto ng social networking sa nga kabataan. Retrieved from
https://www.academia.edu/23061910/

Smock, Ellison, Lampe at Wohn (2011). Epekto ng social media sa mga kabataan. Retrieved
fromhttps://www.scribd.com/document/450414517/

Ogatia, Bonacia, Albiar, Sanfelipe at Garcia (2019). Epekto ng social media sa mga kabataan.
Retrieved from https://www.scribd.com/document/450414517/

Gannaban (2013). Epekto ng social media sa mga kabataan. Retrieved from

https://www.scribd.com/document/450414517/

Pascual (2016). Ang epekto ng Social Media sa mag-aaral at Edukasyon. Retrieved from
https://1bataan.com/ang-epekto-ng-social-media-sa-mag-aaral-at-edukasyon/

Rdouan, F., Abdellatif El A., & Raddouane C. (2013). Exploring the Potential Benifits of Using
Social Media in Education. Retrieved from
https://www.researchgate.net/profile/Rdouan-Faizi/publication/272998596_Exploring_the_Poten
tial_Benefits_of_Using_Social_Media_in_Education/links/5598ab7708ae5d8f3933f9ab/
Exploring-the-Potential-Benefits-of-Using-Social-Media-in-Education.pdf

University of South Florida, 2023). Introduction to Social Media. Retrieved from

https://www.usf.edu/ucm/marketing/intro-social-media.aspx

Dollarhide (2023). Social Media: Definition, Effects, and Lists of Top Apps. Retrieved from

https://www.investopedia.com/terms/s/social-media.asp

(Singh, 2023). Positive and Negative Effect of Social Media on Education. Retrieved
fromhttps://www.theasianschool.net/blog/positive-negative-effect-of-social-media-on-
education/#:~:text=Social%20Media%20helps%20boost%20creative,make%20it%20took
%20aesthetically%20appealing.

Veraces (2020). Paano nakakatulong ang Social Media sa Edukasyon? Retrieved from

https://www.tumblr.com/11humssclass/636550355219595264/paano-nakakatulong-ang-social-
media-sa-edukasyon?source=share

(Contillo, 2020). Ang kahalagahan ng Social Media. Retrieved from

https://socialmedia675085498.wordpress.com/2020/12/05/ang-kahalagahan-ng-social-media

(Penetrante, Domingo & Sabado, 2016). Positive effects of Social Media to the Academic
Performance of students. Retrieved from

https://www.studocu.com/ph/document/wesleyan-university-philippines/accountancy/positive-
effects-of-social-media-to-the-academic-performance/12269856

Tonte(2013). Epekto ng social media sa mga kabataan. Retrieved from


https://www.scribd.com/document/450414517/Epekto-ng-social-media-sa-mga-kabataan-1-docx

Gannaban (2013). Epekto ng social media sa mga kabataan. Retrirved from

https://www.scribd.com/document/450414517/Epekto-ng-social-media-sa-mga-kabataan-1-docx

Karadkar (2015). Epekto ng pagkahilig sa literaturang filipino ng kabataan gamit ang social
media. Retrieved from https://www.scribd.com/document/353807317/Kabanata-II
Hyllegard, Ogie at Rietz (2011). Epekto ng pagkahilig sa literaturang filipino ng kabataan gamit
ang social media. Retrieved from https://www.scribd.com/document/353807317/Kabanata-II

Resident Patriot (2012). Social Media at ang Modernong Pilipino. Retrieved from

https://thepinoysite.com/2012/10/07/social-media-at-ang-modernong-pilipino/?amp=1

Jhoselle T., Jenalyn C., Nicole Ann E., Niña Ercie P. (2021). The Social Media Usage and It's
Impact on the Filipino Learner"s Academic Performance Amidst the Online Education. Retrieved
fromhttps://www.researchgate.net/publication/356161965_The_Social_Media_Usage_and_Its_I
mpact_on_the_Filipino_Learners'_Academic_Performance_Amidst_the_Online_Education

Noemefatallar (2021). Ano nga ba ang Social Media? Retrieved from

https://noemefatallar81.medium.com/ano-nga-ba-ang-social-media-51bc64438590

Dremur (2016). Epekto sa pagkahumaking sa social media. Retrieved from

https://pdfcoffee.com/epekto-sa-pagkahumaling-sa-social-media-pdf-free.html

Landicho (2016). Epekto sa pagkahumaking sa social media. Retrieved from

https://pdfcoffee.com/epekto-sa-pagkahumaling-sa-social-media-pdf-free.html

Rivera (2016). Epekto sa pagkahumaking sa social media. Retrieved from

https://pdfcoffee.com/epekto-sa-pagkahumaling-sa-social-media-pdf-free.html

Patagay (2013). Epekto sa pagkahumaking sa social media. Retrieved from

https://pdfcoffee.com/epekto-sa-pagkahumaling-sa-social-media-pdf-free.html

Rithika & Selvaraj (2013). Epekto sa pagkahumaking sa social media. Retrieved from

https://pdfcoffee.com/epekto-sa-pagkahumaling-sa-social-media-pdf-free.html

Tezer, et al. (2017). Epekto sa pagkahumaking sa social media. Retrieved from

https://pdfcoffee.com/epekto-sa-pagkahumaling-sa-social-media-pdf-free.html

Kaya (2018). Epekto sa pagkahumaking sa social media. Retrieved from

https://pdfcoffee.com/epekto-sa-pagkahumaling-sa-social-media-pdf-free.html
Kolan et al. (2017). Epekto sa pagkahumaking sa social media. Retrieved from

https://pdfcoffee.com/epekto-sa-pagkahumaling-sa-social-media-pdf-free.html

Janssen et al. (2014). Epekto sa pagkahumaking sa social media. Retrieved from

https://pdfcoffee.com/epekto-sa-pagkahumaling-sa-social-media-pdf-free.html

Jalil et al. (2010). Epekto sa pagkahumaling sa social media. Retrieved from

https://pdfcoffee.com/epekto-sa-pagkahumaling-sa-social-media-pdf-free.html

You might also like